webnovel

Do Not Shot Baby (Billiard Series 1)

Billiard Series One

Demonica_Rose · Teen
Not enough ratings
10 Chs

Billiard One

[SHAN VILLARIO]

"Nag cutting ka na naman?"bungad sa akin ni Kate. Tumango lang ako habang nakatutuk parin ako sa mga naglalaro dito sa bilyaran.

"Sino tinititigan mo jan?"tanong nya saka tumungga ng isang basong wine.

"Yung bagong salta"ani ko. Napataas naman ang isang kilay nya saka tumingin sakin.

"Sino jan? Marami tayong bagong salta dai!"hustisyo nya. Ngumuso naman ako doon sa lalaki na nakablack hoodie.

"Ahh si Rain"sabi nya. Rain?

"Ulan?"takang tanong ko. Tumango lang siya.

"Rain~ Rain~ Go away come again another day~"kanta ko. Napalingon naman lahat ng mga naglalaro isa na ron yung lalaki.

Napataas namana ang isang kilay ko. "Titingin tingin nyo?"mataray na tanong ko. Agad naman nag si iwasan ang mga loku maliban na naman sa kaniya.

Aba gusto ata nito makipaglaban ng titigan ah?

Pinanlakihan ko naman siya at doon sya nag iwas ng tingin. Weak pala si g*go eh!

"Ang siga mo talagang bata ka!"hampas sakin ni kate.

"Huy! Masakit yun ha"sigaw ko sa kaniya.

"Kate!"tawag sa kaniya ni kuya james. Pumunta naman ito at tinuloy ko lang ang panonood dito sa mga naglalaro.

Mamaya pa ay umalis na rin ako, nakakaboring na rin kasi at unti na lang ang naglalaro. Napatingin naman ako wrist watch at doon ko napansin na alas singko na pala ng hapon.

"Woah..."bulalas ko. At naghintay namasasakyan. Bat ngayun pa kasi nasira kotse ko! No choice tuloy ako kundi ang mag komyut na lang.

Habang naghihintay ako ay may tumabi sakin na lalaki hindi ko ito pinansin, bagkus ay kinuha ko na lang sa bulsa ko ang earphone ko at cellphone at nag soundtrip na lang.

Bat ba ang tagal ng jeep ngayun?

Habang abala ako kakalikot ko sa phone ko ay naramdaman kong may kumalabit sa akin. Nilingon ko naman ito at laking gulat ko na ang katabi kung lalaki ay yung lalaki kanina sa bilyaran. Putik anong ginagawa niya dito?!

"What do you want?"pagsusungit ko.

"Oh, naiwan mo yan kanina sa bilyaran"abot niya sa isang id list. Kinuha ko naman ito at gulat ko itong tiningnan. Hayp ID ko pala toh?!

Tumingin naman ako sa kaniya at nahihiyang nagpasalamat sa kanina. Kahit siga ako may hiya parin ako kahit papaano!!

Sakto ay dumating na rin yung jeep at sumakay na ako. Ala sais na ako nakarating sa condo ko at pakiramdam ko ay parang may mali.

Pumasok naman ako at naamoy ko naman ang alak. Soju!

Pumunta naman ako sa kwarto ko at may taong nakahiga doon at nakatalukbong pa ito.

Napailing naman ako dahil kilala ko naman kung sino ito. Lumapit naman ako at tinanggal ang talukbong.

"How many time did i tell you Francine! Wag kang dederitsyo dito sa condo ko pag maglalasing ka?!"bulalas ko dito.

"Argh! Please not now Shan!"hila niya pabalik sa kumot. Argh!

Sinipa ko naman siya paalis sa kama ko at nalaglag ito. "Argh! Shan naman eh! I said not now?!"sigaw niya.

"Broken ka na naman noh?!"taas ko sa isang kilay. Hindi naman ito sumagot at nag iwas lang ito tingin sakin. Sabi na eh

"Ang rupok mo talaga kahit kailangan"iling ko.

"Mana sayo..."sagot niya.

Pasmado bibig nito ah?;-;

"Huy! Oo marupok ako! Pero tang*na ikaw pang bente muna binalikan yang jowa mo na mukha namang hito!"sigaw ko sa kaniya

"Eh kasi mahal ko!"maktol niya.

"Eh kasi mahal ko nye! nye!"panggagaya ko sa kaniya. Maya maya pa ay umiyak na si bruha. Jusmeyo marimar ito na naman po tayo! Advice dito, Advice doon!

