webnovel

Demon in Archery (Archery Series #01)

Aesther Rosetta Grospe meets the Demon in Archery. He is an engineer, a painter and a toxophilite when it comes to Archery. Is their relationship strong enough to handle all the struggles? Or it is too weak?

iamkyrelleest · Teen
Not enough ratings
24 Chs

Kabanata 3

"Kinilig ka naman?" I

rolled my eyes and crossed my arms.

"Ew!"

"Diring-diri ka 'te?" he chuckled.

"Smile!" we smiled together. Kyopid and I are wearing witch hats. The purple one. Nasa bench kami malapit sa Rio Grande. Medyo basa na kami dahil sumakay kami kanina sa Jungle Log pagkatapos sumakay sa Anchor's Away.

Umiinom kami ng milktea ngayon at kumakain ng siomai dahil nagutom kami. Ang iba naming mga kasama ay nagpatuloy sa extreme rides. Mabuti na lamang at dinala ko ang monopad ko kaya naman naparami kami ng pictures. Dala-dala ko rin ang DSLR at nagdala naman siya ng Go Pro. I took a picture of him.

Ang cute niya 'nga e kahit stolen. Samantalang ako, kinuhanan niya ko ng stolen kanina tapos nakanganga pa ko. Huhu.

"We look like a couple here." tinignan ko ang picture na tinitignan niya sa DSLR ko. Tama siya. Naka akbay siya at nakahawak naman ako sa bewang niya. Samantalang ang spare hands namin ay naka stretch din. We are both smiling while wearing the witch hats. El took a picture of us. We were outside in Jungle Log when she took that.

"Saan mo pa gustong sumakay?" tanong niya ng matapos kaming kumain.

"I want to experience all the extreme rides left." we both chuckled.

Parehas kaming takot sa extreme rides pero nakayanan namin. Kapag natatakot ako ay hinahawakan niya palagi ang kamay ko tapos sabay kaming sisigaw at itataas ang mga kamay namin.

"Sherwin, took a picture of us. Please?" Sefa asked kuya. Sama-sama kaming apat at magkakaakbay saka kinuhanan kami ng litrato. Kuya took a lot of picture of us.

Sabay sabay kaming sumakay sa lahat ng extreme rides na natira.

"Tch, andaya naman e!" reklamo ko. Nandito kase kami sa isang palaro na kung saan kailangan 'mong tamaan ang stuff toy gamit ang laruan na pellet gun.

"Ang hirap, may daya 'to e!" reklamo ni Kyopid.

Napatitig na lamang ako duon sa prize.

It's a gold anklet. I want that.

"Mas madali ate kapag pana. Tch, may daya 'to e." reklamo niya ulit. Umalis na lamang kami duon dahil sa punyetang laro na 'yan.

Pagsapit ng 5 pm ay nagpasya kaming bumalik sa mini bar nila para kumain at magsaya.

"Jaque, bakit mo hinayaang mabingwit ka ng bruhang 'to?" we laughed at Sefa's question.

"Hmm. She's sexy, hot and..." Jaque looked at Tans body.

Hell. Alam ko ang sasabihin neto.

"What?" El raised her eyebrow.

"She's good in bed."

Sabi na 'nga ba e.

"Gago!" sigaw ko at ibinato sa kaniya ang table napkin.

"Be serious, man!" sigaw ko ulit.

"Hay nako, normal lang 'yan babe." bulong sakin ni El.

"Learn from me, Ayii. Pick a boy, I'll teach you how to seduce."

Tch, no need. Alam ko naman mang-harot e. But, boys isn't my priority.

"Ayii is still a kid." singit ni kuya.

"No, she's not! Oh come on! Bakit ba ayaw 'mong magka-boyfriend si Ayii ha?!" sigaw ni Sefa.

I loved someone before.

"I don't want her to get hurt again." natahimik sila. Alam ko namang alam nila kase syempre magkakaibigan na kami since elem.

"Who?" napatingin kami kay Kyopid.

"My cousin." bumalik ang tingin ko kay Jerv.

