webnovel

2

Chapter 2

- Jenny's POV -

Natapos ang buong araw ng wala akong overtime. Actually, tinapos ko talaga lahat dahil may lakad ako. Ngayon ko kasi napag-desisyonan na magkaroon ng me-time. Once a week kasi ay ginagawa ko ito.

"Uuwi ka na din?" Biglang salita ni Zeir na kasabay ko pala sa elevator. Bigla namang sumigla ang mood ko.

"Hi, Zeir!" Masaya kong bati sa kanya.

"Tsk! You're being loud again." Naiirita nyang sabi.

"Sorry na. By the way, sabay na tayo?" Tanong ko habang may ngiti parin sa labi.

"Sige." Maikli nyang sagot na nagpangiti lalo sa akin.

"Yey!" Impit kong tili habang pumapalakpak pa. Pero nawala iyon ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko na ang gc namin.

'Dynasty's Third Generation'

Kristine: Really?!

Lorenze: Yup, sweetheart.

Kristine: I'm going to kill you, @Zeir!

Janna: What happened ba, ate Kris?

Finlay: He wants us to find a girlfriend to him.

Chanel: What?!

Dahil sa nakita ko ay nag-angat ako ng tingin kay Zeir. Hindi ako makapaniwala dahil sa nabasa ko at naramdaman kong naiiyak na ako. Sobrang sakit kasi na ang tagal ko nang nagpapacute, pero iba parin ang gusto nya. Ayaw oatin nya sa akin.

"May problema ba, Jenny?" Tanong nya.

"A-ahh... Wala. May lakad nga pala ako ngayon. Hindi ako makakasabay, I'm sorry." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Ok. See you tomorrow, th---" hindi na nya natapos ang huling salita nya dahil lumabas na agad ako ng elevator ng bumukas iyon.

Mabilis ang naging kilis ko at mabilis kong tinungo ang parking lot. May extra kasi akong sasakyan doon kung sakaling hindi ako makakasabay kay kuya Gerry.

Mabilis akong pumasok doon at pinaandar ang makina. Habang pinapainit ko ang makita ay pilit kong tinutuyo ang mga luha ko. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay pinaandar ko na iyon.

Hindi ko binilisan dahil medyo malabo ang mata ko dahil umiiyak parin ako. Pero patuliy lang ang pagsabi ko sa sarili kong ayos lang iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng magstart ang call sa gc.

Sinagot ko iyon at kinuha ko ang earplugs ko at inilagay iyon sa kanang bahagi ng taenga. Actually, isa lang ang kinuha ko para maririnig ko parin ang paligid ko.

"Hi, sis. I just call to ask, are you ok?" Panimula ni Chanel.

"G*ga, malamang hindi sya ok." Sabat ni Kristine. "Sis, we're here for you. Pagpasensyahan mo na ang kadaldalan namin ng boyfriend ko, ha?" Senserong sabi nya.

"Ok lang. Kung hindi nyo pa iyon napag-usapan, hindi ko din malalaman." Sagot ko.

"Punta ka ng Dynasty. Yung mismong hall, ha? Pupunta kaming lahat doon." Sabat ni Angeline.

"Buhay ka pa pala?" Sarkastikong sabi ni Chanel at Kristine.

"Bye muna. Nagdi-drive ako." Paalam ko.

"Sige, see you. Ingat ka." Paalam din ni Chanel tapos pinatay ko na ang tawag saka ko inikot ang manobela at tinungo ang daan papuntang D-Hall.

Actually, may iba't ibang bahagi kasi ang Dynasty. May Building kami, may ospital, may bar, may restaurant, may law department din, may airport, may entertainment agency, may cafe, may school, at iba pa.

Kaya nga tinatawag na 'Home of the Professionals' ang Dynasty dahil lahat ng mga trabahong pwedeng gawin. Nasa amin na. Ang iba, imbis na mainggit, mas pinili nalang pumanig sa amin dahil hindi nila kami kaya.

