Michael's P.O.V
Kararating lang namin namin sa simbahan, inihinto ko na ang aking sasakyan sa may gilid saka naman lumabas na itong kasama kong adik siguro.
"hintayin mo ako dito, mabilis lang" sabi pa niya saakin tapos iniwan na niya akong mag-isa dito.
Nakakasar naman, pinahintay niya pa talaga ako dito sa labas. Ano ba talagang gagawin niya sa loob ng simbahan? magkukumpisal sa pari? Ewan ko ba kung bakit ko pa siya hinihintay eh pwede ko naman na iwanan siya di ba pero di ko yun gagawin kasi nandito na rin naman eh, tinulungan ko na kaya ipagpatuloy ko nalang.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko na suot saka kinalikot ko ito. May mga messages na pala at di ko man lang narinig na tumunog.
Swipe to unlock... Unlocked! Binuksan ko na ang message, mula kay Carlo ang mga mensahe.
"good evening, nakauwi ka na?"
"nasaan ka na?
"pinapasabi pala ni dad na punta daw tayo bukas sa Lab nila"
"may nadiscover daw ang kapatid ko na gamot sa Covid-19, bukas daw ng hapon ipapakita sa media ang test examination"
"kita kits bukas sa Lab nina dad at 4pm"
iyan lang naman ang mga laman ng mensahe ng kaibigan ko.
"hoy! tara na!" panggugulat ng adik saakin, muntik ko pa mabitawan ang hawak kong cellphone. Nakatayo na siya sa labas nitong sasakyan habang pinagmamasdan lang pala ako.
"ano ba! bakit ka nanggugulat! pumasok ka na nga ng makaalis na tayo?" naiinis kong sagot sakanya saka binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan at pumasok saka umupo na.
Naalala ko lang, saan ko nga ba ito dadalhin?
"saan ka ba nakatira para maihatid na kita?" tanong ko sakanya pero ngumisi lang siya. Napansin ko na wala na siyang sugat sa katawan at iba na rin ang kanyang kasuotan.
"wow, puting puti ang suot natin ah? anong gamit mo panlaba, tide o ariel? ako kasi breeze" pilosopo ko pang tanong sakanya pero seryoso ako sa gusto kong malaman sakanya. Nakapagtataka kasi na biglang nawala ang mga sugat sa katawan niya tapos yung duguan niya na kasuotan ay maputi na ngayon.
"sa bahay niyo nalang ako muna pansamantala, wag kang mag-alala kasi masipag naman ako saka mabait" sabi pa niya habang nakatingin lang sa labas ng salamin ng pintuan nitong sasakyan sa tabi niya.
"ano ka sinuswerte? baka ano pang isipin ng pamilya ko" sabi ko sakanya, baka sabihin pa ng kapatid ko na bakla ako at jowa ko ang lalaki na ito. Ang gwapo pa naman saka maganda rin ang katawan niya lalo na suot niya na kulay puti, bagay sakanya at para siyang anghel tingnan.
"sige na ikaw din, kunsensiya mo kapag napahamak ako sa daan, kapag may pumatay saakin, kapag nakita ako ng humahabol saakin" pananakot naman niya.
"ahhhhhh! sige na nga!" napilitan kong sagot saka ko na binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho pauwi sa bahay. Hindi ako umiimik at ganun din siya. Tahimik lang kami sa biyahe habang nakatingin pa rin siya sa labas ng salamin ng pintuan sa tabi niya.
Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman sa tao na ito, o tao ba talaga ang kasama ko? baka naman engkanto o kaya maligno?
Carlo's P.O.V
Nakahiga na ako sa kwarto para matulog ng biglang may narinig akong ingay mula sa baba, may parang kung ano na nabasag sa may kusina. Bumangon ako mula sa aking higaan saka binuksan ang ilaw nitong kwarto ko.
"Sino naman kaya yun?" nagtataka na tanong ko sa aking sarili saka humakbang na ako palabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina, nakita ko si dad na parang wala siya sa sarili niya. Ngayon ko lang nakita na parang kakaiba siya kumilos.
Hawak niya sa kanyang kamay ang isang bilog ng lechon na manok na inilagay kanina ni kuya sa may refrigerator, kinakain ito ni dad pero wala siyang gamit na plato at kutsara bagkus hawak niya lang ito.
"bakit ganyan ka makatingin sino ka ba?" tanong niya pa saakin habang patuloy siya sa pagsubo ng pagkain na hawak niya. Nakapagtataka naman na di niya ako nakilala, sabagay nga naman mas maayos na rin na di niya ako kilala kaysa naman pagalitan niya na naman ako sa kawalan ng laman nitong utak ko.
"ah, dad sabi pala ni kuya Albert na bukas niyo na daw po susubukan ang vaccine na nagawa niya for covid, totoo po ba yun?" tanong ko sakanya saka napahinto siya sa pagkain at itinapon niya pa sa sahig ang kinakain niya saka parang baliw siya na lumapit at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.
"vaccine? Ah oo, sige na matulog ka na kasi maaga pa yun bukas di ba?" sabi pa niya, napakunot noo nalang ako kasi sabi ni kuya hapon na daw yun gagawin at exactly 4pm sa harapan ng media tapos sasabihin ni dad na maaga?
"linisin ko lang po ang mga nabasag niyo na mga plato saka baso" sabi ko naman saka tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"di na, ako nalang matulog ka na" sagot naman niya saka kinuha niya agad ang walis sa gilid at sinimulan na linisin ang mga nabasag. Nakatayo nalang ako habang pinagmamasdan siya sa kilos niya na nakakapanibago.
Kakaiba kasi ang mga kinikilos niya, he's acting so weird. Dati kapag umuuwi siya ang gusto niya ay inaasikaso siya agad, sinasalubong sa pintuan, ayaw niya ng may kalat sa bahay kaya ako ang pinapalinis niya dahil wala daw silbi ang utak kong walang laman kundi ang maging katulong dito sa bahay pero ngayon parang ewan siya.
"ang sabi ko matulog ka na" sabi pa ni dad saakin ng makita niya na nakatayo lang ako habang pinapanood ko siya na patuloy lang sa paglilinis.
"ha, ah opo-sige akyat na ako" sagot ko saka nagmamadali akong lumakad pabalik sa kwarto ko, baka magalit na naman kasi siya at saktan na naman ako. Baka hindi lang suntok ang abutin ko sakanya, baka patayin niya na ako.