webnovel

NEW

CHAPTER 18

"kamusta bakasyon niyo!?"

lumingon ako kay joy na kakapasok pa lang ng room habang sumisigaw na at tumatakbo papunta sa pwesto namin.

"hindi ko naisip na tayo na pinaka matanda sa school na to!" natatawang saad pa ni hael habang inaayos ang magulong buhok niya.

napasimangot naman ako dahil hindi ko na rin makikita si Damon ngayon tsaka minsan nalang siya pupunta dito kasi mabubusy na siya sa school works niya.

"nakatulala ka dyan te" siniko ako ni bea sabay bigay ng turon saakin.

sumimangot ako at umiling, kinuha ko ang libro bago buklatin ito. nag babasa lang ako habang hinihintay na pumasok ang teacher namin.

"sali tayo sa dance club!" sigaw ngayon ni kelly sabay hawak ng papel at ballpen.

"nilagay ko na mga pangalan niyo ha!" saad niya pa sabay bigay ito dun sa mga babae para ipasa sakanila ang mga list ng names na sasali sa dance club.

nag simula na rin ang klase at mas mahirap pala talaga ngayon, kinakabahan ako dahil consistent honor student ako pero hindi ko na alam ngayon.

"it is what it is" ngumiti ako bago tumingin sakanila na tumatawa ngayon sa harapan ko.

kahit anong balik ko sa past lesson hindi ko talaga maalala, kinuha ko na ang wallet at phone ko para bumaba.

"hi, ganda" napatigil ako ng kausapin ako ng isang lalaki, matangkad ito at moreno kaya naman kunot noo ko siyang tinignan.

"sayo pala to" saad niya sabay bigay saakin ng balot na chocolate, ngumiti lang ako bago umiling.

"sayo na iyan, ayos lang ako" saad ko bago humakbang palagpas sakaniya at tumakbo para bumaba ng hagdan.

rinig ko naman ang bulungan ng kaibigan ko kaya naman lumingon ako sakaniya ng mag patahimik naman din sakanila.

"papansin ka!" rinig kong sigaw ni joy saakin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

"bakit hindi mo kinuha! ansarap pa naman non" naiiyak na saad niya at parang bata na nag tatantrums.

pumasok lang ako sa canteen bago dumiretsyo samay fridge para kumuha ng coke at nag bayad na.

"hi ate!" lumingon ako sa dalawang babago ngumiti sakanila, nag hampasan naman sila kaya pumunta na ko sa mga kaibigan ko.

"painom naman ako te" asar naman ni joy sabay kuha ng coke bago inumin iyon. inirapan ko lang siya bago umupo at tignan sila isa't isa.

"miss ko na siya" lutang na saad ko kaya naman tumahimik na silang lahat, kunwari naman ay may ginagawa at pinag uusapan sila kaya naman napasimangot ako.

"miss ko na siya sobra" naiiyak kong sabi bago kunin ang coke at tinungga iyon, tumango tango lang si kelly sabay himas sa likod ko.

"ayos lang yan ate, iinom nalang natin yan" saad naman ni bea sabay lapag ng yakult sa harap namin.

natawa naman ako bago kumuha ng isa, kumuha rin sila bago itaas iyon na para bang alak ang iniinom namin.

"cheers!" natatawang saad nila sabay iling pa. may mga estudyante naman na napalingon saamin kaya naman natawa nalang kami.

"unang una ang tanong bakit nga ba kayo nag STEM?"

lumingon ako sa teacher na ngayon ay nag tatanong na saamin isa isa, ni hindi ko nga alam kung bakit ito kinuha ko.

"kasi ma'am nandito yung crush ko!" sigaw nung bagong kaklase namin.

lumingon ito saakin kaya naman napaiwas ako ng tingin at inisip nalang kung ano nga ba ang isa sagot ko.

"sinamahan ko lang tropa ko ma'am! nahihiya raw mag STEM mag isa" saad pa ng isa sabay akbay sa isa pa niyang kaibigan.

puno ng tawa ang classroom namin bago naman lumingon saakin ang teacher sabay turo. tumayo ako bago bumuntong hininga.

"nag stem po ako kasi nandito yung course na kukunin ko" ngumiti ako bago umupo, iisa lang naman ang sagot ng lahat at ayun na yon.

"sana ako nalang ang kunin mo!" panunukso ang narinig ko sa room kaya naman napairap ako.

wala ako sa panahon para makipag laro o ano sa iba, may mga kaklase pa akong tumayo at kinakantyawan kami kaya naman ngumiti nalang ako ng peke.

"baka may mag selos!" sigaw ni hael na ngayon ay naka upo sa tabi ko.

nag simula na mag discuss ang teacher namin at tulala lang ako habang nakikinig, ayoko ng science e kahit simula elementary wala talaga ako natututunan.

"boys at the back! please pakihinaan naman ng boses niyo" seryosong saad ng teacher kaya naman tumahimik na ulit ang classroom.

kinuha ko ang bag ko bago ito ligpitin, nakanguso ako dahil hindi ko na siya makikita simula ngayon at hindi ko pa alam kung kelan.

