-------------------------------------------------------------------
Kieyrstine's POV
Wala sa sarili akong naglakad palabas ng building namin. Tinignan kong muli ang hawak kong papel kung saan nakalagay ang aking mga marka sa unang semestro.
Paano ko ito ipapakita kina Mom at Dad? Napanguso nalang ako habang mangiyakngiyak pang nakatingin sa papel.
Paniguradong sermon at pagpapahiya na naman ang aabutin ko nito kay Dad. Ipinangako ko pa naman na gagalingan ko na.. Pero ito ang bababa parin ng mga marka ko.
Pinahiran ko ang mga luha kong nagbabadya pa lang na tumulo mula sa mga mata ko.
"Tine!" Muntik ko nang maipasok ang darili ko sa gulat nang dumating si Sheena.
"O-oh? Sheena.." Usal ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Agad kong itinago sa likod ko ang papel na hawak.
"Oh? Hahaha! Anyare r'yan sa mukha mo?" Tanong niya at humagalpak pa ng tawa kaya sinamangutan ko siya. "Nakuha mo na ba grades mo?" nanlaki ang mata ko at napalunok.
"H-ha? Ahh.. Oo." Kinakabahang sagot ko sa kaniy at nagpauna nang maglakad.
"So ano na? Yieee~ magiging detective na suya oh!" Hinabol niya ako sa paglalakad para lang tusukin ang tagiliran ko. Inis ko namang tinabig ang kamay niya. Lintek ang babaeng 'to oh!
"Aish." Inis kong sabi at muling itinuloy ang paglalakad. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko. "Ano ba!" Inis kong sabi at sinamaan siya ng tingin.
"Bagsak na naman ba?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ako sumagot at napayuko na lang.
Nagulat ako nang bigla niyang hablutin sa kamay ko yung papel kung saan nakalagay ang mga grades ko.
"Sheena!" Sigaw ko at pilit na inagaw sa kaniya ang papel.
"Malalaki naman ng mga grades mo ah?!" Sabi niya habang inangat pa yung papel sa ere. Mabilis ko naman iyong kinuha sa kaniya.
Feeling matangkad din ang babaeng ito eh! Itinaas pa, kala niya di ko maaabot. Tss.
"'Yan ba ang malaki sa iyo ah? Puro tres?!" inis kong sabi at agad na isinilid sa bag yung papel.
"Hahahaha! Ano ka ba! Malaki na 'yan kung ikukumpara mo sa dati mong grades." tatawa-tawa niyang sabi.
"Tss kahit na! Paano ko 'to sasabihin kina Mom at Dad!" mangiyak-ngiyak ko muling sabi. "Bakit ba kasi ang bobo ko! Ginawa ko na naman lahat ah? Wala na nga akong kain! Wala pa akong tulog! Lahat ginawa ko para mag-aral ng maayos pero bakit ganito parin?! Sheena, sabihin mo nga, bobo ba ako?!" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyogyog.
"Kieyrstine... alam mo maganda ka naman eh---aw" Agad ko siyang binatukan ng malakas.
"Walangya ka talaga no?" inis na sabi ko at muling naglakad paalis. Mabilis naman akong hinabol nung gaga na tatawa tawa pa rin.
Ghad! Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Woi Kieyrstine! Ano bang masama sa sinabi ko? Maganda ka naman talaga--"
"Oo alam ko, pero hindi yun ang tinatanong ko. Ang tinatanong ko kung bobo ba ako! Oo at hindi lang ang sagot Sheena." Sabi ko at huminto pa para lang harapin siya at bungangaan.
"Taray ng 'oo alam ko' ah? Joke lang naman yung maganda ka gaga haha-- aray! Ano na naman ba!" singhal niya sa akin nang makatanggap na naman siya ng batok.
"Sige isa pang tawa Sheena. Isa pa.." Nauubasan ng pasensyang aniya ko.
Nakakainis lang kasi. Wala ka na nga sa mood pagtatawanan at pagti-tripan ka pa.
"Ito na nga magseseryoso na.." Nakapout niyang sabi.
"Tch! Magseryoso ka dyan mag-isa!" sabi ko at padabog na umalis.
"Tine naman eh hahaha oo nga, aayos na ako. Gaga ka kasi pinapatawa lang kita. Stress na stress ka sa grades mo eh." Sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.
