1 Fear

Chapter 1: The Divine Realms

(The Weapon that Feared by King Yama)

.

.

Nakaramdam ng matinding Bigat ng pressure si Chris.

.

.

Parang bumuhat sya ng ilangBundok na patong-patong, sa bigat na dala nitong bagong buo na kanyang armas na Annihilation (Long Sword nya) 

.

.

Agad nyang inilagay sa loob ng kanyang Black StorageRing ang bago nyang LongSword

.

.

Maske si Ahri ay naramdaman din ang matinding Aura na nagmumula sa bagong ayos na LongSword ni Chris. 

.

.

"wheeew!! ----akala ko tuloy mabibitawan ko na".

Sabi ni Chris at pagpawisan na ng malalaking butil sa kanyang mukha at likod. 

.

.

Kung sakaling mabitawan nya ang sandatang iyon---- tiyak, mahihirapan na syang hanapin ito sa gitna ng karagatang iyon. 

.

.

Bumalik na sina Chris sa lupain at dumiretso sya sa pagitan ng bansang Bahk at BitterTree continent. 

.

.

Sa disyerto kung saan nya nakilala sina Tabachoy bilang mga Heroes chamber guardians. 

.

.

"Welcome Guys. He he he. Handa na ba kayo para sa pagpasok sa lagusan patungo sa DivineRealms?".

Ngumiti si Adonis at naroon ang tila 500+ pa na mga ibat ibang alien cultivators at mga Tila galing pa sa ibat ibang parte ng kalawakan-----

.

.

Lahat sila ay nagtataglay ng Tyrant level 1 auras. At namangha si Chris sa dami nila. 

.

.

'iniisip nyo ba kung bakit madami sila dito?-----he he he. Ganito kasi yan ----Ako ang naatasan ngayon bilang Door Warden sa Lesser Realm or Mortal realm. He he. Silang lahat ay mga katulad nyo rin at hindi pa lumalampas sa 1,000yrs ang paghihintay nila o pananatili nila sa Mortal Realm bilang Tyrant stages, dahil naghihintay sila ng mga makakasabay papasok sa lagusan'. 

Telepathy ni Adonis kina Chris, Ahri, Denz at Gezelle.

.

.

Namangha sina Denz at Gezelle. na sanay na silang makakita ng ganitong bilang ng mga Experts ----Clueless parin naman sila patungkol sa Lagusan na pinaguusapan nina Chris.

.

.

Bagkus clueless sila, may mga naikwento na si Chris kay Denz patungkol sa kung ano ang buhay sa DivineRealms. At alam na nilang Mas malala pa ang hirap ng buhay duon kesa sa MortalRealm. (Yun ay kung wala kang kokote) 

.

.

Naki anib sina Chris sa bilang ng mga 500+ cultivators na mga naroon sa mga sandaling iyon. 

.

.

Tila may sumagi sa isipan ni Adonis pero, hindi na nya ito nasabi kina Chris.

.

.

'----ok lang kaya na hindi ko na sabihin sa kanila patungkol dun sa ----ehh tiyak namang alam na nila iyon----bahala na si Batman----'. 

Sa isipan ni Adonis, tiyak syang alam na nina Chris ang tungkol sa bagay na nasa isip nya. 

.

.

.

Sa kadiliman ng Hallway ay nagpaalam muna sina Tabachoy kina Chris bago sila nagtungo sa Throne Hall-----

.

.

Pagdating nila sa lugar na iyon ay lumitaw naman ang isang malaking pintuan na tila may taas na 250ft at lapad na 15 meters. At nagtataglay ito ng Golden Glow at may kasamang Chaotic Inscriptions na pabagobago ang pagkakaayos. (parang Rubic Cube na inscriptions)

.

.

"heto ang Pintuan, at maaari na kayong pumasok sa loob isa isa-----".

Sabi ni Adonis sa kanilang lahat. 

.

.

Naunang pumasok ang mga Unang dumating sa Lugar na iyon. 

.

.

Hindi nagtagal ay sumunod narin sina Denz at Gezelle.

.

.

"Bro kita kits sa kabilang Mundo".

Fist bump ni Denz at Chris. 

.

.

