webnovel

Chapter 24

Mahigit isang buwan na ang lumipas kung kaya't agad siyang pumunta sa imprastrakturang kanyang ipinatayo niya. Inaasahan niyang natapos ng tuluyan.

Hindi na humingi na pera noon si Ginoong Vic dahil ilang milyon pa ang sobra sa perang iniwan ni Mr. Van sa kanya. Lilipat na ngayon sila ng tirahan ng kanyang asawa hindi kaluyuan mula rito. Nakabili siya ng di gaanong malawak na lote pero sapat na para sa kanyang pamilya.

Pinagawan na rin siya ng libreng pagpapatayo ng mansyon. Nakakagulat man pero yun ang gustong ipatayo ni Mr. Van. Maluha-luha pa siya noon lalo pa't Sobrang laki na ng utang na loob niya at masasabi nitang napakaswerte niya't siya ang pinagkatiwalaan ni Mr. Van.

Sisikapin niya ring makatulong pa lalo kay Mr. Van sa hinahaharap. Nakalipat na sila noong nakaraang araw pa. Tanging hinihintay niya lamang ay si  Mr. Van.

Hindi nga siya nabigo at ngayon ay nakipag-usap na siya kay Mr. Van at nakapagnegosasyon tungkol sa pagbibigay suporta at tulong sa hinaharap. Alam niyang hindi niya ito pagsisihan. Nakita niya ang mabuting puso nito at bukal na pagtulong nito sa kanila.

Alam niyang hindi niya man masuklian lahat ng kabutihang ibinigay ni Mr. Van ay alam niyang hindi ito naghihintay ng kapalit bagkus ay handa pa itong tumulong sa mga nangangailangan. Hindi lamang siya nito ang tinulungan bagkus ay tinulungan niya pa ang ibang mga nagtrabaho sa kanya.

Ngayong tapos na rin ang trabaho nila ay nangako pa rin ang mga trabahador na magbigay ng tulong. Hindi sila hinarap ni Mr. Van bagkus ay si Mr. Vic lamang ang humarap sa mga ito. Sinabi ni Mr. Vic ang katotohanan sa kanila na hindi siya ang nagpatayo at nagpasuweldo sa kanila at sinabing ayaw silang harapin ng May-ari.

Nalungkot man sila ay masaya pa rin sila sa oportunidad na iti lalo pat masasabing isa itong napakalaking proyektong nagawa nila na siyang ipinagmamalaki nila. Hindi nila ito makakalimutan lalo pa't wala silang naging limitasyon o actual budget cost, bagkus ay sobra ang naging pondo kung Kaya't halos lahat ay nagulat lalo pa't araw-araw silang may natatanggap na suweldo na triple at nitong pagkatapos na proyekto ay Madaming incentives na nakuha nila.

Lahat ng tumulong sa pagpapatayo ay tinulungan niya ay hindi lamang sa pamamagitan ng pinansyal kundi ay mas iningganyo pa silang magtrabaho ng maigi. Halos limang  beses na malaki ang naging sweldo nila hindi pa kabilang ang mga benepisyong nakuha nila.Hindi nila ito  inaasahan. Talagang hulog ng langit ang proyektong ito sa kanila. Binigay na ng mga trabahador at mga propesyunal ang kanilang mga contact info para maaaring future Projects.

Binalikan ni Mr. Vic si Mr. Van sa tagong lugar sa likod ng itinayong gusali. Sinabi na ni Mr. Van sa kanya na itago niya na lang muna lalo pa't alam niyang kakailanganin niya rin ang mga ito. Susubukin niya pa ang mga mabubuting trabahador lalo pa't kailangan niya sa hinaharap ng mga regular na mga trabahador para sa pagpapatayo ng mga malalaking branches sa iba't ibang parte ng Hyno Continent.

Ayaw niya munang isipin ito at itinanong ang mga detalyeng kailangan niyang malaman lalo na ang mga nabagong parte ng design ng Gusali. Inabot na ni Mr. Vic kay Mr. Van ang isang scroll na naglalaman ng completong detalye at idinetalye ang ang mga importanteng bagay tungkol dito. Aside sa mga standard na materyales na pinalitan ng pinakamahal na materyales at high quality.

