webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Urban
Not enough ratings
69 Chs

Chapter 68

"You should eat more wife." Anas ni Bryan sa kanya habang dinadagdagan ang ulam sa pinggan niya.

Kasalukuyan na silang kumakain ni Bryan ng tanghalian. Well, more of a late lunch and early dinner?

She woke up at around 3:30pm. Ayaw niya pa ngang bumangon dahil sarap na sarap pa talaga siya sa tulog niya but her husband woke her up with a glass of milk and some biscuits.

And he's naked too.

Jusko! Kaya mabilis niya itong sinaway at napasuot din ito ng boxers but remained topless.

Pandesal. Malinamnam!

Naalala nga niya kanina na nataranta talaga ito pagkagising nito at naalimpungatan din siya dahil patakbo itong lumabas ng kwarto nila noong nakita nito ang oras. Natakot daw ito kasi baka gutom na siya at si baby.

See? Kahit hindi pa niya nailuwal ang panganay nila ay grabe na mag-alaga ang asawa niya sa kanila.

She's indeed very lucky to have him as her husband and their children are also lucky to have him as their father.

"Dagdagan mo din ang ulam mo, hubby." Sabi naman niya dito at nilagyan din ang pinggan nito ng beef steak na niluto nito kanina.

Sarap!

They were still eating and exchanging some sweet nothings with each other ng biglang nagring ang cellphone nito na nakalapag sa taas ng coffee table nito sa sala.

Pero hindi ito agarang tumayo para kunin 'yon kaya pinilit pa niya ito. Baka kasi importante.

"Its Nathaniel." Pag-iimporma nito sa kanya bago sinagot ang tawag ng kaibigan.

"Oh, 'tol kamusta?" Dinig niyang bati nito sa kaibigan. "Yeah, kasama ko ang asawa ko, why?"

Nagsimula na itong lumakad pabalik sa kanya pero napatigil ito bigla.

"What?!" He blurted out kaya napabaling siya dito. "Wait! Ichecheck ko!" Anas nito at agad na kinalikot ang phone.

"Ano 'yon, hubby?" Nag-aalalang tanong niya dito at napatayo na para lapitan ito.

Pero parang may binabasa ito na something sa cellphone nito.

He looks stressed out and frustrated while looking at his phone. He looked at her pero agad itong umiling sa kanya.

"Its.. Its okay, wife. I can handle this." Sabi nito sa kanya.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan na sabihin sa kanya.

"Hubby, tell me. Anong sabi ni Nathaniel?"

He heavily sighed before he looked at her. "Ayokong mastress ka, wife. I'm sorry but I can handle this. I promise you. May tatawagan lang ako." Sabi nito at agad na pinatakan siya ng isang mabilis na halik sa sentido at akmang lalayo na sa kanya, pero pinigilan niya ito.

"Hubby, hindi ako masistress. We're married. I'm your wife. We're both in this together. You don't have to do this alone." Sabi niya dito at mukhang naliwanagan na din ito kaya mabilis siyang niyakap.

At kahit bakas pa din ang pag-aalinlangan sa mukha nito ay napakwento na din ito tungkol sa tawag ni Nathaniel.

"Nathaniel informed me about Georgina's interview with the press. I don't know how she did it. Nasa presinto pa din siya, damn!"

"H-Huh? A-Anong sabi niya sa press?"

Narinig ulit niya ang pag buntong-hininga nito bago nito nilahad sa kanya ang cellphone nito. Niyakap siya nito patalikod habang binabasa niya ang buong article.

Georgina told the press about her previous relationship with Bryan. And she called him a lying scumbag celebrity na nanloloko at nang-uuto daw ng tao, lalo na sa mga fans nito. Tinago daw ang relasyon nila kasi natatakot daw si Bryan na mawala ang kasikatan nito. Mas importante daw kay Bryan ang pera at ang kasikatan. Makasarili daw si Bryan!

Georgina also included in the interview na may asawa na daw si Bryan at minention rin ang pangalan niya sa article. Siya rin daw ang rason kung bakit naghiwalay ang mga ito kasi mapagpanggap daw siya. Siniraan niya daw ito kay Bryan. Tinawag pa siyang two-faced bitch ni Georgina. Mang-aagaw daw siya. Inagaw niya daw si Bryan dito.

My ghad!

Pinoint-out din doon ni Georgina na arranged marriage lang daw ang nangyari. Niloko daw ni Bryan si Georgina katulad ng panloloko nito sa mga fans nito. Kinasuhan daw ito ni Bryan dahil natatakot daw si Bryan na ibunyag ni Georgina ang totoo and the only way to make her shut up daw is to have her stayed in prison with a no-bail case!

The writer of the said article also incited na masama naman daw talaga ang ugali ni Bryan. Mayabang din daw. May ibubunyag pa daw sila tungkol kay Bryan bukas kaya abangan daw ng mga tao. Scinroll down niya pa sana ang screen papunta sa comment section ng website na 'yon pero pinigilan na siya ni Bryan.

What the hell?!

