webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

Chapter 26: Feelings, Stalker

Chapter 26: Feelings, Stalker

.

.

Dahil sa mga nangyaring pagyanig, at nakakatakot na pagtagas ng Aura mula sa labanan ng Saint stages. Nahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at nag focus sa pagtatago at nagtungo sa safety areas.

.

Madami parin ang nadamay at namatay sa mga lugar kalapit ng pinangyarihang labanan. (kawawa sila---sayang ang mga loots/"spoils of war". surely pati mga Storage rings nasira din)

.

Nagsama sama ulit sina Chris at plano na nilang pumasok sa ilang layers ng EvilBeast Mountainous Region.

.

"sigurado bang walang panganib na nakaabang saten sa pagpasok sa ilang layers? ".

Tila hindi kumbinsido si Morjo at ganun din si Bojo.

.

Lumingon naman si Chris at lumapit sa dalawa. Ganun din kay Chulie. 

"sa totoo madaming panganib at hindi tiyak na panganib ang nag-aabang. sa simulang pagtapak palang natin sa outer layer maaaring Alam na ito ng ilang Ancestor MagicalBeasts."

Tila nananakot na sabi ni Chris. Pero halatang may pangkontra si Chris sakaling may Ancestor stage man ang dumating. At mas ikinababahala nya ay ang pagtipontipong ng madaming Epic Stage magical beast dahil narin sa nangyari kamakailan. (oo nasa defense mode na siguro mga Epic stage magical beast. Dahil namatay ang tatlong Saint stages sa labanang iyon.)

.

Inabot sila ng buong araw na nag-tatakbo sa kasukalan ng kabundukan, inabot nila ang ilang peak ng mga bundok na may taas na 10,000 ft, at may mga mas mataas pa na matatanaw at hindi layong masa taas ang mga bundok na iyon na 100,000-300,000 ft. (ang taas ang ganda siguro pasyalan yun kapag walang magicalbeast na nagbabadyang umatake). Madami na silang nahakot na Beast Cores mula sa mga nakasalubong nila.

.

Pagsapit ng dilim, gumawa si Bojo ng underground hideout gamit ang kanyang earth element. Habang si Ahri na naglagay/nagtanim ng ArrayBarrier sa palibot ng hideout, Na devoid of sound at Qi aura suppression upang hindi sila ma track ng malalakas na halimaw. At dalawang layer palang ang kanilang natunton sa araw na iyon.

.

Sa loob ng hideout kung saan nahati sa Tatlong kwarto na bawat isa ay may lawak na 50 meter radius. At kasalukuyang nasa gitnang kwarto sila. 

.

"ok, sa araw na ito meron tayong kabuoang , 190 Master beast cores, 50 Grandmaster beast cores. At isama narin natin ang mga naunang ipon na 150 Master beast cores at 35 GrandMaster beast cores.".

Si Hannah ang nagsilbing Treasurer ng mga Beast Cores. 

.

"340 and 85---- grabeh!!, gaano kaya tayo kayaman kung ibebenta natin lahat ng iyan!! ".

Namangha si Box dahil napag-aralan nilang mahal ang mga beastcores. At ganun din sina Jane kahit may background sila at mayayaman na, hindi parin nila maiwasang matulala sa bilang ng gold na halaga ng mga beast cores. 

.

Natawa naman sina Chulie dahil sila ay alam na alam na ang halaga ng mga ganung bagay dahil nasama na sila sa ilang mga raids last time. At alam din nilang natural lang na yayaman ang mga raid squads dahil ganung uri ang buhay nila araw-araw. (parang bounty hunters, or mga expert animal hunters. Woooh freelance astig ah pero masyado rin mapanganib unpredictable ang dangers)

.

" ahem--ahem!!, bilang second in command and strategist sa Joint Squad natin. Masasabi kong napaka konti pang halaga iyan kung ipagpapalit natin sa ating Cultivation resources. Tiyak namang nararamdaman nyo na ang mahirap sa pag cultivate sa mga huling araw na nasa GrandMaster stages kayo or mga halfway palang sa GrandMaster stage--- ang lahat ng maiipon natin dito ay ipagpapalit natin sa Spirit Stones. Pero maaari din namang ipalit natin sa mas mataas na grade---".

Sa huling nabanggit ni Chris ay biglang lumingon sina Chulie at ganun din ang lahat.

.

"you mean, Bless Stones?!, 10x ang effectiveness nito at halaga nito sa Spirit stones!".

Sabi ni Chulie. At tulala parin sina Morjo at Bojo na tila nangangarap ng isang purple stone na may laking isang Thumb ng daliri. At may aura ito ng Compressed Qi Element/Energy.

.

Mas lalong na Amaze sina Jane lalo na sina Vera. Pero halatang normal ito kay Ruby at Ahri. 

.

"so tara mag hunt pa tayo ng madami!, para makahakot tayo ng Spirit stones at Bless stones".

Sabi ni Lucas na tila nanginginig parin sa idea na tataas ulit at bibilis ang kanilang pag Cultivate.

.

"wag padalos dalos. Gabi na, at siguradong may mga MagicalBeast sa labas na mas malakas, lalo na kapag madilim---sa umaga papasukin natin ang susunod na layer".

Tiyak naman ni Chris at alam nyang mas tumaas ang buhay ng loob ng bawat isa sa grupo nila. (High Morale. Kailangan ito para sa mga mandirigma, at dagdag lakas ng loob sa pagharap sa mga malalaking obstacles patungo kinakamit na pangarap).

.

-----

.

Patuloy naman ang pakikipag laban ng mga ibang Raid squads, at may ilan na tuluyan namang naubos at hindi alam ang kinakaharap na mga panganib lalo na sa dilim. Tanging sigaw ng takot at lagim ang bumalot sa ilang mga lugar sa ibabaw ng lupa. (woooh, creepy kakaibang mga halimaw sa dilim na kayang pumatay ng Ancestor at Epic stages----at wala pa silang taglay na ingay at Aura).

.

Sina Lunzon ay nasa isang kweba habang patuloy namang humahakot at nakikipag laban sa mga magicbeasts ang mga alagad nilang Valmos, kasama narin ang mga ilang sumunod na Alalay nila sa Squad. (tsk mga tamad, mga mapag utos, mga inutil!! ).

.

"Bro, mukhang nawala ang Aura sa Tracer, hindi kaya patay na si Chris? ".

Hawak nito ang isang Crystal tablet at naglalaman ng stats at graph kung saan nila nasagap ang Aura ni Chris. 

.

"maaaring ganun, at maaaring hindi, kilala ko mga kasama ni Chulie at tiyak akong may isa sa kanila ang bihasa sa Array Barriers. At kasalukuyan silang nagtatago sa lugar na ito".

Itinuro naman ni Lunzon kung saan sa graphical 3d hologram ang huling area kung saan nawala ang Aura trace ni Chris. (masyado silang hightech. kakasawa na tuloy mga Iphone iphone sa mundo natin, akalain mo basta ma-inject mo sa Crystal tablet yung aura ng Cultivator ma-t-trace mo na sya gamit nun. Unless maitago mo aura mo or nasa isang isolated barrier ka or lugar na hindi mapapasok ng Qi Element).

.

"dibale bro, kasalukuyan kong inutusan si Bliss na sundan si Chris ng hindi nito napapansin".

Hawak ni Rumon ang kanyang Crystal hologram or phone. At tila nag send sya ng intent gamit nun. At natanggap naman ito ni Bliss na nasa malapit lang nina Chris.

.

Si Bliss ay kasalukuyang nababalutan ng camouflage cloth/silk. At nasa itaas ito ng malaking puno. (2,300 ft. tree, at may taba ang katawan na 15meter radius).

.

*lahat ata ng bagay at kakaibang mga buhay sa mundo iyan, eh malalaki at mahahaba at maluluwang----ehh?! .Ha ha ha ha. Mind mind mind*.

.

-----

.

"ok guys, sa right door ang kwarto ng girls, sa left room naman ang mga lalake".

Sabi ni Lanna at tila medyo umiwas ito ng pansin kay Chris. May trauma ito kay Chris pero halatang may blush ito sa mga pisngi. (inalala nya yung pagkakasilip ni Chris sa kanya noon sa lake habang nalilugo sya doon at malapit ito sa kanilang mansyon/palasyo)

.

*A real Man, never quits being a Hokage. Ha ha ha*

.

Ganun namang ngumiti ng matipid si Chris kay Lanna, kahit binigyan sya nito ng malamig na titig. 

.

Lumapit naman si Ruby kay Chris pero naunahan sya ni Blana. 

.

"Chris may pag-uusapan tayo maiwan muna tayo dito."

Blink blink naman ang mga mata ni Blana at napansin ito ng ilang guys lalo na sina Box at Lucas. (inggit nanaman ang dalawa. ha ha ha).

.

At umiwas din ng tingin sina Vera, Ruby, Jane at Chulie at sabay sabay silang pumasok sa kwarto nila.

(smells jelly jelly).

.

Napansin nilang tahimik na ang kwartong iyon at tanging sila nalang ang natira. 

.

"oh ano na".

Sabi ni Chris na tila isang Colgate Advertiser artist, sa ngiti nito na hahatak sa mga puso ng kababaihan. (putek gumana nanaman ang makamandag na skills ni Idol!! Heto na ang susunod na biktima nya!! )

.

"ahm, ano---ganito kasi yan, ughh".

Malalalim itong huminga na tila kumukuha ng lakas ng loob sa sasabihin nito. (Shy girl, innocent girl, Wild Mind?! Or Chaotic Mind?! )

.

Badump---badump----(strong heart beats)

.

Bigla namang nasagi sa isipan ni Blana ang kanyang kakaibang imagination. 

.

Spak!! ----(sampal)

.

"i hate you!!! "

Sa hindi malamang dahilan ay nasapak nya si Chris at nagmadaling namula ang mukha nito at nagtatakbo papasok sa kwarto nilang mga babae. 

.

Nanatiling tulala si Chris at hindi parin alam kung ano nangyayari kay Blana. Parang nawala naman ang diwa sa sarili nito sa pagkakasapak sa kanyang pisngi. 

.

"ehh------eeeehh??!, ano yun?, anyare? "

Tila nawawala parin sa isip si Chris. (mental haywire, ha ha ha. Mga babae nga naman.)

.

*wahahahaha, i feel you bro, ingat ka sa mga babae, sadyang tulisan mga yan, lalo na at nananapak mga yan ng walang dahilan, minsan nga kukurot at dadabog kapag super hyper sila. ha ha ha.*

.

Parang gusto tuloy buksan ni Chris ang laman ng utak ni Blana sa mga sandaling iyon upang malaman nya at mapag-aralan nya kung ano ang kailaliman ng isipan ng isang babae. (dont you dare open their deepest channels of their mind, or else you'll be lost forever. He he)

.

*ganun kagulo isipan nila??!!, oh well.*

.

Kahit gaano kalakas ang Physical Cultivation ni Chris ay hindi mawawala ang marka ng sapak sa mukha nya. 

(kahinaan mo idol, palad ng isang inosenteng babae. he he he)

Nag regen sya gamit ang Qi elements sa paligid at nawala naman ang marka sa kanyang pisngi. 

.

Akmang papasok na si Chris sa kanilang kwarto ng biglang. May humatak sa kanyang likod at ----

.

Hmmmhhh! ---(lips)

.

"sorry sa sapak---".

Agad nagmadaling kumawala si Blana sa pagkaka-alalay sa mukha ni Chris. at nagtatakbo ulit na pumasok sa kwarto nila. 

.

Ganung napangiti lang si Chris at mukhang nasa calculations nya namay matatanggap syang halik mula kay Blana. 

(oh my Ghaws!!, na calculate nya!!, anong klaseng technique kaya yun!!, anong skill ang ginamit nya para kay Blana!!? )

.

*wala, mukhang ganyan naman ang mga babae eh, feelings are too strong, tulak ng isipan hatak ng puso ganun yun*.

.

###Remember, use this skills wisely, not widely###

.

Tumalikod na si Chris para pumasok sa kanilang kwarto pero----.

.

May humatak sa kanya at ----

.

Spak---- (sampal)

.

At ngayon naman si Vera at hawak nito si Minty na tila napangiwi sa kanya. (pati aso nakikiramay sa feelings).

.

"ehh, bakit?, ano ginawa ko sayong ikinagalit mo? ".

Innocent face naman ngayon si Chris at mukhang hindi ito peke. 

(woooh, something is clear here).

.

"hmmfp, nagawa mo pang paluhain si Blana. Hindi ko alam kung ano sinabi mo pero ayaw nyang magsalita".

Halatang alam nya ang dahilan, kaya nga sya lumabas para idiin kung ano talaga ginawa ni Chris kay Blana. May halong selos sa puso nya pero ( babae nga naman, patago ang feelings pero halatang halata sa labas. he he he).

.

"ahm, wala akong ginawang masama sya ang-----".

Natigil naman si Chris ng pinigilan ni Vera ang kanyang bibig sa pagsasalita. gamit ang kanyang mga labi.

.

Hmmmmmhhh!---(lips)

.

*this is Outrageous!!, masyado ng mahangin ang bibig ni Idol!, akalain ba namang magkasunod ang labing nalasahan nya!!!, este natikman!! Este the right term is experienced!. At magkasunod pa!!*.

.

Tapos dahan dahang kumalas si Vera, pero hinatak sya bigla ni Chris na tila hindi pa ito kuntento sa sandaling halikan nila.

.

Hindi naman pinigilan ni Vera at pumayag ito sa kagustuhan ni Chris. 

(another lips to paradise ---)

.

Si Minty naman ay ginamit na ang dalawang tenga para magtakip sa kanyang mga mata. Pero hindi maiwasang pasilip-silip ito sa nangyayari. (ha ha ha. Dogs knows how to spy)

.

Matapos ang dalawang paghinga nila at kumalas na si Vera. Halatang nag-iinit parin ang pakiramdam nito. At agad syang tumakas at nagmadaling pumasok sa kwarto nila. Pero sandali pa itong lumingon kay Chris bago ito tuluyang pumasok sa kwarto. 

.

'masyado naba akong sagrado para halikan nila ng ganun-ganun lang. Hayyst'. 

Napangiti ito at napahawak sa kanyang bibig. Sabay talikod nya at nagregen sya ulit para sa marka ng sapak sa kanyang pisngi. 

(sagrado tulad ng poong nazareno. Ha ha ha ha. Halik here halik there)

.

*parang alam ko na susunod-----hindi na ito normal sa buhay nyang ito. Mukhang masyado syang kinawawa ng buong kalangitan sa kanyang nakaraang buhay*.

.

Humito na ng kusa si Chris sa pagdiretso sa kwarto nila. At agad syang humarap patalikod at hinatak ang sino mang nasa likod nya. At ganun nga na ginawa nalang nya ang nais din ng sino mang nasa likod nya. Na tila alam nyang halik din ang gusto ng babaeng ito.

.

Hmmmmhhh!!! ----(passionate lips)

.

Idinilat ni Chris ang kanyang mga mata. At----

.

Natulala si Ahri at ganun ding di Chris. 

.

Bamm!!! ----

.

Isang malakas na suntok sa tiyan ni Chris at napaluhod sya sa harapan ni Ahri.

.

"H-how d-dare y-you! ----".

Tila nakakaakit na Mahinang boses ni Ahri at nanginginig mga tuhod nito sa nangyari. 

.

"a-akala ko kasi ikaw si Jane----".

Hindi rin maiwasang manginig si Chris sa kirot ng kanyang tyan. 

(halatang napalakas ang suntok ni Ahri kahit masasabing magka-match lang sila ng lakas).

.

Hinatak ni Ahri ang tela ng suot na outfit ni Chris sa parteng dibdib nito. 

.

"alam kong Flirty ako pagdating sa iyo, pero kailanman wala akong planong halikan ka, o maske payagan ang sinomang halikan ako sa aking mga labi! ---p-pero i-ikaw--- uugghh!!".

Agad nagpigil sa sarili si Ahri at binitawan si Chris. Muntik naring lumabas ang first tail nito sa sandaling iyon.

.

'pasnsya na, hindi ko na calculate na ikaw pala nasalikod ko----'.

Sabi nya mula sa mental message kay Ahri. At halatang sa tono nito ay sincere syang nag apologize. Pero napalingon sya sa anyo ng nakatayo sa mismong pintuan ng kwarto ng mga babae. 

.

Nakatayo duon si Jane at mukhang nakita nya ang lahat. (ouch sya pa naman talaga yung pinakamahal ni Chris)

.

