webnovel

delete(2)

快速地 (Tagalog) Ito ay isang kwento ng kabataan na nagngangalang Wang Feng, siya ay namatay dahil sa isang pandemya at muling nabuhay bilang isang Tao sa ibang Mundo. Wang Feng "Ako ay muling nagkatawang-tao bilang isang mahina na Mortal sa mapayapa at kalmadong kagubatan na ito" Akala niya mahina siya bilang isang Mortal sa mundo ng Cultivation. Akala niya normal na tao lang siya. Maramu siyang inanaakala na patungkol sa kaniya, pero mali. Sinabi niya na siya ay muling nabuhay sa isang mapayapa at kalmado na kagubatan? God! Ang kagubatang ito ay ang tinatawag na starlight Forest, ang lugar na ito ay isang bangungot sa mga Tao. Sinabi niyang mahina siya? Kung gayon, sino ang magsasabi na siya ay malakas? Kung sasabihin mong ikaw ay pangalawa, walang aangkin ng pang-una. Sinabi mo bang mortal ka? Kung gano, ang mga Fairy at Cultivator ay isang pantasya lamang! Wala talaga siyang alam sa sarili niya. Nag-ampon siya ng isang alagang hayop, ang alagang hayop ay isang tigre na may angking lakas na kayang maging hari ng mga Beast, ngunit ng tumira kasama niya, ito ay naging Supreme Beast, pero umaastang normal na Pusa. Nakakpatay si Feng ng Supreme Beings nang hindi nalalaman ito. Nakilala niya ang isang Fairy at itinuring ito bilang isang Mortal. Nagmamay-ari siya ng maraming mga instrumento sa Musika na sapat upang masira ang mundo. Nagmamay-ari siya ng maraming bagay na sapat upang maitugma ang halaga ng buong mundo, o higit pa. Nagmamay-ari siya ng maraming kayamanan na hindi maiisip ng sinuman, ngunit para sa kaniya ang lahat ng ito ay isang tambak na basura lamang. Palagi siyang gumagawa ng isang bagay na karaniwan ngunit hindi niya alam ay malaki ang epekto sa mundo. Siya ay Katas-taasan! Siya si Feng. Si Wang Feng, ang isang tao na nagreklamo sa Diyos at naging pinakamalakas sa ibang mundo. Tandaan mula sa May-akda: Ang kwentong ito ay hindi R-18. (English) This is a story of a young man named Wang Feng, he died of a pandemic and was resurrected as a Person in another World. Wang Feng "I am reincarnated as a weak Mortal in this peaceful and calm forest" He thought he was weak as a Mortal in the world of Cultivation. He thought he was just a normal person. He thought a lot about him, but he was wrong. He said he was resurrected in a peaceful and calm forest? God! This forest is the so-called starlight Forest, this place is a nightmare to the People. He said he was weak? If so, who will say he is strong? If you say you are second, no one claims first. Did you say you are mortal? If so, Fairy and Cultivators are just a fantasy! He really didn't know anything about himself. He adopted a pet, the pet was a tiger with the ability to be king of the Beast, but when he lived with him, it became the Supreme Beast, but it behaved like a normal Cat. Feng kills Supreme Beings without knowing it. He met a Fairy and treated it as a Mortal. He owns so many Musical instruments that are enough to break the world. He owns many things that are enough to match the value of the whole world or more. He possessed many treasures that no one else could think of, but for him, it was all just a pile of rubbish. He always does something ordinary but he does not know it has a big impact on the world. He is Supreme! He is Feng. Wang Feng, a man who complained to God and became the strongest in the other world. Note from the Author: This story is not R-18.

Innocent_Author · Eastern
Not enough ratings
11 Chs

Kamatayan (1)

Sa isang tukoy na silid sa isang bilding na makikita sa China, mayroong isang tinedyer na may mahinang sigla na nakahiga sa kama, isang maliit na patak ng luha ang makikita sa gilid ng kanyang mga mata.

Siya si, Feng, Wang Feng.

Galing siya sa isang hindi gaano kahusay na pamilya ngunit nanirahan pa rin bilang isang mabuti at mabutiglang tao, ang pamilya ay palaging mainit sa isat-isa at masaya pagmagkakasama, simple pero masasabi niyang perpektong pamilya.

Ngunit, nagbago ang lahat nang binalot ng isang kakaibang karamdaman ang mundo, ang karamdamang ito ay tinawag na COVID-19.

Ang COVID-19 ay bago pa rin sa oras na iyon nang makaharap niya ang isang taong tagapagdala ng nasabing sakit, at sa kasamaang palad, nahawa din siya.

Hindi siya makapaniwala na sa oras na iyon, lahat nagsimulang magbago.

Dinala siya sa isang malapit na silid, hindi na niya makasama ang pamilya niya, hindi na siya mabubuhay tulad ng normal, lahat, nagbago ang lahat.

