webnovel

DEREF

NOTE: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as i tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is happy is always happy. He will leave and face his path... And when he returns, he will meet a woman with a bad temper. And as time goes on he does not realize that he is falling for this woman. BUT What will he do when.he finds out this woman is the only key why he left. WHAT should not have happened has already happened. WILL he let that happen again and this time to the woman he love?

nelvino0401 · Action
Not enough ratings
46 Chs

DEREF CHAPTER THIRTY ONE

Jairus POV

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng kwarto ko habang nakahiga at malalim ang iniisip. Tatlong araw, tatlong araw na 'kong nandito nagmumukmok.

Tatlong araw narin magmula ng mangyari yung malapesteng teleseryeng nangyari sa 'min. Hindi ko ginagalaw yung phone ko dahil nakapatay lamang ito at nakapatong sa lamesa ko.

Okay na rin to para makakilos ako ng walang hadlang o sagabal, napagpasyahan ko na kaseng hindi na 'ko babalik pa sa pamilya Rozcom dahil tapos naman na ang problema nila at pagtulong ko.

At eto na rin ang tamang oras ko para hanapin ang taong kailangan nila.

Bumangon ako at nagpush-ups ng ilang saglit at kumuha ng damit at tuwalya, pagkaraan ng ilang saglit lumabas na 'ko ng kwarto.

"Master." Nag-aalalang tawag sa 'kin ni Ariza, lalapit sana sila pero sinenyasan ko lang sila gamit ang kamay ko. Dumiretso ako sa banyo at sinarado yung pintuan.

Habang bumababa yung tubig na nagmumula sa shower dinadaan ko lang iyon habang nakapikit.

Tapos na ang pag tulong ko sa pamilya nya at eto na ang oras para sa misyon ko.

Madami akong naaksaya na oras pero hindi ako nagsisisi na tinulungan ko sila. Kung sana pagtas pa lang nung mabayaran ko yung pagkakautang ng tatay nya sana pala umalis na 'ko nun, siguro kung maaga-aga pa hindi na sana ako nasaktan pa ng ganito.

Napag-isipan ko na ring kanina habang nasa byahe ako na eto na ang oras para hanapin ang taong kailangan nila. Wala ng hadlang, wala ng sagabal. Pinihit ko yung shower at namatay iyon, kinuha ko yung tuwalya ko at sinimulan ng punasan ang katawan ko. Napahinto ako sa pag bibihis ko dito sa banyo dahil nakarinig ako ng...

Kumakanta. Baka sila Sealtiel lang yun.

"Minsan na lang akong umibig,

ako ba'y nagkamali.

Shit napaupo kaagad ako sa bowl dahil sa narinig kong kanta.

Di sinadyang mahulog sa 'yo,

mayro'n bang nagmamay-ari?"

Akala ko wala pero meron pala.

"Kahit na anong pilit,

katotohana'y may galit dinggin ang sigaw ng damdamin...

"Ako na lang sana ang iyong minahal,

Ako na lang sana ang iyong ligaya.

Ako na lang sana hanggang pagtanda,

Ako na lang, sinta."

Napangiti ako ng mapait ng marinig ko yung chorus at tumingala dahil pinipigilan kong kumawala yung nagbabadya kong mga luha.

"Pagsubok lang ba o 'di para sa akin?"

Kahit sinubok na kami alam kong di sya para sa 'kin.

"Dapat nga bang bumitiw?"

Para sa 'n pa kung ilalaban ngayong sinampal na 'ko ng katotohanan.

"Ba't nagtagpo ang ating puso,

Kung ikaw rin ay aalis?"

Hindi ko na kaya kaya mas magandang gawin ko na 'to.

"Pag-ibig ko'y 'di mapigil kahit na may pighati,

dinggin ang sigaw ng damdamin...

"Ako na lang sana ang iyong minahal,

Ako na lang sana ang iyong ligaya

Ako na lang sana hanggang pagtanda, Ako na lang, sinta...

