webnovel

DARKEST STAR

Prologue : "I hate you! Pwede bang wag mo na akong pakielaman!" "Stop the car!" "Bitiwan mo nga ako, ano ba!" Everything went black all of a sudden. Walang may alam kung anong nangyare, walang may alam kung nasaan sila noong kaganapang iyon. Walang may ideya, walang may malay, wala kahit ano. Lahat ng sigaw, lahat ng boses, nagpapaulit-ulit na tila ba isang sirang plaka. She woke up, she saw a white ceiling. Nang mailibot nya ang paningin ay wala syang ibang nakita kundi ang mga gamit sa loob ng kwarto na kinaroroonan nya. Nasaan sya? Ano ang nangyare? She's so clueless. Wala syang maalala kahit isa. Sinubukan nyang alalahanin ang lahat. Wala. Wala syang maalala kahit isa. She looked around the room and realized na kwarto nya pala ang lugar na kinaroroonan nya. Humiga syang muli. Isang panaginip. Panaginip na tila ba nangyare sa totoong buhay. °°°°°°

urbbkaet · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 02 : Weird

Gabi na noong tumawag ang Valenciaga Entertainment kay Gemma. Sinabi ng Manager na si Manager Ong ang buong schedule niya. Sinabi din nito na kailangan niyang pumunta sa Valenciaga Entertainment kinabukasan dahil sa appointment at para makilala na din niya ang artista niyang hahawakan para sa unang kontrata.

Hindi mapalagay si Gemma sa kwarto niya kaya naisip niyang magbukas ng social media at nagscroll sa facebook. Hindi siya palabukas ng accounts niya kaya sobrang outdated na siya sa mga ganap dito. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang bawat pagscroll niya ay iisang mukha ang shine-shared posts ng mga friends niya.

"Ganoon ba siya kasikat?" bulong niya habang tinitignan ang bawat posts. "Wait, ano nga ulit ang pangalan non?"

Pilit niyang inisip ang pangalan ng lalaking naencounter niya kanina lang. Thunder? No, hindi naman ganon ang pagkakabasa niya sa i.d nito. Thor? Ay be, seryoso? Avengers? Pinilig niya ang ulo. Sino ba kasi iyon?

"Theoden! Oo, tama! Siya nga!" malakas na sambit niya at agad na kinuha ang cellphone niya tsaka pumunta sa google site. Sinearch niya ang pangalan ng lalaking iyon. Lumabas ang iba't ibang link. She clicked the first link at doon lumabas ang mga informations about sa lalaking iyon.

Theoden Valenciaga Arceo. Isang 24 years old na actor under Valenciaga Entertainment. Anak siya ng CEO ng kompanya na si Virgo Arceo at ng isang sikat na chef sa Paris na si Hasinta Valenciaga. Hindi kasal ang dalawa pero gamit ni Theoden ang apilyedo ng ama. At ang kompanya naman ay nakapangalan na din kay Theoden kaya pinalitan ng Valenciaga ang pangalan nito na dating Arceo Ent. ang pangalan.

Napatango-tango si Gemma sa nasagap nitong impormasyon about sa nasabing aktor. Ang aktor na ito pala ay matagal na ding nasa industriya ng showbiz kahit na halos magkaedad lang sila. May issue din na saglit itong tumigil sa pag-arte 3 years ago dahil sa hindi malaman na dahilan. Madaming duda na ang mga articles na dahil lamang iyon sa paghihiwalay ng mga magulang nito kaya ito huminto.

Binasa din ni Gemma ang ilan sa mga basic informations tungkol sa binata. Mahilig pala ito sa Black na gamit kaya pala halos itim ang lahat ng suot nito noong nakita niya ito. Kahit sa ibang pictures nito sa social media ay more on black ang mga suot nito. Kung sa ibang tao siguro ay weird iyon.

"Tsk. Sayang ang ganitong lalaki kung panget ang ugali." napasimangot si Gemma nang maalala ang mga ganap noong nagkita sila ni Theoden. "Tsk, tsk tsk. Theoden Arceo. Sobrang sayang mo."

"Konting oras na lang daw at darating na din si Manager Ong." napatango si Gemma sa secretary na naka-assign sa building.

"Sige po, hihintayin ko nalang sila dito." nakangiting sagot niya dito.

Ito ang unang araw niya sa trabaho at makikilala na niya ang artistang pagsisilbihan niya ng buong pitong buwan. Nakalimutan kasi ni Manager Ong banggitin sa kaniya kagabi ang pangalan ng kaniyang hahawakan.

"Excuse me?"

Agad na napatingin si Gemma sa nagsalita, isang gwapong lalaki na nakasuot ng sunglasses at bonet ang kumalabit sa balikat niya.

"Yes?"

