webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · History
Not enough ratings
33 Chs

Kabanata 8

Kabanata 8: Help

#Death University

#Survive

***

(Hayden Zyrienne Pov)

"Guys. 5pm na" Sabi ni Kathleen.

Alam namin. You don't need to remind us.

"Punta muna tayo sa comfort room" Sabi ni Jeseryll. Mababakas sa mukha niya parang iihi na talaga siya.

"Sige" Natatawang sabi ni Crissa. Anong nakakatawa doon? Ang babaw ng kanilang kaligayahan nila.

Sumama nalang ako sakanila. Kahit labag sa kalooban ko.

Pupunta kami ngayon sa Comfort room. Ewan ko kung bakit biglang tumaas ang balahibo ko? Pagpasok namin sa Comfort Room ay may narinig kaming umiiyak pero sinawalang bahala nalang namin. Baka may brokenhearted kaming classmate na umiiyak.

Nagulat kami ng pumasok  si Micca at pinapasok kami sa cubicle at nilock niya ito

Anong nangyayari sa kanya? Hinihingal pa siya ng malalim.

"Anong meron Micca?" Tanong ni Kathleen. Kinabahan pa nga si Kathleen.

Bakas sa mukha ni Micca ajg takot?

"Hinahabol ako ng lalaking nakamaskara" Nagulat sila sa sinabi ni Micca pero ako ay nanahimik lang. No comment to.

Nakarinig kami ng footsteps. Alam ko na ang mangyayari kaya mabilis ko hinila ang doorknob ng cubicle at nilock.

"Tulong guys!" Sabi ni Kathleen at hinaharang ang pinto.

Tumulong naman sila pero masyadong malakas ang humihila ng pinto sa labas. Siguro marami ang humihila nito. Nasundan ba kami ng lalaking nakamaskara nang habulin nila si Micca.

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ang babae na laging nagpapakita sa akin.

Kahit hindi ko ginagawa ay gagawin ko parin kasi kailangan.

"Tulungan mo kami. Ayaw pa naming mamatay"

Mahina ang boses ko kaya hindi narinig nila Kathleen.

Ngumiti siya sa akin at tinuro ang malalaking bato sa likod namin. Tama ilagay namin ito sa baba ng pinto.

Nilagay ang mga bato sa paanan ng pinto kaya tumulong rin sila.

Tumingin ako kung saan nandoon ang babae kanina pero wala na siya .

Salamat sa kanya.

Kung hindi sa kanya hindi kami magiging ligtas ngayon. Saka marami siyang naitulong sa akin. Bakit kaya lagi niya kaming tinutulungan?

Pagtingin ko sa relo ay 7:00 pm na ang bilis naman.

Kung ganun walang larong card kaya ang nagyari walang namatay sa amin. Pero kami naman ang muntikang mamatay.

Nakahinga ako ng maluwag.

Lumabas na kami ng mawala ang humihila sa pinto.

"Muntikan na tayo doon" Sabi ni Jeseryll. Na huminga ng malalim.

Nakahinga kami ng maluwag.

"Mabuti nga naisipan mo ang bagay na yun Hayden" Sabi ni Michael. Na ngumiti pa. Sayang talaga ang isang to.

Tumango lang ako sakanila at naglalakad kami pero may nakapansin sa tingin ko yung nasa pader. Nandoon lahat ang pangalan namin.

Hayden

Crissa

Kathleen

Jeseryll

Micca

Mhia

Angelie

Loren

Rain

Maika

Charice

Tiffany

Shana

Beatrice

Allison

Alyssa

Diane

Daphne

Rhianne

Jane

Nicole

Audrey

Chanelle

Danica

Alden

Greg

John

Arth

Jerome

Justine

Jerald

Kenneth

Bryan

Richard

Tristan

Shawn

Lucas

Lucian

Kurt

Troy

Prince

Dwayne

Zamian

Azriel

Zanderick

Clyde

Christian

Michael

Sabagay memorize ng taong nagsulat nito ang mga pangalan namin.