"may kasabay ka ba umuwi?" rinig kong tanong ni Bea saakin kaya tumango lang ako dahil dito na rin nag aaral ang kapatid ko.

lumabas na kami ng room at nauna naman sila umuwi, umupo muna ako samay waiting area bago tignan ang relo ko dahil ang tagal matapos ng klase ng kapatid ko.

"uy si miss beautiful" napairap ako ng marinig iyon, lumingon ako bago sila taasan ng isang kilay.

umupo ang lalaki sa tabi ko kaya napaurong ako ng kaunti, lumingon ako sakaniya at makitang naka ngisi na ito.

"ganda mo talag-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may umakbay saakin, naamoy ko na ang pabango kaya alam ko na kung sino iyon.

"anong kailangan mo boy?" maangas na saad ni seb na ngayon ay naka tayo sa tabi ko, kunot noong tinignan naman siya ng kaklase ko.

"chix mo to?" ngumisi siya sabay turo saakin, nakita kong ang sarkastikong ngisi sa labi ng kapatid ko bago ako tinignan.

"ano naman sayo?" tinaas niya pa ang middle finger niya sa mukha ng lalaki bago ako hilahin para umalis.

"bobo" rinig kong bulong niya sa lalaki bago ako hatakin na paalis, binitawan niya lang ako ng makalabas kami.

bumuntong hininga siya bago seryosong mag lakad na ngayon, hinihintay namin ang jeep at pareho lang kaming natahimik.

"kaklase mo ba yun ate?" seryoso ang boses niya kaya tumango ako.

"lumayo layo ka roon, ayaw ko sakaniya mukha siyang siga sa kanto at parang adik" natawa naman ako kaya sinamaan niya ulit ako ng tingin.

"anong nakakatawa don? kapag nandyan si kuya damon bugbog yon" ngumisi pa siya sabay para sa jeep.

nauna akong sumakay at sumunod naman siya, napalingon ako sa babae na tingin nang tingin sakaniya bago ngumisi.

"ako na mag babayad" mayabang na saad niya at nilabas ang fifty pesos.

tahimik lang kami buong byahe hanggang sa maka uwi na rin, pagod akong humiga sa higaan bago buksan ang ipad ko para tignan kung may chat pa si damon saakin.

"[hey baby]" saad niya ng sagutin ko ang tawag, ang mukha niya ay parang pagod na at kung anong pa ginagawa niya.

may hawak pa siyang libro na para bang nag review dahil may exam sila o ano, ngumuso naman ako sakaniya kaya naman isinara niya iyon bago tumingin saakin.

"[what's wrong?]" malambing na sabi niya sabay tingin saakin ulit. umiling lang ako bago umupo.

"[pagod kana?]" tanong ko naman, umiling lang siya kahit na alam kong pagod na siya dahil mukhang antok na antok na nga.

"[need mag review baby e para rin to sa future natin]" kumindat pa to kaya naman napangisi ako lalo.

"[don't be shy to open up to me baby especially when something happens to you or bother you]"

napaisip ako bago bumuntong hininga, kinuha ko ang isang unan bago yakapin iyon.

"[miss lang kita]" saad ko kaya naman napangiti ito saakin bago ngumuso para raw kiss ako.

"[i miss you so much more baby]" saad niya sabay simangot din. ngumiti nalang ako bago humiga.

inopen ko sakaniya ang nangyari kanina, tungkol sa lalaking kaklase namin at yung sagutan nila ng kapatid ko.

"[aba kapag nandyan ako hindi ko na yan bubuhayin]" seryoso ang tono niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"[nakakapang selos tuloy! ikaw palagi ka niya nakikita tapos ako hindi]" parang batang saad niya. tumawa lang ako bago ilapag ang ipad sa mesa naka vc parin iyon.

binuksan ko ang closet ko para mag hanap ng damit bago ilugay ang buhok at inunbutton ko ang suot kong uniform.

"[baby, stop stop]" saad niya kaya napatigil ako at tumingin sakaniya na ngayon ay umiiwas ng tingin.

"[fuck]" rinig kong bulong niya kaya nag lakad ako dahil kita nga ako roon bago ioff ang camera para simulan na ulit mag bihis.

"[are you done na ba? can you open the camera na?]" pag tapos ko mag bihis ay umupo na ako at binuksan ang camera.

nakita ko ang pula ng mukha niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"[you should rest na baby, it's already 7 na]" saad niya, nakatutok na ang mukha sa libro kaya tumango tango ako sakaniya at para rin makapag focus siya sa nirereview niya.

"[I'll hang up na]" ngumisi siya sabay kaway sa camera, binaba ko na ang tawak bago ayusin ang sarili ko.

nag shower na rin ako at humiga para matulog at makapag pahinga na dahil maaga pa ang pasok namin bukas at marami ring gagawin.

________________________________________________________________________________