webnovel

DEREF

NOTE: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as i tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is happy is always happy. He will leave and face his path... And when he returns, he will meet a woman with a bad temper. And as time goes on he does not realize that he is falling for this woman. BUT What will he do when.he finds out this woman is the only key why he left. WHAT should not have happened has already happened. WILL he let that happen again and this time to the woman he love?

nelvino0401 · Action
Not enough ratings
46 Chs

DEREF CHAPTER TEN

Hazel POV

Bat nangyari to?

Sinong walang puso ang gumawa nun?

Pa' no na?

Pa' no na sya?

Sino ng mag- aalaga sa kanya?

"Anak andito na tayo." Sabi ni papa.

Hindi ko namalayang andito na kami kung saan ibinurol ang pamilya ni jairus.

Pag pasok pa lang namin madami na ang mga nakikiramay.

Inilibot ko ang paningin ko siguro mga kamag-anak nila ang karamihan sa mga ito.

Nakita ko din na nakaupo yung lima nyang kaibigan na seryosong seryoso ang mga mukha at may halong pagaalala.

Tumingin ako sa harap at hindi ako nabigong makita sya dahil nandun sya nakatayo sa tapat ng kabaong ng pamilya nya.

Hindi ko napigilang hindi maiyak dahil hinihimas nya yung kabaong ng mama nya at tinititigan.

"Nakikiramay kami iho." Sambit ni papa ng makalapit kami.

"Andito lang kami kung kailangan mo kami iho." Sabi naman ni mama.

"C-condolence jairus." Sambit ko pero hindi nya man lang kami nilingon at pinansin dahil nakatutok lang ang kanyang atensyon sa mama nya.

"A-ahm ti-tita dito po may upuan maupo napo kayo." Bungad saamin ni nung isang kaibigan ni jairus sa pagkakatanda ko si covie ito.

Kaagad kaming naupo sa tabi ng mga kaibigan ni jairus.

"K-kamusta na si jairus?" Tanong ko sa mga kaibigan nya.

"Hanggang ngayon hindi sya umaalis dyan." Sabi nung raymond.

"Kami na nag aasikaso ng mga dumadating dahil hindi nila makausap ng maayos si jairus." Sabi nung paolo.

"Pero walang problema sa' min yun kailangan nya kami ngayon." Sabi nung jhared.

"Kung sino man ang gumawa nito magbabayad sya." Sabi nung kyle.

Napatingin ako kay jairus at ganun parin ang pwesto nya.

At maya-maya may lumapit na lola kay jairus at kinausap si jairus pero yung atensyon ni jairus nasa pamilya nya parin.

"Apo kumain kana hindi matutuwa nyan ang mama at papa mo kapag pinabayaan mo ang sarili mo." Sabi ni lola ni jairus mama siguro to ng mama nya.

Pero hindi nya ito pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

Lalapit na sana ako ngunit napatigil ako dahil may lumapit sa kanyang lalaki at dinuro sya.

"HOY IKAW NA INIINTINDI AYAW MO PANG PANSININ ANONG AKALA MO ISPESYAL KA!?" Sigaw nung lalaki kay jairus kaagad namang nagbulungan ang mga tao sa paligid.

"Jayson tama na intindihin mo yung bata." Sabi nung lola habang inaawat yung jayson.

Humarap si ang walang ekspresyong muka ni jairus dun sa lalaki.

"Kung pumunta ka dito para sumigaw pwes ayan ang pinto umalis ka at bumalik sa pinang galingan mo kase hindi ka kailangan dito." Sambit ni jairus na ikinagulat namin.

Tila nag-init yung ulo ng lalaki at nanginginig na sa galit.

"Bastos ka ganyan kaba pinalaki ng magulang mo!?" Sabi nung lalaki kay jairus.

"Sa tingin mo hindi bastos yang pinag gagagawa mo. Nag e-eskandalo ka sa burol ng pamilya ko. Kanina kapa tumatawa baka hindi mo alam bago pako mapuno sayo lumayo layo kana at baka hindi kita matantya tadyakan kita palabas." Sabi ni jairus at mukang susugod pa yung lalaki pero may mga tumayo na at inawat sya at hinila sa labas kahit nag pupumiglas yung lalaki wala parin syang nagawa dahil nailabas parin sya.

Nagulat ako ng lumapit si jairus sa'min at nakatingin kay papa.

"May lead na po ba kung sino ang gumawa nito?" Tanong ni jairus kay papa.

"Jairus ginagawa namin ang lahat para mahuli ang gumawa nito pero wala kaming makalap na ebidensya pero gagawin namin ang lahat para mahuli ang nasa likod nito." Paliwanag ni papa at naglakad paalis tumayo narin si mama at sumunod kay papa. Tinignan ko muna si jairus na may halong lungkot at pagaalala.

Jairus POV

Hinawakan ko ang kabaong ni mama.