"Singers and Dancers get ready! If you wish to join us here in stage, your wish is our command! Let the magic begin!" pag-aanunsyo ng emcee.

"Call?"

"Call!" masiglang sinabi namin.

****

Tanya, Sefa and Cassie sung. While me, El, Kuya Maui, Jerv and Kyo danced. We chose to dance Boy with Luv by: BTS and TalaxCatriona Mash up Challenge. We did the moves of Niana Guerrero and the boys did the moves of Ranz Kyle Guerrero.

Indeed, marami ang nanuod sa mga sayaw namin. When the three girls sang, marami ang natulala sa ganda ng mga boses nila.

"This song is dedicated for the girl that I like." natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang boses niya.

"Babe," bulong ni El. Dahan-dahan akong tumingin sa stage. I saw him. The guy who broke my heart two years ago.

Now Playing: We could happen

By: AJ Rafael

I stared at him while he's strumming the guitar. Sinundan ko ang tingin niya, he's staring at the girl infront of him. They looks so happy. They look good together.

He's smiling like wala siyang nasaktan nuon. Nakangiti siya na parang walang ibang tao. Nakangiti siya na parang wala siyang niloko nuon. I can't call him Ex dahil wala naman kaming label. We loved each other in the past.

Oops, silly. Ako lang pala ang nagmahal. Dahil siya, may ibang minamahal.

Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang paghawak ni El sa bewang ko.

"You, okay?" she asked.

"Of course," nakangiting sagot ko. But deep inside, masakit pa rin.

"This song is dedicated for Aesther Rosetta Grospe, 'yung crush ko." napatingin ako sa lalaking nasa stage. Namula ako ng makitang si Kyopid na ang nakahawak sa ukulele.

"Go, girl!" tinulak tulak ako ng mga barkada ko papunta sa stage. Nakita ko namang napa-awang ang mga labi ng lalaking nanloko sa akin nuon. Nagiwas ako ng tingin at nagulat ako ng makitang nakatingin sa akin si Kyopid. He's rasing his eyebrow on me.

"What?" I mouthed.

"I hate it when you don't pay attention on me." mariin nitong sinabi sa akin.

Putangina. Sa mic pa talaga siya nagsalita! Grr.

"Tch, why would I pay attention to you?" I crossed my arms.

"Kase crush kita. And I want my girl to look at me." pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko.

"Ang sweeeeet!"

"Sana oil!"

"Wooooh! Get a room!" sinamaan ko ng tingin si Tans. Lalo akong namula sa sigawan ng mga taong nanonood sa amin. Mas lalong dumami ang nanonood sa amin ngayon.

Kyo started to strum the ukulele. Kusa akong napatitig sa kaniya lalo na ng tumingin siya sakin at ngumiti. He sang the mash up I'm yoursxPerfect Two.

Matinding sigawan ang narinig ko ngunit parang wala lang ito sa akin. Nanatili akong nakatulala kay Kyo while he's smiling at me.

"Ang swerte ni ate girl,"

"Ang sweet naman ni kuya. I want a man like him!"

"Gwapo na, singer na, sweet pa! Letse 3in1 si kuya."

"Sana all!"

Ilan lamang 'yan ang mga naririnig 'kong sigawan ng mga tao hanggang sa matapos ang kanta.

"Let's go, baka maging bato ka na jan," he chuckled and held my hand. Lumabas kaming lahat at nagpunta sa ferris wheel since mas magandang sumakay kapag gabi. 6:30 pm na ng makasakay kami.

"Ehem, h'wag sa ferris wheel gumawa ng milagro ha?" pangangaral ni Sefa.

"Tch, why not?" binatukan naman ni El si Tans dahil sa sinabi niya.

Kahit kelan talaga di makapagpigil ang kalandian neto.

"Gaga! Madami makakakita! Pigilan mo muna 'yang pechay mo. Mamaya paguuwi na, dun kayo sa motel! Kaloka ka, Tans!" pangangaral uli ni Sefa.

