webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

21

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo ha bata ka?" Galit na tanong ng heneral kay Aya at binitiwan na ito ng makalayo na sila sa tahanan ng tsarina. "Ipinapahiya mo ako sa harapan mismo ng tsarina?"

"Aya!" Bumulabog ang sigaw na iyon sa katahimikan ng kabahayahan ng Hari.

Napalinga naman agad sina Aya at ang heneral sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita nila si Noknok na tumatakbo palapit sa kanila at may dalang timba ng tubig.

"Noknok hindi ko akalaing makakapasok ka pala dito." Natutuwang wika ni Aya sa kinakapatid.

"Aya ayos ka lang ba? Papaano ako makakapasok dito sa labas?" Wika ni Noknok na agad nagpawala sa ngiti ni Aya.

Nais sanang ipiliwanag ni Aya ang ibig niyang sabihing ngunit naisip niyang wala din namang saysay iyon. Habang siya ay kinakailangan pa ang salamangkang tinataglay ng gintong kadena pakapasok lamang dito sa Paldreko.

"Bakit ka nga pala may timba ng tubig?" Tanong na lamang niya dito.

"Aya sabi mo kasi na ipag-igib ko parati ang matanda para makaligo araw-araw." Pagpapaalala sa kanya nito noong paalis sila sa kanilang himpilan para sunduin ang prinsipe. Saka inilapag ang timba na puno ng tubig.

"Maiba ako Aya," ang heneral. "Ayos lang ba talaga na iwan dito ang kaibigan mo? Ano nga pala ang pangalan niya?"

"Isa siyang makapangyarihang salamangka kaya walang dapat na ipag-alala." Sagot ni Aya na umiiwas sa iba pang tanong ng Heneral. "Tara na alis na tayo dito."

Nauna ng maglakad si Aya at wala ng magawa ang dalawa kundi ang sumunod nalang.

"Saan pala kayo namamalagi?" Tanong ng heneral kay Aya pagkalabas nila sa kabahayan ng hari.

"Doon sa bundok." Agad namang sagot ni Aya. "Sandili, kung kaya namang makapasok dito ni Noknok, baka pwedi ko na itong tanggalin?"

Tinatanggal na sana ni Aya ang pagkakatali ng kadina ng katutuhan ngunit agad naman siyang pinigilan ng heneral.

"Iba si Noknok at iba ka." Wika sa kanya ng heneral. Saka niya lang naalala na mula sa mayamang pamilya si Noknok kaya bata palang ito ay nag-aaral na ng salamangka.

"Kaibigan, muli na namang mahahamon ang iyong katayuan bilang Mayen." maririnig na wika ng isang ginoo at ng balingan ni Aya ang pinanggagalingan ng tinig ay nakita niya ang ginoong nagsalita na nakaakbay sa ginoong nakabanggaan niya kahapon.

Pinagmamasdan ng dalawang ginoo ang pasiwalat na nakapaskil sa paskilan na kadikit lang sa Pader ng kabahayan ng Hari.

Isa siyang mayen? "Heneral, ano po ba ang mayen." Tanong ni Aya.

"Ang mayen ay ang pinakamataas na karangalang makakamtan ng isang mag-aaral dito sa Paldreko." Ang ginoong nakabanggaan niya ang sumagot, marahil ay narinig nito ang tanong niya. Humakbang ito palapit sa kanila. "Taon-taon ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na hamunin ang kasalukuyang mayen at ang sino mang makatalo dito ay siya ng bagong mayen."

"Mag-iingat ka sa pananalita mo marahil ay tao yan ng punong ministro." Bulong naman ng heneral kay Aya.

Naalala ni Aya na minsan niyang narinig sa mga usapan ng mga ito na mag-aaral ito ng punong ministro.

"Binibine," magalang na tawag nito kay Aya. "Hindi ba ikaw yung nakabanggaan ko noong nakaraan?"

"Natandaan mo ako?" Balik tanong ni Aya.

"Hindi ko lubos akalaing sa muli nating pagkikita ay dito na sa tarangkahan ng kabahayan ng Hari? Sa pangatlo nating pagkikita ay saan kaya?" Mga tanong ng ginoo at pinasadahan ng tingin si Aya.

Nilapitan ni Aya ang nakapaskil na binabasa kanina ng dalawang ginoo.