Mama ang ganda po ninyo pero hindi bagay sainyo yang damit nayan.

Mama ano pong nangyari bakit kayo pang pamilya ko ang nawala?

Bakit sa lahat kayo pa?

Kasalanan ko ito kung hindi ko kayo iniwan ng araw na iyon nailigtas ko sana kayo o kundi man sama sama na sana tayo.

Pero bakit anduga bat hindi kayo lumaban dapat sumigaw ka po ng malakas at sinampal yung gumawa nito.

Ma ansakit po sobra parang pasan ko na ang lahat ng problema ngayong nangyari ito.

Para sakin ma ikaw ang pinaka dabest mama sa buong mundo kung mag kaka second life po ako gusto ko ikaw parin ang nanay ko.

Kaagad akong naglakad at lumapit kay papa na kasalukuyan katabi ni mama.

Papa bagay na bagay po talaga kayo ni mama talagang pong ayaw mo syang nahihiwalay sayo tignan mo si mama ang ganda tapos ikaw gwapo pero bakit iniwan moko?

Sino na?

Sino na magtuturo saakin lumangoy?

Andaya naman e dapat sinapak mo yung gumawa nyan o kaya multuhin mo.

Pero alam kong prinotektahan mo po sila hanggang sa huli dahil hindi kapo papayag na may masaktan o manakit isa man saatin.

Dadalin ko ang mga payo nyo itay lahat ng payo nyo ni nanay pero sa ngayon kailangan kong hanapin kung sino ang gumawa nito.

Kung bibigyan ako ng isang kahilingan yun ay sana nailigtas ko man lang kayo nang araw nayon.

Nanghihina at nanlalambot yung tuhod ko pero nagawa ko paring lumapit sa dalawang prinsesa namin.

Jasel yan ang pinaka pangit mong sinuot ngayon alam mo bayun dati hindi ka matahimik dahil gusto mo palaging maganda suot mo at talaga namang bumabagay sayo.

Pero yan yang suot mo nayan hindi dapat yan para sayo yang mga suot nyo nayan alam mo kung kanina bagay duon sa gumawa nyan sainyo.

Tandaan mo wala akong ibang prinsesa kundi kayong dalawa ni julienne.

Kaagad kong hinaplos ang hinihigaan ni julienne.

Julienne patawarin nyo ko ni jasel at huli na si kuya dahil, dahil hindi kayo nailigtas ni kuya ah patawarin nyo ko dahil sabi ko poprotektahan ko kayo pero hindi ko nagawa.

Julienne alam kong mahilig kang matulog pero ngayon alam mo bang gusto kitang gisingin, gusto ko kayong gisinging lahat dahil iniwan nyo ko.

Mahal na mahal ko kayong lahat.

Mahal ko kayong dalawang prinsesa ko.

Magbabayad ang dapat magbayad ipinapangako ko.

...

"Salamat sa pag asikaso sa mga nakiramay." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Nagtaka ako ng hindi sila sumagot at ng lingunin ko sila umiiyak silang lahat.

"Para kanamang tanga jairus alam mo namang nandito lang kami palagi sayo." Umiiyak na sabi ni raymond.

"Hindi ka namin iiwan tandaan mo yan." Sabi ni kyle habang nagpupunas ng muka.

"Gaganto ganto kami pero alam mong mahalaga ka samin." Sabi ni covie.

"Kahit na nakakatakot yung muka ni jhared ibang klase parin yan." Sabi ni paolo.

"Hindi naming hahayaang mabuwag ang d kengkoy's lalo pat ikaw ang nagturo ng kalokohan samin." Sabi ni jhared.

"Salamat,bestfriends hugs." Sabi ko at nagiiyakan silang yumakap sa'kin.

Nabawasan ang bigat sa dibdib ko kase alam kong may mga kaibigan akong hindi ako iiwan.

Lumabas ako at naglakad- lakad pagkatapos ng aming yakapan.

Napatalon ako sa gulat dahil sa pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan.

"Anong kailangan mo? Sino ka? Hindi kita kilala." Sunod sunod kong tanong at nag angat naman sya ng tingin saakin at nakita ko ang muka nya.

Tantya ko mas matanda lang to kay papa ng ilang taon.

Nagulat ako ng suntukin nya ako teka isang metro ang pagitan namin papanong nakarating sya ng ganun saakin.

Kaagad ako bumangon pero hindi pako tuluyang nakakatayo ng tadyakan nya ako sa likod at sa sobrang lakas ng sipa nya sakin napadapa ako sa sahig at nahihirapang tumayo.

Sino ba sya?

"A-anong ka-kasalanan ko at nanunugod kana lang bigla." Natatawa kong sabi puta alangan namang trip-trip nya lang.

"Pano kung sabihin kong ako ang pumatay sa pamilya mo?" Tanong nung nakaharap kong lalaki.

Nagdilim yung paningin ko dahil sa sinabi nya at hindi ko alam kung san ako nakakuha ng lakas na tumayo at kaagad syang sinugod.