"Tsk eh kasi wala sa lugar ang pagpapatawa mo. Imbes matawa ako baka mapatay pa kita ng wala sa oras." sinamaan ko siya ng tingin at napakamot naman sa ulo ang gaga.
"Hahaha yung tanong mo kasi eh hahaha!"
Huminto ako ulit sa paglalakad at hinarap siya.
"Oh anong meron sa tanong ko?" Parang naghahamon kong tanong sa kaniya.
"Alam mo Tine, masyado kasing mababa tingin mo sa sarili mo kaya ganiyan, hindi ka nag-iimprove. Kung alam mong ginagawa mo ang best mo, dapat matuwa ka sa mga nakukuha mo. Wag mong isiping kulang parin. Makontento ka. Kung hanggang saan ang kaya mo, wag mo na pilitin sarili mo. Sige ka mababaliw ka niyan.." Sabi niya at napasimangot nalang ako. "Hindi ka bobo Tine.." sabi niya at inangat ko agad ang tingin ko sa kaniya.
"Talaga?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya kaya napangiti ako.
Matino naman pala kausap eh.. Kailangan lng palang batukan.
"Tanga ka lang talaga. Bwahahahaha!" biglang pambabawi niya at humagalpak na naman ng tawa. "Isipin mo, encircle the letter of the correct answer pero pinusuan mo yung mga sagot. Hahahaha wag kasing nagpapantasya pag oras ng exam."
"Sheena! Isa nalang talaga at mapapatay na kita! Nanggigigil na ako sa'yo ah!" inis kong sigaw sabay kuha sa sapatos ko at akmang ibabato na sa kaniya pero tumakbo na palayo ang gaga.
"Hahaha see you mamaya Kieyrstine. Kain muna ako sa canteen! Labyu!" Sigaw niya at nag flying kiss pa.
"Madapa ka sana bwisit!" Sigaw ko at nanlaki nalang ang mata nang madapa nga ang gaga. Ako naman ngayon ang halos gumulong sa kakatawa dahil sa nangyari sa kaniya.
Buti nga sa kaniya hahaha!
Muli kong itinuloy ang paglalakad palabas ng campus. Nang mapadaan sa guard house ay nagtaka ako nang mapansing walang tao roon. Eh? Saan na naman kaya nagsususuot ang gwardiya na yun.
Dahil kakasilip ko sa guard house ay di sinasadyang may nabangga akong manong na naka cap.
Owemji!
"Naku! Sorry po! Sorry po hindi ko sinasadya.." sabi ko agad at tinulungan yung manong na nabangga ko sa pagpulot ng mga gamit niyang nahulog.
Ano ba naman Kieyrstine.. Bobo ka na nga tatanga-tanga ka pa. Tsk! Sermon ko sa sarili ko.
Napahinto akong bigla sa pagpupulot nang makita ang isang hugis susi na keychain sa sahig. Woah ang ganda naman nito.. Mukhang mamahalin. Tas may pa shining shimmering effect pa pag natatamaan ng sinag ng araw.
Nagulat nalang ako nang bigla itong hablutin ni manong sa kamay ko. "S-sorry po--" napapahiya kong sabi kay manong pero agad na siyang umalis matapos niyang kunin yun mula sa akin.
Eh? Problema nun? Tinignan ko lang naman yung susi niya eh nagalit pa. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa kaartehan ni Manong.
Maglalakad na sana ako paalis at papara ng taxi ng biglang---
"Tulong! Tulungan ninyo ko!" Agad akong napalingon sa kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. Nakita ko ang isang babae na halos mapaos na kakasigaw di kalayuan sa kintatayuan ko.
Dali-dali nama akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at sigaw parin siya ng sigaw. Yung isgaw na parang may halong iyak.
A-anong nangyari sa kaniya?
Pinanood ko lang si ate habang patuloy parin siya sa pagsisisigaw.
"Iha tulungan mo ko!" Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko mula sa pagkakahalukipkip.
Shet! Bakit sa akin siya humihingi ng tulong? Mukha ba akong--
Lintek! Akala niya siguro..
"Ate-- hindi po ako si Superman. Nakita n'yo naman diba? Hindi nakalabas ang brip ko." Sabi ko sabay turo sa katawan ko at napatingin naman ako sa bewang ko. "---Wait? Hindi naman ako nag b-brief ah?!" Inis kong sabi kay ate at sinamaan siya ng tingin.
