Matagal bago na i-process ni Wei ang sinabi ni Orion. 'Ow!!! Ehm!!! Gjie!!! Siya gumawa nito?! Kung ganun hindi ko talaga siya pagpapahingahin! Araw gabi dapat gawan niya ako ng silvanas!!!' Pinaulanan niya ng halik ang mukha ni Orion tapos tatlong mabilis na peck sa lips nito.
"Oh ayan advance na bayad ko. Alam mo na dapat mas marami ang sa susunod." natatawa na pagkasabi niya. 'Parang bata talaga isip niya minsan naman... Like a predator laying traps everywhere.' ito lang ang naisip ni Orion.
"Mabangong lalaki, hindi pa naman ako nagpapasundo ah. miss mo na ako?"
"Mmm. I know you don't have the plan to go to Yfel. It's more than a month already and you haven't ask me to get you. You said you will be finished as soon as possible." sagot nito sa tanong niya habang pinupunasan ang kamay niya. Nagulat naman si Wei at sobrang guilty sa pagsisinungaling. 'Silvanas lang naman habol ko sa Yfel eh... tsaka yong isda. Ano kaya kung...' Niyakap niya ulit si Orion. "Sorry, napag-isipan ko ng mabuti. Di ko talaga ata kaya maging Empress. Tsaka asawa mo naman na ako. Don't worry, hindi ako makikipag divorce. Promise." nahihiyang at namumulang si Wei at niyakap si Orion. 'Hindi ako papayag na makuha ka ng iba sa akin! Akin lang ang silvanas factory ko!!! Period.'
"Alam mo may secret akong ise-share sayo. Wala namang masama diba? Alam mo ba na pakiramdam ko ay may nakakatakot na matang palaging nakatingin sa akin? Alam mo ba na may gusto sa akin ang kaibigan ko na hindi niya alam may gusto sa kanya ang pinsan ko?"
Nagdilim naman ang paningin ni Orion ng marinig ang tungkol sa bagay na iyon. Una hindi inaayos ni Sinco ang pagbabantay dahil naramdaman ni Wei na may nanunuod sa kanya. At pangalawa ang bagay tungkol kay Sebastien, pangalawa lang ito dahil wala naman na ito magagawa dahil sa kanya na si Wei. Tsaka wala sa vocabulary nila ang kasabihan na, 'Hindi ibig sabihin na pagkasal na ang isang tao ay hindi na ito makukuha ng iba. Diba nga ang manok pagnakatali na ay mas madali ng hulihin.' Ang sa kanila ay 'Subukan mo lang kunin ang sa akin, puputulin ko yang pangatlong binti mo.' Iyan ang nakakatakot sa Yfel dahil hindi lang basta sabi sabi yan. Meron pa iyang public execution. Kahit wala siya sa Yfel ay gagawin niya talaga iyan.
"Wag ka namang ngumiti ng ganyan Orion. Teka mas maganda siguro Destro na lang tawag ko para maiba." Hindi niya gusto ng ngumiti si Orion ng nakakatakot. Pero hindi siya takot, ayaw niya lang ang ganong ngiti kasi para sa kanya parang lewd ito sa paningin niya.
Gabi-gabi bago matulog ay tinitignan niya ang marriage certificate nila ni Orion at nakita niya ang buo nitong pangalan. Orion Destro Lucas Shi ang buong pangalan nito, sa Yfel tanging Orion Shi lang ang ginagamit pero sa labas buong pangalan niya ang ginagamit sa mga official na bagay.
"Ano ba masama sa ngiti ko?" kunwaring inosenteng tanong nito.
"Ah basta wag kang ngumiti ng ganyan! Baka ma rape ka ng kung sino jan! Kailan ka babalik ng Yfel?"
"Pagkatapos ng birthday mo. May aasikasuhin lang ako sa Yfel tapos babalik ako ulit dito. Pabalik-balik lang muna ako hanggang sa tuluyan ko ng matapos ang gawain ko doon tapos baka dito na ako titira."
Nakasandal ang ulo ni Wei sa balikat ni Orion. Napayakap siya sa bewang nito ng malaman na konting sandali lang sila magsasama. 'Kung hindi lang sana matigas ang ulo ko eh, hindi na siya sana magpapagod.' Tahimik nilang pinapanuod ang bukang liwayway. 'Kita mo kanina pa tapos ang birthday ko andito pa rin siya.' Napahinga na lang siya ng malalim. Hindi niya maisip na kung bakit minsan di niya mapigilan maging seryuso pagkasama niya si Orion.
"Wag ka magpagod ng sobra, tao ka pa rin tandaan mo yan. Ok lang sa akin na sa isang linggo padalhan mo ako ng limang box ng silvanas." pero di niya pa rin mapigilan ang sarili pag pagkain ang nakataya. Tumawa naman ng mahina si Orion. 'Mas matimbang parin ang pagkain niya.'
Paalis na si Orion dahil sumikat na ang araw. Mas mahihirapan siyang umalis pag nagtagal pa siya. "Ang silvanas ko... wag mo kalimutan." sigaw ni Wei sa papalayong si Orion. "Mabangong lalaki!!!" sigaw niya ulit, tumigil naman si Orion sa paglalakad papunta sa yacht niya. Tumakbo ng mabilis si Wei tsaka bumulong.
"Magingat ka may nag-aalalang asawa mo na maghihintay sa iyo." She gave him a peck on his lips then crazily run towards her car. Medyo natagalan si Orion sa kinatatayuan bago tumuloy sa yacht niya. 'Konti pa Wei at hindi na talaga kita hahayaan na tumakbo without taking responsibility for your actions. Muntik na kitang di makilala ng sa elevator tayo.'
Pagdating ni Wei sa bahay ng naka skate board naman ay dalidali siyang naligo at natulog. Iniwan niya sa private property niya ang kotse nanduon ang iba pa niyang collection. Hindi niya alam na ilang sandali lang ang tulog niya ay may nag aabang sa interrogation para sa kanya.
"Nakauwi na ba si Wei?" bagong gising at excited na si Majirica
"Aba malay ko!!! Walang namang dumating na Aston Martin!!!" si Graesia
Nakasimangot na lang si Majirica ng marinig ang kaibigan. Kumakain sila ng agahan ng may narinig na sasakyan lumabas sila at nakita ang isang Ferrari. "Kaninong sasakyan na naman yan? Ah!!! Ang yaman talaga nila!!!" si Graesia na halos lumuwa ang mata.
"Mayaman ka rin naman Graes."
"Kahit na!!! Di ko afford bumili ng bagong sasakyan palagi!!!"
Lumabas sa sasakyan ang isang Maximo na galit at hindi maipinta ang mukha. "Where's Wei?!" Hindi nila ito pinatapos sa pagsasalita at tumakbo na sila sa kanya kanyang kwarto nila at nagkulong. Takot din sila sa pinsan ni Wei na ito. 'Ayaw ko madamay sa wrath ng isang Rhino!!!' parehong nasa isip ng dalawa.
"Hello Maj!!! Ano sa tingin mo ang nangyari?" tanong nito kay Majirica ng tinanggap nito ang tawag niya.
"Ewan ko. Obvious naman na hindi maganda diba? Tsaka bakit natin kailangan gumamit ng telephone pwede ka naman pumunta dito sa kwarto ko."
"Ano ako suicidal???!!! Paano pag hindi makita ni Kuya Max si Wei at ako ang makita niya??? Ikaw kaya pumunta dito sa kwarto ko?!!!"