Pilit mang ipaglaban, Ang kapalara'y hindi na matagpuan,

Kaya ayoko na sanang magmahal

Ayoko na sana muling umasa

Ayoko na sanang masaktan

Ngunit ikaw ang mahal

Ikaw na lang sana ang nakalaan

Ikaw na lang sana ang tanging kayakap Ikaw na lang sana, wala nang iba Ikaw na lang, mahal."

Kaagad kong pinunasan yung mga nakawalang luha sa mga mata ko at tumayo mula sa pagkaka-upo at lumabas na ng banyo.

Muntik na 'kong mapaupo dahil sa nakita ko sa sala.

"Tanda." Ngumiti naman sya dahil sa sinabi ko at nakita kong kasama nya sila Sealtiel.

"Maganda ba yung kanta? Mukang relate na relate ka ah." Napailing na lang ako dahil sa sinabi nya habang tumatawa-tawa pa. Lumapit ako sa kanya at nagmano, ganto talaga ako pagdating sa kanya magmula kase ng mangyari yun sya na yung tumayo kong pangalawang tatay.

"Anong title nung kanta?" Natawa sya lalo ng tinanong ko yun.

"Ako na lang sana by Mark carpio." Napatango-tango ako dahil sa sinabi nya. Napaseryoso ako at yung lima dahil nag iba yung ihip nung hangin dito sa loob ng bahay.

"Ano yun tanda?" Seryoso kong sabi, sinundan ko sya ng tingin ng tumayo sya at diretsong tumingin sa 'kin.

"Jairus Grozen alam mo ba kung bakit pinapunta ko dito ang deathrose?" Biglang tanong nya.

"Sabi nila para samahan ako, pero alam kong may malalim pa na dahilan kung bakit." Seryoso kong sagot sa kanya.

"Tatanungin kita anong balak mo sa pinagtatrabahuhan mo?" Nagtaka naman ako dahil sa tinanong ni tanda.

Anong kinalaman ng trabaho ko dito?

"Aalis na 'ko at hahanapin ang taong kailangan nila." Tumango-tango sya dahil sa sinabi ko.

"Nahanap na nila ang kailangan nila." Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni tanda.

"Pero hindi ko alam kung kailan sila kikilos." Pahabol ni tanda.

"Sino ang tinutukoy nyo na kailangan nila?" Seryoso kong tanong pero hindi nya ako sinagot at nakatitig lamang sa 'kin.

Yang titig na yan, sinasabi nyang dapat ako ang magsabi.

Shit may nabanggit sya na clue sa pag-uusap namin kanina.

Wag mong sabihing...

"Mukang kilala mo na. Alam kong mahirap lalo na ngayon ganyan ang sitwasyon mo sa kanya pero kailangan mong bumalik para sa kanya, may dalawa kang pag-pipilian...

Ang ipain sya para makapaghiganti o ipagtanggol sya at maghiganti." Napatulala ako dahil sa sinabi ni tanda.

Tama sya kailangan kong mamili sa dalawa.

"Kaya nyo ba pinadala ang deathrose para tulungan ako?" Tumango sya dahil sa sinabi ko.

"Aalis na 'ko at babalik na sa tahanan." Sabi nya at naglakad pababa ng hagdan.

"Master ano ng balak mo ngayon?" Napatingin ako dahil sa tanong ni Sealtiel.

"Ipagpatuloy ang nasimulan." Seryoso kong sabi at naglakad paalis.

Joree POV

Tatlong araw na magmula ng nangyari yun at hanggang ngayon hindi parin sya bumabalik o nagpapakita man lang sa 'kin.

Kasalanan ko naman yun, kase nung araw na yun hindi ko aakalaing ganun yung magiging reaksyon nya. Nasaktan ko sya ng dahil sa nakita nya, kaya hindi pa sya bumabalik.

Natatakot ako na baka hindi ko nasya makita...

Sana bumalik kana para makahingi ako ng tawad.

At ngayon nandito ako sa veranda ng kwarto ko dahil tinatanaw ko kung may hihinto ba na pamilyar na motor sa harapan ng gate namin at nagbabakasakaling sya ang nakasakay dun.