Lecheng to! Mukha ba akong lalake? Grabe siya kung maka judge! Ang dami na talagang judgmental sa mundo!
"Tulungan mo ako. Kinidnap ang alaga ko huhuhu. " umiiyak niyang sabi at nanlaki naman agad ang mata ko sa narinig.
"Kinidnap?!" Sigaw ko at mabilis naman siyang tumango. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa akin at this time parang kinurot-kurot niya pa.
Shet! Bakit kinidnap? Sinong kumidnap?
Taranta akong napalingon sa paligid. Waaa baka kidnapin rin ako! Nooo..
Naalala ko bigla sila Mom at Dad kaya kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa para humingi ng tulong sa estasyon ng mga pulis.
"Iha.. Huhuhu tulungan mo ako." Sabi ulit ni Ateng at hinawakan muli ang braso ko at parang kinakalmot na niya. Aish!
"Opo! Tinutulungan na kita wag excited okay? Tsaka bitawan mo muna po ako, di ako makapindot ng maayos sa cellphone ko eh." Inis kong sabi at hinablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Tumahimik naman siya pero nandoon parin ang pag-aalala sa mukha niya.
"Anong nangyayari dito?" Nabitawan ko bigla ang cellphone ko sa gulat nang may magsalita sa likod ko.
Sheet! Cellphone ko!
"Tignan mo nahulog tuloy yung cellphone ko!" Inis kong sabi dun sa lalaking kunot-noong nakatingin sa akin.
"Anong nangyari?" Tanong niya ulit. Ano ba naman 'to. Bingi ba siya o bulag?
"Nahulog nga yung cellphone ko--"
"I don't care with you fucking phone! Ang tinatanong ko anong nangyayari?" sabi niya habang tinutukoy ang babaeng umiiyak sa gilid ko.
Letche pinagalitan pa ako. Siya na nga nakahulog ng cellphone ko. Parang ako pa yung may kasalanan. Waw! Bilib na talaga ako sa mga tao ngayon. Grabeh!
"Kuya, siya naman pala ang tinutukoy mo, ba't 'di siya ang tanungin mo diba?" Inis kong sabi sabay pulot nung cellphone ko sa sahig. Buti nalang di nabasag yung screen. Tsk! Regalo pa naman ito ni Mom nung birthday ko.
"Tsk!" Inis na usal nung lalake at tinalikuran ako saka hinarap yung babae sa gilid ko.
Oh kita n'yo? Ang sama ng ugali! Gosh!
"Miss anong nangyari?" Dinig kong tanong niya sa babae kaya napairap nalang ako sa kawalan. Lumayo ako ng konti sa kanila at agad na tumawag ng mga pulis.
Matapos kong tumawag sa estasyon ng mga police ay nakinig na ako sa usapan nung dalawa.
"S-sinundo ko yung alaga ko.." pagsisimula nung babae kaya umusog ako ng konti malapit sa kanila para mas marinig ko. "Usually mga ganitong oras ko talaga siya sinusundo pero kanina huminto kami sandali dito sa gilid ng kalsada para ilagay yung lunch box niya sa bag. N-Nasa tabi ko lang siya nun nang biglang may huminto na itim na van sa harap namin. May lumabas na isang lalaki at tinakpan bigla ng panyo ang ilong ng alaga ko.. Akala ko isasama ako pero tinutukan niya ako ng baril--" napahinto yung babae sa pagsasalita at pinahiran ang mga luha.
Huhu pati tuloy ako naiiyak.
"Ate anong breed po ba yung alaga ninyo? Askal, shitzu o chihuahua?"
Grabe naman pala kasi ang nangyari.. Naalala ko tuloy ang aso kong si Wayne.
Sabay na napatingin sa akin yung lalake at babae na sinamaan ako ng tingin kaya yumuko nalang ako sa pagkapahiya. Bawal nga palang sumabat sa usapan. Huhuhu! Sorry naman.
"Continue.." Utos nung lalaki sa babae. Makautos 'tong lalaking ito. Sino ba 'to?
"Hinabol ko yung sasakyan p-pero.." Hindi na naman niya natuloy ang sinasabi niya dahil nagsimula na naman siyang humagulhol. Sige ate humagulhol ka nalang dyan. Laging bitin tuloy yung kwento.
Nung mapansin kong wala nang may balak na magsalita sa kanila ay sumabat na ako.