Nagtanggal ito ng salamin at tumingin sa kaniya ng nakangiti, "Nandiyan na ba si Manager Ong?" turo nito sa pinto ng office ni Manager Ong.

Napailing si Gemma, "Wala pa e pero kaunting oras na lang daw, dadating na siya."

"Ay ganon ba? Osige hihintayin ko na lang din siya." muntik pang mapatayo si Gemma nang umupo ito sa tabi niya. "Nga pala, hinihintay mo din ba siya? May appointment ka?"

"Ah, oo. Bago kasi akong P.A dito kaya hinihintay ko lang siya para mameet yung artistang hahawakan ko." sagot niya.

"Really?" napalingon ito sakaniya, "Nicee! Welcome sa company."

Napangiti siya sa sigla ng boses nito. "Salamat!"

"By the way, anong name mo pala?" tanong nito. "I'm Felix."

"Gemma." nakipagkamay siya dito.

Nagkwentuhan silang dalawa. Napag-alaman niyang isa din palang artista si Felix na halos kasing edad lang din ni Theoden. Magkasama na pala silang dalawa simula noong unang pasok ni Theoden sa showbiz.

"Uy, Gemma!" biglang sumulpot si Vernon na kalalabas lang ng elevator. "Bakit andito ka? Ime-meet mo na ba yung aalagaan mo?" tumawa pa ito.

"Oo, obvious naman siguro diba? tsk. Asan nga pala si Alys?"

"Nasa bahay ng mommy niya, may family lunch sila." ngumiti ito at binati si Felix. "Ang aga mo ah!"

Natawa ng mahina si Felix, "Naman! Kailan ba ako na-late? Si Theoden lang naman ang palaging late sa atin. Nga pala magkakilala pala kayo?" tinuro pa silang dalawa ni Vernon.

"Oo, bestfriend kasi sila ng fiance ko." sagot ni Vernon. "Teka mauuna na ako, may gagawin pa kasi ako. Babyahe pa para sa shoot mamayang hapon."

Nagpaalam na si Vernon sa kanila. Maya-maya pa ay dumating na si Manager Ong kasama ang unexpected person.. Si Theoden!

Nanlaki ang mga mata ni Theoden nang makita siya habang siya naman ay hindi pinahalata na nagulat sa pagdating nito. Normal na din namang makita niya si Theoden dito dahil artista nga pala ito sa kompanya pero ang hindi niya ineexpect ay ang pagdating nito nang kasama si Manager Ong.

"Oh, Hi, Gemma. Andito ka na pala. Ikaw din, Felix. Anong ganap mo? Tara sa loob." sabi ni Manager Ong at binuksan ang office niya.

Nagtataka man silang lahat ay pumasok pa rin sila sa loob. Pinaupo sila nito at tumayo sa harapan nila. Medyo na-awkwardan pa si Gemma dahil napapagitnaan siya ng dalawang lalaki.

"Felix pinapunta kita dito dahil si Antonette ay hindi na muna makakasama sa mga schedules mo dahil umuwi muna siya ng probinsya." lingon ni Manager Ong kay Felix.

"Eh paano yan? Wala akong kasama sa mga shoots?" sabi ni Felix.

"That's why I called you today." tumingin si Manager Ong kay Gemma at kay Theoden. "Theoden, this is Gemma, since sa lahat ng artist ay ikaw nalang ang walang personal assistant at madaming schedule kagaya ng kay Felix ay si Gemma na ang magiging P.A mo for the whole–"

"Kaya kong mabuhay at pumunta sa schedules ko nang walang personal assistant." malamig na sabi ni Theoden kaya napalingon sina Gemma at Felix dito.

"No, Theoden. Ang daddy mo na din ang nagsabi na hanapan ka ng personal assistant kaya wag ka nang magmatigas." sabi ni Manager Ong.

"Kung ganon, humanap kayo ng ibang personal assistant para sa akin." malamig at matalim na tinignan nito si Manager Ong.

"But Gemma is the only P.A na available para sayo." giit ni Manager Ong. "So ang plano, Felix, since pareho lang kayo ni Theoden ng schedules at ng location kung saan magshoshoot sa bago niyong movie, kailangan mo munang makisama kay Gemma habang wala pa si Antonette. Payag ka naman siguro na dalawa muna silang ihahandle mo, diba Gemma?"

"Opo, Manager Ong." tumango pa si Gemma dito.

Narinig nila ang inis na pag-ngiwi ni Theoden bago ito tumayo at nag-walk out. Tinawag ito ni Manager Ong pero hindi ito namansin. Susundan sana ito ni Manager Ong pero tumayo na si Gemma at sinabi na siya na lang ang susunod.

Agad na lumabas si Gemma ng office at sinundan si Theoden. Hindi niya lubos maisip kung bakit tila galit si Theoden sa kaniya. Dahil ba sa nangyare recently? Masyadong mababaw. Para bang ayaw na ayaw nito sa kaniya.

