webnovel

Podcast

CHAPTER 21

"oh nandito na pala ang disney princess" ngising saad ni Isaiah sa harapan ko, inirapan ko naman siya bago ayusin ang gamit ko sa upuan ko.

nag kwekwentuhan lang sila at nag form pa ng circle, next week na raw ang report namin kaya may iilang araw pa ko para mag handa.

"anong pakiramdam mahalin? sa isang relationship ha" saad ng kaklase kong lalaki.

napaisip din ako kung ano nga bang pakiramdam ng mahalin, I mean nararamdaman ko siya kay damon palagi pero hindi ko siya ma express through words.

"ikaw ba chiara?" lumingon sila saakin kaya naman nakisali na ako sa bilog nila.

"masaya.." tanging sagot ko kaya naman napakamot siya sa ulo niya, ang iba naman ay tumatawa dahil sa sagot ko.

totoo naman e, masaya ang mahalin, masaya makaramdam ng pagmamahal lalo na kapag yung tao na yon sobra sobra pa kung paano ka mahalin.

"okay, next question" si hael naman ang mag tatanong.

nakita kong naka tingin siya sakin kaya naman inirapan ko ito, wala pa kasi siyang girlfriend ni minsan kaya saakin siya lumalapit kapag ganto.

"paano niyo masasabi na pag mamahal yon at hindi infatuated lang?" umiwas pa siya ng tingin saamin ng sabihin niya iyon.

mukhang may nililigawan na itong lalaking ito ha, sila bea ay napatigil din dahil doon bago umiwas ng tingin.

"bea, sagot" ako na ang nag sabi kaya taas kilay niya akong tinignan bago siya tumingin kay hael na ngayon ay umiiwas ng tingin.

naningkit ang mata ko bago ngumisi sa harapan nila, I knew it! kahit noon pa man ay may something na kakaiba na sakanilang dalawa.

"siguro kapag may deep connection na kayong dalawa, kapag infatuated ka lang kasi baka feelings lang yan after two weeks wala na" saad ni bea kaya naman napatango ang iba na para bang may natutunan na.

ilang oras pa kaming nag kwentuhan bago dumating ang next teacher namin. nakita ko namang palihim na nag vivideo si joy kaya naman tumingin ako.

"ano sagot niyo sa number 8?" tanong ni hael sa harapan ko. kinuha pa niya ang paper ko na nasa lamesa bago i compare iyon sakaniya.

"pass your paper!" sigaw ng teacher namin pero eto namang si hael ayaw mag patinag dahil wala pa raw siyang sagot sa iba.

"Mr. Galade" nakita ko ang inis sa mukha ni hael kaya wala na siyang nagawa kundi ipasa ang paper naming dalawa.

nakatutok ang video sa harapan namin kaya naman tumawa ako doon. alam kong mamaya lang ay lalabas na sa gc namin ito at pag tatawanan nila.

"hayop ka! bat ka nag pahuli" natatawang saad ni Isaiah ng makita niya ang video.

maski ang iba naming kaklase ay natawa at sinisisi siya dahil nagalit nga si ma'am, kamot ulo naman siya bago mag peace sign. rinig ko namang may nag notif sa phone ko kaya inopen ko na kaagad.

mvrkdv_ :

hey love, i miss you :(

chiaradv :

i miss you more baby

nakita kong may pang aasar na tingin ang mga kaibigan ko bago tumingin sa pintuan ng room namin. nakita ko si damon na naka tayo habang bitbit niya ang isang plastic ng jollibee.

"sino yon? yummy ha" rinig kong bulong ng isa kong kaklase, tinaasan ko naman ito ng tingin dahil kanina pa siya kinikilig.

"olats kana pre, manliligaw ata ni chiara" asar pa ng mga kaibigan ko sa lalaki, hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag lakad na ako para salubungin siya.

nakita ko ang ngiti sa mukha niya kaya naman napasimangot ako. ipinakita niya ang jollibee bago haplusin ang pisngi ko.

"malungkot ka?" tanong niya kaya naman umiling ako bago siya yakapin. naamoy ko nanaman ang pabango niya kaya hindi ko maiwasang mamiss siya lalo.

"here, kainin mo to ha" kinuha ko sakaniya iyon bago siya tignan sa mata niya.

naka tingin lang ito at parang naguguluhan sa kung anong nangyayari saakin, i felt sad sa totoo lang. gusto na siya ulit makasama hindi yung ganito na hindi na kami masyadong nag kikita.

"what happened baby?" malambing na saad niya bago ako tignan, ramdam ko ang luha kong nang gilid sa mga mata ko.

"hey, what is it?" saad niya pa bago punasan ang mga luha ko kaya kaagad akong umiling bago siya yakapin ulit.

hindi ko alam kung bakit ang babaw ko ngayon, hindi ko alam kung bakit umiiyak ako sa harapan niya at kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"25 minutes nalang, kumain kana baby ha ubusin mo to." ngumiti ako bago tumango sakaniya, nakita ko naman ang pagod sa mga mata niya bago siya umalis sa harapan ko.

pumasok ako sa room habang ang mga kaklase ko naman ay nag bubulungan, wala na rin akong ganang makipag usap kaya naman sinimulan ko nalang kumain.

"sa isang relationship ship, nakikita mo na ba ang partner mo ngayon sa future?" tumingala ako sa harapan ng itanong iyon ng teacher namin ngayong philosophy.

rinig ko na ang bulungan ng bawat isa habang ang iba naman ay sinasagot ng palihim ang tanong ng guro.

"sino dito ang may boyfriend?" tanong niya pa at sa sobrang bida ni hael ay isinigaw niya ang pangalan ko harap harapan.

"okay chiara, sagutin mo nga ang tanong" saad niya at hinihintay akong tumayo.

binasa ko ulit ang nasa screen bago tumingin sakaniya, hindi ko alam kung tama ba ang magiging sagot ko pero hayaan na.

"para saakin po oo kasi ilang taon na rin kaming magkasama, ilang araw, buwan ang ginugol namin para punan ang isa't isa, sabay kaming nag paplano para sa isa't isa, LDR kami ngayon pero kinaya parin namin bigyan ng oras ang isa't isa kaya para saakin oo nakikita ko ang future naming dalawa na magkasama"

nakita ko ang titig nila saakin, maski ang teacher namin ay hindi rin nakapag salita pero makikita ang ngiti sa labi nito.

"thank you chiara sa pag share" tinuloy na niya ang sinasabi niya bago ako umupo ulit, nakita ko ang pang aasar na tingin saakin ng mga kaibigan ko bago bumaba ang tingin ko sa phone na hawak nila.

sobra ko lang ata siyang namiss ngayon kaya ganito ako.

____________________________________________________________