webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Dead 13 (Part 1)

Mia POV

Kasalukuyan kaming nagbabyahe papunta sa sinasabi nilang kampo.

I was very thankful dahil kahit gaano kadelikado ang sitwasyon ngayon, we manage to become safe.

Naalala ko yung time na nawalan ako ng malay. -___-

Flashback

"Let's Go Den!" Sigaw ko at tumakbo muli. Umakyat kami sa second floor akala ko hindi na ito makakaakyat ngunit nagkamali ako. Lintek na mga zombieng 'to ang lalakas ng tuhod!

Wala pa naman kaming pandepensa! Kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumakbo. Hawak-hawak ko parin si DenDen ng may malakas na impact ang sumalubong saakin. Hinawakan ko ang noo ko ng may maramdaman akong tumutulo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari lumalabo na ang patingin ko. Ang huli ko lang narinig ay ang isang putok ng baril at ang pagsigaw ni DenDen.

"Ate Mia!"

                             ✖✖✖✖

Nagising nalang ako sa isang silid. Nakita ko si DenDen sa gilid ko.

"Ate Mia! Glad you are okay." Sabi ko

"Where are we?"

"Andito pa rin tayo sa hotel ate at may nagligtas saatin."

Tumango nalang ako at inaayos ang pagkakahiga ko."

End of Flashback

Nakilala rin namin ang mga bagong kasamahan namin. Pero that Lee guy, arrgh! I really hate him! Iniwan ba naman ako 'nong time na naghahanap kami kina Aira?! Di ko alam kung natatakot siya or gusto niya talaga akong iwanan 'don!

Napatingin nalang ako sa labas. Haist ganun parin ang itsura. Mga gusaling nawasak mga sasakyang kahit saan lang makikita.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Rico

"Oo nga, ilang oras na tayo nagbabyahe ah." Saad naman ni Wendel

"Malapit na tayo, dalawang oras pa." Sabi ni Lee.

Dalawang oras na ang lumipas at kasalukuyan kaming nakahinto at tinatanaw ang isang bundok kung saan naroon ang kampo. Napagdesisyon namin na tumuloy. Naaninag namin ang isang bakal na gate sa di kalayuan at may dalawang lalaking may mga armas ang humarang saamin at tinutukan kami ng baril.

Seriously?!

Bumaba si Kyler at kinausap ang dalawang lalaki. Tumingin saamin ang isang lalaki na para bang sinusuri kung sino sino ang laman ng sasakyan.

"Boss!! May mga infected!"

Nagulat nalang kami ng biglang sumigaw ang isa sa mga lalaki at dali dali kaming pinapasok sa gate.

Napatingin ako sa likod. Gosh. Andami ngang zombie. Nasundan siguro kami. Pero mukang kaya naman ng mga lalaking nagbabantay doon. Napatingin ako sa mataas na bahagi ng lugar.

Woah! May sniper!

Bumaba na kami sa sasakyan at bumungad saamin ang isang babae. I think nasa 20's na siya. Matangkad ito at maputi.

"Welcome survivors. I'am Michelle you can call me ate Mich." Sabi nito at ngumiti.

Hmmm.Mukhang mabait naman ito.

"Hi ate Mich." Sabi namin.

Isa-isa rin kaming nagpakilala sa kanya.

It's nice to meet you guys." Sabi naman nito at inilibot niya kami sa buong kampo. Maraming mga sundalo ang naririto at abala sila sa pag-aasikaso may nakikita rin kaming mga sibilyan dito na masama ang tingin samin. Eh?

"Yow Mich! Sino ang mga bagong mga dating na'to?" Nakangiting  pagbungad samin ng isang lalaking parang kaedad lang ni ate Mich.

"Ah, guys si Marcus pala" Sabi ni ate Mich at ipinakilala niya kami kay Kuya Marcus at katulad ni ate Mich mukang mabait rin naman ito.

Iginaya niya kami sa isang tent.

"Dito muna tutuloy ang mga girls at doon naman sa kabila ang mga boys." Sabi nito atsaka itinuro ang kabilang tent.

"Pwede na muna kayong magpahinga at mamaya ko nalang kayo ililibot sa buong lugar." Sabi nito at umalis na.

"Oh mga boys! Doon na kayo sa kabila at magpapahinga na kami!" Sigaw ni Abe

Nagtungo naman sila sa kabilang tent.

So kami nalang ang naiwan dito.

Ako, si Aira, Abegail, DenDen atsaka si Christine.

"Sa tingin niyo mga ate, safe tayo dito?" Tanong ni DenDen

"Hmmm, mukang safe naman tayo dito." Sabi ni Christine.

