webnovel

Risk - 1

Risk

"Doc? Kamusta po yung lagay ni mama?" tanong ko habang nakatingin sa ngayo'y mahimbing na pagkakatulog ng aking ina.

She was doing her work at the market nang bigla siyang inatake ng sakit niya.

"Hija, maayos na ang kalagayan ng mama mo sa ngayon. Pero... kailangan niya nang agarang operasyon upang hindi na maulit ang nangyari ngayon."

Biglang nagpantig ang aking tainga sa narinig galing sa doctor. Wala sa isip na nakagat ang pang ibabang labi.

"M-Magkano naman po ang kailangan para diyan, doc?" Nauutal kong tanong habang nakatitig sa resetang binigay ng doctor sa amin noon.

Umuwi na kami ng nanay ko ng hapon ding iyon. Napabuntong hininga ako nang makitang may limang daan na lamang ako sa aking pitaka at kailangan ko pang bumili ng pagkain para sa hapunan.

Mahirap lamang kami. Tanging si mama na lamang ang nagtatrabaho dahil wala akong tatay. Isa siyang foreigner na may lahing British. Iniwan niya si mama ko ng malaman niyang nabuntis niya iyon. Kaya hindi na kataka-taka na berde ang kulay ng aking mga mata. Halatang may lahi akong briton dahil sa katangkaran at kutis ko.

Kakarampot lang din ang kinikita niya sa palengke kaya nagpapasalamat ako at naging iskolar ako ng local government namin. Malaking tulong din iyon sa pagtatapos ko ng kolehiyo. Labing-siyam na taong gulang na ako at 3rd year college na.

"Angela? Kamusta na si mama mo?"

tanong ng aking pinsan na si Diane.

25 years old na siya ngunit hindi halata dahil narin sa maamo at tila bata pang hitsura nito. Dancer siya sa isang kilalang club dito sa aming lugar.

"Nandoon sa bahay nagpapahinga. Sabi ng doctor maayos naman daw siya pero.."

Huminga na naman ako ng malalim ng maisip na naman ang malaking suliranin ko.

"Pero ano?"

"Kailangan daw ng agarang operasyon."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng ma-alala kung magkano ang halaga ng operasyon. Saan kaya ako makakakuha ng ganoon kalaking halaga?

"Ano?! 450,000?" pasigaw na sambit ng aking pinsan sa harap ko.

Tumango na lamang ako at uminom ng juice na inihanda niya kanina. Bigla siyang natahimik at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Alam mo Ange, gusto kitang tulungan eh pero madalang yung mga cliente ko sa bar ngayon. Ayaw na ata nila sa 25 years old gusto na yung fresh." sambit nito at tila ba may malalim na iniisip.

"Gusto mo quick money? Sama ka sakin mamaya, Alas diyes ha."

Naguguluhang itinaas ko ang aking kilay sa kaniya.

"O-Oy, ayaw kong magdancer diyan sa club mo, Diane!" biglaang sabat ko dahil tila alam ko na ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Natatawa siyang tumango at bahagyang pinalo ang braso ko.

"Waitress lang, gaga ka! Di ka papasang dancer dun, You're not on my level! Pero kapag naman naging dancer ka kahit di ganun kaganda eh papatok kasi bata ka pa." Pabiro niyang sambit tsaka nilagyan ng liptint ang kaniyang labi.

Mag a-alas diyes na nang magpaalam ako sa aking ina na aalis ako. Hindi pa siya nakasagot ay agad na akong tumulak patungo sa bahay ni Diane.

"Oh Angela! Andito ka na, lika dito bilis!" Natatarantang pinaupo ako ni Diane sa harap ng make-up table niya.

Agad-agad niyang nilagyan ng kolorete ang akinc mukha ngunit pinigilan ko siya

"Teka, Diane. Hindi ko na kailangan ng make-up. Waitress--"

"Kahit na ano! Need nating maging presentable. Pupunta ka dun ng maputla ha? Naku kukurutin ko yang singit ko eh."

Wala na akong nagawa kaya pinabayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa bar na pinapasukan niya.

"Bakit wala pa masyadong tao?"

Tanong ko kay Diane dahil napansin kong kakaunti pa lamang ang mga umiinom at sumasayaw sa gitna.

Malaki nga talaga ang bar na ito. Siguro dahil narin marami ang pumupunta, karamihan ay yung mga ubod ng yaman dito sa syudad. Kakaunti pa lamang ang mga umiinom ngunit may mga tumatawag na kay Diane. Inayawan niya ang mga ito.

