webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
156 Chs

Entry #20

Dear Future Boyfriend,

Hwag kang magagalit sa aaminin ko sa'yo. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa pagrereview para sa exam bukas. Normal lang naman ito diba? Na-trauma yata ako sa nangyari kanina sa party. Yung batang yon kasi e! Bwisit yun. Kapag bumagsak ako sa final exams bukas, lagot sya sa'kin! Ayaw maalis sa isip ko yung nangyari kanina! Nakakainis talaga! Parang nalalasahan ko pa yung icing ng cake galing sa bibig nya! Kainis! Kainis! Erase!

Dahil inamin ko sa'yo ito, mapapatawad mo parin naman ako diba? Okay lang naman kahit di ikaw ang first ko di'ba?

Love,

Kayleen