Napa-iling naman ang mga lalaki at ganun din kami ni El.

"Tayo na," Kyopid held my hand.

"Ano?! Kayo na?!" sigaw ni El. Binatukan ko naman siya.

"Tanga! Malamang, papasok na kami sa loob para makaupo na!"

"Uupo 'nga lang ba?" nakakalokong ngisi ni Tans. Babatukan ko sana siya pero hinila na ako ni Kyopid papasok sa ferris wheel. Kaniya-kaniya din naman kasi kami ng mauupuan. Kapag kasi nagsama-sama kaming apat ay panigurado pagewang-gewang na ang inuupuan namin.

"What a nice view," I heard Kyopid whispered.

It's true. Napakaganda ang tanawin kahit wala pa kami sa tuktok. Mula rito ay kitang-kita ang mga ilaw na nagmumula sa mga iba't ibang buildings.

"Yea. Magpapalit ka ng damit after nito?" tanong ko.

"Hmm." pagsang-ayon niya. Kumuha kami ng picture na magkasama at syempre solo pictures at stolen.

Sabay kaming umiling ng mapansin naming gumagalaw ang inuupuan nina Tans.

Anak ng, hindi makapagpigil ang pechay.

"Why did he hurt you?" napatingin ako sa kaniya ng tanungin niya ako.

"He made me fall inlove with him. And then, he left me nothing. Habang minamahal ko siya, may minamahal na pala siyang iba." I looked away.

"Akala ko ba hindi mo priority ang mga lalaki?"

"Yea, kaya 'nga iniwan ko siya bago pa lumala 'yung nararamdaman ko. Wala kaming label, funny. He did court me pero sabi ko, baka matagal-tagal pa bago ko siya sagutin. Then after 3 months ata, may girlfriend na siya. Nakakatawa 'nga kasi almost 1 and a half year niya ako niligawan tapos 'yung half a year, may nililigawan din pala siyang iba. I think, he didn't love me. Ginamit niya lang ako para maging part ng dance troupe and for the fame." nanatili akong nakatingin sa tanawin. Humakbang siya papalapit sa akin.

"I am sorry kase hinusgahan kita nuon. I really hate your dad. But, my dad and yours are friends since gradeschool. I hate him for being boastful, Aesther." he held my hand.

"I am sorry, I'll talk to---"

"No. Don't."

"The day you said I was weak, pinaalis ako sa bahay. My dad slapped me. He did said so many fucking harsh words. I also see him as a jerk. Mommy has the highest standards, that's not right. Dad does. He wants me to handle our company. But I want to become an archi. Mom always supports my decision. Si kuya Maui, palagi niya akong prinoprotektahan from Dad. Maple? I don't know why she's so mad at me. To think na she's the product of Dad's mistake. Anak na sa labas. Ang sakit kasi I feel that everybody hates me. Through dancing, I feel relaxed." madramang eksplanasyon ko.

"Pasensya na kung sayo ko naibuntong ang galit ko sa daddy mo. But, do you want me to be your friend?" tanong niya.

"Of course!" kumunot ang noo ko ng umiling siya.

"Ayoko." mahina ko siyang sinuntok sa braso.

"Kase ibig sabihin 'nun, hanggang magkaibigan lamang tayo."

Anlakas talaga ng trip neto. Mamaya, mahulog ako e. Charot.

"Sira-ulo," I whispered.

"Do you have plans tomorrow?" he asked.

"Sa umaga, may sched ako for aerobics. May training kami bukas ng umaga. Sa hapon naman, maybe I'll get some rest. Ikaw?"

"May training din kami for archery bukas ng umaga. Sa hapon ay magpapahinga na lang siguro ako. How about the next day?" napaisip ako.

Wala. Ang boring pag walang lovelife tapos 'yung mga barkada mo may mga jowa.

"Wala, e."

"Are you interested in Archery?"

"Not that much. Marunong naman ako pero di magaling." I chuckled.

"Then, I'll teach you." he smiled at me.