Nakarating siya sa parking lot kung saan nakita niya si Theoden na pasakay na sa kotse nito pero agad siyang tumakbo at humarang sa harap niya.

"What?" madilim na tingin nito sa kaniya.

"Anong meron? Anong trip mo? May galit ka ba sakin?" nakataas ang kilay niya dito pero hinawi lang siya nito at pinaalis sa harap nito. Tuluyan na itong sumakay sa kotse nito at inutusan ang driver na umalis sa lugar na iyon.

Nakakaclueless. Wala siyang ideya kung bakit mainit ang dugo nito sa kaniya.

Naglakad na siya pabalik sa building. Nakasalubong niya bigla si Felix na paalis na yata dala ang bag niya.

"Gemma!" tawag nito sa kaniya tsaka patakbong lumapit sa kaniya. "Pinapasabi ni Manager Ong na may shoot kame mamaya ni Theoden. Ala-sais ng gabi ang simula kaya umuwi ka muna para makapagdala ka ng damit mo." inabot nito ang bag niya.

"Osige, salamat. Babalik nalang ako dito mamaya." ngumiti na lang siya kay Felix.

"Pagpasensyahan mo na si Theoden. Ganon talaga siya. Masyado kasing mainitin ang ulo niya at mapili sa mga taong makakasama." ngumiti pa ito sa kaniya. "Pero alam mo naeexcite ako kasi makakasama kita mamaya sa schedule ko. Kung pwede lang makipagpalit ng P.A baka nagpalit na lang kami ni Theoden kaso bawal."

Sabay na silang naglakad ni Felix palabas ng building. Gusto pa sana nito na isabay siya pauwi pero tumanggi siya sa palusot na may pupuntahan pa siya. Nahihiya kasi siya dito.

Habang naglalakad siya pauwi sa subdivision nila ay napapaisip parin siya sa mga ganap kay Theoden. Bakit kaya iyon ganon kagalit? Pansin kasi niya ay malamig talaga ito tumitig sa kaniya. Parang may galit, pero hindi niya malaman kung anong klaseng galit. Napailing nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit ba kasi nilalapitan mo pa siya?! Hindi mo na lang hayaan na sa akin siya, dahil sa akin siya masaya!" at biglang tumulo ang luha ni Theoden na tila ba galit na galit na sumisigaw kay Felix.

"Please, hayaan mo na kami.. I-I don't love you.." umiiyak na sabi ni Anika, na kapwa artista ng dalawa, habang nakayakap pa kay Theoden.

Naka-cross arms lang si Gemma habang pinapanood kung paano umacting ang mga artista. Nakasandal siya sa poste nang lumapit sa kaniya si Rose, ang personal assistant ni Anika.

"Ang gwapo talaga ni Theoden no?" siniko pa siya nito habang parang nagpapantasyang nakatingin sa artista.

Napangiwi siya dito at bumulong, "Ang sama naman ng ugali."

"Hoy hindi ah, mabait si Theoden. Mainitin lang talaga ang ulo." sumandal pa ito sa kaniya.

Hindi na lang siya nakipag-argumento dito at tumingin na lang sa orasan niya. Alas-nuwebe na ng gabi. Nasa shooting pa rin sila. Hindi naman niya maikakaila na magaling talaga umarte ang mga alaga niya.

"Anddd cut!" sabi ng direktor.

Agad na kumilos si Gemma dala ang script ng dalawang lalaki at towel pang punas ng pawis ng mga ito. Pinaupo niya ang dalawa at inabot ang script dito tsaka pinunasan ang dalawa. Para siyang dalagang ina na nag-aalaga ng dalawang damulag na anak.

"Ang galing nyo umacting!" ngumiti siya sa mga ito habang inaayos ang mga gamit.

Napangiti si Felix sabay lumingon sa kaniya at pinisil ang ilong niya, "Salamat! Masyado mo naman kaming pinupuri."

Nagtawanan lang silang dalawa ni Felix habang malamig pa rin ang itsura ni Theoden. Nagpatuloy lang ang shoot at paulit-ulit na routine ang ginawa ni Gemma para maasikaso ang dalawa. Alas-tres na ng madaling araw natapos ang shoot nila at nagkasundo sundo ang lahat na kumain muna.

"Gems," napatingin si Gemma kay Felix, may dala itong pinggan na may pagkain na. Dalawa iyon kaya inabot nito sa kaniya ang isa. "Okay na ba iyan sayo?"

"Hala, oo naman. Dapat di ka na kumuha, kaya ko naman kumuha mag-isa e. Pero salamat." napangiti siya dito at kinuha kay Felix ang pagkain.

