webnovel

EPISODE-FOUR

"Mycka Biore/The Past Eye"

Mycka Biore's P.O.V

Ako nga pala si Mycka kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Nurse dito sa Maynila.

Ako ang panganay sa aming tatlo, Anak ako sa unang asawa ni Papa. Sumunod saakin si Rex at ang bunso namin na si Danny.

Matagal ko nang tinatago ang aking kakayahan. Ayukong matawag na baliw. Lalo na sa propesyon ko bilang isang Nurse.

Heto ako ngayon naka upo sa nurse station. Break ko naman so okay lang na mag day dreaming.

Hanggang sa tinawag si Mycka ng kanyang matalik na kaibigan.

"Tama na yan ate miks! Break mo diba? Halika silipin natin yung bagong dating na Doctor. Balita ko galing sya sa U.S I'm sure pogi to!" Aya nang kaibigan ni Mycka sakanya.

"Nako Myda! Ikaw nalang pupuntahan ko pa si Mang Kadyo. " Sagot ni Mycka at agad itong tumayo.

"Sige ka! Ikaw ang bahala. Di mo ba alam? Pa out nko tapos ang papalit sakin ay si Charity A.K.A FafaJojo." Sabi ni Myda sabay kindat sakanya.

"Hindi naman sa nag didiscriminate ako ng LGBT sis and bro natin, pero napaka kulit talaga nya. Sge na sasama nako!" Sambit ni Mycka sabay kuha ng kanyang bag.

Habang papunta sila sa main building kung saan nagaganap ang pa welcome party. May nabangga si Mycka na isang babae. At nang mahawakan nya ang braso nito. May nakita nanamang syang pangitain.

Nakatulala lang si Mycka sa mga oras na yun. Nagbalik lang ang kanyang ulirat nang tawagin sya ni Myda.

"Ate miks? Ayus ka lang?"

"Naku! Pasensya na miss.." Sabi ni Mycka.

Agad nag hubad ng Shades ang babae at sabay sabing.

"It's okay, it's not intentional. I understand.. Excuse me!" Sagot ng babae sabay talikud.

Nang makalayo na babae...

Agad nasambit ni Mycka ang isang lugar..

"Sta. Helena..?"

"Loka loka Ang babaeng yun, nasa loob sya ng Ospital naka shades? Pero bilisan na natin." Sabi ni Myda at agad nyang hinila si Mycka.

Samantala sa opisina ni Dr. Santos.

"Hi, Dr. Santos? My name is Jean Robles nice to meet you." Sabi ng babae sabay abot ng kanyang kamay kay Dr. Santos.

"How can I help you Ms. Robles? I've checked my schedule today. And I don't have any appointments from you?" Sagot ni Dr. Santos.

"Maari bang umupo?" Sabi ng babae habang nakatakas ang kanyang kanang kilay.

"Sure have a seat!" Alok ni Dr. Santos sakanya.

"Thank you. Akala ko di muna ako papa-upoin? Anyway. Dr. Heero James Santos. Nandito ako para ibalik ang mga alaala mo sa nakaraan." Sabi ni Jean sabay hubad ng kanyang Shades.

"What do you mean?" Naguguluhang Sabi ni Dr. Santos.

"Wait medyo mainit sa Opisina mo?" Sabi ni Jean at agad niyang hinubad ang sout nyang blazer. Ngayon ay tumambad Kay Dr. Santos ang makinis at maputing balikat ng babae. Napalunok nalang ng laway ang lalaki dahil sa ginawa ng misteryosong babae.

"Mukhang nang eenjoy ka sa pinapanood mo Dr. Santos? Aaminin kung maganda ako pero di ako naparito upang makipag sex. I admit your hot? But we can talk about it after my mission. Now, do you believe in reincarnation?" Paunang tanong ni Jean sakanya.

"What kind of question is that? What do you want?" Tanong ni Dr. Santos.

"Hindi ko inaasahan na mas magulo kang kausap. Pero sige, ipapaalala ko sayo lahat." Tumayo si Jean at inalapit ang kanyang mukha kay Dr. Santos at sabay hila ng necktie nya.

"Miss Jean? " Nauutal na Sabi ni Dr. Santos.

"You are the great grandson of Morales family during Spanish era. Senior Chief Jacinto Santos. " Sabi ng babae at bigla nyang hinalikan si Dr. Santos. Nang maglapat ang kanilang mga labi. Dahan-dahang bumalik ang mga alaala ni Dr. Santos bilang isang Sundalo noong 1845.

"Seniora Vina Robles? " Sambit ni Dr. Santos.

Napangiti si Jean at agad niyang siniil ng mainit na halik ang doctor.

