webnovel

Chapter 3

Mabuti na lamang at may dala-dala siyang low-grade Interspatial sack, isang magic item kung saan pwedeng ilagay ang mga bagay na iyong kailangan lalo na sa paglalakbay.

Walang kahit anong bigat ang iyong mararamdaman. Mukha rin itong isang ordinaryong sako na sa unang tingin ay walang magkaka-interes dito.

Espesyal ang pagkakagawa ng mga magic items kagaya nito kaya hindi agad masisira. May apat na metro ang bawat angulo at sukat ng Interspatial sack kaya madami ka ding mailalagay dito.

Mabuti na lamang at nadala niya ito dahil alam niyang gagawa ng hakbang ang kanyang angkan lalo na ang ama niya dahil sa iniingatan nitong reputasyon sa apelyido ng angkan. Nalulungkot naman siya kapag naiisip niya ang bagay na ito.

May kaunting liwanag pa siyang nakikita na tanda na malapit ng gumabi isama mo pang napakadelikado sa lugar na ito lalo pa't napakasukal na gubat ito. Dahil sa kakaisip niya ng malalim, may nakita siya sa di kalayuan at isa itong Martial Beast, mayroon itong mala-bayawak na katangiang pisikal, nanlilisik na pulang mata, mahahabang kuko, makapal na balat, at nakatingin na ito sa kanya.

Alam niyang nasa delikado na siyang sitwasyon. Hindi niya ito makakayanang labanan lalo pa't sa laki at matigas palang nitong balat, alam niyang mapupuruhan lang siya.

Dali- daling tumakbo si Van sa ibang direksyon. Hindi niya alam kung saan ito patungo pero alam niyang kapag di pa siya tumakbo hindi na talaga siya makakaligtas dito.

Ayaw man niyang isipin pero kailangan talaga. Ayaw pa niyang mamatay, gusto pa niyang mabuhay para sa mama niya. Hindi niya pwedeng baliin ang pinangako niya sa mama niya na magiging matatag siya at piliing mabuhay sa malupit na buhay na ito.

Hindi niya namalayang may aatake sa likod niya. Hindi niya naiwasan ang malabakal na kuko ng Iron Lizard Beast. Isang 7 stage bronze rank.

Halatang nasa isang mahirap na sitwasyon siya ngayon dahil nasugatan siya ng malubha dito. Malulupit na atake ang binibigay ng Martial Beast na ito. Di maikakailang malakas ito dahil parang naabot nito ang tuktok na ranggo nito (Pinnacle rank).

Dahil sa kawalan ng pukos ni Van Grego ay nahagip ulit siya ng matutulis na kuko ng halimaw na ito kaya malubha ang lagay niya ngayon.

Nasa 6- stage Bronze Rank palang siya kaya napakahirap talaga talunin ang beast na ito. Idagdag mo pang buong maghapon siyang naglalakad sa masukal na gubat. Kaunting liwanag nalang ang kanyang nakikita ngayon.

Umatake ulit ang halimaw kay Van Grego at sa kasamaang palad malubha na kalagayan niya. Tumalsik siya ilang metro malayo sa mabagsik na Spirit Beast. Hindi inaasahan ito ni Van kaya namimilipit na siya sa sakit. Wala na siyang lakas.

Kahit na inaatake niya ang halimaw ay parang kalmot lang yung ginawa niya dito pero siya ay sobrang kritikal na ang lagay niya. Sobrang dehado na ang laban niya. Papalapit na ang halimaw sa kanya. Umatras siya ng umaatras para malayo sa halimaw. Kamay niya lang ang pwedeng pangsuporta niya.

Malapit na ang halimaw sa kanya at siya naman atras ng atras kahit na alam niyag katapusan niya na. Dahil sa kakaatras niya di niya namalang natuksok ang kamay njya sa nakausling sanga ng matulis, humiyaw siya at tinaas ang kamay upang tingnan, sa kasamaang palad ay nawalan siya ng balanse kaya nagpagulong gulong siya pababa ng matarik na lupaing ito.

Dahil dito ay hinang-hina na siya at sobrang sakit ang kaniyang nararamdaman. Hindi maipagkakailang sobra ang dinanas niyang pighati ngayon maging ang pisikal at emosyunal na sakit. Bigla nalang niyang naramdaman na yung katawan niya ay pumasok sa isang butas.

Alam niyang katapusan niya na ito, dahil dito pinikit niya nalang ang mata niya na may bakas pa rin ang sakit na iniinda niya na patunay na nasa napakasakit na isipin ang naghihintay sa kanya na kamatayan.

Sa kabilang banda, sa lupain ng Grego Clan, nagjng usap- usapan ang pagkawala ng anak ng third Elder na nagngangalang Ramon. Naging mainit na balita ito sa angkang ito. Maraming nakiki- simpatya sa pagkawala ni Van pero ang totoo niyan ay nagagalak ang puso nila dahil sa pangyayaring ito.

Tanging ang ina lamang ni Van ang totoong nagdadalamhati sa pagkawala niya na walang patid pa rin ang iyak nito na parang wala ng katapusan. Hindi niya iniisip na magagawa ito ng kanyang anak. Wala siyang laban sa lahat ng pwedeng mang-api sa kanyang anak at kahit anong gawin niya ay hindi na kailanman niya makikita ang kanyang napakabuting anak.

Marami ang naki-simpatiya sa kanila dahil na rin sa Mataas ang posisyon ng naturingang ama ni Van Grego kung kaya't ganon na lamang ang mga angkan niya ay para makapagpabango ng pangalan at samantalahin ang pangyayaring ito. Nasabi ni Elder Ramon na naglayas ito kaya naman lubos na nagdalamhati ang ina ni Van na asawa ni Third Elder Ramon na si Lady Elena.

Di maipagkakailang napakasaya ng angkan na ito lalo na't nawala na sa kustodiya nila ang batang itinuturing nilang napakawalang-silbi sa angkan nila.