"Magpapatala ng mga bagong mga mag-aaral." Balita ni Aya matapos basahin ang nakapaskil. "Heneral, nais kong lumahok sa pagpapatala." Wika ni Aya sa heneral hindi bilang kahilingan kundi bilang isang pasya. Pagkatapos ay binalingan naman ang ginoo. "Ginoo sa tingin ko pagkatapos ng pangatlo nating pagkikita ay magiging madalas na ang susunod. Ako si Aya, nais ko sanang makipagkaibigan sa Mayen, maaari ko bang malaman ang pangalan niyo?"

"Nais mo akong maging kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong naman ng ginoo.

"Ang nais ko lamang ay magkaroon ng kaibigan sa paaralang papasukan ko." Si Aya. "Hindi naman siguro yun masama."

Natawa ng bahagya ang ginoo. "Ikaw na panginoon ng kadina ng katutuhanan ay nagnanais na makipagkaibigan sa akin." Napatingin si Aya sa nakatali sa kamay niya. "Sino naman ba ako para tumanggi? Naniniwala akong magiging madali lang para sayo ang makapasa sa mga pagsubok upang maging katanging-mag-aaral. Pagnagawa mo iyon ay pipiliin kita na maging kabilang sa aking pangkat."

Matapos na magsalita ang ginoo ay kaagad ng tumalikod ang mga ito at lumayo na sa kanila.

"Ginoo ang pangalan mo!" Pahabol pa ni Aya na hahabulin sana ang dalawa ngunit pinigilan naman siya ng heneral.

"Aya, mapanganib sa atin lalo na sayo ang pakikipaglapit sa mga bagong kasalamuha." Babala ng heneral.

"Aya tama ang heneral." Pagsang-ayon naman ni Noknok sa matanda. "Yung dalawa na iyon ay kaibigan ng mga humuli sa heneral."

"Ang punong ministro ang pangunahing guru nila." Paglalahad naman ni Aya habang naglalakad na sila.

"Kung ganoon ay bakit ka pa nakikipaglapit sa ginoong yun na alam mo naman palang isang kalaban?" Nagtatakang tanong ng heneral.

Dahil may nais akong matuklasan, nais kung malaman kung may  iba pa bang kambitan na naririto sa Paldreko liban sa aming dalawa. "Dahil ayun sa kasabihan: panatilihing malapit ang iyong mga kaibigan, at mas malapit ang iyong mga kaaway." Ang naisagot na lamang ni Aya na kalahati sa nais niyang sabihin.

"Aya, ang ibig mo bang sabihin ay ipag-iigib ko narin sila?" Si Noknok na napapakamot pa ng ulo pero nakangiti parin sa isiping dadami ang ipag-iigib niya.

Natawa naman sina Aya at ang heneral sa tinuran nito.

"Wag kang mag-alala." Inakbayan ni Aya si Noknok habang patuloy ang kanilang paglalakad. "Marami na silang taga-ibig."

"Aya, maraming taga-igib, ibig sabihin ba ay marami silang kaibigan o maraming kaaway? Hindi ko maintindihan ang gulo."

"Hay! Sana lahat ng naguguluhan ay nakangiti parin tulad mo." Papuri ni Aya kay Noknok.

"Aya may ipapakita pala ako sayo." Pag-iiba ni Noknok sa kanilang usapan. Inilahad nito ang dalawang kamay at pinagtakip, ng tanggalin nito ang isang kamay ay lumantad ang bulang nyebe.

Kaagad iyon kinuha ni Aya sa kamay ni Noknok at napatingin sa heneral ng may mga matang nagtatanong kung totoo ba ang nakikita niya.

Ang ginawang iyon ni Noknok ay isang salamangka ng kalikasan tulad ng ginawa ng kaibigan ni Aya ng magpalabas nito ng lintik.

"Heneral isasaama ko si Noknok sa pagpapalata ng mga bagong mag-aaral." Wika ni Aya sa heneral.

"Ngunit alam mo naman ang kalagayan ni Noknok." Pagtangi ng heneral.

"Wag kang mag-alala, hindi ko naman pababayaan itong si Noknok. Ako bahala."

"Ikaw bahala pero si Noknok naman ang kawawa."

"Heneral, alam mo naman ang kinahahantungan ng sino mang mang-aapi kay Noknok diba."

"At iyan ang mas nakakabahala, nandito na tayo sa Paldreko kaya hindi mo pweding dalhin yang parang siga mong pag-uugali." Muling babala ng heneral kay Aya.