"Hindi natin alam kung safe tayo dito baka may tendency na mapasok tayo dito ng mga zombie at 'di lang sa zombie tayo mag-ingat kundi sa mismong tao rin."

Sang-ayon ako kay Aira, kailangan naming mag-ingat especially sa kampong ito. Hindi naman namin alam kung sino ang mapagkakatiwalaan at hindi except nalang kay Ate Mich I'm very sure na makapagkakatiwalaan siya.

"Sa tingin niyo guys ano na pala ng nangyari sa mga traydor?" Tanong ko.

"Hay naku! Ewan ko ba sa mga 'yon! Sana nilapa na ng zombie!" Singhal ni Christine.

"Guys mag-idlip na muna tayo, napagod ako sa biayhe eh." Sabi ni Abe at humiga.

Napahikab nalang ako dahil nakaramdam na rin ako ng antok.

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Natatakot akong lumabas lalo pa at gabi na.

Ginising ko si Abe pero ayaw niyang magising. Tulog na tulog eh.

Ginising ko si Aira at hindi ko na pala siya gigisingin dahil gising na pala siya.

"Oh, bakit hindi ka natutulog?"

"Samahan mo ko." Sabi ko

"San?"

"Kakain, nagugutom ako eh."

"San ka naman kakain sa ganitong oras?" tanong naman nito.

"Ah basta! Tutal hindi ka naman natutulog, labas muna tayo."

Sabi ko at hinila siya sa labas.

Nagulat nalang kami ng may bantay sa labas ng tent. Wow ha. Ang protective naman nila. Ahueueue.

Tumango nalang ito saamin.

Baka repin mo sila manong sa loob. Ha? Pa repin kita sa zombie makita mo. Hahahaha. Shhhh. Joke lang!

"Oh? Ano na?!"

"Halika na---"

"Oh Aira at Mia. Ang aga niyo nagising ah." Bungad sa'min ni Kuya Marcus. Shocks ang gwapo niya. Hahaha. Pwee anlandi!

"Ah, kuya Marcus nagugutom daw si Mia. Wala bang makain diyan?"

"Sumunod kayo saakin, pupuntahan natin si Ate Mich niyo."

Sabi nito at sumunod nadin kami sa kanya.

Pumasok kami sa isa sa tent dito at ito lang yung pinakamalaking tent dito sa buong lugar. Napamangha naman kami nang pumasok kami sa tent.

Maraming mga tao ang nandoon at busy silang lahat sa ano man ang kanilang pinagkakaabalahan. Marami ring mga monitors mga Pc at kung ano-ano pang mga armas. Iba't ibang klaseng armas.

*^O^*

Nakita namin si Ate Mich sa di kalayuan at tutok na tutok sa kanyang ginagawa.

"Mich!" Biglang sigaw ni Kuya Marcus kaya napatingin siya sa dako namin.

Kumaway naman ito at ngumiti ng makita niya kami.

Lumapit siya saamin at nagulat nalang kami ng bigla niya kaming yinakap.

O_o

Kumalas siya sa yakap namin at ngumiti.

"May kailangan kayo?"

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Kuya Marcus.

"Nagugutom daw sila!"

"Oh! Hahaha pasensiya na kayo at nawala sa isip kong ipaghanda kayo ng makakain kanina. May iniisip kasi ako eh. Tara sumunod kayo sakin." Sabi nito at iginagaya kami palabas at pumasok uli sa isang tent.

"Ito pala yung tinutuluyan ko, pasok kayo." Sabi nito. Namangha uli kami dahil sa aming nakita.

Tiningnan ko si Aira at mukhang malalim ang iniisip. Kanina pa 'to eh. Nagugutom rin siguro. Hahahaha

Marami ring armas dito at napadako ako sa isang sulok.

*^O^*

Bow and Arrow!!!!

"Wow, ate Mich. Sa inyo po ba ito?!"

Sabi ko. Napatingin rin sa dako namin si Aira at hindi niya matatago ang pagkamangha sa kanyang nakita.

"Ah, oo. Ibang klaseng bow and arrow 'yan invention ko 'yan." Sabi nito sabay alok sa'min ng makakain.

"Waaaa! Talaga ate?!" Sabi ko.

"Oo, sa katunayan meron pa ako ditong mga imbensiyon."

"Pwede po ba kaming tumingin?" Tanong ni Aira. Napadako naman ang tingin ni ate Mich sa kanya at ngumiti.

"Sure." Maikling tugon nito at iginaya uli kami.

Ba't ambait saamin ni ate Mich? Nagkibit balikat nalang ako. Siguro inborn na niya 'to. Hehehehehe.