webnovel

CHAPTER 5 | Changing Fate

"Bakit nakalukot ang mukha mo?" Puna ni Syven kay Ellis.

 

"Ang sabi mo ipagdra-drive mo ako." matalim ang tingin ni Ellis sa driver na nagmamaneho sa kanila.

 

"Ang sabi ko susunduin kita."

 

"Pero mas romantic kung ikaw magdra-drive para sa'kin." 

 

"Sa susunod, bakit hindi ka nalang magpasundo sa pinsan mo? Pareho lang naman kayo ng pinapasukan."

 

Nagtataka ang tinging inukol ni Ellis kay Syven. "Ang tagal niyo ng hindi nag-uusap at ngayon mo lang siya muling nabanggit sa'kin. Natatandaan ko noon na lagi kang bumibisita kila Tita pero isang araw bigla ka nalang hindi nagpakita. Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nawala ka ng parang bula. Kapag tinatanong kita sa kanya, hindi siya kumikibo. At ikaw? Sinimulan mo rin akong iwasan. Kung ano man ang nangyari sa inyo, bakit kailangan mo akong idamay?" 

 

Ibinaling ni Syven ang tingin sa labas ng sasakyan. "Kaya ba nilagyan mo ng gamot ang inumin ko?" marahil ito ang dahilan kung bakit hindi na siya nabigla sa ginawa ng kapatid niya. Nasanay na siyang mapalibutan ng mga taong tulad nito. 

 

"Kung hindi ko gagawin 'yon may ibang gagawa nito sa lugar ko. Alam mo ba kung ilang babae ang pinaasa mo?"

 

Lumalim ang tingin ni Syven ng tawirin niya ang espasyo nila ni Ellis. Lumubog ang daliri niya sa malambot na buhok nito pababa sa makinis nitong batok. "Not even a shred of remorse, just pointing fingers at me?" Inangat ng daliri ni Syven ang mukha ni Ellis sa kanya. Mararamdaman ang pag-init ng hangin sa loob ng sasakyan. Nanatiling diretso ang tingin ng driver sa daan. 

 

"You're the one who said it, right? If you want something, just be straight-up about it and handle it." Gumapang ang kamay ni Ellis sa dibdib ni Syven. 

 

"Alright, lay it on me. What do you want?" dahan-dahang bumaba ang mukha ni Syven habang parehong umiinit ang kanilang paghinga. Subalit nanatili siya at hindi lumalapag ang labi niya dito.

 

Hindi na mahintay ni Ellis ang paglapat ng labi nito. Siya na ang humila sa batok ni Syven at dumagan sa katawan nito. "You know exactly what I want."

 

Tinanggap ni Syven ang mapangahas na halik ni Ellis habang abala ang kamay niyang lumilibot sa katawan nito... 

 

Inayos ni Syven ang nakusot na shirt niya ng bumaba sila ng sasakyan. Namumula naman ang mukha ni Ellis na nakasunod sa likod niya.

 

"Let's catch up later."

 

"Hmm..."

 

"What's with the hesitation? You losing your edge?"

 

"Fine. Okay na sa'kin kahit hindi na ikaw ang mag-drive." Kumapit ang isang kamay ni Ellis sa balikat ni Syven upang pahirin ng daliri niya ang manipis na lipstick na kumapit sa gilid ng labi nito.

 

Nakakuha ng atensiyon ang pagbaba ng dalawa mula sa iisang sasakyan. Ang iba ay palihim silang kinuhanan ng litrato na nagsimulang kumalat sa anonymous forum ng school.

 

OH MY GOSH?! - Chatter

 

Big_Mouth: "Yo, peeps! Check it out—apparently, the bad-boy prince and the fierce princess are totally a thing now!"

 

Gossip_Queen: "Ugh!!! Bakit ang hubby ko?!"

 

As_In: "As if you can handle him. Only the she-devil Ellis can tame a demon like him."

 

Two_Face: "Why did he have to come back? It feels like everyone's on edge whenever he's around."

 

Smart_Ass: "School's been dull since he left."

 

Nag-ingay ang phone ng mga estudyanteng nakatanggap ng notification na kasama sa forum. Ang iba ay nag-taas ng kilay at ang ilan naman ay naglabas ng kanilang opinyon. Si Syven Claw ay isa sa Top Seven Hottest Guy ng kanilang school. Kung ang iba ay nalalapitan na parang bubuyog, ito naman ay iniiwasan dahil sa unpredictable temper nito. Madalas ay katulad ito ng kalmadong dagat na napakahinahon ngunit sa sandaling dumating ang unos, mas mapanganib pa ito sa nagwawalang alon. 

 

Umangat ang tingin ng mga estudyante mula sa kanilang phone ng bumukas ang pinto ng classroom. Nagbawi agad sila ng tingin ng makita nila kung sino ang pumasok. Ang ilan ay palihim na lumingon sa likod nila upang silipin ito. 

 

"Kababalik mo lang pero heto, ikaw nanaman ang laman ng forum. Akala ko ba hindi ka interesado sa kanya?" salubong ni Chase kay Syven ng maupo ito sa likod niya. 

 

"She's a tigress. I'd be a fool to mess with her."

 

"Ngayon mo lang narealize? Ilang taon ka niyang hinabol. Mag-ingat ka na hindi ka niya lamunin ng buhay."

 

"She made sure of that." Nagsimula ang uhaw ni Syven sa amoy ng babae ng 17th Birthday niya. Binigyan siya ng babae ng pinsan niya bilang regalo. Nadiskubre niya ang pamilyar na halimuyak sa katawan ng babae. Simula noon ay hinahanap-hanap na niya ang pabangong iyon. 

 

Bahagyang umatras si Chase at bumulong kay Syven. "Nagyayaya si Reid, pinahiram niya ang private resort niya para sa bagong event." tukoy ni Chase sa kinahihiligan nilang laro ng mga kaibigan. 

 

Napukaw nito ang interes ni Syven. Mukhang mababawi na niya ang lahat ng perang pinusta niya. At babalik ito ng sampung beses o higit pa. 

 

Bumalik si Chase sa upuan nito ng dumating ang lecturer. Nagsimula muli ang huling taon ni Syven sa senior high. Habang nakikinig siya ay muli niyang inalala ang mga nakasama at naging kaibigan niya ng panahong ito. Si Chase ang malapit sa kanya dahil bukod sa kaibigan ay mas lagi silang nagsasama dahil nasa iisang class sila. 

 

Habang si Reid, Kosh at Finn ay nakakasama niya sa tuwing may lakad ang tropa. Hindi na nakita ni Syven ang mga ito pagkagraduate dahil may kanya-kanya na silang pinagkaabalahan. 

 

Nabalitaan niya nalang sa mga naging classmate niya na ang isa sa kanila ay pinatapon sa abroad ng pamilya nito dahil bumagsak ang hinawakan nitong kumpanya, ang isa ay nasangkot sa gambling syndicate na pinaghihinalaang ito ang nagpapatakbo. Naging isang sikat na politician ang isa na laging nadadawit sa malalaking scandal, at ang isa naman ay naging battered husband ng makasal ito sa anak ng Police General. Kumpara sa mga ito mas maganda ang naging buhay niya, namatay lang siya ng maaga. 

 

Huminga ng malalim si Syven. He's stuck with a bunch of losers.