webnovel

Curse Of Arcana

On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high-schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana's great powers after she made her wish by breaching in an ancient contract that has been sealed for long in an old painting, all just suddenly fall worst like a curse. Kasabay ng pagkakatanggal ng seal ay ang instant namang pagdating ng four of the most drop-dead gorgeous, if not completely notorious, boys mula sa school niya--and the envy of girls everywhere pa--bilang kanyang mga 'Sentries', who oath na proprotekta sa kanya mula kay Arcanus at sa sumpang patuloy na dumadaloy sa kanilang angkan at 'yon ay ang fated death. Ngunit, kayanin pa kaya niyang masakatuparan ang nakatakdang misyon ng bawat Arcana Princess kung mismong PUSO na ang maging matindi niyang kalaban?

Amedrianne · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Curse Five: Dark Nightmares

CURSE FIVE:

DARK NIGHTMARES

"Anise....?"

Ang tila pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Anise...?"

Ayon ulit.

"Anise...?"

And for the third time ay narinig ko ulit ang pangalan ko. It's quite strange since pamilyar ang tinig nito sa akin.

"Aking anak...Anise...tatanggapin mo ba ako?"

Ang patuloy pading sinasabi no'ng tinig, "Teka, sino po ba kayo? pwede po ba kayong magpakita sa'kin?"

"handa ka ba?"

...nakahanda ka na ba?

...para sa iyong tadhana?

...handa ka ba?

...Anise?

...Anise?

Para itong sirang plaka na umuulit-ulit ngunit hindi ko parin malaman kung saan o kung kanino ito nagmumula. Hindi ko maipaliwanag kung nasaan ako pero sure thing, ang creepy dito.

Suddenly narinig ko at naaninag sa may kanan na may humahangos na babae. Isang babaeng may dala-dalang umiiyak na bata.

Kumakatok ito sa mga bahay-bahay ngunit halos walang nagbubukas para sa kanya hanggang sa may na isang bukod-tanging kubo-kubo sa di kalayuan ang bukas palad na nagbukas ng pinto at tinanggap siya sa loob.

Umiiyak ang babae habang nagkwekwento, "Nagmamakaawa ako sa inyo, kailangan ko maprotektahan ang sanggol na ito. Handa ko kayong gantimpalaan ng kahit anong hilingin mo tulungan niyo lang ako." Paulit-ulit nitong makaawa sa kanila.

Ang lalaking kausap noong babae ay halos di makapagsalita sa pakiusap ng babae.

"Bata?" Biglang sagot ng isang batang lalaking lumabas mula sa isang silid na tila nagising sa usapan nila. Lumapit ito sa batang babaeng hawak ng babae na tila ba isang magnet na kinuha niya ito sa bisig no'ng ale. "Ama, dumating na siya." Ang sabi nito na nagbigay ng malaking misteryo sa lalaking tinawag niyang Ama.

"Ha? Ano ba pinagsasabi mo anak? Sinong dumating?" tanong ng kanyang Ama.

Lumingon ang kanyang anak na tila may ibang aura eto habang nagsasalita, "Ang Babaeng nakatadhana. Ang babaeng dapat kong pag-alayan ng buhay ko." Sabi nito.

Medyo naasiwa ako sa kacheezihan ng batang ito, kung sinaunang panahon ito aba clap-clap marunong na silang bumanat noon palang.

Hanggang ngayon hindi ko padin mawari bakit at papanong naririto ako sa lugar na ito until sa maisip kong di kaya nanaginip lamang ako?

Nang magdalaga 'yong babaeng sanggol ay may apat na binatilyong katulad ni Saichi, Carlisle, Axel at Sky kung umasta sa paligid niya pero kumpara naman sa mga binatilyong ito ay mas mabuti pa ito dahil hindi gaanong kaaggresibo na tulad ng mga lalaking nakapaligid sa'kin.

Naguguluhan na ako. Ano ba naman itong panaginip ko? Panaginip pa ba ito? Saan ba ito napulot ng sub cranium ko?