"That.. argh! Ano ba 'yang ex mo, hubby! Siya ang sinungaling eh!" Inis niyang anas pero agad siyang hinalikan ni Bryan sa mga labi.

"I don't care about them anymore, wife. I don't care about my career, too. Ikaw at ang pamilya na natin ang mas importante. The moment I've realized how much I really love you is the also the moment when I no longer feel any happiness with my career. I've been in the industry for a decade now. Its tiring. I would rather spend more time with you and our family than to continue with this shitty industry." Mahabang litanya nito bago siya pinatakan ng isang halik sa sentido. "But I still need to make some calls to my lawyer and Arthur, too. Pagbabayarin ko si Georgina. She's trying to ruin us, baka nakalimutan niyang may mga ebidensiya ako tungkol sa kanya."

"H-Hubby.. baka kasi mahal ka lang talaga niya? Kaya nagagawa niya 'to.."

"Wife.. A-Are you trying to push me away, again?" Bakas ang takot at lungkot sa buong mukha ng asawa niya ng tinanong nito sa kanya 'yon.

Niyakap niya tuloy ito ng mahigpit. "Hubby! Hindi! Ano ka ba! Hinding-hindi ko na gagawin ulit 'yon.. I'm just saying na baka ganoon nga. Its just some possibilities na pwedeng maging rason ni Georgina na gawin ito para magkabalikan kayo.."

"Wife.. Iniisip mo bang makikipagbalikan pa 'ko sa kanya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa 'tin? Ni hindi na nga pumasok sa isip ko na naging girlfriend ko siya ng dalawang taon noong pinakulong ko siya. You know why? Because you occupied everything in me in just a short span of time. My thoughts, my soul, my heart, my other organs? Lalo na 'yong tumitigas kapag nakikita ka? All of it screams your name, sa 'yo lang." Nangingiting sabi nito sa kanya. "You own me, my angel-faced wife. All of me."

"Etchosero.." Anas niya dito pero kinilig naman. "S-Sige. Kung ano ang plano mo, you have my support. Basta, huwag mo na ulit isipin na gagawin mo lahat mag-isa. Magtulungan tayo, hubby.."

"Got it, wifey." Pag sang-ayon nito sabay patak ng isang mabilis na halik sa mga labi niya. "Tatawagan ko lang ang abogado ko.."

"Uhmm. Hubby, naisip ko lang. What if magpapress con ka?"

"Press con?"

"Yeah. Or what if you do it live via one of your social media accounts? Hindi ba kumontak sa 'yo ang management niyo?"

"Hindi, wife. Hindi pa naman nila tinuloy ang plano nilang ikaso sa 'kin. Ang huli nilang pag contact sa 'kin is two weeks ago pa. They have already abandoned me at baka naglabas na rin sila ng pahayag sa publiko. I don't know at bahala sila. But you're idea sounds good. Though, parang ayoko na din magsalita sa public. Parang mas gusto ko na lang siguraduhin na madidiin si Georgina sa kaso niya."

"But you should also clear your name, hubby. Kahit na totoo yong nasa article na nagkaasawa ka nga at hindi mo directly sinabi sa mga fans mo pero mostly lahat ng sinabi ni Georgina ay kasinungalingan lang. At dapat sabihin mo din na its due to your contract kaya hindi mo masabi sa kanila ang totoo. Your fans deserves to know the truth. I'm also one of your fans, remember? If I were in their shoes na ngayon lang nalaman ang lahat at galing pa 'yon sa ibang tao ay masasaktan talaga ako. I hope you won't take it the wrong way. Its just a suggestion, hubby." Anas niya dito. Baka kasi napasobra siya sa pagsasalita.

"Huh? Wife? Ikaw na kaya nagsabi na magtulungan tayo dito. And your idea sounds really good. Hmm.. Lets do that, now, at ipapakilala na rin kita sa publiko. I'm going to state my retirement from the industry, too."

"N-Ngayon?"

"Uh-huh." Sabi nito sabay halik sa sentido niya.

Nataranta tuloy siya! Lalo na't ipapakilala daw siya sa publiko!

Jusko!

Paniguradong maraming manonood ng live broadcast nito tapos hindi pa sila nakaayos. She's just wearing his shirt! Walang underwear, walang make-up, walang suklay, walang ligo!

Napalayo tuloy siya dito para matingnan ang repleksyon niya sa salamin na pader. Mukha siyang bagong gising talaga!

She looked at her husband at bakit parang ang unfair? He looked so fresh na para bang hindi ito nagluto kanina!

My gosh!

Kumakalikot ito sa phone nito kaya hindi nito alam ang pagkakataranta na niya.

"M-Maliligo kaya muna ako, hubby?"

"Huh? Why? You look very pretty, wife, as always. Mamaya ka na maligo, sabay na tayo." Sabi nito pagkatapos ay bumalik ulit sa pagtatype sa phone nito. "I already informed the boys about your suggestion and all of them agreed. Mag-oonline na rin daw sila."

"Teka! Magsusuklay lang ako, hubby!" Sabi niya dito at akmang aalis na pero mabilis siya nitong hinila sa braso.