Yumakap naman si Gezelle kay Ahri bago ito sumunod kay Denz na pumasok sa pintuang iyon. 

.

.

Sumunod naman ay si Ahri at bago pa man maka-apak sa Pintuan si Chris ay may bumabagabag sa kanyang loob, at napalingon sya kay Adonis. 

.

.

"salamat sa lahat Mr. Adonis----matatagalan ulit bago tayo magkitakita".

Sabi naman ni Chris.

.

.

"ho ho ho. Ikaw talaga. He he. syempre andito lang ako sa Mortal realm, kung may pagkakataon bibisitahin ko kayo sa Kabilang mundo pag nakatapak na kayo sa Mid levels ng Monarch stage".

Thumbs up naman si Adonis kay Chris. 

.

.

Umapak na si Chris papasok pero-----huli na ng mahalata nya ang tila may mali sa Portal door na iyon----dahil tila unti unti nawawala sa kanyang ala-ala ang mga importanteng kaganapan sa buhay nya. 

.

.

'h-hindi maaari!!? -----imposibleng -----'.

Liwanag at nakakabinging katahimikan ang syang bumalot sa kanyang katawan. 

.

.

.

-----

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa isang Disyerto nagising si Chris. 

.

.

.

Woooshhh!! -----(Windy)

.

.

Mataas ang sikat ng Araw.

.

.

.

"asan ako?".

Agad lumingon dito at duon si Chris, na parang nawawalang bata. 

.

.

Napa sapo sya sa kanyang sentido na tila may mga bagay syang hindi maalala. Maliban sa kaaalaman nyang nasa DivineRealms na sya at sa kanyang pangalan. 

.

.

Naglakad sya patungong kanluran. 

.

.

'nasa DivineRealms na ako. Bat wala ako maalala maliban sa aking pangalan?----saan ako galing?, sino mga naging kasama ko? ----' 

Blurry Visions ang tanging naiwan sa kanyang isipan. At mga boses na hindi nya maintindihan dahil tila Mabulak kung ipilit nyang intindihin ang mga boses na mga ito.

.

.

(Pink: No!!..... Mukhang ibnalik n ng Dvine realms yung Brain washing na ano.. bsta yun na) 

.

*sigh. Hindi na ba natakot ang mga Higher Ups ng Divine Realm sa ginawa nila, malay nila bumalik ulit si Dread bilang si Chris----tapos ngayon may lakas loob silang buksan ulit ang Brain Washing Arrays na tinanggal na ni Dread noon*.

.

.

## half right and half wrong------malalaman nyu din sa hinaharap ##

.

-----

.

.

Ang pakiramdam ni Chris ay parang Normal na tao lang sya sa DivineRealms.

.

.

*sa DivineRealms, iba ang lakas ng Gravity at napakataaas rin ang molecular structure/dense ng bawat bagay at buhay duon. Base narin sa Word na "Divine" tiyak naman na may Clue na kayo kung gaano katatag at kalakas ang mga bagay na naroon para sa normal humans. Masasabing nasa Tyrant stage ka nga-----pero para sa lugar ng DivineRealms ang Tyrant stage ay masasabing paunang Cultivation stage para sa kanila sa mundong iyon-----*.

.

.

-----

.

.

Patuloy parin si Chris sa paglalakad, inabot na sya ng Hapon.

.

.

Naglabas sya ng Tent. Pero agad ding Naabo ang Tent na ito dahil iba ang Pressure ng Elements ng DivineRealms kesa sa MortalRealm. (Talk about Gravity) 

.

.

'gagawa nanaman ako ng Divine Crafted item----tsk'. 

Inis na inisip ni Chris na masyadong magasta ang paggawa ng Divine Items sa DivineRealms, lalo na kapag kakarating mo lang duon. 

.

.

Gabi na ng matapos nya mag Craft ng isang simpleng (low Divine grade) Tent-----

.

.

*tent lang??, halos gumasta na sya ng 5,000 Divine stones----at inabot sya ng 4 hours sa pag-craft*

.

.

Pagod na si Chris, dahil sa mabilis na pag-bawas ng Divine energy sa kanyang katawan, habang nasa mundong iyon kesa noong nasa MortalRealm pa sya. 

.

.