And then napansin ko 'yong balikat no'ng isang binatilyo na meron din ang ibang mga binatilyo. Meron silang pare-parehong keloid ata o birthmark sa may balikat, nagkataon lang kaya ito o sinadya?

Nilalapitan ko ito since from the earlier part ay para rin lang akong hangin na hindi nila napapansin. Ngunit bago ko pa makita ang tila mala-diamond shape na birthmark sa balikat nila ay tinitigan ako ng isa sakanila sabay sabing, "Arcana?" sabi lang nito na nagpagulat sa'kin dahilan ng pagkakatumba ko at parang isang mahika na tila nahuhulog ako sa isang malalim na balon.

Nagsisisigaw ako at malaman-laman ko na nahulog na pala ako sa kutson.

Nababangungot pala ako. tama nga ang hinala kong nananaginip ako, mali, nababangungot nga pala.

*****

Sumasakit pa ang ulo ko sa pagkakahulog sa kama kanina dahil sa napakaweird na panaginip ko.

Halos ayaw ko pumasok ngayon sa school kaso kinakailangan kasi may recitation ngayon.

Hindi naman ako honor student pero kahit papano ayaw ko namang bumaba ang grado ko kaya kahit na naghihirap ay kailangan ko pading magparticipate para dito.

Matapos ang klase namin na thankfully na-manage kong malagpasa'y agad nakong dumako sa canteen para makatingin ng makakain kaso kung minamalas nga naman ay naubos ko na pala 'yong savings ko. Wala na akong kapera-pera.

Umalis nalang ako at naghanap ng lugar na mapagbabalingan ko ng attention ko bukod sa pagkain.

Pagdaan ko sa may hallway ay may nasinghot akong amoy ng tila masarap na makakain. Hindi ako pamilyar sa kung anong pagkain ito pero ang sigurado ko lamang ay na-magnet nito ang ilong ko at dire-diretso ako sa paghahanap ng pinanggagalingan ng amoy na ito hanggang sa marating ko ang Student Council Office na walang katao-tao.

Bumulagta sa akin ang nakalatag sa may mesang napakalaking size ng egg pie na paborito ko tapos may juice shake na nakabote, tapos mga chocolate sticks, at kung ano-ano pang sweets.

Ayos na sana, para ng paraiso ng pagkain kaso bigla akong napapunas sa paglalaway ng makita ang kinalalagyan ko. Naku po! Lagot ako kapag nahuli ako ni Carlisle dito.

Ngunit paglingon ko para lumabas ay nakaharap ko si Carlisle na papasok sa loob.

Nakakahiya! Nakita kaya niya akong tumutulo laway ko literally habang nakahawak ako at pinapakalma ang roaring tummy kong naguudyok sa'king sunggaban lahat ng pagkaing nakikita ng mata ko.

Masaklap man ay ipinilit ko at tiniis na humakbang papalayo ngunit seconds bago ako tuluyang makahakbang ay bigla niya akong hinawakan sa braso para pigilan, "Anise, come, sabayan mo akong kumain." Aya nito.

Bigla akong napalingon na parang tigreng tinawag ng nang-aasar na prey.

"Hinanda ko lahat 'to para sayo." sabi niya sabay turo sa lahat ng pagkain.

Naglalaway na talaga ako. Pride, magtago ka muna at gutom na gutom na ako.

Pinaupo ako ni Carlisle at nagsimulang kumain. Ang sarap ng mga pagkain, sobrang heavenly ang feeling. I know I'm being exaggerated but to tell you the truth kapag gutom na gutom ka na talaga, kahit pa plain rice will definitely taste better than fried chicken, may malasahan lang na edible ang dila mo.

"Kung ako pipiliin mo, hinding-hindi kita pababayaan." Bigla nitong sinabi habang nakapalumbabang tinititigan ako mula pa noong unang subo ko.

Akala ko mabibilaokan ako sa sinabi ni Carlisle, mabuti nalang I was able to manage swallowing that lump of egg pie sa throat ko.

"Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko sayo kahapon. I'm serious about it at panigurado ganoon din 'yong tatlo. You know how competitive I am kaya I swear I wont lose from any of them." Ang sabi niya na nagpahinto sa'kin sa paglamon.

Bigla nalang akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Pwede ba?! Ayaw ko na ulit marinig pa ang tungkol sa coupling na 'yan please lang." Sabi ko sabay akmang walk out if not sa sinabi ni Carlisle.

"I told you, you're Arcana's heiress, the Arcana Princess. It's in your blood Anise. Hinding-hindi mo 'yon matatakasan. The moment na nasira mo 'yong seal, ikaw na nga ang Arcana princess na 'yon."

Muli kong nilingon si Carlisle, "Pinagsisisihan ko ang nagawa kong 'yon talaga." Bulong ko.

"Pardon?" bigla niyang tanong.

Napaisip ako at biglang bumalik sa akin 'yong nightmare ko kagabi which ended sa birthmark no'ng apat na binatilyo.

"Wait a second, matanong ko nga, meron ka bang birthmark na kakaiba ang shape?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Ah...ee..." bigla akong nablock pero mabuti nalang nakita ko 'yong tabloid sa may gilid ng steel cabinet ng opisina, "...sa horoscope ko kasi. Sabi 'yong taong may kakaibang birthmark daw ang mabibigay sa'kin ng kasiyahan today." Rason ko thanks sa horoscope section ng newspaper.

Kahit pa tila nag-aalinlangan ang itsura ni Carlisle ay agad itong sumagot, "Ako ata ang tinutukoy ng horoscope mo?" sabi nito and without farther a do ay tinanggal ni Carlisle ang isang button sa upper part ng polo niya as he showed me a diamond-like shape birthmark sa may balikat niya na katulad noong ganoon sa mga binatilyo sa panaginip ko.

Mano-nosebleed ata ako. balikat palang ni Carlisle pakiramdam ko mahihimatay nako. Napakasexy kasi nito. This is the first time I saw it at exclusively lang for my eyes only.

Bigla namang tinakpan ni Carlisle ang mga mata ko sabay sabing, "Enough already Anise. Malulusaw ako." Ang kampanteng pang-asar sa'kin ni Carlisle.

"Naglaklak ka ba ng confidence at mukhang may hangover pa oh..." sagot ko sabay tanggal sa kamay niya sa mata ko.

Napatawa si Carlisle sa sinabi ko. "Sorry." Biglang sabi nito ngunit binaliwala ko nalamang ito at umalis.

Bigla naman akong nasurpresa sa pagbulagta sa'kin ni Saichi paglampas ko sa home economics room na may dalang crème brulee na inooffer sa'kin.

"Muntikan na akong inatake sa puso, bigla-bigla ka namang sumusulpot." Sabi ko kaagad pagkakalma ng dibdib ko.

"Tikman mo ito Anise." Ang sagot naman ni Saichi na nagsusubo na sa'kin ng isang kutsara no'ng crème brulee.

Temptation nanaman itong ginagawa ni Saichi at talagang sa hallway pa. Tiniis ko na lamang ang amoy ng masarap na pagkain na 'yon and went straight-forward kay Saichi since nandito narin lamang siya.

I refuse to bite and instead ay nagsalita ako, "Pwede ka bang sumama sa'kin? May tatanongin sana ko sayo?" sabi ko.

"Ano 'yon?"

"It's something personal I hope may ibang lugar tayong pwedeng puntahan sandali?"

Parang isang butler na yumuko si Saichi na nagsalita, "As you wish." Ang sabi nito.

Pinagtitinginan na kami ng mga ibang studyante tuloy dahil sa ginagawa niya kaya naman agad ko na siyang hinila at inilayo papunta sa isang bakanteng classroom a few meters away sa H.E. room.

"Don't you think masyado tayong nagmamadali?" biglang tanong ni Saichi.

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya, "Nagmamadali saan? