webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

28: Another wave of Danger---Or maybe not. 

28: Another wave of Danger---Or maybe not. 

.

.

Dinala si Chris sa isang kweba ilang kilometro sa kanilang pinaglabanan. 

.

"So ano na, kanina pa tayo tahimik, nasayang narin siguro oras ng mga kasamahan ko kakahintay saken."

Sabi ni Chris habang nakaupo sa lupa at naka meditate posture. 

.

"wala, tulad ng sinabi ko kanina. mananatili tayo dito hanggang sa matapos ang GreatRaid".

Walang emosyong nakatingin kay Chris. Naka salungbaba ito na parang nangangarap na fairy sa loob ng isang painting. (that beauty)

.

'mukhang plano nya kong gawan ng karumaldumal na harassment!!, woooh.'

Tila kinilig naman ng negatibo si Chris sa takbo ng iniisip nya. 

(ha ha ha ha. May rape cases din na ang lalake ang biktima)

.

Tutal, tila nagkaroon ng tiwala si Chris sa babaeng ito. Naisipan nyang magbukas ng topic nila. 

"so, ano tunay mong pangalan? "

.

"ako si Bliss, yun lang"

.

"ahh, so kailan ka nag-umpisang naging Valmos Commander ng Simion clan? "

.

"simula nung bata pa ako, isa akong alila. At pinagpapasahan sa mga mayayaman bilang slave at alalay".

Sagot naman nya kaagad at hindi umalis ang titig nya kay Chris. (kakabighani yung mga titig nya bes)

.

'mukhang seryoso sya at hindi sya nagsisinungaling, base sa pintig ng puso nya at lalo na sa paghinga nya. Maging sa mga titig nya. Honest sya masyado---pero stranger lang naman ako ah'. 

Napaisip pa si Chris at balak pang magtanong. 

"ilang taon kana? "

.

"mag 21 next year"

.

"ahm. Hindi ka ba nagkakagusto sa mga Young Masters nyu? "

.

"Mga inutil sila, ---bat natanong mo pa ang bagay na napaka imposible?! "

Tila tumalim ang titig nito. Pero bumalik din sa dati at kumalma din ang aura kaagad. 

.

"oh. Mukhang ayaw mo sa mga boss mo, pero tiyak lahat ng kababaihan gusto ang mga Royalties at Nobles, baka sa hinaharap makakita ka ng Mayaman at may taglay na Guwapong-Langit---".

.

"tsk!!, isa pa mas lalong wala akong pake sa bloodlines, royal man or noble. At isa pa Kung guwapo man kung papel naman ang balat, no way. Mas lalapit nalang ako sa lalakeng kahit mukhang manyak pero siguradong may talento sa pakikipag laban, at isa pa dapat matalino at may dagdag na charm bilang isang total Gentleman".

Taas noo nitong ipinamukha kay Chris ang kanyang tipo. At mukhang nabanggit ang mga Characteristicsnya. (huli ka boy, naroon na lahat ss sinabi nya baka may dagdag pa).

.

Napa Dura naman si Chris ng Dugo sa tabi. Na mukhang hindi nya inakalang may word syang narinig kay Bliss na hindi nya katanggaptanggap. (yung--- mukhang manyak---)

.

Nailabas na ni Chris ang Bad Blood na nanggaling sa kanyang internal organs. 

.

"mukha ba akong manyak?! ".

Tila na insulto si Chris at tumingin kay Bliss ng taas kilay. 

.

"ow!?, bakit sinabi ko bang ikaw? "

Sapul naman si Chris sa sagot ni Bliss. 

"ang sabi ko ---kahit--- pero hindi ko sinabing ganun talaga".

Dagdag nito.

.

"oh. Ok ok. Buti naman nagkaintindihan tayo. Buweno. Ano plano mo ngayong trinaydor mo mga boss mo? ".

Umiwas ng tingin si Chris kay Bliss. 

.

"bakit hindi ko ba ako aakuhin?, simula nung hindi kita tinuluyan duon. Pag-aari na kita. Or maaari din namang sayo na ako. Gets? "

Nanatiling hindi nagbago ang expression sa mukha at maging sa ayos nitong nakatitig kay Chris. (para syang ---- pangarap ng bawat lalake sa mundong ito, kakai-babe)

.

Mukhang si Chris ang nasilo sa sandaling ito dahil sya mismo kinabahan sa mga sinabi ni Bliss. At sya mismo itong bumibilis ang tibok ng puso.

.

'oh no. Pero ok na kung may dagdag na Expert sa grupo namin. Hindi rin naman ako magtatagal sa mundong ito ng 20years. Dahil ang pakay ko ay makaakyat ulit sa Pinaka mataas na Realm at mabawi ang dapat ay sa-akin'. 

Pumikit si Chris at tuluyang nag-Meditate sa pwesto nito. 

.

'i think, hindi ako nagkamali, sya nga siguro yung lalakeng nagligtas saken noon sa labas ng Forbidden wall ng bansang Bina'. 

Napaka amo ng mukha nya sa sandaling nakapikit na si Chris. 

(hindi natin lubos maisip na yung babaeng may taglay na lakas na kinakatakutan ng maske dalawang boss nya eh ganito kaamo sa mga sandaling ito)

.

Naalala ni Bliss ang kanyang buhay noong 11 yrs old sya kung saan, nasa kulungan sya at isang Expedition ang naganap sa maulang panahon na iyon kung saan gagamitin sila bilang pain sa mga Magicalbeasts. Hanggang sa dumating ang mga Naka itim na outfit, at isa sa kanila ay si Chris kasama si Anna. 

(training missions days nina Chris)

Hanggang sa na scout sya sa bahay ampunan na may taglay syang Heavenly changes Body. (isang traits ng pagiging genius).

.

-----

.

Hindi nakatakas sa paningin ni Bavix ang mga nangyari at sa ngayon ay nakakunot ang kanyang noo.

.

"ha ha ha. Wag kang magalit, nasa tamang edad na sila para magkaroon ng tinatawag na pag-ibig. Ha ha ha. Para sa aten isang libangan nalang yan Kaibigang Bavix".

Sabi ni Atroxis at natawa naman ang Elder na naging speaker ng Grear Raid. 

.

Huminga ng malalim si Bavix, at ipinakitang kalmado ito sa panlabas. 

"hindi naman sa ganun, ha ha ha. Parang nasayang lang ang pagtitiwala at Resources na ibinuhos ko sa kanya, at ngayon plano nyang umalis ng ganun lang. At nagkagusto sya sa mismong kalaban. ha ha ha. Natural lang na magalit ako kahit konti. "

Lumingon naman ang dalawang babaeng elder sa grupong iyon, at tila alam nila ang susunod na mangyayari pagkatapos ng Great Raid.

.

Ang tahimik na si Jegger sa tabi ay napangiti.

"mukhang kakaiba ang taglay na physical ng dalawang iyan, kasama narin ang ilang kabataan. Bavix, kung may plano kang masama sa kanila. Hindi kita pipigilan pero, hindi mo rin ako mapipigilan".

Tila may banta sa kalamadong tono ni Jegger sa sandaling iyon.

.

"mahal na panginoon, kung gusto mong kunin si Bliss, ibibigay ko ---kasama na ang ilang Valmos Commanders na may ganun ding taglay na lakas. Pero gustong ko talagang mahuli ang sakim na Chris na iyon dahil sa puot at kahihiyan na iniwan nya sa aking Clan, sa aking Simion Clan".

Pagpapatibay at mukhang hindi titigil si Bavix mapasakamay nya lang si Chris. Pero ang tunay nyang pakay ay si Vera. 

.

"ohhh. Ganun ba. Ahm. Sige pero iwan mo saken ang lahat ng mga babae na kabilang kay Chris."

Tila may nasagi sa isipan ni Jegger at napansin nya ang kahinaan sa plano ni Bavix. At alam nyang isa sa mga babae ang target nito. At gumawa sya ng butas sa nakatagong plano ni Bavix. 

.

Parang tinamaan ng kidlat si Bavix pero hindi sya nag react at baka matumpo ang kanyang kahinaan. At iyon ay ang mapasakamay ng iba si Vera. 

'masyadong Maangkin si Jegger!, kung narito lang sana ang panginoon ng Dark Council tiyak hindi magiging ganito ang lahat.'

.

*mukhang my niluluto ang Simion clan at naamoy narin ang pagkaluto ng sahog na Dark council mula sa palayok ng Evil Forces*

.

"maaaro pero, maliban sa Clan member na si Vera. Dahil may kailangan syang balikan sa aming Main Family."

Sabi ni Bavix na tila ginamit na rason ang hawak na apelyido ni Vera bilang isa sa mga exciled families. 

.

"oh, ganun ba. Sige."

Ngumiti lang si Jegger at hindi na nito kinulit pa ang topic. Lalo pa't hawak na nya ang sagot sa plano ni Bavix. At iyon ay si Vera. 

.

Ganun ngang inisip ni Bavix na plano ni Jegger sumingit sa kanyang balak. Pero hawak na nya ang kasiguraduhang mapapasakamay nya di Vera pagkatapos ng lahat ng ito. 

'Vera, wala kanang takas at lalong walang magliligtas sa iyo'. 

.

Lumipas ang mga araw na nagpatuloy sina Ahri sa paghahanap kay Chris kasabay ng pag hunt ng MagicalBeasts. 

.

"walang traces dito, maliban sa huling lugar kung saan naroon ang bangkay ng Lightninglion".

Sabi ni Gilbert at katabi nito si Hannah. 

.

"wala din sa area na Ito".

Sabi naman ni Jake kasama si Lucas. 

.

Ganun din ang sinabi ng iba. 

Pero ang pinaka nag aalala ay si Ahri dahil, ilang araw ng lumipas simula ng manghina ang connection nila ni Chris sa kanilang soul contract. 

.

"hindi tayo titigil, tiyak nasa malapit lang sya."

Dagdag encouragement ni Ahri sa lahat. Maske sa kanyang sarili. Na buhay pa nga si Chris. 

.

Dumidilim na at ganun din ang routine, gumawa si Bojo ng Underground hideout nila. At kasalukuyang ikinalat ni Ahri ang kanyang Spiritual Sense sa halos binalot ang 15mile radius, (total draining iyan at straining sa mental capacity. Mukhang nag aalala talaga sya ngayon ng totoo para kay Chris).

.

Isang oras---tatlong oras. Ay walang nasagap si Ahri na Aura mula kay Chris. 

.

-----

.

Nababalutan ng Aura Suppression Array ang palibot ng kwebang pinagtataguan nina Chris. At ganun ding may Aura Blocker ito kung sakaling may mag Scan sa kanila either Spirit or Qi energy. At mukhang mga nasa mas mataas lang na stage ang kayang mang penetrate sa Barrier na iyon. Tulad ng mga nasa Epic, Ancestor, Saint at Deity stages. 

.

Limang araw ng lumipas at namulat na si Chris sa sandaling iyon. 

.

'80% palang ang naibalik na lakas ko. At lahat ng internal damages ay maayos na'

Sinuri nya ang kanyang katawan at napalingon kay Bliss. 

'mukhang nakatulog sya----'. 

.

"oh bat ka nakatitig sa mukha ko? "

Bigla namang dumilat ang mga mata ni Bliss. Na halos nagpatalon sa puso ni Chris sa sandaling iyon. (kahit sino naman magugulat kung nalaman nilang lihim kang tumitingin sa kanila kapag tulog sila. Lalo na at biglaan yung pagdilat ng mga mata nila at huli ka sa akto.)

.

*Nangyari na saken yan. Akala ko tulog, ang sweet pa naman nung girl bigla nalang lumingon saken.*

.

Tumayo si Chris at nag-stretching at konting suntok dito suntok dun. Sipa dito sipa duon. 

.

(windy moves)

.

"so ayos kana?, pero hindi muna tayo lalabas sa lugar na ito".

Sabi naman ni Bliss at seryoso nanaman ang mukha nito na parang Madrasta. (Mad-Rhasta??, he he he. joke)

.

"ah ok, maaari namang Conceled Aura plano ko paring pumasok sa ilang layers ng Region na ito".

Mukhang malaki na talaga ang tiwala ni Chris at lalo na parang nasasanay na sya sa mga titig ni Bliss. 

.

"ganun ba, kung ganon. Isuot mo ito".

Ibinato ni Bliss ang isang Bracelet kay Chris.

.

"Qi suppression bracelets, balak mo ba akong patayin sa kalagitnaan ng EvilBeast mountainous region. Pano ko magagamit ang Qi ko sa labanan!? ".

Pag rason naman ni Chris. (mukhang may point sya pero. Parang may mali din hindi ko maituro kung kung saan. he he he)

.

Lumapit si Bliss kay Chris. At walang habas nyang hinatak ang katawan nito palapit sa kanyang mukha mula sa batok ni Chris. 

.

"wag kang mag rason, dahil hindi pa ako ulyanin, diba Physical Cultivator ka. Sa lakas ng katawan mo kahit wala kang taglay na Qi. Makakawasak ka parin ng isang syudad sa ilang tantrums lang."

(Tila ayun na nga at naituro na ni Bliss yung mali. Ha ha ha)

.

*tantrums?, ha ha ha ha. Epic napahiya ata duon si Idol*.

.

Natahimik nalang si Chris dahil, napaka tulisan ni Bliss. At halos maghalikan na sila sa todong lapit nito sa mukha nya. 

(idol halikan mo na bilis. Syang yung streak mo)

.

*streak kisses ng girls!! *

.

Umagwat na si Bliss at inalis ang Barrier. 

"tara sa sinasabi mong layers. Tutal nalaman kong Strategist ka kaya. susundan kita saan ka man magpunta".

(oh my Ghawd. Sya na nga ang Girl of the year)

.

-----

.

May nasagap si Ahri na aura pero solo lang ito. At hindi ito pamilyar sa kanya. 

(syet kung alam lang sana ni Ahri na kasama nito si Chris tiyak World War na agad sa sandaling iyon)

.

"meron kanang nasagap sa aura ni Chris?, hindi rin macontact yung Phone nya. Mukhang naiwan ito somewhere."

Sabi ni Blana. At halatang malungkot ito. 

(hayst. In love, nga naman)

.

May nagmadaling lumapit sa lugar nina Ahri sa sandaling iyon. 

.

"nahanap ko ang phone nya at nasa malapit ito ng tila nangyaring labanan. May bangkay din ng isang Valmos base sa sinabi ni Vera isa itong Commander".

Sabi ni Box. At hawak nya ang tila may crack na Crystal Hologram/phone.

.

"kung ganon buhay nga sya at masasabing nadakip sya ng kalaban."

Namula ang mga mata ni Ruby na tila nagliyab ang puso't damdamin nya pagdating kay Chris. Tila ayaw nyang may maka-angkin kay Chris. 

(speaking of angkin. Eh silang lahat na mga diyosa ay na-angkin na ni Chris.)

.

-----

.

Si Chris at Bliss at nagpatuloy na nagtungo sa sumunod na layer ng EvilBeast mountainous region na iyon. 

(gaano ba talaga kalawak yun. Eh halos nasa 70km/hr na ang takbo ni Chris at Bliss)

.

Nasa last layer na sina Chris bago mapasok ang 10 layers na matatawag na inner Sanctum ng Dangerous MagicalBeasts. At masasabing maaaring may ilang Saint stages sa loob nito. 

.

*bat ba kasi napaka paborito nilang maghanap ng Dangers.*

.

Huminto sila sa taas ng bundok sa taas na 102,050 ft, at inabot na sila ng hapon. 

.

"handa kana ba sa isang mabagsik na labanan?, mukhang may sumusunod saten kanina pa".

Sabi naman ni Chris kay Bliss. 

.

"ehh?, wala naman akong naramdaman".

Curious at pagkagulat naman ang mahahalata sa hitsura ni Bliss.

.

Pero hindi nagtagal ay may naramdaman na syang Aura. At nasa GrandMaster level 3 ang aura nito. (sus mahina naman pala). At nasa range ito na 10km.

.

'papaano nya naramdaman ang aura lampas ng Range limit nya. At lalo suppressed ang aura nun'. 

Ang hindi alam ni Bliss, na si Chris ay may kakaibang Instinct or masasabing nanggaling ito sa nakaraang buhay nya. 

.

"dibale. Mukhang hindi nito alam kung ano tunay nating lakas. He he he".

Tila nahulog nga sa isang bitag ang sinumang sumusunod na ito, sa kanila. 

Lumingon si Chris at napansin nyang nakatitig lang sa kanya si Bliss. 

.

"oh bakit?!, may dumi ba sa mukha ko? "

Sabi naman ni Chris na tila bumalik ang kakaibang feeling sa kanyang dibdib. 

.

"ok, simula ngayon ikaw na lang muna ang humarap sa mga makakasalubong natin na magicalbeast".

Ngiti naman ni Bliss na tila, ngayon lang nakita ni Chris. (owaw!!, divine smile of destiny!!! )

.

Tila nabuhayan konti si Chris dahil tiyak namang ayaw nyang wala syang ginagawa, habang si Bliss ang lumalaban. 

(the pride of a real man, must protect a girl mo matter what situation)

.

Dumating ang isang Barbarong lalake, may may Loin cloth (phutek!! taong tabon)

.

"kayong mga mortal na tao!!, sino may sabing pasukin nyo ang Layer na ito!! Khe khe khe. Mukhang mahihina kayo at naligaw lang sa lugar na ito"

Naramdaman nito na walang aura sina Chris at Mahina naman ang aura mula kay Bliss. 

.

"tsk, isa kang palaka sa ilalim ng balon----na hindi mo alam kung gaano kalawak ang langit at lupa---"

Woah well said naman ni Bliss. 

(mukhang alam nyo ang idiom na ito guys. He he he.)

.

*Ibig sabihin nun, Madami pa syang hindi alam patungkol sa mundo, pero nakasaad dito na hindi alam ng lalakeng iyon kung ano talaga ang lakas nina Chris at Bliss at wala syang kaalam alam ukol dun*.

.

"heh!, mga batang ligaw at naghahanap ng pagsisipingan!! "

Hindi naman pinansin ng lalakeng ito ang sinabi ni Bliss. Bagkus nakaisip ito ng tanging rason ng dalawa kaya sila naligaw sa lugar na iyon. 

(hu-what!!!??, pagsisipingan? Oh my ghaws!!!, bad bully yung ---lalake bad bully kailangan ng mahulog sa impyerno)

.

At ganun ngang namula ang pisngi ni Bliss habang napa nga-nga naman si Chris sa kanyang narinig mula sa lalakeng iyon. 

.

Spurttt!! -----(blood splash)

.

Sa isang sipang iyon ni Bliss ay patay kaagad ang lalake. At natumba ito sa kinatatayuan. Ganun din namang kumalat ang napakalakas na aura ni Bliss. sa kanyang sipang iyon ay parang isang patak ng tubig sa kalmadong Lawa na gumawa ng Ripples sa katahimikan ng buong lugar. 

(attracting attention sa lahat ng nasa range ng aura nito. Para mo naring sinabing naroon ka sa sandaling iyon)

.

-----

.

May mga Human formed beast. At MagicalBeast na hindi pa naka form ang nagkalat sa bawat sulok ng una at isa sa mga total dangerous na layers sa EvilBeast mountainous region. 

.

May tinapik si Chris gamit ng kanyang daliri sa kanyang sentido, sunod ay ang kanyang dibdib at huli ay ang kanyang tiyan na tila may mga penetrative energies sa mga tapik na iyon. 

Napapikit si Chris sa hindi inaasahang sandali at agad nitong binilisan ang pag regen gamit ang chants na nakapaloob sa kanyang Cultivation technique na DemonicBlackHeavens. At agad nyang inipon ang kanyang Qi-Energy. Nagbigay signal ito kay Ahri na nasa malayong lugar.(isang cheat code, gamit ang acupuncture ideas nya)

.

'ok na siguro ang 85%'.

Naimulat ni Chris ang kanyang mga mata, at inalis ang kanyang Bracelet. 

.

"oh, mukhang naka-lure tayo ng ilang mga Lightning Lions. At WorldBears. Mga mga nasa GrandMaster stages ang lahat".

Sabi naman ni Bliss na tila excitement naman ang tumatak sa kanyang anyo. Maging sa kanyang aura ay mas naging mabigat dulot ng pressure.

.

"tssss. Humanda ka paramihan tayo ng kills."

Sabi naman ni Chris na tila magiging enjoy ang magaganap na laban. 

.

"sure. Ang matatalo susunod sa lahat ng sasabihin ng mananalo".

Tumingin ito kay Chris na may kahulugan. At mukhang alam na dis. 

.

(seducing him on a Challenge, ganyan ang Relationship goals. Kaso wala pang "Kayo".)

.

*hugot pa more--- narrator nga naman*.

.

(tsk. Wala ka na pake dun Brad. ha ha ha)

.

#the Editor and Author's conflict#

.

Dumating ang limang LightningLions at tatlong WorldBears. Hindi layong mga peak stages sila sa GrandMaster at may agwat lang ng konti sa kanilang mga Cultivation levels. 

.

"----BlackAsura First Gate open! ----"

Mahinang bigkas ni Chris. Na tila nagpalamig at umagaw sa kulay ng buong lugar na iyon. 

.

Ganun namang nagliyab ang Aura ni Bliss sa kanyang katawan na parang Wild Fire sa kalagitnaan ng malakas na bagyo. 

(parang super saiyan lang, no need blonde hair para dito)

.

Naghalong malamig at mainit ang temperature/ pressure sa lugar na iyon. agad namang nag FullyCharged form ang mga Magicalbeast dahil sa biglaang pagbabago nina Chris at Bliss sa kanilang taglay na lakas. (over threat na sila sa harapan ng mga MagicalBeast.)

.

Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng mga pumalibot kina Chris. Na halos nasa bilang na 35 GrandMaster stages, halo halong mga uri, may HalfHumanoid form na Alligator, merong BoneWereWolf, meron namang VampiricBull humanoid etc etc. Mga kilala na nasa class B-C category sa Animalandia---este MagicalBeast charts. (wala tayo sa National Geographic Channel).