"Sorry boys, di pa start ng shift ko."

sambit niya at nilingon ako para sagutin ang tanong ko kanina.

"Mamaya pa kasi yung peak ng bar." Relaxed na sambit niya.

"Diane, pakilala mo naman kami diyan sa kasama mo." sambit ng lalaking nakasuot ng plain black v-neck shirt at ripped jeanshabang nilalapatan ako ng mahahalay na titig.

"Naku, Marco! Stop hitting on my cousin. Ayokong magka aids yan! che!" maarteng sambit naman ng pinsan ko bago kamo tumulak patungo sa isang silid.

"Oh, Diane? Ito ba yung sinasabi mo?" Biglaang sambit ng bakla ng pumasok kami. He landed his judgemental gaze on me and raised his brows.

"Pwede na. She got some curves and a boob."

"Ah oo. T-teka Angela ha, mag aayos lang ako. Si Dante na ang bahala sayo."

May sinabi siya sa bakla bago siya umalis. Tinignan muli ako mula ulo hanggang paa ng bakla. Agad-agad siyang pumunta sa isang cabinet at hinagisan ako ng damit.

"So, Angela. Ito yung susuotin mo. Pasok ka dun sa dressing room." Masungit na sambit niya sa akin.

Naguguluhan kong tinignan ang damit tsaka ko sinilayan ang ngayo'y parang nagpapanic ng si Dante. Ang damit na hawak ko ay katulad sa suot ng mga dancer.

"A-Ah hindi po ako dancer. Waitress po ang--"

"Bilis na, malapit ng magsimula yung show."

Tinulak niya ako papasok ng dressing room at wala akong nagawa kaya sinunod ko na lamang siya. Wala naman sigurong masama kung sasayaw ako.

Sayaw lang naman iyon at hindi naman illegal. Hindi naman ako magbebenta ng laman. Ngunit kapag dumating ba sa punto na aalukin akong ibenta ang sarili... papayag ba ako? Umiling na lamang ako sa mga sinabi kong kataga. Tumulak na ako at sinunod ang utos niya.

Bago ako lumabas sa dressing room ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Napaka-iksi talaga ng suot ko at halos lumuwa na ang dibdib ko sa suot.

Hindi ako sanay magsuot ng maiiksing damit lalong lalo na ito kaya awkward akong nakatayo ngayon.

Pilit kong hinihila pababa ang shorts na ito dahil nagmistula ng panty dahil sa iksi.

Ang kulay berde kong mata ay naging mas nakaka attract tignan dahil sa klase ng make-up na ginawa ni Diane sa akin. Ang buhok ko ay malinis na nakapuyod sa likod.

"Angela! Lumabas ka na diyan at magsisimula na!"

Ipinagpila kami sa likod ng stage habang naririnig ko ang hiyawan at malakas na tunog ng musika. Lumapit si Dante sa amin at binigyan kami ng mga numero at idinikit iyon sa aming beywang. Naguluhan ako ngunit hindi na nag-abala pang magtanong dahil mukhang mainit ang ulo ng bakla.

Sa bandang ito ay nasisilip ko kung anong nangyayari sa entablado. Doon ko napagtanto na hindi ko magugustuhan ang gagawin ko mamaya.

Maihahalintulad mo sa isang beauty pageant ngunit hindi patalinuhan ang nangyayari, katawan ang ipinupuhunan dito.

Ang inakala kong sayaw lang ay may kasama palang paghuhubad at pagpapahawak sa mga tao sa baba ng stage. Kitang-kita ko kung paano gumiling at umindayog ang pinsan ko sa entablado.

Habang sumasayaw ang mga babae sa stage ay panay naman ang paghagis at pagbato ng pera sa stage ng mga costumer. Agad naman itong pinupulot ng mga babae.

"M-Mabilis nga ang pera.." bulong ko sa sarili ko pero tila narinig iyon ng katabi ko. Nagsisimula ng manginig ang aking tuhod dahil alintana na ng aking kamalayan na malapit na kaming sumampa sa itaas

"Mas may mabilis pa diyan." sambit niya habang nginunguya ang gum sa kaniyang bibig.

"Ano?"

"See those men upstairs?" sambit niya sabay turo sa may second floor. Sa VIP AREA.