****

"Woi! Bakit gumagalaw ang inuupuan niyo ha? At bakit ganun ang itsura niyo?!" pagbaba namin ay nagsisigawan sina Sefa at Tans sa gilid. Umalis ang mga lalaki para bumili ng mga pagkain namin kasama si Cassie kaya kaming apat lang ang naiwan.

"We had fun!" sigaw ni Tanya.

"Jusq, Tans! Paano kapag ma-buntis ka ha?! Magfi-first year college pa lang kayo!" pangangaral ni Sefa. Kumapit naman ako sa braso ni Sefa para pigilan. Ganun din si El.

"He used contraceptive, for God's sake Sefa!" Tans rolled her eyes.

"Okay, okay! I won't question your god damn life anymore. But, please Tans pakipigilan naman ang pechay mo." nasapo ni Sefa ang noo niya.

"Hindi niyo ba alam na, Ang masaganang pechay, masaganang buhay! Kaya kayo, humarot-harot din okay?" Tans kissed all of us.

Nagpalit kaming mga babae sa restroom at ang mga lalaki ay sa kabila naman. Umulit kami sa Rio Grande kaya naman basang-basa na kami. Nagpalit na lamang ako ng peach off shoulder and maong ripped shorts. Nagpalit ako ng medyas at muling isinuot ang puting addidas. Hindi naman ito gaanong nabasa kaya, oks lang. Sefa braid my hair and put some light makeup.

I forgot to bring my denim jacket, huhu. Malamig na sa labas dahil gabi na.

Halos lahat ng mga kasama ko ay nakasuot ng jacket. I saw Cassie wearing a red velvet bralette and black high waist shorts. She's also wearing a black pumps. Maganda siya pero maingay. Kapag kasama niya kami, she's kinda---- not that noisy. But when she's with Jerv, napakapabebe.

Sefa is wearing a red fitted dress. Pa-cross ang design sa likuran at sa harap ay lumalabas ang kaniyang cleavage. She's wearing a white jacket.

Sana all may cleavage.

El wears the bralette that I gave to her. It is a black bralette partner with maong shorts. El and Sefa are both wearing a black pumps like Cassie. She also wear the denim jacket that brought by Tans.

Tans is wearing a white scoopback revealing her cleavage. She terno it with a black ripped shorts. She's wearing a white pumps.

"Woi, bakit di kayo naka-jacket?" tanong ni El sa amin ni Tans.

"I forgot to bring," sagot ko.

"To seduce Jaque," binato naman siya ni Sefa ng lipgloss.

Nang makalabas kami ay nagaantay na pala sila sa labas ng girl's restroom. Giniginaw na ako sa lamig, puta.

"Why didn't you bring jacket?" tanong ni Kyopid. Inalis niya ang denim jacket niya at isinuot sa akin. Natulala ako sa necklace niya. The pendant is the equipment of Archery. 'Yung pana.

"I forgot." I answered.

"Deretso na sa motel!" Tans shout.

"Oo! Ilabas mo dun lahat ng ka-harutan 'mong bruha ka!" El shouted.

"Aesther looks so simple. Be elegant, girl! Baka ipalit ka rin ni Kyo!" inambangan ko naman ng suntok si Tans.

"I prefer simple than elegant," Kyopid held my waist closer to him and gave me a small kiss in the forehead.

"Woooh! May bumubukol!" asar ni Unra.

"Gago!" Kyo cursed at him.

"Deretso uwi, Aesther." saad ni kuya Maui. I nodded and kissed him on cheeks. We said goodbyes and left.

Nang makasakay kami sa kotse ni Kyopid ay nakaramdam ako ng matinding pagod.

"Here," he gave me a small box with a silver ribbon.

"What's this?" tanong ko.

"Uso magbukas." he smirked.

"Tch," I opened the box and my eyes widened.

'Yung tinititigan 'kong anklet kanina!

"Naglaro ka ulit duon? Paano mo ito nakuha?" tanong ko.

"Ang gwapo ko kasi."

"K." he chuckled.

Ang kapal ng mukha.