Samantala nakita naman nina Mycka at Myda Ang bagong doctor. At nakausap pa nila Ito.

"Ate miks, feeling ko? May gusto si Dr. Santiago sayo." Sabi ni Myda.

"Papano mo naman nasabi yun?" Tanong ni Mycka.

"Kasi noong kinakausap ka nya panay titig sya sayo. Grabe sya makangiti." Sabi ni Myda habang nag-aayus.

"Naku! Matanda nko para sa mga ganyang kilig kilig na yan. At sa tingin mo magkakagusto sya saakin at sa first meet pa talaga. Kaw talaga!" Sabi ni Mycka habang umiinom naman ng kape na binili nila ni Myda sa Convenience store.

"Maganda ka kaya ate miks? Ewan ko ba kung bakit ilag ka masyado pag-usapan ang love love na yan? Pero kung papapiliin ka? Dr. Santiago na may batuta talaga o si Fafa Jojo na clover eklavu lover?" Tanong ni Myda.

Napahagalpak nalang sa tawa si Mycka.

"Ano kaba, mabait naman si Charity? Tawagin nalang natin syang charity kasi di ako sanay na tawagin syang Jojo. Pang miss friendship lang talaga Ang ako no?" Sabi ni Mycka.

"Ikaw bahala ate miks Basta ako malakas ang pakiramdam ko na may future at past kayo ni Dr. Santiago. Remember he's very pogi at age of 29. Oh sya! I have to go ate miks. Kita kits bukas!" Paalam ni Myda sakanya.

Habang si Rex naman,

"Miss Morales, I don't like this article! Halatang minamadali mo!" Sabi ng boss ni Rex.

"Sir naman? Anong minamadali? Eh two week ko yan sinulat and this legit!" Depensa ni Rex.

"No I want you to revive this in 2 hours. And you can close the door kapag tapos kana mag dahilan." Sabi ng boss ni Rex.

"Pero Mr. San Buena?" Tangkang pagsasalita ni Rex pero pinigilan sya ng boss nya. Wala syang nagawa kundi lumabas ng opisina habang nakasimangot.

"Ang cute nya talaga kapag nakasimangot." Sabi ni Mr. San Buena. At agad nyang kinuha ang cellphone.

"Hello, this is Gelo San Buena, you may get now the article from Ms. Morales. You can published this now." Sabi ni Mr. San Buena.

Habang si Rex ay aligaga na nakaharap sa kanyang computer.

"Girl? Ayus Ka lang why so busy?" Tanong ni Mercedes.

"Nako Hindi tinanggap ng boss natin Ang article ko. Bwesit talaga. At ang kapal ha? Sabi nya minamadali ko daw yun. Alam ni lord na natapos ko yun ng 2 weeks. Never ako gumawa ng article na Hindi legit. Nagbayad pako jusko. Nakakainis talaga!" Reklamo ni Rex.

"Ah bes? Mukhang matatanggal na yang keyboard ng laptop mo! Yung article ba na sinabi mo. Ay tungkol sa love? " Mahinahong Sabi ni Mercedes.

" Oo yun ay nako kainis..bigyan Moko ng konting oras bes. Tatapusin ko lang to! Revive lang naman." Sabi ni Rex habang patuloy padin sa pagtatype sa laptop nya.

" Ah bes, nasa publishing house na kaninang 11am pa" Sabi ni Mercedes.

"Ano? Tang Ina naman! Nang-aasar ba yang Gelo na yan?" Galit na Sabi ni Rex Hindi nya alam ay nakangiti lang si Gelo sa kanya habang parang sasabog na sya sa galit.

"Guys attention, we are on the top now. We need to say thank you to Ms. Morales." Sabi ni Gelo.

At agad namang binati si Rex ng kanyang mga ka trabaho.

" Salamat.." ngiting Sabi ni Rex kahit naiinis dahil sa nangyari.

"And Rex? May gagawin kaba later?" Tanong ni Gelo.

"Wala pero kelangan kung kumain. Libre Moko! Nakakainis ka din minsan no!" Sabi ni Rex sabay taas ng kilay nya.

Napangiti nalang sina Mercedes at Gelo dahil halatang naiinis pa din sa ginawa ng kanyang boss.

"Sagutin mo na kasi si boss!" Sabi ni Mercedes.

" Bahala sya sa buhay nya. Pero Boss! Uy! Libre Moko. I mean kami Pala lahat ng pizza ngayon na! Naiinis ako. Parang gusto kung manakit!" Sabi ni Rex.

"Opo ma'am ako na Ang bahala sa pizza nyo." Natatawang Sabi ni Gelo.

Itutuloy...