"They choose someone to be there lady of the night. If may magkakapareho naman ng gusto... they do bidding."

"H-Ha?"

"They bid and the one who bids the highest amount will get the girl."

"M-Magkano naman yung ganun?" tanong ko ngunit hindi na niya nasagot dahil ipinapaakyat na kami sa stage.

Nanginginig akong umakyat. Agad nasilaw ang aking mga mata sa ilaw na mayroong iba-ibang kulay. Agad na naghiyawan ang mga manunuod ng magsimula ng tumugtog ang malaswang musika.

Ang mga kasama ko sa entablado ay nagsimula ng sumayaw. Tila ba sanay na sanay na silang umindayog sa harap ng nakararami. Walang bakas ng hiya ang meron sa kanilang mga mukha. Halatang determinadong mang akit ng lalaki upang magkaroon ng pera.

Nanatili akong naestatuwa sa kinatatayuan ko. Naririnig ko ang bawat salitang mahahalay na sinasabi ng mga lalaking tuwang-tuwa habang kami ay pinagmamasdan. Kitang-kita ko rin kung paano inaabot ng mga lalaking ito ang mga babaeng nasa entablado upang makahawak at upang makontento.

Naaninag ko si Dante sa gilid ng stage at sinenyasan akong gayahin ang mga ginagawa ng mga kasama ko. Rinig ko kung paano lumakas at dumagundong ang bar ng magsimula na akong sumayaw.

"Wooooo shet!"

Kembot sa bewang sabay ng paghaplos ng aking mga kamay sa aking balat.

Ipinagpatuloy ko ito kasabay ng pasimpleng pagpulot ng pera sa sahig ng entablado. Wala sa sarili kong nakagat ang aking pang-ibabang labi. Ito'y nakasanayan ko na kapag kinakabahan ako ngunit ngayon tila hindi alintana ng nakararami ang aking kaba.

Mas lalo silang humiyaw ng makita akong nakakagat labi.

Habang sumasayaw ay iginiya ko ang aking paningin sa paligid ng bar at doon ko na naaninag ng mas klaro ang private area para sa mga VIP. May mga nagtataas ng numero at doon din may mga dancer na nag-ientertajn sa kanila.

Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang nangyayari sa itaas. Naaninag ko rin ang mga lalaking ngayon ay nakikipaghalikan na sa mga babaeng kanilang pinili ngayong gabi. Mas lalong nag harumintado ang aking dibdib.

Kung ito ang paraan upang ma operahan at gumaling ang aking ina, I will take this route even if it is dangerous.

I also saw that boy named Marco upstairs. He was staring at me the whole time. Lusting over my body. Why am I here? Right, I need money.

I, again, looked upstairs. Iginiya ko ang paningin sa banda kung saan wala si Marco.

Biglang nanuyo ang aking labi ng mahagip ng aking mata ang isang lalaking nakatingin sa akin. Unlike Marco, he gives off danger in hid aura. I don't feel offended with the way he stare. I just feel...intimidated.

Tila ba akoy hinihigop ng kaniyang tingin kaya hindi ko mailihis ang paningin sa kaniya.

Ang mata niyang kasing itim ng kalangitan sa gabi ay nakatitig sa akin ngayon.Ang mata niya'y nagbibigay tensyon sa aking katawan at wala sa sariling mas umindayog pa. Ang matangos niyang ilong at mapupulang labi ay para bang sa isang diyos na kapag ika'y nahalikan magmimistula kang mortal. Naka igting ang kaniyang panga habang hawak hawak ang isang baso ng alak sa kaliwang kamay.

Walang ekspresyon siyang nanunuod. He's aura was just different and intimidating.

Ililihis ko na sana ang aking paningin nang makitang dahan dahan siyang nagtaas ng numero gamit ang kaniyang kanang kamay. Bigla akong nanlamig at napahinto sa pagsayaw.

But then my eyes caught the number that Marco raised. It was the same number with the guy I was staring at. sht.

I saw Dante approached the VIP area and I think they started bidding. My dancing became awkward. Ikaw ba naman sumayaw habang nakikita mong pinag a-agawan ka ng ikama ng dalawang lalaki?

After some time, Dante went down. He approached the side of the stage and motioned that our batch was done with the dancing.

Ang ibang babae ay dumiretso na sa likod. I intentionally made my steps quick but Dante held my wrist.

"Angela, punta ka sa VIP someone chose you to be his lady tonight."