Nilapitan ko naman ito at pinatahan. "Tahan na"pag aalo ko sa kaniya.

"Sabi ko naman sayo wag mo na yung balikan, dahil pagbinalikan mo lang yun ay masasaktan ka lang ulit"sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"Hindi ko alam kong bakit ko pa siya binabalikan, ang bobo ko talaga"iyak niya pa. Mamaya pa ay biglang nag ring ang phone niya, kinuha ko naman ito at nakarehisto ang pangalan ng jowa niya na mukhang hito.

Sinagot ko naman ito. "Aba ang kapal naman ng mukha mong piste ka? Wala ka na talaga hiya no? Pagkatapos mo saktan kaibigan ko ulit, tas tatawag ka magpapaliwanag ng walang kwenta? Pukinang ina kang bayawak ka!"sunod sunod kong sabi.

"[Please let me hear her voice! Usto ko siya maka usap! And please say to her don't cry please! Ayuko siyang nakikita o naririnig na umiiyak]"pagmamakaawa ng bayawak este nung jowa ni Francine.

"Matapos mong paiyakin? Sasabihin mo don't cry? Eh kung barilin kaya kita tas sabihin ko sayo don't die? Ayus lang ba sayo ha?! Shuta ka!!"sigaw ko sa kabilang linya at inis na binaba ang cellphone. Shuta nang gigigil ako! Pigilan niyo kooo!!!

Tinayo ko naman si Francine at hinatid na Room niya, magkatabi lang ang room namin. At doon na abutan ko si kate na nagluluto.

"Oh anyari jan?"lapit niya samin at inalalayan ang kapatid niya.

"Ayun naglasing na naman ang bruha, dahil sa mukhang hito niyang jowa"inis kung sabi sa kaniya.

"Marupok pa sa kahoy ang gago"tampal niya sa noo niya. Inalalayan niya na papunta sa kwarto ang ate niya at lumabas rin agad.

"Kumain kana ba Shan?"tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi pa nga eh, hehehehe beke nemen"pabebe kong sabi sa kaniya. Inaya niya naman ako kumain at bigla ko tuloy na alala kung paano kami nag kakilala ni Kate.

Ganitong eksena rin iyun pero ang binagkaiba aksedinte siya nakapasok sa condo ko. Napagkamalan ko pangan magnanakaw yun pala lasing at broken hearted rin ang gaga. Jusmeyoooo!!!

Matapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay Kate at pumasok na rin sa Room ko. Ang daming naganap agad ngayun araw na ito.

Pumasok agad ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Shet! Ang sakit ng katawan ko!

Kinapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko at nag open ng facebook ko. Pagbukas palang ng facebook ay may 100+ na friend request na naman ako. Tiningnan ko naman ito at napako ang tingin ko doon sa isang pangalan.

Rainier Hernandez sent you a

Friend Request

Tumaas naman ang isang kilay ko. "At sino naman ito Hernandez na ito?"ani ko. Pinindot ko naman ito at istalk ko at napatakip naman ako ng bibig ko naman malaman ko kung sino ang Hernandez na ito.

Putik siya yung lalaki doon sa bilyaran pati na rin kanina?! Paano niya nalaman Pangalan ko sa fb?!

"Aksep ko ba to? Wag na!"bulong ko. Bobo ang aksep mona!!

Putik oo na aksep ko na!!

Enaksep ko naman ang kupal. At biglang tumonog ang messenger ko. Jusmeyo naman at ano na naman ito.

Rainier: Hi:)

Ay wow? Totoo ba to? Nagchat siya? With smiling face pa? Ano chat ko na ba to? Wag naaaa!!!

Shan: uhm hello?;-;

Rainier: typing....

You're Shan Vallario a Law student right?

Shan: oh tapos?

Putik bat ang pasmado ng kamay ko?

Rainier: typing...

Nothing, btw goodnight.

"Yun na yun? Wala man lang harutan naganap?"bulong ko sa sarili. Teka anong harutan? Yawa ka self wag mong papatulan yang taga bilyaran na yan sinabi ko sayo!

Binaba ko ang phone ko at napatingin sa wall cloak ko at 7 pm na pala. Timayo na ako at ginawa na ang daily night routine ko. At pag katapos ay natulog na rin.

________________________________________________♡^▽^♡