Hindi ko ininda yung sakit ng katawan ko ng suntukin nya ko at sipain kanina dahil puro pakawala ako ng suntok sa kanya pero para lang syang bagot na bagot na umiilag sa mga suntok ko.

Ano to?

Bakit hindi ko sya matamaan?

Pero hindi ako susuko dahil pinatay nya ang pamilya ko.

Naiwasan nya yung kaliwa kong kamay na pinang suntok sa kanya at huli.

Huli sa bitag.

Hindi nya alam na peke yun at tumalon ako para bigyan sya ng superman punch.

Malapit na sana sa mukha nya yung kamao ko pero nagulat ako ng pigilan nya yung gamit ang kaliwa nyang kamay.

Papanong...

"Paano mo matatalo ang pumatay sa kanila kung ganyan ka kahina ipis kalang sa kanila." Nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Ipis kalang sa kanila." Paulit ulit na naririnig ko sa tenga ko.

"Sumama ka sakin at sasanayin kita para matalo mo ang pumatay sa kanila pagisipan mo babalik ako pagkatapos ng libing nila para narinig ang desisyon mo." Sabi nya at tinadyakan ako sa sikmura na nagpaluhod sa'kin at ng iangat ko ang tingin ko sa kanya nagulat ako dahil wala na sya.

Dahil sa pasakit nya sa katawan ko unti-unti akong bumagkas sa sahig at nilamon ng dilim.

...

Kyle POV

Nandito kaming magkakaibigan sa kalye dahil kanina pa hindi bumabalik si jairus at napagusapan naming hanapin sya.

"Tol kanina pa tayo nag hahanap saan kaya sya pumunta?" Hinihingal na sabi ni raymond.

"Wag tayong sumuko kailangan nya tayo." Sabi ni covie.

"JAIRUS." Sigaw namin.

Nagulat ako ng may pamilyar na tao akong nakita sa gitna ng kalye.

Shit si jairus!

Kaagad ko itong nilapitan at hindi naman ako nabigo dahil tama ako.

Pero nagtaka ko dahil may mga pasa sya anong nangyari kaya ba sya nakahiga dito dahil sa bugbog.

"PARE TULUNGAN NYO KO NAKITA KONA SI JAIRUS KAILANGAN SYANG DALIN SA OSPITAL!!!" Sigaw ko sa kanila.

"ANONG NANGYARI?" natatarantang tanong nila.

"HINDI KO ALAM PERO KAILANGAN NATIN SYANG DALIN SA OSPITAL!!!" Sigaw ko kaagad naman kaming nagtulong tulog buhatin sya dahil wala kaming sasakyan at malayo pa dito ang paradahan ng tricycle.

Jairus POV

Unti-unti kong minumulat ang mata ko dahil sa ingay na naririnig ko.

Puti yan ang nakikita ko wait nasa langit na ata ako kaagad akong bumangon para hanapin ang pamilya ko pero kaagad din akong nakarinig ng sigawan.

"Si jairus gising na." Sigaw ng pamilyar na boses.

"Wag ka munang bumangon mahina kapa." Sabi ni kyle na umaalalay sa'kin.

"KAILANGAN KONG HANAPIN ANG PAMILYA KO!!!" Sigaw ko habang nag pupumiglas sa pagkakahawak nya.

"TOL HUMINAHON KA ANDITO KA SA OSPITAL!" Sigaw nila.

Para akong sinapok ng kapre dahil sa sinabi nila.

"Wala pako sa langit?" Tanong ko umiling naman silang lima.

"Lumabas ka kanina sa burol ng pamilya mo at dalawang oras na pero hindi kaparin bumabalik kaya napagpasyahan ka naming hanapin na at hindi naman kami nabigo dahil nakita ka ni kyle na nakahiga sa kalye at may mga pasa kaya dinala ka namin dito sa ospital." Paliwanag ni covie atyaka ko naalala ang lahat nang nangyari kanina kung paano ako lumaban kung paano sya umiiwas at ang mga sinabi nung misteryosong lalaki.

"Teka sino bang nakaaway mo?" Nagtatakang tanong ni paolo.

Ayokong magsinungaling sa kanila pero dapat hindi nila malaman kung anong nangyare.

"Na-napagtripan ako kanina atyaka madami sila." Pagsisinugaling ko nagtaka naman sila sa sagot ko.

Pero bago pa sila makapag salita o mag tanong tumayo nako kahit nahihirapan ako.

"Teka san punta kelangan mong magpahinga." Sabi ni jhared.

"Okay nako wag kayong mag alala salamat sa pagdala sakin dito." Sabi ko at naglakad paalis wala namang silang nagawa at sumunod nalang.

Iniisip ko parin yung sinabi nung misteyosong lalaki na nakasagupa ko ko kanina kasama bako o hindi sumasakit lang lalo ang ulo ko bahala na.