Kinuha yung phone ko ng marinig kong nagri-ring yun, daig ko pa yung snatcher sa bilis humablot, pero ganun na lang yung dismaya ko ng makita kong si Direk lang pala yung tumatawag, akala ko kase si hoodlum.

"Direk." Walang gana kong sabi.

"Where are you?" Tinignan ko yung paligid dahil para na 'kong mababaliw kakaisip sa pagbabalik nya.

"Here in our house, why?" Tanong ko.

"I called your parents and said goodbye to seeing them and they agreed." Sa ' n kaya kami pupunta?

"And?"

"Then the team will go there to pick you up, because we are going to tugawe cove resort to shooting a trailer." Napatango-tango ako dahil sa sinabi nya.

"Alright, I'll take a shower and prepare the thing to take." Binaba ko na yung phone ko pagkasabi ko nun at simimulan ng mag empake.

...

"Direk nasan si Hazel?" Nagtataka kong tanong habang nagpapalinga-linga dito sa airport.

"Susunod daw sya dahil may inaasikaso sya." Napatango ako dahil sa sinabi nya.

Magkakatabi kaming apat nila Brianna, yes kasama ko sila dito sa pelikulang to.

"Water?" Umiling lang ako ng magsalita si Dylan, dahil ayoko naman talaga. Tyaka magmula nung araw na yun umiiwas na 'ko sa kanya at nagkapaliwanagan narin.

Dito sa palabas wala akong takas dahil sya ang love team ko at si Hazel ang karibal ko.

Tumayo na kami mula sa pagkakaupo at isa-isang dumaan sa metal detector para impeksyunin yung mga dala-dala namin.

Aalis ako at wala sya sa tabi ko, walang hoodlum na nakabuntot.

Sayang resort pa naman yun at balita ko magandang daw dun.

Nang makasakay kami ng eroplano kaagad akong umupo at hinila si Brianna dahil ayokong katabi si Dylan.

"Matutulog ka?" Tanong nya sa 'kin.

"Yes, kaya wag kang aalis sa tabi ko." Natawa sya dahil sa sinabi ko. Ipinikit ko yung mata ko at isinuot yung headphone ko at naramdaman kong umaandar na yung eroplano.

...

"Joree gising na, nandito na tayo." Unti-unti kong minulat yung mga mata ko dahil sa yumuyug-yog sa 'kin.

Nagpalinga-linga ako habang kinukusot ko yung mga mata ko. Tumayo ako at kinuha yung gamit ko, nakita kong kami na lang ni Brianna ang nandito sa loob.

Nanunuod lang ako ng video nya habang kumakanta sya, hindi ko namalayang nilamon na 'ko ng antok.

Habang naglalakad palabas ng airport kinuha ko yung phone ko at tinignan yung oras.

Maga-alas dose na pala ng tanghali at mahigit isang oras lang ang byahe sa eroplano.

Virac airport sambit ko sa isip ko ng makalabas kami ng airport. Napapitlag ako ng may kumuha mula sa mga kamay ko nung maleta ko. Nang tignan ko kung sino yun nakatalikod sya...

Dylan. Naamaze ako kase imbis van ang sasakyan namin, kaharap ko ang bus na nirentahan ng team papunta sa tugawe cove resort.

This is my first time.

Sinalubong ako ng lamig ng makapasok ako sa bus, aircondition nga pala tong bus na sasakyan namin.

"Joree isa na lang ang pwesto kaya tumabi ka kay Dylan." Hindi na 'ko umangil sa sinabi ni Direk at naupo sa tabi ni Dylan sa may bandang gitna.

"Pwedeng palit tayo?" Sabi ko at umatras ako ng bahagya ng tumayo sya at lumipat sa katabing upuan. Gusto ko kase ako sa bintana para makita ko yung dinadaanan namin.

Nang makaupo ako hinawi ko yung kurtina dahil natatakpan nun yung bintana. Naramdaman kong nagsisimula ng umandar yung sinasakyan namin. Nakikita ko sa bintana yung mga kasabay naming sasakyan at yung mga iba't-ibang pamilihan na aming nadadaanan.

..

