webnovel

DARKEST STAR

Prologue : "I hate you! Pwede bang wag mo na akong pakielaman!" "Stop the car!" "Bitiwan mo nga ako, ano ba!" Everything went black all of a sudden. Walang may alam kung anong nangyare, walang may alam kung nasaan sila noong kaganapang iyon. Walang may ideya, walang may malay, wala kahit ano. Lahat ng sigaw, lahat ng boses, nagpapaulit-ulit na tila ba isang sirang plaka. She woke up, she saw a white ceiling. Nang mailibot nya ang paningin ay wala syang ibang nakita kundi ang mga gamit sa loob ng kwarto na kinaroroonan nya. Nasaan sya? Ano ang nangyare? She's so clueless. Wala syang maalala kahit isa. Sinubukan nyang alalahanin ang lahat. Wala. Wala syang maalala kahit isa. She looked around the room and realized na kwarto nya pala ang lugar na kinaroroonan nya. Humiga syang muli. Isang panaginip. Panaginip na tila ba nangyare sa totoong buhay. °°°°°°

urbbkaet · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 04 : Headache

Hindi alam ni Gemma ang nangyayari sa artistang binabantayan niya. Something's weird. Hindi niya masabi kung ano pero isa lang ang alam niya. Unti-unting nagiging weirdo si Theoden. Kung dati ay palagi itong matalim tumingin sa kaniya, ngayon ay nakakausap na niya ito ngunit ang nakakainis ay hilig nito na asarin, pikunin, inisin siya, at sirain ang araw niya.

"Noo."

Napasimangot agad si Gemma nang marinig ang malalim na boses na iyon ni Theoden. Eto na naman ang lalaki, inaasar na naman siya na malaki ang noo kahit hindi naman masyado.

"Ano ba! Anong kailangan mo?" pikon na sabi niya.

Ngumisi ito at nag-abot ng pera, "Buy me something. Gusto ko sa starbucks ka bibili."

Nasa shoot sila ngayon. Malapit lamang ang starbucks. Pero ang kinakainis niya ay kanina pa siya nito inuutusan. Noong una ay pinagbitbit siya nito ng madaming gamit, sunod ay inutusan siya nitong bumili ng pizza na hindi naman nito kinain, at ngayon ay pagkain naman sa starbucks ang nais nito.

"Kapag hindi mo kinain ang pagkain na bibilhin ko, sasapakin kita." sabi niya sabay kuha ng pera nito.

"Sinabi ko bang pagkain? Inumin ang gusto ko."

Inis na tinignan niya ito, "Anong inumin ba? kape? Milktea? ano?"

Nagkibit-balikat ito, "Kahit ano."

Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ito pabalik sa shoot nito. Gusto niyang batuhin ito ng sapatos. Halatang pinapagod siya nito.

"Nakakayamot talaga." naglakad na siya paalis nang makasalubong niya si Felix.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Starbucks." nakasimangot na sabi niya. "Panay utos ni Theoden, nakakaasar."

"Gusto mo samahan na kita? Mamaya pa naman ang shoot ko."

"Ha? Hindi, ayos na ako. Kaya ko naman—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi nang bigla na siyang hinila nito palabas ng area na iyon.

"Alam kong nahihiya ka, pero wag ka nang mahiya kasi kaibigan mo naman ako." sabi nito sabay ngiti sa kaniya.

Wow. May offer pang friendship. Partida ay artista ito at hindi man lang aware na public ang pupuntahan nila pero wala itong mask.

"Teka." sabi niya at huminto sa paglalakad. Napatingin si Felix sa kaniya. "Tsk, bakit ba hindi ka nagsuot ng mask? baka pagkaguluhan ka doon."

Natawa ito, "Hindi naman, hindi ko naman ka-level ng status si Theoden para pagkaguluhan ako ng mga tao kung sakali."

"Kahit na!" kinuha niya ang mask sa bulsa ng hoodie niya at sinuot kay Felix. "Mas okay na yung sigurado tayo."

