webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
156 Chs

Kayleen's POV

"Tulog pa si Ashton." Nakabalik na si Ashleen sa kwarto.

Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko talaga dinudurog yung puso ko. Feeling ko, ang kapal ng mukha ko para mag-assume! Nahihiya ako sa mga naisip ko! Sobrang nakakahiya! Gusto kong umiyak at mag-tago nalang sa bahay forever. Ayoko na ulit magpakita pa ng mukha kay Ashton!

"Sissy, okay ka lang? Parang namumutla ka na."

"Uuwi na ako Ashleen." Ngumiti ako ng pilit. "Medyo sumakit kasi ang tyan ko. Ang dami ko yatang kinain na pie kanina." Tumawa ako nang mapakla tapos nagmamadali akong tumayo.

"Wait lang Kay!" Inabot nya sa akin ang box ng pasalubong nya sakin. "Don't forget this. Gusto mo ba ipahatid kita sa driver?"

Umiling ako. "Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin. Tsaka sa layo ng byahe nyo, sure ako na medyo pagod pa ang driver nyo. Ayoko naman mang-istorbo pa."

Mahina akong hinampas ni Ashleen sa braso. "Ano ka ba? Hindi ka istorbo. Sure ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Medyo mabigat pa naman to. Sasabihin ko sana kay Ashton na ihatid ka, kaso nakatulog eh."

"Kaya ko mag-isa. Hwag mo na syang gisingin. Kaya ko naman."

Lumabas kaming dalawang ng kwarto nya at hinatid nya ako hanggang sa may gate ng bahay nila.

"Itext mo ako kapag naka-uwi ka na, okay?"

"Oo naman. Sige, bye Ashleen." Ngumiti ako sa kanya bago ako nagmamadaling naglakad palayo.

Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Hindi sya si Mr Creeper. Hindi sya yon. Ang tanga ko! Bakit ba ako umasa? Lumakas ang iyak ko at nanginginig na ako dahil sa pag-hikbi ko. Nang makalabas ako ng phase three, umupo ako sa sidewalk at ibinaba ang box na dala ko. Doon na ako tuluyang umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin na kung sino man. Ang sakit pala mag-assume tapos mali ka! Maling mali ka ng inakala!

Akala ko talaga si Ashton yon. Akala ko talaga sya yon! Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba naisip yon?! Coincidence nga lang ang lahat. Bakit ba kasi?!

Komo ba parehas na nakatanggap ng texts si Ashton noong oras na nagtext ako, inakala ko na kaagad na sya yon? Diba nga sabi ko non, coincidence lang yon lahat! Kasi nga imposible.

Bakit naman nya ako magugustuhan? Mas matanda nga ako sa kanya eh. Tsaka... ano pa ba? Hindi naman kami magka-level!

Mas napaiyak ako nang marealize ko na ang layo pala ng agwat namin sa isat-isa.

"WAAAAAHHH!" napapadyak pa ako sa semento.

"Kayleen!"

Boses ng isang lalaki iyon. Nanlalabo ang mga mata na tumingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko si Ashton na tumatakbo papunta sa akin. Bakit siya nandito?! Mas lumakas pa ang iyak ko nang makita ko siya. Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Mukha na yata akong batang nagwawala dahil naagawan ng lollipop.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya. Lumuhod pa siya sa harap ko para magkapantay kami. "Sinong umaway sa'yo? May nanakit ba saiyo? Nadapa ka ba? Saan masakit?"

Pinalo ko ang kamay niya nung akmang hahawakan niya ako. "Lumayo ka! Ayokong makita ka!" sabi o habang umiiyak. Umiyak ako nang umiyak sa harap niya. Hindi na ako mahihiya sa kanya. Wala naman siyang gusto sakin eh. Wala na 'yung effort ko na magbihis at magpaganda sa kanya. Naalala ko na naman. Akala ko talaga may gusto siya sakin.

"Lumayo ka! Ayokong makita ka!" iyak ko. Umiyak ako nang umiyak sa harap nya. Hindi na ako mahihiya sa kanya. Wala naman syang gusto sakin eh. Wala na yung effort ko na magbihis at magpaganda sa kanya. Naalala ko na naman. Akala ko talaga may gusto sya sakin.

"Bakit? Ano'ng kasalanan ko?"

"Basta!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak. "Lumayo ka sakin! Layoooo!" Tinulak ko pa sya pero para syang bato sa tigas. Di ko sya magawang palayuin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay kaya hinigit ko yon mula sa kanya. "Hwag mo kong hawakan! Ayoko sayo! Lumayo ka!"

Hirap na akong makakita dahil sa sobrang labo na ng mga mata ko. Panay rin ang hikbi ko. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Ang hirap na huminga sa sobrang iyak ko. Pero kahit nahihirapan ako hindi ko naman magawang tumigil.

"Ano bang nagawa ko? Sabihin mo kasi sa'kin."

Hindi ko sya pinansin. Pinunasan ko ang luha ko at humihikbing inabot ang kahon at tumayo na. Uuwi na ako.

"Kayleen, saan ka pupunta?" Sinundan nya ako sa paglalakad. "Sorry na kung ano man yung nagawa ko sayo. Hwag ka nang umiyak."

"B-Bakit ka ba kasi n-nandito?" humihikbing tanong ko sa kanya. "D-Diba natutulog ka?"

"Nag-alarm clock ako. Hwag ka nang umiyak." Kinuha nya ang dala kong kahon. "Ihahatid na kita pauwi."

"Ayoko! Kaya ko mag-isa! Umuwi ka na nga sa inyo!" Kinuha ko pabalik ang kahon. Hinigpitan nya ang hawak don kaya nainis ako. "Akina sabi eh!"

"Hindi ko 'to ibibigay sayo. Ihahatid kita sa bahay nyo," matigas nyang sabi.

Pinunasan ko ang mga mata ko na nararamdaman kong namamaga na. Sigurado magtatanong sina Mommy kung bakit namumula ang mga mata ko.

"Naiinis na ako sayo Ashton! Umuwi ka na nga sa inyo!"

"Ihahatid kita!"

"Ikaw. Hwag mo nga akong pagtaasan ng boses! Mas matanda ako sa'yo!"

"Sorry. Hindi ko parin ibabalik sa'yo to."

"Makinig ka dapat sa nakakatanda sayo! Ibalik mo na yang kahon sakin at umuwi ka na!"

Sa gulat ko, ibinigay nga nya sakin ang kahon. Nakagat ko ang ibabang labi ko kasi gusto kong sumimangot. Bakit nya ibinigay?

"Happy now?" mukhang naiinis na tanong nya.

"Oo!"

"Sasabihin mo na ba sakin kung bakit ka umiiyak?"

Naalala ko na umiiyak nga pala ako kanina. Naalala ko na naman kung bakit. Nag-init na naman ang mga mata ko at naramdaman kong papabalik na naman ang hikbi ko. Maiiyak na naman ako.

"Wala ka na don! Umuwi ka na! Ayaw kitang makita!" Nilagpasan ko sya sa paglalakad. Sunud-sunod na naman ang tulo ng luha ko. Ang sakit sakit sa puso. Parang kinukurot. Assumera lang pala ako. Hindi ko kayaaaaa!

"Kayleen!" tawag nya sakin pero di ko sya nilingon. "Kayleen!"