webnovel

DangerousLY Love

Si Paige Dalla Sanfuego, kilala siya bilang sexy, maganda at fashionistang babae. Bukod pa ron matalino rin siya at mapagmahal. Kaya't maraming nahuhumaling sa kanya hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa panloob nito. Kilala siyang mabait na tao ngunit sinong hindi mag aakala na isa siya sa mga nakakatakot na tao. Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng dahil sa isang bagay... Ito ay ang pag ibig.

Chace_Gonzales · Teen
Not enough ratings
10 Chs

2.2

Dalawa

"Mag iisang taon na kami ngayong araw", ang sinunod niyang ginawa ay kinuha niya ang vase doon at binasag sa harap ng lalaki. Nagtakip ako ng tenga dahil sa aking gulat.

"Mag iisang taon mo na kong ginago? Kaya pala! Kaya pala parang nagbago ka simula nung umalis ako! At teka nga...", huminga muna siyang malalim. Sa tingin ko'y magwawala na naman siyang muli kapag sumagot ako sa tanong niya.

Akala ko sa akin siya magtatanong pero hindi.

Nanginginig si Mark sa sahig at hindi makatingin ng diretso sa aming dalawa.

"May nangyari na ba sa inyo bago may nangyari sa atin?", dahan-dahang tumango ang lalaki. Umiyak ang babae dahil sa sagot niya. Nagmura siyang muli sa hangin.

"Sabi natin sa isa't-isa, wedding gift natin yun. Pero bakit mo binigay sa kanya?", umiling ako sa sinabi niya. Nakaupo siya habang yakap ang mga tuhod nito. Sumandal siya sa pader marahil nanlalambot siya sa galit.

"Hindi ako ang first niya. Ang alam ko bago maging kayo bata pa lang siya. Meron na siyang experience bago ka niya pangakuan. Pinaasa ka niya sa pangako na kahit anong gawin mo hindi niya na maibibigay. Naging kami man o hindi", paliwanag ko. Pinipigilan ko ang galit ko ngayon kay Mark dahil mukha siyang miserable. Pero sa loob-loob ko naging kaibigan kami kaya paanong ako yung napili niyang gaguhin.

Paanong ako?

Sa lahat ng tao, yung tinuring siyang kaibigan yun pa ang pinili niya?

Bakit palaging ganon ang mga lalaki? Mapagsamantala, kapag nakuha na nila ang loob ng babae ay pipikutin lang ito.

Hindi ko matanggap sa aking sarili na isa ako sa mga babaeng napipikot. Paulit-ulit nabibiktima ng matatamis na salita, sa huli'y sakit lamang ang dulot.

"Saktan mo rin ako kung gusto mo", sabi ko sa kanya. Pinigilan kong maluha.

"Wala kang alam sa ginawa niya. We are both victims here. Biktima tayo ng hayop na lalaking ito at nakakahiya na kinasal ako sa kanya! Tapos ngayon ko lang nalaman ang kagaguhan nito!", dinuro niya ang lalaki at paulit-ulit sinaktan.

Hindi ko na makaya ang nakikita ko. Ang pangyayari dito kung kaya't napagpasyahan umalis ngunit hindi pa man ako nakalalabas ng pintuan ay hinarangan ako ng payat na lalaki.

"Bakit Mark? Ano pa bang dapat mong sabihin?", hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para makapagsalita.

Nanagiliran ang luha niya. "Naluluha na ko", akala niya ba'y hindi ko kuta iyon. Kailangan niya pa talagang sabihin to get my sympathy.

"Akala mo papabiktima pa ko? Those tears are fake. Magaling kayong umiyak pag kayo ang may kasalanan pero pag kami ang may kasalanan halos lumuhod kami para mapatawad niyo. O, hindi kaya naman sipsipin yang tanginang maliit niyong...!", hindi ko na tinuloy ang sinabi ko at tinulak ko siya ng buong lakas upang makaalis ako sa pamamahay na iyon.

Narinig ko pa ang pagdaing niya sa pintuan.

"Sorry, Paige! I'm sorry!", sabi niya. Bago ko pa pinihit ang aking sasakyan ay kumatok siya. Isasarado ko sana ang bintana nito ngunit nandon pa rin ang kamay niya.

"Bumalik ka na sa kanya. Alam ko minahal mo lang ako kasi wala siya noong panahon na kailangan mo ng taong magmamahal na malapit sayo. Saka isa pa, kung hindi kayo naging malayo sa isa't-isa sigurado akong wala akong magiging parte dyan sa puso mo", namuo ang bigik sa lalamunan ko. Gusto ko na talagang umalis. Ayokong makita niyang nasasaktan ako.

"Wala akong pinili sa inyong dalawa", pagkasabi niya ay pumasok na siyang muli sa loob ng kanyang bahay. Hindi ko na inatim pang tignan muli iyon pabalik.

I am always a second choice. Yeah. Sanay na ko dun. I'm hurt. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi patas ang magmahal.