❝ DADDY WOO ❞
❚ : DAEHWILY
( 🦋 )
May magandang buhay at matinong trabaho naman ako, may sariling bahay at kotse, hindi naman ako kinulang sa pagmamahal at pag-aaruga mula sa mga magulang ko, kaso parang may kulang...
Gusto ko ng sariling pamilya.
kaso paano? Wala nga akong boyfriend at never pa akong nagkaboyfri-
❝ m-mommyyy ❞ bigla akong napatalon sa gulat nang may biglang yumakap sa likod ko.
Shems sino ba 'to?
Agad akong lumingon at tumambad sa akin ang isang batang lalaki na nasa around 5 years old at iyak nang iyak habang yakap yakap ang beywang ko.
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko at umupo para mapantayan ang height niya.
❝ anong pangalan mo? Bakit ka naiyak? ❞ tanong ko habang pinupunasan yung mga luha niya. Hindi niya ako sinagot, ngunit bahagya siyang tumigil sa pag-iyak at tinitigan ako, nginitian ko siya.
❝ nawawala ka siguro 'no? ❞ Agad kong kinuha yung panyo ko sa bag ko at ipinunas ito sa mga luha niya.
❝ tara ibabalik na kita sa mommy mo- ❞
❝ no! ❞
ay taray English spoker, mukang mapapalaban ako nito.
❝ bakit naman? ayaw mo bang makita ang mommy mo?❞ tanong ko ulit, bakas na bakas ang lungkot sa mga mata niya.
❝ b-but you're my mommy. ❞ agad namang nanglaki ang mga mata ko.
Ako? Mama niya? eh mukang ang ganda ng lahi ng batang lalaking 'to, kumpara mo sa akin na mukang patatas na naglalakad lang.
❝ o sige ganto nalang, tutal alas once na rin naman ng hating gabi, bukas na natin hanapinn ang mommy mo. But for now, dun ka muna matutulog sa condo ko. Okay ba yun sayo? ❞ hindi siya sumagot pero tumango nalang siya bilang pag-sangayon.
Pumunta kami sa parking lot nitong kumpanyang pinagtratrabahuhan ko at isinakay ko siya sa kotse.
nako, di kaya ako mapagkamalang nangunguha ng bata?
Isinuot ko ang seatbelt niya na kahit anong sikip ko ay maluwag parin kase nga bata pa siya at maliit ang katawan. Pagkatapos nuon ay binuksan ko na ang makina ng sasakyan at sinimulang mag-maneho.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang siya, nakatulala sa bintana upang tignan ang labas, na tila ba ang lalim ng iniisip.
Siguro may masakit na hugot din 'tong batang 'to. Kase para sa akin ang pinaka masakit na hugot ay yung pag-nahugot yung index card mo sa klase tapos ikaw na sunod na mag-rerecite.
Siya kaya, anong hugot niya?
❝ ano palang pangalan mo?❞
❝ Wooshin po ❞ finally, nag-salita rin. Pero ano?! Wooshin?! parang pamilyar!
❝ Nice to meet you Wooshin. By the way, anak kaba ni Wooseok? Ahahaha! ❞ pagbibiro ko, agad naman siyang umiling at sumagot.
❝ hindi po, anak po ako ni Seungwoo ❞ sagot niya. Ano raw? Di ko narinig yung minention niyang name.
'seung' ano raw? 'seungyoun'? yung baliw diyan sa kabilang kanto? Grabe yung baliw na seungyoun na yun, minsan nanghahabol ng itak.
napa-"ahh" nalang ako kahit di ko talaga narinig yung sinabi niyang name.
❝ Wooshin? ❞ tawag ko.
❝ po? ❞ respond niya, ang kyut talaga ng mga batang gumagamit ng "po" at "opo". luvluvluv
❝ kumain kanaba? ❞ tanong ko pa, kase baka mamaya di pa pala siya nakain, nakakaawa naman.
❝ as a friend po ba yan? ❞ ay iba rin. Iba na talaga kabataan ngayon. Kung kaedaran ko lang tong si Baby Wooshin tapos ganito rin ka-pogi aba! papatusin ko 'to!
❝ hindi, as a gurdian lang. ❞ sagot ko at agad naman siyang ngumiti.
lah.
lah.
lah.
lah bunge.
❝ hindi pa po eh ❞
❝ drive thru muna tayo sa McDo, gusto mo? ❞
❝ sige po. ❞
( 🦋 )
PAGKATAPOS naming mag-drive thru sa McDo ay dumiretso na kami sa Condo ko. Kumain muna kami saglit at pinagtimpla siya ng gatas. Pagkatapos ay nag-warm bath muna siya at pinalitan ko siya ng damit. Buti nalang may mga damit dito ang pamangkin kong si Daevid na halos kasing kaedaran niya lang din kaya kasya ang mga ito sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit ang gaan agad ng loob ko dito sa batang 'to. He keeps reminding me of someone.
❝ ikaw po? Ano pong name niyo? ❞ bigla akong nabalik sa katotohanang di na niya ako mahal-
❝ Claire Anne Lee. Ikaw? Wooshin lang ba talaga name mo? ❞
❝ Wooshin Han po, salamat po pala sa pagpapatuloy sa akin dito. ❞ pagpapasalamat niya at niyakap ako.
aww ang cute cute cute niyaaaa
❝ hayaan mo, bukas na bukas hahanapin natin ang mommy mo ❞
❝ po? Pero kayo nga po ang mommy ko...❞
May sapak ba 'tong batang ito?
091419 | DADDY WOO
Romance - Comedy
© DAEHWILY