"Wag kang mag-alala Ate, mahahanap din ng mga pulis yung mga dumukot.. Ililigtas po nila yung alaga mo." Pagpapakalma ko pa sabay tap sa likod niya at nginitian naman niya ako.
Ganyan din kasi yung feeling ko nung mawala si Wayne. Ipinasok ko kasi siya sa sasakyan kasi bibili ako ng hotdog para sa aming dalawa tapos pagbalik ko, wala na yung sasakyan. Naalala ko, di pala samin yung sasakyan na pinaglagyan ko sa kaniya kaya ayun.. Huhuhu!
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga pulis sa lugar. Akala ko pupunta sina Mom at Dad pero napagtanto kong isang simpleng kaso lang ito kumpara sa mga kasong na nilulutas nila para puntahan pa ito at gugulan ng oras.
Syempre bakit pa nila sasayangin ang oras nila sa isang asong nakidnap diba? Di nga nila ako tinulungang hanapin nun si Wayne eh.
Tinignan ko ang oras sa relos ko at patay! Late na ako sa susunod na subject ko. Uuwi pa naman ako para kunin yung mga libro ko sa bahay. Jusko naman. Lagot na naman ako nito kay Vertebrates yung science teacher namin.
Sabihin ko nalang siguro na traffic. Oo nga hehe! Galing ko talaga.
"Tss. Sinungaling."
Agad akong napalingon nang biglang magsalita yung lalaki na kumausap sa babae kanina. Nakatingin siya doon sa babae na umiiyak parin at kinakausap na ng mga pulis.
"Lah? Nababasa mo iniisip ko? Shet! Waaa wag mong sabihin sa prof ko na nagsisinungaling ako please. Baka ibagsak ako sa subject niya.." Pagmamakaawa ko at nagpout pa sa harap niya.
Lintek! Di ko alam na mind reader pala itong katabi ko huhuhu! Sana ma lang nag inform siya diba? Nasabihan pa tuloy ako na sinungaling.
"Nagsisinungaling ang babaeng iyon." Sabi niya bigla at napailing pa. Kumunot ang noo ko--
"Ha?" Taka kong tanong sa kaniya t nilingon din yung babae na halos isang kilometro ang layo sa amin.
"Woah! Andami mo namang super powers. Mind reader ka na nga tapos naririnig mo pa ang usapan sa malayo. Astig naman! Pa autograph ako teka--" sabi ko at agad na hinalughog ang bag para humanap ng notebook na papipirmahan sa kaniya.
"Ang babaeng yun ang nagpakidnap sa sariling niyang alaga.." Dagdag niya pa kaya napahinto ako sa paghalughog at muli siyang tinignan.
Maya maya ay bigla ko siyang binatukan.
"Fuck! Ano bang problema mo!" Singhal niya sa akin at hinagod yung ulo niyang binatukan ko.
"Hindi ka lang pala feeling boss, bintangero ka rin pala noh?!" Inis kong sabi sa kaniya at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.
Kung makapagbintang 'to kay ate na kidnaper mas mukha pa nga siyang kidnaper tignan.
"Kung ikaw yung yaya at dinukot ang alaga mo. Anong gagawin mo?" bigla ay tanong niya. Kunot-noo ko siyang tinignan at napaisip naman ako. Hmm--
"Sisigaw at hihingi ng tulong." proud kong sabi at taas noo pang sumagot. Akala niya siguro tanga ako.
"That's it." Sabi niya at nagsnap pa sa ere na mukhang natuwa dahil nasagot ko ang tanong niya. Eh? Yun na yun? Ikinatuwa niya yun? Parang bata naman ang isang ito.
"Hindi mo naabutan yung van na dumukot, tama?" Tanong niya ulit sa akin.
"Syempre hindi na.." Sagot ko. Tinignan ko ang oras sa relos ko at shet-- patay na talaga ako nito.
"Katulad ng sabi mo kanina.. Sisigaw ka at hihingi agad ng tulong. Per ang babaeng iyon.." sabi niya at itinuro pa si ateng na ini-interview. "--humingi lang siya ng tulong kung kailan nakalayo na ang van." Sabi nung niya at napaisip naman ako.
Oo nga no? Ba't kaya hindi agad siya sumigaw? Edi sana may nakarinig agad sa kaniya.
