((( Secretary Lee POV's )))
Dala ko ang iniwang regalo sana ni Young Master Dominic kay Monina. Bumukas ang pinto para sa akin. At bumungad sa paningi ko si Master Cedrick na napapa-inom na naman ng alak.
Mamaya lang nakaschedule ang isasagawang operasyon niya.
Nilapag ko sa mesa. Inalis ko ang takip nito. Tinignan ni Master Cedrick. Isang box ng band aid, medical kit at scarf na pinalipad niya. At huli niyang nakuha love letter ata na napangisi siya.
"Palitan mo ng pera ang kahon na ito. Saka bilang kapalit din ng sulat ng kapatid ko make it clear na dapat lumayo ang babae sa kanya."
"Yes, Master Cedrick." saka nga tumayo siya at pumasok si Rhoa para itapon ng tuluyan ang madalian ngang ginawa ni Young Master Dominic para sa babae.
Pasensya, may ganito kang kapatid. Kung ako sa kanya, susuportahan kita.
Ngunit natigilan ako.
Si Monina ang hinalikan ni Master Cedrick at siya din ang babaing gusto ng kapatid nito. Ano ito? Magkakaroon ba talaga ng gyera sa pagitan nila?
Well, kung meron man, dapat ko ata paghandaan.
Alam kong darating ang panahon na mas lalaki ang sungay ni Young Master Dominic sa ginagawa ni Master Cedrick.
Muli ko na naman napanuod ang mahusay na operasyon ni Master Cedrick. At buti wala ngayong tauhan ng Hospital ang kinabahan para masipa ng dis-oras. Nagsipalakpakan ang kasama kong mga doctor. Narinig ko na lang din ang palayaw niya ulit. Dr. Alucard. Kung babasahin pabaliktad. Dr. Dracula.
Siguro nga gabi ang operasyon, sa oras ng kabilugan nang buwan. Siya ang pumipili ng gusto niyang biktimahin.
Sinalubong ko siya kasama ng tauahan nito sa pinto. Agad siyang pumunta sa kanyang opisina na nasa loob ng hospital.
Naligo at pinaghanda ko na nga ng pamalit.
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Like it ? Add to library!