webnovel

Band

CHAPTER 16

"chiara! wait lang"

napalingon ako kay damon na ngayon ay nag hahabol hininga para lang maabutan ako, ngumuso ito at masama akong tinignan.

hinawakan niya pa ang pulsuhan ko bago siya yumuko ulit dahil sa hingal. tumaas ang tingin niya kaya napaayos siya ng tayo bago inamoy amoy niya pa ang sarili niya bago ako ngitian.

"na late ako hehe" kunot noo ko naman itong tinignan, sakto lang naman siya hindi pa nga nag riring ang bell paanong late siya.

"hindi pa late ha!" saad ko sabay tingin sakaniya bago kumuha ng panyo at ibinigay sakaniya.

"akala ko pupunasan moko" biro niya pa sabay kuha ng panyo ko at pinunasan ang sarili niya, palit nalang daw kami ng panyo dahil basang basa na rin ang panyo ko.

kinuha niya ang libro na hawak ko, ramdam ko rin na gumaan ang bag ko kaya benalewala ko nalang din iyon, hinatid niya pa ako bago tumingin saakin.

"here.." ibinaba niya sa mesa ang mga libro ko, ngumiti naman ako kaya tumalikod na siya at nakipag apir pa sa kaibigan ko.

"sa room na ko, chiara!" saad niya kaya tumango ako bago kumaway, last day na namin ngayon ay bukas lang ay recognition at graduation nila.

halos buong school year mag kasama kami, akala ko ay hindi na kami aabot sa taon na to at hahakbang na kami muli para ipag patuloy ang pag aaral.

"pre! codm" sigaw ni Isaiah kay damon at kaagan naman siyang umiling at umupo sa tabi ko, binigyan niya pa ko ng dalawang turon at chocolate drink.

"pass bebi time!" sigaw niyang kaya naman tumango tango nalang sila bago ako tumingin sakaniya.

tumawa lang si damon sabay tingin saakin, nag pacute pa ito kaya napatawa ako, palagi siyang ganyan lalo na kapag may ginagawa ako.

"ganda mo" walang alinlangang saad niya sabay titig pa saakin, hinawakan ko naman ang mukha niya gamit ang buong palad ko para alisin ang tingin saakin.

"Kung ang english ng araw ay sun, bakit mahal na ata kita?" daldal pa nito. napatigil ako sabay lingon sakaniya at nakita ko ang nag lalarong ngisi sa mukha niya.

hindi ko alam noon namay ganito rin pala siya, dati kasi pa cold and mysterious pa siya lalo na kapag dadaan sa room namin e.

"Sabi nga nila kapag binato ka ng bato.. lambingin mo naman ako" napatigil ako sa pagkain ng sabihin niya iyon.

naka tingin lang siya saakin sabay iwas ng tingin, namumula na ang tenga niya at ang mukha kaya naman natawa ako.

"sabi nila yon ha" parang batang saad niya pa bago takpan ang mukha niya.

inubos ko na ang turon bago umupo sa tabi niya at alisin ang kamay sa mukha niya, natatawa naman ako dahil pulang pula na talaga iyon.

"Sabi rin nila paalis ka palang, pahalik naman ako" saad ko ng mas lalong nag papula sakaniya.

tuwang tuwa ako sa reaction niya kaya naman tumayo na ako bago tapikin ang balikat niya para sabihing sumunod na siya.

"Ah chiara" lumingon ako kay damon na ngayon ay naka hawak sa batok niya na ngayon nahihiyang tumingin saakin.

"kakanta pala kami mamaya.. ano, sana ano" hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil may umakbay sakaniya.

may hawak itong dalawang stick siguro ay mag dudrum siya kaya, lumingon ulit ako kay damon na ngayon ay may binubulong sa kasama niya bago ito umalis.

"may banda mamaya.. inaya lang ako kumanta" nahihiyang saad niya, hindi naman na bago saakin iyon dahil maganda naman na talaga ang boses niya kaya napatango nalang ako.

"galingan mo!" saad ko sabay takbo papalayo sakaniya dahil mag papractice pa raw sila, bago ang uwian marami na ring tao dito sa court dahil dito gaganapin ang banda nila.

"mas gwapo talaga si damon kapag sa personal e" rinig kong saad ng isang babae kaya napalingon ako samay stage.

naka upo si damin doon at iba na rin ang kaniyang suot, hawak hawak niya ang gitara niya habang tinotono iyon. seryoso ang mga mata bago niya inilibot ang mga mata niya.

"We present to you, BSHU band!" nag palakpakan ang mga tao at nakita ko naman ginala ni damon ang seryosong tingin at tumama iyon saakin.

nakita ko ang palihim niyang ngiti at nilalaro pa ang dila sa loob ng bibig niya, inistrum niya pa ang guitara na ngayon ay naka upo siya sa isang box na upuan at sinundan naman iyon ng drum.