Napakagaan ng pakiramdam ni Gemma sa presensya ni Felix dahil mabait ito at madaling makasundo kahit na kakakilala lamang nila. Inasikaso naman niya ang pagkain ni Theoden para makakain na ito ngunit may isang bagay siyang nalaman. Hindi ito kumakain ng gulay. Tanging meats lang kinakain nito.

"Kumain kana muna, para makapagpahinga ka na agad pagkauwi mo." sabi niya nang mailapag sa harap ni Theoden ang pagkain nito. Mukha namang wala sa mood magsungit ang lalaki kaya tumango ito sa kaniya at nagsimulang kumain.

Kumain muna siya tsaka inayos ang mga gamit ng dalawang artista at pumunta sa van na nasa parking lot lang. Binuksan niya ang bag ni Theoden para ilagay ang mga gamit nito.

"Napaka weird talaga ng lalaking yon, puro itim ang gamit pati damit. Ayaw sa rainbow?" bulong niya tsaka inayos ang mga gamit nito. Nilagay na niya ang bag sa van nito at sinara ang pinto. Napasandal siya sa van at napaisip. "Bakit kaya palagi siyang nakaitim?" Hindi niya pa ito nakikitang nagsuot ng light color na damit. Hindi din ito nagd-drive ng kotse at wala itong sariling kotse sa kabila ng pagiging successful nito.

Ang daming misteryosong bagay na nakaka-curious kay Theoden na hindi alam ng public. Ilang sandali pa ay nakita na niyang nag aalisan na ang mga tao at papunta na sa way niya sina Theoden at Felix. Kahit na P.A din siya ni Felix ay nakabukod pa din ito ng sasakyan sa kanila ni Theoden. Si Theoden lang ang kailangan niyang samahan pauwi.

Babatiin palang sana niya ang dalawa pero nilagpasan lang siya ni Theoden at si Felix lang ang tuluyang bumati sa kaniya.

"Paano ba yan, Gemma, mauuna na akong umalis." nakangiting sabi ni Felix at ginulo ang buhok niya. "Mag-iingat kayo ha."

Tumango si Gemma, "Oo, ikaw din!"

Sumakay na si Felix sa kotse nito at siya naman ay sumakay na din sa van ni Theoden. Katabi niya ang driver at si Theoden ang nasa likod.

"Pagdating mo sa bahay niyo, sabihan mo agad si Manager Ong na nakauwi ka na para malaman natin ang schedule mo bukas." sabi niya kay Theoden.

Blanko ang mukha na tinignan siya nito, "Hindi ba't gawain mo dapat yan?"

Natameme naman si Gemma sa sinabing iyon ni Theoden. Mukhang pagod na ang binata kaya hindi na niya ito sinagot pabalik. Pagdating sa bahay ni Theoden ay agad siyang pumasok sa loob kasama ito habang bitbit niya ang mga gamit nito. Napatingin siya sa buong paligid nang makapasok na siya sa loob. ito ang unang beses niyang nakapasok sa loob ng bahay nito. Maganda iyon ngunit puro black and white lang ang gamit. Weird talaga.

Umupo ang binata sa sofa nito habang hinihilot-hilot ang sentido. "Pwede ka nang umalis."

Hindi niya ito napansin dahil naagaw ng pansin niya ang mga artworks na nakaframe at nakadesign sa wall nito.

"Ikaw ang nagdrawing ng mga iyan?" turo niya sa mga artworks na walang kulay. Lahat ay gawa lamang sa lapis at itim na pen pero walang kakulay kulay.

Ilang sandali bago sumagot si Theoden, "Yeah."

"Bakit walang kulay? Sayang oh! Mas maganda sana iyan kung may kulay–" napatingin siya nang makita niyang madami itong art materials sa gilid. "Ayan oh! may mga art materials ka pala e bakit ayaw mo kulayan?"

"Ang dami mong sinasabi, umuwi kana lang nga." iritableng sabi nito sa kaniya.

"Tsk ang sungit mo. Kulayan lang natin e. weird mo naman. Halatang di mo pa ginagamit mga materials mo. sayang lang." sabi niya. tsaka sinukbit ang bag sa balikat niya. "Osya mag ingat ka dito. aalis na ako ha!"

Naglakad na siya paalis ng bahay ni Theoden pero nasa gate palang ay bigla nalang pumintig ang sentido niya. Sumakit ng sobra, kumirot kaya napahinto siya at napahawak sa ulo niya habang ang isang kamay ay napahawak sa gate. Kakaiba yung sakit, hindi niya magpaliwanag. Katunayan ay ilang taon na din siyang nakakaramdam ng ganon, sinubukan niyang magpacheck up noong una pero sinasabi lang ng doctor na migraine lamang iyon ngunit habang tumatagal ay paulit-ulit niya iyong nararanasan sa hindi malamang dahilan.

Nang mahimasmasan na siya ay agad na inayos ni Gemma ang sarili at naglakad na pauwi.

°°°°°