Gaano kahirap ang sitwasyong ito?

Gaano siya ka kapus-palad?

At ngayon, narito na siya, nakahiga sa kanyang kama, nag-iisa, at walang inaasahan na may darating. Hindi, hinihintay niya ang Shinigami na dadarating para kunin siya palabas sa mundong ito.

Ngayon, ang kanyang katawan ay masyadong mahina na, siya ay nakakapagpauloy lamang dahil sa tulong ng mga panlabas na suporta.

'Bakit nangyari ang mga bagay na ito? ' Tinanong ni Wang Feng ang kanyang sarili sa kanyang isipan, hindi na siya makapagsalita dahil siya ay masyadong mahina na ngayon, malapit na siyang mamatay. Kunting oras nalamang ang natitira sa kaniyang buhay!

'Nabuhay ako bilang isang tao'

'Ginawa ko ang aking makakaya upang mabuhay bilang isang mabuting tao'

'Bakit kailangan kong mamatay?'

'Gusto ko pa ring makita ang aking pamilya! '

'Ang nakakalokong ngiti ng aking maliit na kapatid na babae! '

'Gusto kong yakapin ang aking Nanay at Tatay! '

'Ayoko pang mamatay! '

'Ngunit~ '

'Narito ako, nag-iisa, dahan-dahang namamatay, unti-unting naghihina, naghihintay para sa wala! '

'Hindi, naghihintay ako ng aking Shinigami'

Hindi mapigilan ni Wang Feng ang pagbuo ng mas maraming luha mula sa gilid ng kanyang mga mata habang siya ay patuloy na nagrereklamo sa Diyos.

'Maraming mga tao, bilyun-bilyong tao! Ano ang nagawa ko upang maging karapat-dapat na maranasan ang ganito?! '

'Diyos! Ano ang nagawa ko?! '

'Maraming mga Teenager, Middle-age, Old people, na nais na mamatay, ngunit bakit ako ang napili mo?! '

'Inilaan ko ang aking sarili, at palaging naniniwala sa iyo! '

'Pero bakit?! '

'Bakit ko kailangang mamatay?! '

'Bakit kailangan kong mamatay ng na mag-isa! '

'Bakit kailangan kong mamatay ng nag-iisa?! '

'Ang guato ko lang~ '

'Gusto ko lang makita ang aking pamilya sa huling pagkakataon! '

'Ngunit, ngunit kahit na ang maliit na kahilingang iton na mula sa akin, bakit hindi mo ito maibigay?! '

'Isa pa! Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aking katawan kapag namatay ako! '

'Cremation? Baka kahit na ang aking abo ay hindi maaaring makuha ng aking pamilya! '

(Sob, Sob)

Nagsimulang umiling ang katawan ni Wang Feng at hindi na mapigilan ang luha, dumadaloy narin ito sa pisngi, patak pagkatapos ng patak, nabababad na ang puting kumot.

Ang mahinang sigla ay nagsimula na namawala nang mas mabilis.

'Bakit kailangang maghirap ang mga tao?! Bakit kailangang mamatay ang mga tao?! '

'Alam kong hindi ako perpekto, ngunit nais kong makita mo ang aking kahalagahan! '

'Diyos, ano ang nagawa ko?! Pwede ko bang malaman? '

'Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon, kung maaari akong muling mabuhay, nais kong maging malakas, ayoko nang madama ang kamatayan! '

'Ako~ '

'Ayoko... ayaw kong mamatay!'

Toot Toot Toot

Makalipas ang ilang sandali, sa kanyang huling salita, kasabay ng huling pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata, nawala narin ang kanyang buhay.

Si Wang Feng, ay, patay na!

Toot Toot Toot

Ang buong silid ay biglang naging mas tahimik kaysa sa dati.

Ang katawan ni Wang Feng ngayon ay namamalagi nang walang buhay.

Siya- Namatay siyang nag-iisa, nag-iisa sa isang silid, walang kasama hanggang sa kaniyang kamatayan!

Nakakalungkot na pangyayari, pero kailangang tanggapin, at nakatadhana.

Tapikin ... Tapikin ... Tapikin ...

Biglang may mga yabag na maririnig sa labas, ngunit patay na si Feng.

Bakit sila nandito? , Upang kolektahin ang nanlalamig na katawan, syempre.

.

.

.

Maya-Maya pa, Hindi nakikita ng mga mata, isang puting nagniningning na bola ang lumitaw sa bangkay ni Wang Feng at sinipsip ang kanyang kaluluwa.

.....

Dito nagsimula ang lahat, ang kwento ng paghihirap at muling pagkabuhay l ni Wang Feng sa ibang mundo, ang kwentong ito ay pinamagatang; I Cursed the God and Became the Strongest in Another World

Unang Pahina: Don't Curse the God