Hindi na niya nakita ang reaksyon nito dahil sa mask pero halata namang nagulat ito dahil medyo nanlaki ang mga mata nito. Agad ding nakabawi ang lalaki tsaka tumawa ng mahina.

"Tara na nga." aya nito at inakbayan siya.

My Gosh! Isang artistang sobrang gwapo? Inaakbayan siya? Really?!

Nang makarating sila sa Starbucks ay thankful naman siya dahil hindi nakilala si Felix ng mga tao. Umorder na siya ng kape para kay Theoden. Pagkatapos ay agad silang bumalik dahil hinahanap na daw si Felix sa shoot. Eksena na kasi nito ang gagawin.

"Eto na." sabay lapag ni Gemma ng kape sa harap ni Theoden.

"Bakit ang tagal mo?" tanong nito.

"Aba syempre naglakad lang ako." tinignan niya ito tsaka naupo.

Hindi niya talaga maintindihan ang trip nito dahil tumayo ito at kinuha ang kape tsaka binuksan at inabot sa kaniya. "Oh."

Tinignan niya ito, "Don't tell me.. Hindi mo na naman yan gusto—"

Kinuha na nito ang kamay niya tsaka pinahawak sa kaniya ang kape.

"Inumin mo yan. Kanina ka pa hindi nag-aagahan." hindi niya alam kung concern ba talaga ito sa kaniya dahil wala iyon sa tono ng pananalita nito pero gulat na gulat siya dahil hindi niya inakala na ang isang Theoden Arceo na ubod ng sungit at puro pang iinis sakaniya ang alam ay bibigyan siya ng inumin at starbucks pa!

Tinitigan niya ang naglalakad na si Theoden. May bait pala ang lalaki kahit papaano.

"Anddd cut!" sabi ng direktor.

Alas-otso na ng gabi at sa wakas ay tapos na ang shoot nila sa araw na iyon. Agad niyang kinuha ang towel at maliit na electric fan tsaka nilapitan si Theoden.

"May pupuntahan ka pa ba after nito? Uuwi na tayo." sabi niya tsaka tinapat ang electric fan sa lalaki at pinunasan ang noo nito.

"Wala na, Noo." sabi nito.

Napasimangot siya sa tawag nito. "Hindi malapad ang noo ko kaya tigilan mo ang pagtawag ng ganiyan sa akin."

Ngumisi lamang ito, "Bakit? Hindi mo ba nakikita sa salamin na malapad ang noo mo?"

Tinignan niya ito ng masama, "Nakakainis ka."

Hindi niya alam kung anong trip nito at bigla na lang naging ganon. Niligpit niya ang mga gamit nila at binitbit ang bag.

"Gemma!"

Sinalubong siya ni Felix na nakangiti na naman sa kaniya. Felix's smile is so precious. Makikita mo talaga na isa itong jolly na tao. At natutuwa si Gemma don.

"Uuwi na ba kayo? Sayang, yayayain sana kita mag-dinner." sabi nito.

"Ay, uuwi na kasi kami e. Pero pwede pa naman next time?" sabi niya.

"Talaga? Kapag may rest day kami, pwede tayong kumain sa labas? Treat ko naman." sabi nito.

Aaw. Napakabait talaga ni Felix sa kaniya.

"Excuse me, nangangalay na ako kakatayo. Pwede bang umalis kayo sa daan." sabi bigla ni Theoden at dumaan pa talaga sa gitna nila.

"Nakakainis talaga ang lalaking yon." inis na bulong ni Gemma. "Mauuna na ako, Felix. Nagsusuplado na naman kasi si Theoden."

Tumango naman ito, "Sige, basta ha? Kakain tayo next time! Mag-iingat kayo."

"Oo namaaan! Ikaw din." sabi niya at tinapik ang balikat nito.

Pagkasakay ni Gemma sa sasakyan ay nakita niya si Theoden na hawak ang bag niya.