"Pero teka, sabi naman kasi niya kanina na tinutukan siya ng baril. Baka natakot siya kaya hindi agad nakasigaw." Sabi ko at tumango tango naman yung lalake. Awiee tama ako hihihi. Galing mo Lee.
"But think deeper.." dagdag niya.
"Waaa! Gaano ba kalalim yan?" Tanong ko at inis na naman niya akong tinignan. Eh kasi naman late na talaga ako eh huhuhu. Bagsak na naman ako nito panigurado amp!
"Dalawa lang ang kamay natin.." Sabi niya at inis ko naman agad siyang tinignan. Nanggigigil na ako sa taong 'to ha!
"Kuya, bobo lang po ako pero di po ako tanga okay? Syempre alam kong dalawa lang kamay." Huhuhu.. Ang sakit din palang mapagbintangang tanga no? Mas okay na yatang bobo ka kesa tanga ka.
"Isipin mo, dinukot yung alaga niya. Ibig sabihin ang isang kamay nung lalaki nakahawak sa bata para pigilan ang pagpupumiglas nito. Ang kabila nakahawak sa panyo na ipinangtatakip sa ilong nung bata. Eh anong kamay ang ginamit sa paghawak nung baril?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Woah! Ano nga ba?u
"Paa?!" Pasigaw kong tanong. Shet! Paanong nagawa nung kidnaper na 'yun na ihawak sa paa niya yung baril? Parang ang hirap naman yata nun. "Paanong paa? Pinagloloko mo yata ako eh!" inus kong sabi.
"Hindi ko sinabing paa!" Inis din niyang sabi sa akin at napasabunot pa sa buhok na parang stress na stress na sa mga pangyayari. Waw, so ako pa ang mali?
Teka nga. Ba't ba siya nangingialam sa kasong ito? Tsaka kung gusto niyang tumulong at nagfe-feeling detective siya ba't ako kinakausap niya? Diba dapat yung mga pulis?
"Iyon ang ipinupunto ko. Maaaring may idinagdag siya sa sinabi niya o kaya gawa gawa niya lang yung mga sinbi niya." hindi parin siya tapos huhuhu jusko naman po kuya.
Waaa! Isa pa ang sakit-sakit sa ulo ng mga pinagsasabi niya ah. Huhuhu.
"Isa pa.." Nak ng! May isa pa.. Gosh! Hanggang ilan ba 'to?! "--sinabi niyang sinubukan niyang habulin yung van. Kung totoo nga iyon.. Hindi na dapat siya nakatayo pa sa mismong lugar na iyon kung saan dinukot ang bata."
"Paano mo naman nasabi na doon kinidnap ang bata?" Inis kong tanong sa kaniya pabalik.
Konti nalang talaga at mabubuwisit na ako.
Konti nalang talaga at mukhang may mapapatay na ako.
"--Nasa tabi niya parin yung de gulong na bag nung bata. Alangan namang dala-dala niya iyon habang hinahabol ang van." mayabang na sabi niya at humalukipkip pa na parang ang dali-daling resolbahin ng nangyayari.
"Teka nga--" inis kong pigil sa kaniya dahil ansakit na talaga sa ulo ng mga pinagsasabi niya. Di ko na keri. "Kuya.. Alam mo kung gusto mong tumulong sa mga pulis ka lumapit, wag sa akin okay? Sinasayang mo kasi oras ko eh. Imbes nakauwi na ako sa amin para kunin yung mga libro ko eto ako ngayon nakikipag usap na parang tanga sa'yo." Sabi ko sabay irap sa kaniya.
"Tss.." Napangisi siya sabay iling.
"Aba't natuwa ka pa ha?!" Inis kong sabi. Grr! Sabi sa inyo don't talk to strangers eh.
Padabog akong tumalikod para na sana umalis nang bigla siyang nagsalita uli na ikinatigil ko.
"Akala ko ba gusto mo maging detective?"
T-teka... P-paano niya nalaman?
"P-paano mo--"
"Nice meeting you.. Kieyrstine Lee." Sabi niya at agad na tumalikod saka naglakad paalis.
K-kilala niya ako?
(To be continued)
-----------
©MswRIGHTer_Web
A/n: Hello Wrighters! You can also read this story on wattpad. medyo advance po ang update ko dun kesa dito. but still I'll continue updating here until end. Please leave some comments or feedbacks about this chapter before you proceed. Thank you😊