Kaming mga myembro ng Dynasty ay may kanya-kanyang simbolo. Mayroon kami ginagamit na parang card at may simbolo din na nakalakip sa bawat damit na sinusuot namin.

Ang sa unang myembro ay full moon ang simbolo nila. Ang second generation naman ay crescent moon. Ang sa amin ay may dalawang crescent moon sa gilid at may full moon sa gitna.

Sa unang myembro ay may dark green card. Secong genes ay dark blue. Sa aming mga third genes ay dark red. Kaya dark red dahil masyado daw kaming matinik. Diba kapag natinik ka, masusugatan ka at may dugo. Iyon ang simbolo namin, ang dugo.

- Zeir's POV -

Nagtaka ako kung bakit bigla nalang umiyak si Jenny. Pero ang pagtataka ay napalitan ng inis. Inis dahil hindi ko sya nakasabay sa pag-uwi.

'I wonder, ano kaya ang lakad nya?'

Napairap ako sa hangin dahil sa mga naisip kong posibilidad.

'And, why did she cry again?'

Napabuntong-hininga ako at nagtungo nalang ng parking lot. Nang makarating ako ng kotse ko ay kakaalis lang din ni Jenny at muhkang umiiyak parin.

Napabuntong-hininga nanaman ako saka ako pumasok ng kotse ko. Nang makapasok ako ng kotse ay binuksan ko muna ang phone ko. At nang buksan ko ay tumunog agad ito.

'Shempre, saan pa ba? Kelan ba nawalan ng energy ang mga lalaking yon?'

Puro chat ng mga lalaki at muhkang pinapagalitan nanaman si Lorenze.

'Sanay na ako. Lagi naman, ehh. Pero ano nanaman kaya ang ginawa ng lalaking to ngayong?'

'Dynasty's Gentleman'

Lorenze: Sorry na nga, ehh.

Jonny: Sorry mo muhka mo. I'm going to sue you, asshole!

Lorenze: For what?

Jonny: For making our little princess cry.

Lorenze: Sorry na nga, diba?!

Lucas: Ang daldal nyo kasi ng girlfriend mo, kuya.

Lorenze: He-he! Tumahimik ka, hindi kita kausap.

Lander: Pikon lang yan, ehh.

Lorenze: Isa ka pa!

Zeir: Ano nanamang ginawa mo, ha? May kasalanan pa nga ang girlfriend mo kay Jenny tapos ngayon, ikaw naman?

Lorenze: Alam mo bagay talaga kayo ni Jenny.

Biglang hirit nya dahilan para mag-init ang mga pisnge ko. Nakagat ko ang labi ko bago ako nag-reply sa kanya.

Zeir: Wag mong ibahin ang usapan, Lorenze.

Lucas: Lagot ka, kuya Renze! Hahahaha!

Lorenze: Tumahimik ka nga!

Lander: 🤣

Lucas: 😋🤣🤣

Lorenze: Wala ba kayong mga trabaho, ha?! Ang iingay nyo!

Zeir: Anong nanaman ang ginawa mo, ha?

Lorenze: Wala!

Zeir: Hindi ka ipapakulong ni Jonny kung wala kang ginawa kay Jenny.

Zai: Kuya, basahin mo nalang ang gc sa third generation.

Dahil sa sinabi ng kapatid ko ay agad kong tinignan ang gc sa third generation. Dahil muhkang natabunan na ay nag-scroll ako pa-akyat. At uminit ang ulo ko ng makita ko ang tinutukoy nila.

"Papatayin kita, Lorenze!!" Sigaw ko sa inis dahil sa nabasa ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at sinubukan kong conta-kin si Jenny. Pero napatigil ako dahil naisip ko ang ginagawa ko ngayon.

'Bakit ba ako nag-aalala? Alam ko namang magiging ok din sya.'

