webnovel

CHAPTER 1

AN: Maraming-maraming salamat nga po pala sa mga magbabasa nito ngayon palang. Itong story na ito ay sariling bampira ko na kuwento na nilikha ng kakaibanv isip ko. Hahaha! Charr! ❤😍😘

=========================================

RUBY P.O.V

Tahimik na nakaupo sa kahoy na lamesa at pinagmamasdan ang nakahain na pagkain. Kanin na malamig na dahil kagabi pa ito dahil nagtira kami dahil huling kanin na itong kakainin namin ngayon. Wala na ring gaas ang kalan namin, may maliit na bote ng toyo upang kahit paano 'ay magkalasa ang kanin.

"Anak, bakit hindi ka kumain?"

Napaangat naman bigla ang balikat ko dahil sa malalim na pag-iisip, umangat ang mukha ko at tiningnan ko ang hapis na mukha ng aking ina dahil sa ubo na pabalik-balik na lang dahil sa araw-araw na paglalabada nito. Kaya pinatigil ko na siya at hayaang ako na lang ang maghanap ng paraan upang may makain at panggastos kami.

"Ma, kayo na lang ni Anna ang kumain nito. Hindi pa naman ako gutom, aalis ako ng maaga upang maghanap ng pagkakakitaan dahil mamaya lang may maniningil na nang bahay natin," mahabang litanya ko at tumayo na ako.

"Anak pasensya ka na, sana hinayaan mo na akong magpatuloy sa paglalabada,"

Nilingon ko naman si mama at sinimangutan. "Ma, mas mahihirapan akong maghanap buhay kung naiisip ko ang kalagayan mo, tapos nandoon ka nagpapakahirap maglaba para magkapera kahit sa kalagayan mo na iyan," seryosong wika ko at niyakap ko siya.

"Pasensya ka na anak, kung nandito lang sana ang iyong ama."

Mahinang sambit nito, hindi na ako sumagot at humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Sige na ma, gisingin niyo na lang si Anna, dahil maaga pa pasok niya." Tukoy ko sa bunsong kapatid ko na nasa high school na.

Lumabas na ako ng malii na bahay na inuupuhan namin, muli akong maghahanap ng pagkakakitaan dahil kailangan ko ng pambayad ng bahay at ilaw pati na rin ang tubig. Sa edad kong bente singko hirap akong makahanap ng trabaho dahil second year high school lang ang natapos ko, dahil na rin sa biglang pagkawala ng aming ama, sampung taon na ang nakakaraan.

"Ruby! Mabuti at nakita na kita, akina ang bayad sa upa niyo. Pati yung ilaw pakibayaran niyo na dahil mapuputulan na kayo, wala akong pang-abuno diyan."

Natigilan lang ako at hindi agad nakapagsalita dahil sa pagkakita agad sa may-ari ng bahay na inuupuhan namin.

"Ano? Titingnan mo na lang ba ako, Ruby?"

Napapitlag naman ako at napahugot ng buntong-hininga. "Mamaya mo po magbabayad ako, huwag na ho kayo pumunta ng bahay namin." Sagot ko dito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Aba'y siguraduhin mo lang, dahil mamaya mismo 'ay palalayasin ko kayo kapag hindi pa kayo nagbayad. Dalawang buwan na kayong walang bayad, napabigyan ko na kayo. Kaya dapat lang na mabgbayad kayo at kung hindi pupulutin niyo ang mga gamit niyo sa labas!"

Malakas na wika nito na kinalingon nang mga dumaraan na mga tao, tumango lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang naglalakad ako pinipigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo, hirap ako ngayon dahil natanggal ako sa dati ko na trabaho. Kaya ngayon hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng mapagkakakitaan 'yung kikita ng malaki.

Wala sa sariling naglalakad ako sa gilid ng kalasada habang nasa isip ang mga problema. Hanggang sa inabot na ako ng dilim sa daan, hindi ko alintana ang gutom ko kahit nanghihina na ako.

Hanggang sa mapadpad ako sa isang may kadiliman na lugar, nakarinig ako ng putukan at mga ingay. Bigla na lang nanlaki ang mata ko ng makita ang ilang kalalakihan na naghabulan at mga nagpapalitan ng putukan.

Pumihit ako patalikod upang tumakbo rin ngunit nagkamali ako ng pihit dahil bumagsak ako. Naabutan na ako ng mga lalaki na nagtatakbuhan, naapakan ako ng isa kamay kaya ganon na lang ang sigaw ko. Pinilit kong tumayo ngunit nasagi ako muli nang isa pang lalaki at muli akong natumbo, pero hindi pa sumasayad ang aking katawan sa malamig na semento ng maramdaman ko ang matigas na braso sa aking katawan na sumapo.

Pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat simula sa dahan-dahan na pag-angat niya sa aking katawan. Gayun din ang unti-unting pagkakalapit ng aming mga mukha, titig na titig ako sa magandang mata niya na parang gray ata ang kulay na sobrang ganda.

"Nakalayo na siya,"

Biglang nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki, naramdaman ko na rin ng bitawan na ako nitong lalaki na sumapo sa akin.

"Hayaan na natin sila dahil tiyak na makikita natin sila ulit,"

Tahimik na nakikinig lang ako sa dalawang lalaki na nag-uusap, pansin ko na parehas na puro itim lang ang kanilang suot. Ngunit sobrang puti ng kanilang balat, ang mata ko dito lang nakatutok sa lalaking sumapo sa akin kanina.

"Tara na bumalik na tayo,"

Muling salita ng lalaki na titingnan ko,  ngunit nilingon ako ng lalaki pa na kasama nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nang isa.

Marahan na tumango lang ako at hinihintay na muling humarap sa akin ang lalaki na 'yon. Matapos iyon umalis na silang dalawa at  naiwan akong mag-isa.

Gusto ko silang pigilan ngunit wala ng lakas ang aking mga paa upang ihakbang ito, dahil na rin siguro sa gutom. Hanggang sa malayo na sila at maramdaman ko ang panglalambot na aking tuhod, unti-unti na akong bumabagsak sa semento.

Papikit na aking mata at hinihintay ang pagbagsak ko sa lapag, ngunit nahagip ko ang lalaki na mabilis na nakarating sa akin at sinapo akong muli ng kaniyang matigas na bisig.

"S-salamat," mahinang sambit ko at nagkaroon muli akong lakas ng masilayan ko ang magandang dalawang pares ng mata nito.

"Miss, maaari ka ng umuwi dahil delikado ang lugar na ito." wika nang lalaki na isa.

Hindi naman mawala ang paningin ko doon sa lalaki na tumulong sa akin upang hindi ako tuluyan na bumagsak sa semento.

"P-pasensya na kayo kung nakaistorbo ako, naghaha-" hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko sa kanila at napayuko na lang ako.

Sa muling pag-angat ng aking mukha napansin ko na dalawa na lang kami ng lalaki ang nandito. Titig na titig sa aking ang mga nito na mas lalong gumaganda sa aking paningin.

Sa pagkurap ng mata ko naramdaman ko na lang ang paglapat ng katawan ko sa matigas na pader. Gayundin ang katawan nito na halos magdikit na sa sobrang lapit niya sa akin.

"Ipagbuntis mo ang aking anak na lalaki."

Hindi ko alam kung nabingi ba ako o nagkamali lang akong rinig kaya hindi ako agad nakapagsalita. Tiningnan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha na sobrang kinis at wala kang makikita na bahid ng peklat.

"Narinig mo ba ako?"

Napasinghap ako sa muli niyang pagsasalita dahil sa mabangong amoy at mainit na hininga nito.

"P-pero, naguguluhan ako sa sinabi mo," mahinang tugon ko.

"Wala kang ibang gagawin kung hindi ang ipagbuntis ang anak ko na lalaki."

Natigilan ako bago magsalita. "Lalaki? Paano kung hindi lalaki?" hindi makapaniwalang sagot ko.

"Sigurado ako na lalaki ang ipagbubuntis mo at papalitan ko ito ng malaking halaga. Alam ko na kailangan mo ng pera,"

Napipilan ako dahil sa kaniyang winika dahil hindi ako makapaniwala na alam niya. Titig na titig lang ako sa kaniyang mga mata, hanggang sa bumaba ang mukha nito papunta sa labi ko na nakaawang at naghihintay na lumapat ito.

Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin sa buong katawan dahil sa halik na pinalasap ng lalaki na ito.  Napakapit ako sa braso niya upang hindi mawalan ng lakas, dahil parang hinihigop ang buong lakas ko dahil sa mainit na halik na 'yon.

Napadilat ako ng maramdaman ko na huminto na pala siya sa paghalik sa akin, nahiya naman ako bigla na mapansin na nakatingin na lang siya ngayon sa akin.

"Puntahan mo ako sa address na 'yan."

Kusa lang akong tumango at napatingin sa papel na sobre sa ibabaw ng kamay ko. Tumalikod na ito sa akin at nagsimula ng maglakad ito papalayo sa akin.

"S-sandali! Anong pangalan mo?" mahinang sambit ko at hindi ko alam kung narinig pa niya ito.

"Nigel, Nigel Felix Calixto."

Natigilan ako at biglang umihip ng malamig na hangin at nagtayuan ang mga balahibo ko, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na sumagot siya kahit malayo na siya? At parang pabulong pa ito na sinagot niya.

Muli kong sinulyapan ang lalaki na iyon sa di kalayuan ngunit wala na ito, naalala ko naman ang sobre na binigay nito. Nang buklatin ko ito nagulat ako sa laman, ilang lilibuhin na pera ang naroon sa loob at isang kapirasong papel. Binasa ko ito at nakalagay doon ang adress na nasabi nito kanina.

Namalayan ko naman na dumampi ang palad ko sa labi ko na kanina lang 'ay inangkin ng estranghero na iyon. Nangingiti na hindi ko mawari at muli kong sinulyapan ang pera, naalala ko na kailangan ko ng umuwi.

Baon ang masayang ngiti, tinahak ko ang daan pabalik sa amin upang magdala ng isang magandang balita para sa aking ina at kapatid.

--------

AN: Pasensya na po bitin, pero maraming salamat sa mga naunang nagbasa na nito. Lalo na mabasa ko ang inyong mga comments na lalong nakakapagbigay lakas at gana upang patuloy akong magsulat. Love you all guys! ❤❤❤