"Wife.. Okay na 'yan. Gustong-gusto ko nga 'yan parang just-woke-up o i-just-made-love-with-my-hubby look lang. The people should see one of the reasons why I fell so madly in love with you.." Anas nito bago siya iginiya paupo sa sofa.

Namumula talaga siya sa sinabi nito pero wala na rin siyang nagawa lalo na ng inopen na nito ang app kung saan nito napiling mag live broadcast.

"Ready?" Senswal na tanong nito sa kanya.

"Y-Yeah.." Pagsasang-ayon niya kahit nakakaramdam pa rin talaga siya ng kaba at mas lalong umusbong 'yon ng stinart na nito ang paglalive.

Inangle talaga nito ang camera na kuha silang dalawa. Pero hindi na siya nakafocus sa mukha niya doon sa screen ng phone nito.

Napapatingin siya sa mga viewers, kasi from 5 people noong unang segundong pagbukas nito ay umabot na 'yon sa thousands.

Ang bilis! Jusko!

Hundred of thousands and counting in just a span of 2 minutes.

"Just relax, wife." Bulong nito sa kanya pero kahit ito ay parang kinakabahan din.

Ramdam yata nito ang sobrang kaba niya kaya kahit nakaangat ang isang kamay nito sa phone nito ay nagawa pa rin nitong halikan siya sa pisngi bago dinantay ang libreng kamay nito sa taas ng kamay niyang nanginginig na.

"Hi. I'm Bryan Lopez, and this is my wife, Kyra Mae." Paunang sabi nito na ikinagulat niya.

Diretso talaga? Pakiramdam niya parang vlogger tuloy sila!

Napapatingin siya sa mga comments ng mga viewers. Kita kasi 'yon sa screen at marami siyang nakikitang sad and crying face na emoji. Meron ding galit at nag-f.u. sign. Pero meron din namang ibang comments na ang hahaba. Tapos may nagsesend din ng emoji na heart.

Ang bilis ng mga comments.

Jusko!

"Hindi ko alam 'kong saan ako mag-uumpisa. Hindi ako preparado na gawin 'to, ni hindi na nga pumasok sa isip ko na gagawin 'to ngayon. But my wife here.." Sabi nito sabay tingin sa kanya kaya napabaling din siya rito. "..insisted that I should do this because all of you also deserves to know the truth. And yes, what you heard or read on the article released just today about my marriage is true. I am already married to this angel beside me for more than three months now. And yes, we got married because of my late father's request and eventually, I fell madly, truly, and deeply in love with her."

Kinilig siya at alam niyang namumula na naman siya.

Jusko!

Napatingin na lang ulit siya sa comment section at parang naging mabagal ang pagcocomment ng mga viewers. Maybe they're really listening to her husband's words.

"Ayoko ng i-elaborate kung bakit mahal ko ang asawa ko, because she already knows it, anyway. Baka kiligin lang lalo." Nangingiting sabi nito na napapatingin na pala ulit sa kanya.

"H-hubby.." Mahinang saway niya dito pero pinatakan siya nito ng isang mabilis na halik sa sentido.

"Anyway, the reason why I kept our marriage a secret is because we are not allowed by our company. Its against our contract. Honestly, gusto ko ng ipakilala sa inyo at sa publiko ang asawa ko, but I can't because I also treasure the company that helped me since the beginning of my career in the industry. I still have 8 months left before I get to finish my contract with them but something happened. So, to cut the long story short, I decided to agree with my wife in doing this because aside from introducing her to you guys, I am also announcing my early retirement from the industry."

Pagkatapos sabihin 'yon ng asawa niya ay sumabog talaga ang comment section. Ang daming nagreact at hindi na niya nakikita o nababasa kung ano ang mga sinulat ng mga ito kasi sobrang bilis talaga.

"Its better to retire from hereon because if I were to choose between my showbiz career or my wife and our unborn baby, I would always choose the latter."

Napabaling siya sa asawa niya dahil napapaluha na talaga siya sa sinabi nito. His eyes are bloodshot too kaya alam niyang mahal din naman talaga ng asawa niya ang karera nito but he still chose them.

Niyakap na lang niya ito habang pinipilit ang sariling huwag umiyak dahil baka maiyak na rin talaga ang asawa niya. Nilipat rin nito ang libreng kamay sa bewang niya.

"Kung sakaling makikita niyo kami sa public places, nakikiusap akong huwag niyo na lang kaming lapitan. I have a long number of bucket list that I'm planning to do with my wife and through my retirement, I can say that I already have the chance to easily complete it one by one. I still am very grateful and honored to become part of the showbiz industry and I am very thankful for the fans and the company who have been supporting me and my group for a decade. To my friends who have always been supportive of me up until now that I am already married and decided to end my career, thank you very much. It was a fun ride and I am deeply sorry for keeping my marriage a secret." Mahabang litanya nito.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito sa bewang niya kaya napatingala siya dito.

His eyes are still bloodshot but he bent down to give her a light peck on her lips before he faced the camera once again and smiled.

"But effective today, I am now officially signing off as Bryan Lopez and chose to be a full-time husband and father of my wife and our future children. Once again, thank you to all of you."