"Wag ka munang magalit

Ako sana'y pakinggan

Di ko balak ang ika'y saktan~"

malambing ang boses niyang ibinigay saamin, may mga ibang student pang pumikit para madama ang kaniyang boses.

"Hindi ikaw ang problema

Wala akong iba

Di tulad ng iyong hinala~"

ngayon ay naka paikit na rin siya habang dinadama ang kanta, ang mga ka shool mate naman namin ay tinaas pa ang mga kamay at ang iba ay sumabay sa kanta.

"Sarili ay di maintindihan

Hindi ko malaman ano ba ang dahilan

Ng pansatamantalang paghingi ko ng kalayaan~"

nang idilat niya ang kaniyang mata ay tumama lang iyon saakin, ang mga mata niyang seryoso kanina ay napalitan ng pungay at pananabik sa nakikita.

"Minamahal kita pero kelangan ko lang mag-isa

Wag mong isipin na hindi ka na mahal

Sarili ko'y hahanapin ko lang~"

pumikit na siya ulit para damhin ang kinakanta niya, napasandal ako kay kelly habang ang mata ay hindi na inalis sakaniya, pwede siyang mag artista o kaya naging singer.

"At ang panahon at oras ng aking pagkawala

Ay para rin sa atin dalawa~"

nang natapos ang kanta ay inayos ba niya ang gray niyang gitara sa case nito bago siya bumaba at tumakbo pa para puntahan ako, naka ngiti naman siya habang patakbo.

"Grabe ka damon!" panimula ni hael na ngayon ay sinasalubong ito, ngumiti lang siya dito bago ako puntahan.

"Ayos ba?" tanong niya ng makalapit siya saakin, tumango lang ako bago tumingin sakaniya.

maraming estudyanteng naka tingin saamin kaya naman umupo na siya sa tabi ko bago ibaba ang kaniyang gitara.

"nako! dinamdam yung kanta te, iiwan kana raw niya kasi kailangan niya muna mag isa!" asar sakaniya ni joy bago naman siya napatingin saakin at umiling iling.

"no ha! dito lang ako sa sakaniya" singhal niya na parang bata, pinag cross niya pa ang kamay niya sa dibdib niya at masamang tinignan ito.

"diba diba" saad niya saakin kaya naman tumango lang ako para mapanatag ang loob niya.

nang matapos na ay napag pasyahan namin na kumain ng tusok tusok sa labas, may isang nag bebenta rin kasi dito sa harapan ng school namin.

"kuya, can I have this po" pag iinarte ni damon bago humagalpak ng tawa at nakikipag hampasan pa kila Isaiah na ngayon ay tuwang tuwa.

"and also this po" dugtong ni hael samay fishball bago sila mag tawanang tatlo, hindi ko rin alam ang gagawin sakanila kaya kumuha na ko ng baso para tumusok.

"O.M.G kuya! is this egg waffle?" saad ni damon sabay turo sa kwek kwek at tumusok don doon.

"kayong mga bata talaga" natatawang saad naman ni kuya sabay tingin saamin, sila joy naman ay natatawa rin sa gilid habang nag hahampasan pa.

"tanginang yan" saad ni bea sabay akbay saakin na mukhang hindi na makahinga.

"joke lang kuya.. mema conyo lang" nag peace sign si damon bago lumapit saakin, ngumanga naman siya dahil gusto niyang mag pasubo bago ko itapat iyon sa bibig niya.

"here, say ah" saad niya ngumanga naman ako bago niya ko subuan, malaki iyon at mainit kaya naman paso paso akong nginuya yon.

"hala! i'm sorry!" naiiyak na saad niya ng makita ang itsura ko, hinawakan niya ang mukha ko bago itapat ang labi niya sa labi ko para ihipan ang kwek kwek doon.

"isang tulak ko lang dito kuya, may mga first kiss na yan" mayabang na saad ni kelly kay kuya na ngayon ay natatawang nakatingin saamin.

ngumuso ito sabay tingin saakin, ginulo ko naman ang buhok niya para isipin niyang bati kami at hindi ako galit sakaniya.

"akin na bag mo, ikaw nalang ang humawak nito" ibinigay niya saakin ang tumbler niya bago kinuha at isinuot ang bag ko.

nag paalam na rin kami para umuwi, pareho kaming kumakain ng tusok tusok ngayon habang nag lalakad para pumunta sa sakayan.

"inom ka dyan, i'm sorry" ngumuso siya kaya naman tumango ako, hinawakan niya naman ang plastic cup bago ako hayaan na uminom sa tumbler niya.

nakarating na rin kami sa bahay bago siya pumasok at nag mano kila mommy, si seb naman ay naka upo habang naka tingin saamin.

"kuya" saad niya bago sumenyas na lumapit sakaniya.

ilang oras din ay umuwi na si damon bago ako umakyat ng kwarto para mag bihis at mag palit.

________________________________________________________________________________