Pinadagdagan din ito ng mga extra small rooms at dalawang palapag na idinagdag sa sampong palapag na ngayon ay labindala na. Dinoble ang sukat ng bawat palapag dahil sa malawak na espasyo at nagdagdag din ng dalawang matatayog na gusali na medyo maliit lang ng konte sa size ng napakalaking gusali para sa mga Outer Disiple at New Recruit na mga Cultivator at iba pang tao. 

May nilagay ding iba't ibang imprastraktura kagaya ng napakalawak na Cultivation Area, Physical Training Area, Battle Arena at iba pa na magsisilbing Cultivation Growth Analysis.

Ang napakalaking gusali ng may labindalawang palapag ay magsisilbing mga lugar para sa mga Core Disiple na hahatiin sa iba't ibang Department at palapag.

Nahahati ang palapag sa dalawa. Ang isa ang pagawaan ng mga iba't ibang Department at ang bawat kalahating palapag ay magsisilbing kuwarto nila.

Sa Pinakaitaas ng palapag (12th Floor) ilalagay ang Weapon Department upang may poprotekta sa itaas na siyang magiging unang aatakehin at masyadong delikado sa hindi Offensive type na departamento. Lalo pa't Sana'y sa kaulapaan o sa himpapawid na labanan ang mga bihasa sa paggamit ng weapon, idagdag mo pa ang mga kanilang mga Flying Swords, Flying Equipments at Flying Technique na siyang magiging lamang nila samanghihimasok na kalaban.

Sa 11th floor naman ang  Strategy Department na siyang gagawa ng stratehiya at tutulong sa Weapon Department sa oras ng Krisis.

Sa 10th Floor naman ilalagay ang Kids Department para masigurong ligtas sila.

Sa 9th Floor naman ilalagay ang Intelligence Department.

Sa 8th Floor ang Alchemy Department na gagawa ng Iba't ibang mga Pills na siyang ibebenta na may matataas na kalidad.

Sa 6th at 7th Floor ang Production Department para sa malakihang paggawaan at pagproseso ng pills. Pati na rin ang pag-inspeksyon ng mga nasabing  produkto.

Sa 5th Floor naman ang Safety Precautionary Department na tutulong sa anomalya sa Alchemy Department at Production Department.

Sa 4th Floor ang magiging Meeting Room kung saan magaganap ang mga importante at malalaking pagpupulong na binabantayan ng Madaming sundalo para sa siguridad ng pagpupulong para maiwasan ang pag leak ng mahahalagang impormasyon.

Sa 3rd Floor naman ang Hunter Department lalo pa't sila ang magmamatyag at huhuli sa mga espiya. Sila rin ang namamahala sa lahat ng Resources kagaya ng mga pagtatago ng mga Pera, kayamanan at mga ingredients at pagtago ng mga ito. Sila ang magbabantay sa mga trespassers na susubokang pumasok upang magnakaw at manggulo.

Sa 2nd Floor naman ang Sales Department na 

siyang mabebenta at tatanggap ng mga bibili maging ang pakikipagnegosasyon sa kustomer.

Sa 1st floor ay mgiging lugar ng mga Military Department na siyang magsisiguro at mag-iinspeksyon sa lahat ng papasok na kustomer o kliyente.

Ipinasok niya na ang lahat ng mga tao  na isang buwan ng di nakalabas ng Interspatial Dimension kung kaya't halos lahat ay nagagalak maliban na lamang sa ibang masisipag magcultivate na sumimangot lalo pa't nahinto sila sa pagcucultivate pero nawala rin ito lalo pa't excited na sila sa bagong propesyon nila.

Lahat ay umasok na sa napakalaking gusali at hinati na sila sa bawat Department maging ang magiging Tirahan nila.

Pagkatapos ng matinding pagtuturo at paalala ni Van Grego sa bawat mga miyembro ng Iba't ibang Departamento ay matiwasay siyang lumabas ng gusali. Napakaelegante ng pagkakagawa kung kaya't nagustuhan ito ng lahat ng tauhan niya. Tinanaw niya ang bawat bahagi ng guslali at may naalala siya na dapat na gawin.

Para masigurong magiging ligtas ito sa lahat ng mga trabahador ay nilagyan niya ng mga napakatibay at nagkakapalang mga harang at Formation Arrays para maiwasan ang mga malawakang sakuna. Magiging panatag siya pansamantala sa maaaring surpresang pag-atake. Nilagyan niya din ng mga illusyon na Technique ang mga Formations sa mga parte ng gusali dahil plano niyang magsagawa ng mga plano.