webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
156 Chs

Kayleen's POV

Dumating si Steve kasama ang kapatid niyang si April. Sa tingin ko, pinlano rin ito ni Lola Lusing na may pagka-matchmaker. Si April naman ay kabaliktaran ng kuya niya—maingay at hindi mapakali sa kanyang upuan. Medyo magalaw siya at madalas niyang nadadali at siko at tuhod ko kapag magkatabi kami.

"Kayleen, gusto mo bang kantahan kita?" alok sa akin ni Steve habang hawak niya ang kanyang gitara.

Muntik ko nang ibuga sa kanya ang iniinom kong orange juice. Manghaharana na naman ba siya? Nag-isip ako ng mabilis na dahilan para tumanggi in a nice way, pero nablangko ang utak ko nang dumating si Ashton at umupo sa tapat ko.

Nandito kami ngayon sa garden ni Lola at pinapanood ang ilang kabayo mula sa malayo. Katabi ko sa upuan si April at umupo sa tapat niya si Steve. May malaking umbrella na nakatusok sa paikot naming lamesa.

Hindi ko mapapansin na nakatitig na pala ako kay Ashton kung hindi lang siya napatingin sa akin. Agad akong napatingin kay Steve na nakatingin din pala sa akin at mukhang naghihintay ng sagot.

"You can play the guitar?" mukhang interesadong tanong ni Ashton kay Steve.

Medyo naningkit ang mga mata ko. Sa tono ng pananalita niya, para siyang natatawa o baka imahinasyon ko lang 'yon.

Sa buong panahon na nakilala ko si Ashton, bihirang bihira ko siyang makitang ngumiti ng ganyan. Pero kanina, nang mabanggit si Steve at bigla siyang ngumiti, alam ko na may gagawin siyang kalokohan. Katulad na lang ng mga nangyari noon na prank sa mga kaklase namin ni Ashleen.

"Oo. Ikaw din?"

Hindi ko na nakita ang sagot ni Ashton dahil yumuko ako para i-text ang Ate nya. Narinig ko nalang ang magandang tugtog ng gitara. Napatingin ako kay Ashton. Saglit syang tumigil sa pagtugtog para ayusin ang strings.

"Medyo wala sa tono ang gitara mo," komento nya habang inaayos ang higpit ng strings. "Matagal mo na ba tong hindi nagagamit?"

Gusto kong mapa-facepalm. Hindi Ashton, kakagamit lang niya nyan noong isang gabi nang haranahin niya ako. Di niya alam na pinapahiya na niya si Steve dahil sa sinabi niya.

Umubo nalang si Steve at hindi na nagawang sumagot pa. Muling tumugtog si Ashton. Hindi pamilyar sa akin ang tugtog na yon pero maganda sa pandinig. Kahit walang kanta, mapapapikit ka habang nakikinig.

"Ang galing naman nya Kayleen!" bulong sa akin ni April na kumikislap ang mga mata. Hindi nya inaalis ang titig kay Ash habang bumubulong sa akin. "May girlfriend na ba yan?"

"Oo," mabilis na sagot ko. Sagot ni Ashton kina Lola kaninang umaga meron na raw syang girlfriend. Naalala ko naman ang text sa akin ni Ashleen, sabi ni Ashton sa kanya wala pa raw syang girlfriend. Ano ba talaga ang totoo?

"Abay akala ko may himala at nakakatugtog na si Steve! Yun pala naman ay si Ashton ang nag-gigitara!" umiiling na komento ni Lola Lusing. Magkasama sila ni Lola na palapit sa amin at parehong nakangiti.

"Magaling ka pala mag-gitara hijo," puna naman ni Lola.

"Nasa banda po sya Lola," singit ko.

"Ikaw pala yung batang papasok sa Music School? Nakwento ka nga sa akin ng apo ko. Mahusay ka nga tumugtog, dapat ang talento na yan ay mas lalo pang hinahasa. Baka masayang kapag napabayaan," bigay payo ni Lola.

Napatango naman ako sa sinabi ni Lola. Tama naman yon. Hindi ko maimagine na masasayang lang ang talent ni Ashton kapag napabayaan. Sikat pa naman ang banda nila sa school. Palagi nga silang panalo kapag may battle of the bands. Sigurado mananalo rin sila sa College battle kung wala na sila sa Highschool. Napatigil ako sa pagtango nang mapansin na nakatingin na pala sa akin si Ashton. Yumuko nalang ako at nag-text ulit sa Ate nya.

"Gwapo na, talented pa!" bulong ulit sa akin ni April. "Sayang may girlfriend na."

"Bakit nga pala kayo nakatambay lang dito? Bakit hindi kayo pumasyal sa bayan?" usisa ni Lola. "Ikay ipasyal mo ang kaibigan mo sa bayan."

"Opo Lola."