"Welcome to tugawe cove resort!" Masayang bungad sa 'min nung receptionist. Kinuha nung mga kasama nya yung mga gamit namin at binigyan kami ng mga susi na may number.

Susi ng magiging kwarto namin. Hindi ko maiwasang napangiti dahil sa sariwang simoy ng hangin, ibang-iba sa manila. Namangha ako ng makita yung dinadaanan namin dahil sa gilid nito ay may mga magagandang bulaklak, kinuha ko yung phone ko at kinuhanan ko ito ng litrato.

Nagpapaliwanag sa 'min yung receptionist ng rules and regulations dito sa resort, pero wala dun yung atensyon ko kundi sa outdoor swimming pool na nasa harapan namin.

Makakalangoy din kami mamaya dyan, wait ka lang!

Tuwang-tuwa sila Caleb at Dylan ng madaanan namin yung pool side bar. Natakam naman kaming lahat ng madaanan namin yung Cecilia's restaurant dito sa tugawe. Tuwang-tuwa naman kami ng sabihin sa 'min ni Direk na free Wi-Fi daw dito, probinsya kase to kaya ganun na lang yung tuwa namin.

Pinapili nila kami ng room types merong mountain view, ocean view pero pinili ko yung ocean view dahil mas gusto ko yun.

Kung ano-ano pang pinaliwanag sa 'min at naintindihan naman namin.

Naghiwa-hiwalay muna kami dahil mamaya pa naman 'daw' kaming gabi magsho-shooting. Sila Caleb maglilibot-libot muna daw at ako dumiresto ako sa kwarto ko, para akong magbubukas ng regalo dahil sa excite ko na makita yung magiging kwarto ko, ng sinusian ko yun itinulak ko yun at...

Sobrang ganda nung loob at sobrang lawak nya. Kaagad akong tumingin sa malaking salamin at umikot na parang isang prinsesa pero napahinto din ako...

Nahagip kase nung mga mata ko yung dalawang...

Kama. Kung sana nandito sya, sana sya dyan sa isang kama.

:(

Tinampal-tampal ko yung muka ko para magising ako kahit onti.

"Kalma Joree wag mong sirain yung pagpunta mo dito sa resort kakaisip lang sa kanya, dapat enjoy ka lang." Pagkausap ko sa sarili ko. Pero napa- takbo kaagad ako sa veranda dahil sa ganda ng view at dahil nasobrahan ako sa enjoy sumasayaw-sayaw pa 'ko habang nakatingin sa ocean view na tanaw na tanaw magmula dito sa kinatatayuan ko.

Kinuha ko yung phone ko sa shoulder bag ko ng marinig kong nagri-ring iyon.

Nagtaka naman ako dahil si Caleb tumatawag.

"Bumaba ka Joree dahil sasalubungin daw natin si Hazel sa labas." Naglakad kaagad ako palabas ng kwarto ko dahil sa sinabi ni Caleb.

"Sige nandyan na 'ko." Sabi ko at ibinaba yung phone ko. Naglakad ako ng ilang saglit at nagpalinga-linga ng makalabas ako.

"Joree!" Napatingin ako sa likod ko ng may pamilyar na tumawag sa 'kin. Silang tatlo lang pala ni Brianna.

"Sabi ni direk dito daw natin abangan." Seryosong sabi ni Dylan.

Ilang saglit may natanaw kaming mga tao sa di kalayuan. Kinusot-kusot ko yung mata ko dahil may pamilyar na muka akong nakita.

Bat nandito sila?...

Yung limang lalaking kaibigan ni hoodlum at...

May kasamang limang magagandang babae na mukang mga sasabak sa gyera.

"Diba kaibigan kayo ni Jai?" Tanong ni Dylan ng nasa harapan na namin sila.

"Alam mo na pala bat nagtatanong kapa?" Nanlaki naman yung mata namin dahil sa sinabi nung isa sa mga kasama nilang babae.

"Joree look who's here." Napatingin kami dahil sa tinuro ni Caleb...

Ganun na lang yung gulat ko ng mapagtanto ito...

Si Hazel naglalakad palapit dito...

Kasama si...

"Hoodlum." Wala sa sarili at gulat na gulat kong sambit.