Huminga ako ng malamin saka ako dumiretso ng bahay namin. Kaya pala umiiyak si Jenny kanina at ang masaklap pa non ay sa harap ko mismo nya nakita.

Huminga nanaman ako ng malalim at ipinarada ng maayos ang kotse ko sa garahe namin. Pagpasok ko ng bahay ay nandoon sila Mommy and Daddy, muhkang nag-uusap sila.

"Hey, son. Ang aga mo ata ngayon, ahh?" Tanong ni Dad sa akin. Hindi muna ako sumagot, hinalikan ko muna si Mommy sa pisnge tapos tinapik ang balikat ni Dad.

"Maaga po akong natapos. By the way, dad, where's our little---"

"Kuya!!" Sigaw nya at patakbong lumapit sa akin tapos yumakap sa akin.

"Kumusta?" Tanong ko sa kanya.

"Ok naman, kuya."

"Masaya ba ang filled trip?"

"Yes, po!" Masayang sagot nya.

"Sige, magbibihis lang muna ako." Paalam ko tqapos hinalikan ang noo nya tapos iniwan ko sila sa sala. Mabilis ang naging kilos ko at mabilis akong nagtungo sa kwarto ko.

Nang makarating ako ay mabilis akong nagbihis tapos nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko at kinon-tact ko ulit si Jenny pero nakapatay na ang phone nya ngayon.

'Siguro kinakausap na sya ng mga kaibigan nya.'

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kisame, nag-iisip kung anong ginagawa nya o nila ngayon. Kung umiiyak pa ba sya, kung ok na ba sya? Maraming tanong na pumasok sa utak ko ngayon. Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko at napangiti ng makita ko kung sino ang caller.

"Hello, babe!" Natatawang kong biro.

"Babe ka dyan! Ohh, kumusta ka?"

"Ok lang naman. Ikaw ba?"

"Ok lang din. Medyo pagod pa."

"Masyado ka kasing workaholic. Hindi ka na nakakapagpahinga."

"Coming from you, huh?"

"Kasama mo ba si Jenny?"

"Oo. Kasama namin. Umiiyak pa nga sya hanggang ngayon, ehh. Yung dalawa kasi, ehh."

"Oo nga. Ipapakulong nga daw sya ni Gerry, ehh. Haha."

"Sige na. Bye na."

"Bye, Angeline." Pinatay na nya ang phone at napakunot ang noo ko ng tumunog ulit ang phone ko. Pero hindi na si Angeline tumatawag, si Porsche na.

"Hi, Darling!"

"Shut up, bitch."

"I miss you."

"Miss you too."

"By the way, kailan ka free? Date tayo."

"Mamaya. Doon tayo sa D-Dinners."

"Ok. See you."

"Hmm. Bye."

"Bye."

Pagkapatay nya ng linya ay itinabi ko ang phone ko at saka ako nagpadala sa antok ko. Nang magising ako ay alas-sais na. Tumayo na ako at nagbihis hanggang sa bumaba na ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dad.

"Zyair, hindi naman lalayo yang anak mo. Tyaka, malaki na yan. Pwede na nga mag-asawa yan, ehh." Sabat ni Mommy.

"Saan nga ba ang punta mo, kuya?" Tanong ni Ashley.

"May lakad po kami ni Porsche. Mag-e-early dinner po kami ngayon." Sagot ko.

"Is that so?" Tanong ni Dad.

"Sige, go ahead, anak. Be careful, ok?"

"Yes, mom." Sagot ko tapos lumapit sa kanya para halikan sya sa pisnge, si Ashley sa ulo tapos nag-high five kami ni dadLumabas na ako ng bahay at tinaeagan si Porsche. "Hello? Nasaan ka na?"

"I'm on my way na."

"Sige, see you."

"See ya."

Pagkapatay nya ng tawag ay mas nag-fucos nalang ako sa pag-di-drive hanggang sa makarating ako ng D-Dinners.

- To Be Continued -

(Sun, June 6, 2021)