webnovel

PROLOGUE

"Anak, halika na't kakain na tayo," sigaw ni mama sa akin. Dali-dali kung inabot ang dalawang pirasong hinog na bayabas. Siguradong matutuwa ang kapatid ko na bunso.

"Opo!" sagot ko kay Mama. Maliit ang boses ko kaya medyo pasigaw na ako.

Agad kong inilagay sa maliit na sako bag ang bayabas na nakasabit sa balikat ko at dahan-dahan akong bumaba. Bigla akong natigilan ng may mahawakan na kong ano sa maliit na sanga, inilipat ko ang kamay ko ng pagkakahawak sa ibang sanga. Uod ang nahawakan ko, sabi ni mama ay umiwas ako sa mga uod lalo na kapag mabalahibo at nakakapantal iyon na balat.

Natakot ako bigla, kaya tumalon na ako, hindi naman ganun kataas ang puno ng bayabas.

Tama si mama, pakiramdam ko ay nangangati na ang kamay ko. Pagkarating ko sa may maliit namin na bahay ay hinugasan ko agad ang kamay ko sa balon, hindi ko na lamang papansinin ang kati. Tiyak na mapapagalitan ako ni mama kapag sinabi ko pa na natilas ako.

"Bernadette, ano't ubod mo ng tagal!? Mapapalo na kita," sabi ni Papa. Pumasok na ako sa loob ng bahay at inilagay sa upuang kahoy ang mga bayabas. Natutulog pa ang kapatid ko na tatlong taon gulang sa duyan.

Naupo ako sa tabi ni Papa at nagsandok ng pagkain ko, pritong isda na huli ni Papa sa sapa ang ulam namin at ginataan na sitaw. Medyo nanginginig na ang kamay ko, hindi na lamang basta makati, mahapdi at bahagyang namamaga ang ibabaw ng palad ko. Binilisan ko ng kumain.

"Nagmamadali ka ba? Parang may pupuntahan ka!" sita sa akin ni mama. Tiningnan ako ni papa sa mukha at kumunot ang noo niya, na para bang inaalam kong ano ang nangyayare sa akin. Hindi na ako nakapag pigil, naiyak na ako sa subrang hapdi ng kamay ko. Pinakita ko sa kanila ang isang kamay ko na kanina ko pa tinatago sa ilalim ng lamesa namin na gawa sa kawayan.

"Nakahawak po ako ng uod sa may

bayabasan," sabi ko.

Agad akong dinaluhan ni mama, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nila ni Papa.

"Sinasabi ko na nga ba na 'wag kang akyat ng akyat sa mga puno. Ayan ang napala mong bata ka. Napakatigas kasi ng ulo mo, hindi ka nakikinig sa'min." sabi ni mama.

Tinanggal ni mama ang tali ng kanyang mahabang buhok at kinuha ang kamay ko. Pagkatapos ay hinampas nito ng tatlong beses ang kamay niya gamit ang buhok nito.

Saka nilagyan ng Johnson's powder.

Hindi na talaga ako aakyat sa kahit anong puno.

Dumidilim na ang paligid.

Nasa bayan pa ang mga magulang namin para bumili ng vitamins ng kapatid kong bunso. Dalawa lang kaming magkapatid at pitong taon ang agwat ng edad namin. Sampong taon gulang na ako at pansamantalang tumigil sa pag-aaral, palagi kasing dinadala sa hospital ang kapatid ko dahil sakitin ito. Kaya pinahinto muna ako nila mama at papa. Grade six na sana ako ngayon taon. Hindi naman ako nagtatampo sa kanila, naiintindihan ko iyon dahil kapos naman talaga kami sa pera. Isa pa ang layo-layo ng bahay namin sa bayan.

Thirty minutes na lakadin hanggang sa sakayan ng jeep at fifteen minutes pa bago makarating sa pinapasukan niya.

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Thank you.

Quenne_writescreators' thoughts