webnovel

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · Urban
Not enough ratings
99 Chs

Chapter 25 Ask for

((( Monina POV's )))

Tulala lang ako na parang narape nga. Naglalakad ako papunta sa school na sinusumpa ang lalaking nanghalik sa akin. Baliw ba ang lalaking yun para manhalik nang ganoon? Ninakaw niya yung first kiss. Haist.

Ganito na ba talaga ka modern ang mundo para di ko malaman na okey lang mahalikan? Okey lang ba talaga?

Napalingon na lamang ako sa tabi dahil may pinagkukumpulan yug ilang studyante at may sinisilip sa bakod. Na sa kabila ng ng campus na itoi andoon ang Science department.

Yan Monina. Makisali ka din sa mga babaeng nakikilig para nga normal ka din. Tsk.

Pagpasok ko sa room. Natangap ko ang text Message ni Caroline.

"Ate, parts of newspaper. Ano ba ang tawag sa first page?"

Hay naku. Sabi ko na kasi mag-aral eh. Tiwalang tiwala sa mga stock knowledge nila.

"Front page." send ko na nga.

"Page ng mga patay?"

"Obituary."

Gulatin na lamang ako ng isang kaklase ko. patapik sa balikta ko. Ang puso ko.

"Anong problema mo?"

"Sa Science Department, ag daming gwapo doon."

Napangiti ako kay Angela. "Bakit may opapastalk ka ba?"

"Oo. Yung lalaking di gaano masalita."

"Pepe ba?"

"Di nga gaano masalita."

"Anong pangalan?"

"Dominic. Ang gwapo niya, pinagkakaguluhan talaga bigla. Kanina kasi may hinihintay dito sa department natin. Kaya yun, nanotice kagwapuhan niya. Kaya yung department nila bigla na lang humigpityung security. Ang hirap makapasok sa science department diba? Balita yung bakod may live wire."

"Dominic? Sino?"

"Di ko pa alam ang last name."

Di ko namalayan ang dami na text message sa akin ni Caroline. Kasalanan niyo yan di kayo nag-aral. Pera mga chanaks ang kakwentuhan ko ngayon.

"Dagdag pa ako ng fangirls niya para nga maarkila ka namin Monina. Ang mahal mo pa naman maningil."

"Bababa naman ang price ko kung di nga talaga ako mahihirapan."

"Hay naku girl, mahihirapan ka."

"Kilala mo ako laging Challenge accepted."

Saka nga nanlaki ang mga mata ko sa text message ng kapatid ko. Abala na akong sumagot kasama si google. Halos lahat ata ng tanong sa test paper tinext sa akin.

Kaya si Angela napalingon sa tabi niya. Nagkwentuhan habang naghihintay sa professor namin.

Nang marinig ko nga…

"Ang dami na namang buntis sa campus. Kilala mo yung muse ng department natin. Eww. Buntis siya atdi alam kung sino ang ama. Yan kasi daming lalaking pinapatulan."

"Alam mo Sis Angela kahit nga sa school nagagawa nila yung labas ng kalandian nila. Ang daming nakikita na condoms ni Manong Janitor doon sa likuran. Sa damuhan. Halata mo yung damo na nagkatumba-tumba dahil sa kalaspangan ng ilang studyante."

"Alam mo bang may namimigay kasing libreng condom dito? Tinutolerate ang mga kalandian nila. Buti na lang talaga ako, Boyfriend ko nagpipigil."

Hay naku mga tao talaga, binibig deal ang mga bagay na wala namang kinalaman sa buhay nila.

"Tinutolerate kahit nga si Miss Ruby na teacher natin sa Logic, haist, buntis."

"Talagang buntis siya? Di halata sa tiyan niya?"

"Si Stella mismo ang nagkweto sa akin. Pagandahan pa naman ng mga ibabalita."

At sabagay bilang Journalist alam namin ang nangyayari sa paligid. Ako, alam ko lang yung mga bagay na pagkikitaan. Talaga bang isa ako Journalist? Parang mali ang pinasukan ko. Di ako mahilig sa chismis.