Sa huli hindi lang ako nakalibre ng books nakalibre rin ako ng kain.
Sa isang berdeng Crosswind ako inisakay ni Kenric.
"Any particular food na gusto mong kainin tonight?", tanong niya.
Alam ko naman na inosente ang tanong ni Kenric pero parang may iba akong gustong kainin.
"Okay lang. Kahit ano?"
"Hmmm.. how about Italian?"
"Basta ba may pasta"
"Of course they have pasta. After dinner, are you going to attend any party? Are you going to spend the eve with your family?"
"Plano ko lang umuwi at matulog"
"That's boring"
"Wala naman kasi akong pupuntahan. Nasa province namin ang family ko kaya itutulog ko nalang ang Christmas eve."
"That's just sad. Ako rin I'm all alone this Christmas. Though, I have tons of invitation pero I'm socially tired. The rest of my family is in the US"
"That makes the two of us then"
He looked at me and smiled . Parang may pumasok na idea sa utak niya.
"You know what? Let's spend the Christmas nalang together. It's the most logical thing to do para hindi na tayo sad and boring"
"It's a nice offer pero wag na, Kenric. I can manage naman"
"I insist. Sige na. It's going to be fun. Wag nalang tayong magdinner. Magtake-out nalang tayo"
"Do I have a choice?"
"You don't. Shut up and let me give you a merry christmas"
****
"Are we going to have .... sex?", tanong ko ng matapos kaming kumain.
"Maybe not tonight."
Nagulat ako sa sinabi niya. Mostly kasi pagdinadala niya ako sa bahay, it was always because of sex.
Nakishower nalang ako sa kanya at pinahiram niya ako ng short and t-shirt. Medyo maluwag ang mga damit niya para sa akin kasi mas bulky at mas matangkad siya.
Nang mahiga ako sa kama niya ay agad niya ako niyapos. Gumanti nalang ako ng yakap.
"Ang bango bango mo. I like it when you smell like me"
"Bakit naman?"
"Hindi ko alam. "
Nagkatitigan kami ni Kenric. He was handsome as hell as always. He looked tired pero hindi haggard.
"Why are you alone on Christmas day? Where's your mom and dad?", he asked.
"They're gone"
"How?"
"Nagcacancer sa bones si papa. It took almost a year before we lost him"
"How about your mom?"
"She commited suicide because I... I.. I was not worth living for"
I started crying. Nahiya ako kay Kenric because of my weakness kaya sinubukan kong kumalas sa kanya.
Pero nagulat ako ng hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Pinahid niya ang luha. He kissed my cheeks and he pressed me to his chest.
"It's okay, baby. It's okay. You're worth fighting for. There are just things na hindi natin maiintindahan. Tahan na because I'm here for you"
Hindi ko namalayan na that time I was truly falling inlove with Kenric.