6 Sangkatauhan

Ako'y naglalakad sa dilim ng kinabukasan,

Ako'y minsa'y nangarap ng masaganang bayan,

Ano na nga ba ang dapat kong gawin,

Magpapasailalim pa rin ba sa dilim?

Bakit sinadyang ginawa ito?

Bakit niyo ginawa ito?

Bakit ang talino'y napunta sa mga kamay?

Mga kamay ng mapanghusgang sangkatauhan.

Sangkatauhan, kayo'y aking nilalabanan,

Ayokong mapasailalim sa inyong mapaglarong kaisipan,

Sangkatauhan, bakit kayo nagkaganyan?

Iyan ba dapat ang tamang tatahaking daan?

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.

Ako'y nananalanging ibalik ang dati,

Ako'y naghahanap ng kasagutan sa dilim ng gabi,

Ako'y nawawalan ng pag-asang gumaling,

Maisasakatuparan pa ba ang aking hiling?

Bakit di magawang patayin,

Bakit kailangan palawakin,

Bakit kung sino pa ang dukha siya ang naghihirap,

Magkakaroon pa ba ng patas na hinaharap?

Sangkatauhan, kayo'y aking nilalabanan,

Ayokong mapasailalim sa inyong mapaglarong kaisipan,

Sangkatauhan, bakit kayo nagkaganyan?

Iyan ba dapat ang tamang tatahaking daan?

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.

Ano pa ba ang kailangan gawin para masolusyunan,

Hinagpis ng mga nasa ibaba, di na pinapakinggan,

Matataas ay pinagkakatiwalaan kahit huli na sa akto,

Sila'y pinapaniwalaan sapagkat sila'y may kayamanang tago.

Sangkatauhan, makinig ka sa nakakarami,

Gamitin ang talino ng utak at di ng kamay at bibig,

Palawakin ang isipan sa nasasakupan,

Huwag ikubli ang katiting na kadiliman.

Sangkatauhan, magtulungan at wag maglaglagan,

Sangkatauhan, magkaisa't wag magsiraan,

Sangkatauhan, minahal kita pero hindi na ngayon,

Sangkatauhan, mas gusto ko pa ang nagdaang kahapon.

avataravatar
Next chapter