Pagdating namin sa room ay naabutan naming natutulog ang iba. Walang namatay sa aming ngayong araw lang.

I need to know the answer the question on my mind. But how?

****

(Alden Zack Pov)

Napatingin ako kay Hayden na nakatingin sa kawalan. Kakaiba talaga ang timpla ng mga babae.

Dalawa kaming magkakapatid. Pero biglang nawala si Kuya. Nasaan kaya siya? Sa pagkaka-alala ko ay pumunta siya sa girlfriend niya.

Umaga na at pumunta kami nila Greg sa court. Wala kaming maisip na paraan kung paano makaalis dito. Puro lang kami tunganga dito.

"Sila Jeseryll oh" Sabi ni John. Na kinikilig pa. Bading yata ang isang to? Ganito pala ang nagagawa ng love.

Wala itong bukambibig kundi si Jeseryll. Patay na patay ang gago. Tss

"Hi Kathleen" Sabi ni Arth. Na nagwave pa kay Kathleen. Ang baduy ng style nito.

Isa rin tong torpe nato. May gusto kay Kathleen. Pero ayaw aamin kasi natatakot siyang ma-reject.

Lumapit sila sa amin.

"Anong meron?" Sabi nung isa (Micca) na may ngiti sa labi. Parang baliw yata ang isang to.

Si Hayden lang ang kilala ko sa kanila. Siya lang ang tao kaya akong sungitan.

"Tutal nagtipon-tipon tayo dito. Paano kung mag isip tayo ng paraan kung paano makaalis dito"

Sumangayon naman kaming lahat. Kathleen yata ang pangalan ng nagsalita.

Ano bang gagawin namin? Wala naman kaming naisip na paraan.

"Anong paraan ang gagawin natin?" Tanong nung Crissa yata. Habang nakatingin sa amin.

Nahuli ko na nakatitig sa kanya si Greg. Huwag mong sabihin na maiinlove si Greg sakanya. Nilamon na ng pag-ibig ang mga kaibigan ko.

Nanahimik kaming lahat hanggang sa.

"Hayden crush kita" Lakas loob sabi ni Christian. Natahimik kaming lahat.

Ano?

Kailan pa niya nacrush si Hayden? Sabagay masikreto si Christian. Siya ang kaibigan ko na hindi nagsasabi ng kanyang nararamdaman. Hindi katulad nila John na lantaran.

Nabigla kami ng tumakbo yung isang kaibigan nila Hayden. Anong nangyari doon? Baka may gusto siya kay Christian? Eh kanina pa siyang nakangiti kay Christian.

"Micca!" Hinabol nila ang kanilang kaibigan. Sa pag-ibig may nasasaktan habang may masaya.

"Kasalanan mo to Christian " Sabi ni Kathleen at sinundan yung kaibigan niyang tumakbo.

Lahat kami ay hindi makapag- salita. Nagulat kami sa nangyari eh hindi namin aasahan na aamin si Christian. At may masasaktan sa ginawa ni Christian.

Nagpaiwan si Hayden na nakatayo lang habang nakatalikod sa amin.

"Christian. You hurt the feelings of Micca by confessing your feelings to me. You know what stop that kind of doing. You hurt someone who are inlove on you. Piece of Advice. Stop crushing me, I can't crush you back"

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya parang nirereject na niya si Christian basi sa mga salita niya. Umalis nalang siya.

Hindi ko alam ang bagay na yan. Sabagay hindi naman ako nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Baka nasabi niya kina Greg kasi hindi naman sila nabigla. Oo nga pala alam nilang hindi ako interesado sa lovelife.

Hayst. Kawawang Christian nareject. Sabagay masakit pala ang mareject no.

Paano kaya kung may gawin ako pambawi sa ginawa niya kay Christian?

Paano kayo kung mafall siya sa akin o painlovin ko siya sa akin.

Ang gandang idea.

'Maiinlove ka sa akin Hayden not now but soon'

****

P/S: Alden bakit mo yan gagawin?

-@missHYchii