"Hoy, anong ginagawa mo?! Bag ko yan ah!" hinila niya ang bag niya mula dito.

Nakita niyang tulala ito at tinatago ang isang kamay.

"Bakit mo ba pinapakielaman ang gamit ko ha?!" nayayamot na sabi niya at sinara ang bag kahit na gulo-gulo ang mga damit niya doon.

Napatingin ito sa kaniya na medyo namumula pa ang tenga. "N-Nahulog kasi. Inayos ko lang!"

Kumunot ang noo niya sa itsura nito, "Anong pagmumukha yan? Ayos ka lang ba?"

Bigla itong nag-iwas ng tingin, "Oo naman!"

Napansin niyang hindi ito mapakali kaya muli niyang binuksan ang bag niya at chineck ang bawat laman nito. Dumating na rin ang driver ng sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

"Make up, towel.. tshirt.. pads.." natigilan siya nang biglang maisip kung ano ang nawawala. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Theoden na ngayon ay nag-iiwas ng tingin sa kaniya at mas lalong hindi mapakali. "N-Nasa iyo ba.."

"A-Ang alin?"

"Sabihin mo.. Nasa iyo ba yung—"

"Oh ayan!" bigla nitong hinagis sa kaniya ang tela niya. Namumula ang mukhang umiwas ng tingin si Theoden.

Hindi niya alam kung anong trip ng lalaki at kinuha sa bag niya ang kaniyang underwear. Oo, panty niya na binaon ang hawak nito. Kaya pala namumula ang mukha nito. Ang mas malala pa ay may design pa na bulaklak ang panty na iyon.

Parang pareho nilang gustong magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Kapwa hindi makatingin sa isa't isa. Bakit naman nito nagawang itago ang panty niya?! nakakahiya. Agad na tinago ni Gemma ang panty sa bag niya tsaka nagpanggap na matutulog.

Nang makarating sa bahay si Gemma ay agad siyang humilata sa kama niya. Haaay, nakakapagod. Napatingin siya sa kisame at napaisip. Unti-unting nagbabago si Theoden. Imagine? From cold to weird.

"Shit!"

Agad na napapikit ng mariin si Gemma at mahigpit na nasabunutan ang sarili niya. Bigla kasing sumakit ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit. Nanginginig ang kamay na tumayo siya at nagmamadaling kinuha ang gamot sa drawer niya. She need to take her medicine! Hindi niya kaya ang sakit ng ulo niya.

Agad siyang tumakbo papuntang kusina at kumuha ng tubig bago ininom ang gamot niya. Napaupo siya sa sahig at nanatiling hawak ang ulo. Bumibigat ang paghinga niya. Maya-maya ay bigla na lamang may kung ano siyang nakikita.

She closed her eyes at nagsimulang magpop up sa kaniya ang isang kalsada ngunit maliwanag ang itsura.

"I hate you!"

"Go away! Don't touch me!"

She heard her voice. She heard herself shouting those words. Diniinan niya ang pagkakapikit at muling sinabunutan ang sarili.

"Tama na!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit.

Hindi na niya alam ang gagawin, kahit anong sigaw niya na tama na ay hindi pa rin naalis ang boses sa pandinig niya. Kusa na lamang tumulo ang luha niya. Dahan-dahan niyang binitawan ang sariling buhok at humagulgol. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya alam ang mga nangyayari sa kaniya. Hindi niya alam kung dahil ba sa sakit ng ulo niya kaya siya umiiyak o baka may iba pa talagang dahilan.

Inabot ng mahigit kalahating oras bago tumigil sa pag-iyak si Gemma. Medyo kumalma na din siya at tumalab na rin ang gamot niya dahil hindi na masakit ang ulo niya. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya. Nanghihina siya. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Humiga siya agad sa kama at sinubukang matulog. All of a sudden, muli siyang umiyak. She can't understand everything. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganoon.