'sigh. Sa mundong ito bawat stages ay may 100 levels na dapat tapusin bago makaangat sa susunod na Stage-----mukhang kakailanganin ko munang makatapak sa Mid levels ng Monarch stage para alisin itong Memory seal sa sea of consciousness ko, at maibalik ang mga naburang parte ng ala-ala ko-----'.

Mukhang may Knowledge parin si Chris sa kung ano ang maaari nyang gawin para ibalik ang nakakulong nyang memories patungkol sa buhay nya sa Mortal realm. At ganun din sa mga maburang parte ng ala-ala nito gaya ng anyo nina Ahri at mga boses sa isipan nya. 

.

.

Raaammnhhhh!!! (Cold dark energy) 

.

.

Inilabas ni Chris ang kanyang HeavenlyBlackUmbrella ----at parang ripples of Signal ito na kumalat sa buong paligid.

.

.

At dahil sa tindi ng Baleful Aura na nilabas nito, ay napilitan si Chris na ibalik ito sa loob ng Kanyang Black StorageRing.

.

.

Ang Ripples ng Aura ay tumagos sa Dimensional spaces -----sa Millions of Millions of Realms -----hanggang sa umabot na sa isang Nakakatakot na planetary Palace na tila para sa mga kaluluwang ligaw ang kabuoang kapalgiran ng lugar.

.

.

Sa isang madilim na Throne room. 

.

.

Napadilat ang dalawang pares na Sinister Greenish eyes.

.

.

"ahhuum?!! ------a-ang Armas n-na i-iyon?!!---h-hindi a-ako nagkakamali!!!-----nakar-r-rating na ulit dito sa D-DivineRealms?!?? Ang babaeng!! -----".

Tila boses ng matandang lalake na puno ng takot.

.

Ang dating malakas at nakakatakot nyang anyo ay napalitan ng matinding kaba at kawalan ng lakas na mahahalata base sa kanyang mga salita.

.

.

Swooosshh!! (wind pulses) 

.

.

Dumating ang 25 Na anyo sa harapan ng tila Giant king na ito na nakaupo sa madilim nyang Throne. 

.

.

"King Yama?, may problema po ba?!"

Tanong ng 25 na mga itim na anyong ito at lumuhod sila sa harapan ng King. 

.

.

"Isarado ang mga Physical Gates papasok sa Nether Realm na ito!!!!, wag kayo magpapapasok ng kahit na sinong bisita lalo na ang mga Dark Deities!!!".

Tila kinakabahan ang boses ng King Yama na ito sa mga sandaling iyon.

.

.

"Masusunod kamahalan!"

Agad namang nag si-alisan ang 25 na Guardians nya sa kanyang harapan. 

.

.

'Narito nanaman ang Queen of Darkness?! -----sigh-----akala ko matagal na syang Namatay sa labanang iyon!!'.

Tila tandang tanda pa nya ang kagandahan at Purity ng isang Energetic woman.

.

.

At ito ay ang anyo ng Queen of Darkness. sa gitna ng Carnage, Rampage at Devastating killings nito nuong Binata pa si King Yama. 

.

.

Huminga ng malalim ang King.

'----ako si Eusto Yama ng 23rd Eon Descendants ng Nether Yama Family----- ang nakasaksi, nakaranas at napasama sa nakakatakot na labanang iyon----at ako din ang syang nag-iisang survivor sa kanyang mga nakaharap----'. 

Bakas sa kanyang mga mata ang takot sa sandatang pumatay ng Millions of millions na mga Deity Elemental Holders.

.

.

Ang huling imahe sa kanyang isipan, mula sa labanang iyon ay ang nakapayong, at napakagandag babae na kinilala bilang Queen Of Darkness. 

.

.

*ang Deity nila dito ay Genuine na -----hindi gaya sa Mortal Realms na basehan lang nila ang Titulo na Deity para sa pinaka mataas na stage ng Mundong iyon-----*.

.

-----

.

.

###########################

Ok Guys, heto na ang Stages ng DivineRealms: bawat stages ay may 100 levels. Maliban sa Huling nabanggit.

.

.

Tyrant

Monarch

DragonDao

MartialSage

DivineSage

SupremeSage (1000 levels) 

avataravatar
Next chapter