webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
156 Chs

Kayleen's POV

"Ang sarap mo talagang mag-bake Kayleen! Kaunti nalang maiinggit na ako."

"Bakit ka naman maiinggit sa akin?" Mas nakakainggit ka nga Ashleen kasi nakatira kayo ni Ash sa iisang bahay. Gusto ko rin tumira rito para naman palagi ko syang makita umaga hanggang gabi! Kyaa!

"Hindi ko parin kasi alam kung ano ba ang talent ko," sabi nya matapos ubusin ang isang peanut butter cookie na dala ko. Ni-flip nya ang page ng magazine na tinitignan namin. "Yung ganito kayang style ng gown ang suotin mo?"

"Masyadong pink yan."

"Ano ba ang gusto mong kulay?"

"Hindi ko alam eh."

"Mag-red ka kaya?"

"Hmm. Parang masyadong matingkad yon at sexy."

"Pink nalang!"

"Bagay ba sakin ang pink?"

"Wala namang hindi bagay sayo Kayleen. Maputi ka naman at cute. Slim din naman ang katawan mo. Kaya walang hindi babagay sayo. Siguro orange lang ang hwag mong isuot. Ang sakit talaga sa mata ng kulay na 'yon kapag sinusuot lalo na kung neon."

Tumango tango ako. Iilan lang ang orange na damit sa closet ko, shirts na kailangan sa school. Umayos ako ng upo sa sofa nya. Inabot ko ang baso ng orange juice sa lamesa at uminom.

"Ay wait lang! Ito maganda to!" turo nya sa isang picture ng model na nakasuot ng gold dress na kumikinang. "Mukhang Princess Sarah!"

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom ko. Ibinalik ko ang baso sa lamesa.

"Gusto mo bang mag-costume party? Ikaw si Becky!"

"Ayoko. Mas gusto ko si Lavinia, original mean girl sa school."

Pumikit ako at minasahe ang ulo ko. Ang hirap pala pumili ng theme ng party.

"Ayoko nang tignan ang mga pictures na yan. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba ang gusto ko. Hayaan ko nalang si Mama na mag-decide."

Sinara ni Ashleen ang magazine at hinayaan nakatambak sa lamesa kasama ang iba pang magazines.

"So spill na Kayleen. Bakit ka blooming?" ubod ng tamis nyang tanong sa akin.

Uminit ang pisngi ko at di ko sya matignan sa mga mata.

"W-Wala. Blush on lang 'to, binili ni Mama sa Avon lady na kaibigan nya," hindi tumitingin sa kanyang sagot ko. "Ikaw? Ano ang nangyari sa inyo kahapon ni Alex?"

Siningkitan nya ako ng mata sandali para ipaalam sa akin na di sya naniniwala sa sagot ko pero palalagpasin nya. Bumalik ang malapad na ngiti sa labi nya.

"Mamaya may dinner date kaming dalawa." Kumikislap ang mga mata nya habang nagsasalita. "Ang sweet nya sakin Kayleen. Ang swerte ko kay Alex. At alam mo ba na kasalanan nya pala kung bakit mali ang date sa cellphone ko?"

"Pinalitan nya?"

"Oo. Binago nya 'yon habang nasa date kami at kumakain sa restaurant ng Tito nya. Umalis ako non saglit para pumunta sa wash room. Dapat talaga late raw ng isang araw yon, pero nag-panic sya nung nakita nya akong palapit kaya naman na-advance nya. Hindi na nya yon nabago kasi nawalan na sya ng chance na hawakan ulit ang phone ko. Ang sweet nya sana kaso epic fail. Hahaha!"

Natawa ako kasabay nya. At dahil don nag-away pa silang dalawa. Pero okay naman ang lahat kasi bati na ulit silang dalawa. Sana ganito rin kami ni Future Boyfriend.

"Sana ikaw din magka-boyfriend na para naman magkaron ulit tayo ng double date."

"Katulad dati?"

"Oo. Are you sure ayaw mo sa kapatid ko?"

"H-Huh? Ah. Eh." Siguro kung noon nya tinanong ito siguradong isang mabilis na 'Oo' ang ibibigay ko pero hindi ko na magawa ngayon. Kasi naman gusto ko na si Ashton. Gustong gustong gusto ko sya!

"I see." Nandon na naman sa mukha nya ang knowing look and smile.

"Ano yon?" kinakabahan na tanong ko. Napalunok ako.

"May alam ko pero di ko nalang sasabihin kasi baka maudlot pa. Sayang naman! Pero I'm happy for you Sissy!" Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

Nag-init ang mukha ko. Alam na ni Ashleen ang tungkol sa amin ni Ashton pero willing syang maghintay na sabihin ko sa kanya. Ang bait talaga nyang bestfriend. Silang dalawang magkapatid talaga...

"Sasabihin ko rin sayo kapag official na," malapad ang ngiting sabi ko.

"Lahat ng details, okay?"

"Sure!"

Pagdating ng hapon tinulungan ko si Ashleen na mamili ng damit para sa date nila ni Alex. Hindi naman nya talaga ako kailangan para tulungan sya kasi mas marunong sya sa fashion kaysa sa akin. Pero isa ito sa mga trabaho ng isang bestfriend.

"Ito kaya? Maganda ba? Hindi ba ito awkward or anything?" tanong nya habang suot ang isang baby blue na knee-length dress.

"Ashleen kahit ano ang isuot mo, maganda ka parin. Hindi naman magbabago yon. Tsaka lahat naman ng isinuot mo maganda at bagay sayo."

"Kaya kita bestfriend eh, lakas ko talaga sayo. Feeling ko isa akong dyosa!" Kumuha sya ng isa pang damit mula sa closet nya.

Natawa ako saglit. Tumayo ako mula sa kama nya. "Saglit lang naiihi ako."

"Sige, gamitin mo na tong—"

"Hwag na, may isa pa namang banyo dito sa floor nyo diba? Dun nalang ako."

"Sure ka?"

"Oo."

Lumabas ako ng kwarto ni Ashleen at naharap ko na naman ang pinto ng kwarto ni Ashton. Nangangati talaga ang kamay ko na buksan iyon. Ipinilig ko ang ulo ko at dumiretso nalang sa banyo nila.