"B-bakit ba ako nagkakaganito.. b-bakit.." muli siyang napahagulgol pero this time ay wala na iyong tunog. She hugged her pillow while crying. Kailangan niya ng karamay pero anong magagawa niya? Mag-isa lamang siya sa bahay. Mag-isa sa buhay. Wala siyang matakbuhan dahil dis oras na rin ng gabi at hindi na niya pwedeng puntahan si Alys.

Natigilan siya nang biglang mag-ring ang telepono niya. Hindi na niya tinignan ang caller at agad na iyong sinagot.

"Hello, I just want to tell you to be here at 7. Sa bahay ko. You need to—"

"H-Help me.."

She cried again. Hindi man niya gustong umiyak kay Theoden pero wala na siyang ibang choice.

"Anong nangyare? bakit? Where are you?" bakas sa boses nito ang pagkagulat nang malaman nitong umiiyak siya.

"A-Alam mo naman siguro ang b-bahay ko.. P-Please.. kailangan ko lang ng makakasama.." umiiyak niyang sabi.

"Are you okay?!" narinig niya pa ang pagmumura nito. "Hintayin mo ako dyan! pupuntahan kita, don't turn off your phone."

Narinig niya ang pagtakbo nito palabas ng bahay. Hindi niya alam ang gagawin kung hindi man tumawag si Theoden sa kaniya. She really need help.

Ilang minuto ang inabot bago may kumatok sa pinto niya. Agad siyang tumayo kahit nanginginig pa at binuksan ang pinto. Sumalubong si Theoden sa harap niya, naka-pants lang ito at plain na white tshirt. Nakatsinelas lang din ito at walang takip ang mukha.

Kusang bumuhos ang luha niya at agad na yumakap dito. "T-Thank you.. Thank you kasi p-pumunta ka.."

Nagulat man pero niyakap siya pabalik ni Theoden. Pumasok ito at sinara ang pinto habang nakayakap parin siya dito.

"Anong nangyare sayo?" napatingin ito sa kaniya.

Umiling-iling siya. "Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko maipaliwanag. Basta ang sakit-sakit!"

Nakatitig lamang si Theoden sa kaniya kaya napag-desisyunan nitong dalhin na siya sa kwarto para makahiga siya dahil nanginginig pa rin siya. Doon, nakita nito ang ilang gamot na natapon kanina dahil sa pagkuha niya habang nagmamadali. Pinaupo siya nito sa kama at pinulot ang mga gamot niya.

"Umiinom ka ng gamot? bakit?" tinignan siya nito. "Hindi ito gamot sa sakit ng ulo, Gemma. Are you out of your mind?! Sleeping pills ang iniinom mo!"

Napayuko siya. Nakasanayan kasi niya na kapag masakit ang ulo ay iinom siya ng sleeping pills para hindi na niya iyon maramdaman dahil hindi umeepekto sa kaniya ang normal na gamot sa headache.

Nilapag ni Theoden ang gamot sa gilid at lumuhod sa harap niya para makita siya. "Tell me what happened."

"S-Sumakit ang ulo ko.. sobrang sakit.." tinignan niya si Theoden. "May naririnig akong boses sa pandinig ko at sigurado akong ako yon.."

Tumitig lang sa kaniya si Theoden habang nakikinig .

"T-tapos.. t-tapos.. sobrang sakit na.." dahan-dahan na naman siya yumuko para umiyak pero niyakap siya ni Theoden.

Hindi niya akalain na sa dami ng makakakita ng ganitong kalagayan niya ay si Theoden pa talaga.

"Sshhh. pagod ka lang. I'm here.." pagpapakalma nito. "Matulog kana muna, babantayan kita.."

"P-Pero may shoot ka bukas..Maabala kita."

"Its fine. May rason naman tayo. I can manage." sabi nito.

Tinignan niya ito pero tinignan lang din siya nito na parang sinasabi na magpahinga na siya. Kaya naman ay nahiga na siya at hinayaan itong asikasuhin siya. Pinikit niya ang mga mata. Sana ay hindi na siya muling mahirapan dahil sa ganoong pangyayari.

°°°°