*pinaka mahal, so it means may mga mahal pa sya sa ilalim ng word na "pinaka".--- word of the day*.

.

Lumingon naman si Ahri at mukhang, plano nyang dagdagan pa ng "oil ang fire", (plano nitong bigyan pa ng karagdagang problema si Chris).

.

Naluha-luha si Ahri at may blush sa mukha nito, na kahit sinong lalake sa buong mundo ay tiyak mahuhulog at magkakandarapang sambahin sya sa taglay nyang sacred tears at sacred joyful blush. (may ganun?!)

.

Nagmadaling pumasok nalang si Ahri sa kwarto at tila nahihiya itong lumingon kay Jane. (acting mala "OSCAR" awarded actress)

.

Tila parang nakakain naman ng Malaking langaw si Chris sa anyo ng mukha nyang iyon, dahil sa acting ni Ahri. at alam nyang may pano na ni Ahri sa umpisa palang na makita nito si Jane na nakatayo duon sa may pinto. (that face, ha ha ha ha. Crispy and satisfying).

.

"Jane, nagkakamali ka ng iniisip---".

.

Sapak----(heavy palm)

.

Halos mapalingon sa kanan ang mukha ni Chris. 

.

"kung umipekto kina Vera yang flowery words mo, pwes, hindi na uubra yan saken".

Seryosong sabi ni Jane kay Chris. (awww, i feel you again bro. Makuntento na kasi sa isa wag sa dalawa, tatlo, apat, lima at anim. Ha ha ha. And still counting the stars ----este girls)

.

"Jane, sigh. Ibig bang sabihin, umobra ito dati. Dahil nasabi mong --hindi na ito uubra sayo--?".

Pa sincere looks naman ngayon si Chris na, kung gawa lang sa lobo ang ulo ni Chris baka pumutok na ito sa sobrang hangin na ginagamit. (so big headed, pero bakit patay na patay parin ang mga babae sa kanya kung alam na nilang may number1- number 6 na si Chris. Ha ha ha)

.

*siguro dahil, ang kababaihan ngayon looks are important. Pero may kasabihan. "kung hitsura at anyo ng mukha ang basehan sa pagmamahal. Kailanman hindi natutong tumibok ang mukha, kaya dapat puso ang pinapatibok at basehan"---- tama*.

.

Namula mga pisngi ni Jane at umiwas ng tingin sa mga makamandag na titig ni Chris. At mukhang naalala nito ang nangyari noong nasa Survival Competition pa sila, sa loob ng tent kung saan napatungan nya si Chris----(ahem ahem mukhang may feelings din nga naman, kaya nawalan na ng effect mga words nya kanina kay Chris).

.

*isang malaking backlash na nagdulot pa ng masmalalim na feelings. Parte din kaya ito ng Oplan-Tok-Calculation ni Chris? *.

.

Ganun ding nag walkout nalang si Jane at pumasok na sa kwarto nila. 

.

'balang araw, malalaman mo rin---'. 

Sa isipan ni Jane. At matipid itong ngumiti. 

.

Si Chris ay nanatili nalang duon sa kwartong iyon, pagitan ng dalawang kwarto ng mga lalake at babae. 

.

'oras na para mag Cultivate, baka maiwan ako sa kanila. Tutal masmabagal ang Cultivation ko kesa sa lahat. Pero mas malaki ang boost ng power ko kesa sa kanila'. 

Naupo si Chris na tila satisfied naman ito sa mga nangyari. At alam nya rin na hindi mawawala ang bakas nya sa puso ni Jane.

.

-----

.

Si Bliss naman ay tila iniisip parin ang ilang mga galaw ni Chris nung huling nagharap sila, at sa nasaksihan nyang laban nina Lunzon at Chris. 

.

'kakaiba sya at mas lalo akong nabighani sa kanyang kakayahang magtago ng kaalaman sa pakikipag laban---tiyak akong mahihirapan na ako sa susunod na maghaharap kami, lalo na kapag kaming dalawa lang'. 

Tila naghalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Bliss, at tila sya yung tipong gustong gusto makaharap ang malalakas na Physical Cultivators na tulad nya. 

.

*some girls love sweet things, and some loves challenges----Bravery*.