webnovel

DEMON'S WORLD

9nevermind5 · Teen
Not enough ratings
12 Chs

chapter 1

Chapter one:Jungle Adventure

Rayvah's Point of View

"Hey tropapits! Gala tayo dali!"yaya sa amin ni Xyrille.

"Saan naman tayo gagala?eh halos malibot na natin yung buong mundo kakagala natin"pag mamaktol ni Valenttina.

"Hmm para maiba naman jungle adventure tayo?!ano game?!"masiglang sabi niya sa amin at saka sumang ayon ang lahat maliban sa akin.

"Hoy ano ba naman yan,baka mapapano tayo jaan huh?ayusin niyo ang desisyon sa buhay nga sis!"sigaw ko sa kanila na tinawanan lang ako..psh!

"Hindi yan!wait lang ah mag tatanong ako kay kuya Xyrex"sabi niya at saka tumayo.Pupuntahan siguro si kuya Xyrex na kapatid niya.totally sa lahat na magkakaibigan ako lang ang Only child!tss..

Nag kwentuhan lang sila tungkol sa pupuntahan namin at ang dalawang lalaki naman ay inutusan ni Valenttina na bumili sa alfamart nang mga snacks at beers na dadalhin namin.Nakikinig lang ako sa usapan nila habang inaalala pa rin ang Jungle Adventure kuno nila.

"Hoy rayvah join ka naman dito!dali!"yaya sa akin ni Allex kasama si Valenttina at Jhairo.

"Sige na nga"sabi ko naman saka napa kamot sa ulo.

"Mukhang napipilitan ka pa ata eh!"sabay na sabi ni Valenttina at Allex.

"Mapilit kayo edi oo nalang"natatawang sabi ko pa saka hinigit na ng dalawa ang kamay ko.

Patuloy kaming nagkwentuhan at tawanan ng dumating na ang tatlo.

"Brosis! Sa Saja Forest tayo!"bungad na sigaw sa amin ni Xyrille ng pinag buksan siya ni Valenttina.

"Oh heto na ang Drinks and Snacks natin"sabi naman ni Calle at Yvann.

"Tara magimpake na tayo,pinag paalam ko na kayo sa mga magulang niyo kaya pumayag sila"sabi naman ni Xyrille.Kaya pala siya natagalan dahil doon.

Nag simula na kaming mag impake at saka bumaba na at sumakay ng raptor.

"Vann ikaw mag drive nanjaan sa tablet yung Way papunta sa Saja Forest"sabi naman ni Xyrille.

Katabi ko naman si jhairo at Xyrille,Nasa unahan naman si Valenttina.

Nagtawanan lang sila habang nag kwekwentuhan at asaran habang nag sosoundtrip at ako naman ay naka tingin lang sa maliliit na bahay na dinaraanan namin dahil province ito kaya bihira lang ang may malalaking bahay.Sa limang oras na biyahe namin ay naka tulog lang ako at nagising nang biglang huminto ang sasakyan.

"Manang saan po dito ang Saja Forest?pasensya na po sa abala"sabi ni yvann habang kausap ang isang matandang babae.

"Nako mga hijo at hija mag iingat kayo dahil mapanganib ang lugar na iyon,dumeretso ka jaan at saka kumanan pag may nakita kang puno ng mangga ay lumiko kayo pakanan,May naka sulat doon na saja forest sa karatula"turo sa amin ng matanda saka nag pasalamat na si Yvann.

"G-guys natatakot na ako"nauutal na sabi ko dahil sa kaba at takot dala ng sinabi ng matanda sa amin kanina.

"Ano kaba tinatakot lang tayo ng matanda'ng yun sabi ni kuya xyrex ligtas daw roon"sabi naman ni Xyrille saka humawak sa kamay ko.

Sinunod naman ni Yvann ang sinabi ng matanda,gaya ng sabi ng matanda ay may naka sulat nga roon kaya nag park na kami sa labas ng Saja forest.

Nag lakad lakad kami upang maka hanap ng komportableng pwesto na pwede naming pag tayuan ng tent dahil inabot na kami ng dilim ng may bigla kaming nakita na matatayog na mga puno at kitang kita ang sinag ng buwan.

"Dito tayo"sabi ni jhairo saka nagtuloy tuloy kami ng lakad dahil pantay pantay lang naman kami ng pwesto kaya walang naiiwan ng bigla kaming nanghina ng nag iba ang Forest na pinuntahan namin..

DISCLAIMER:

This is a work of fiction and any resemblance to any person, living or dead, any place, events, or occurrences, is purely coincidental. The characters and story lines are created from the author's imagination or are used factiously. All publicly recognizable characters, settings, etc. are the property of their respective owners.

To be continue..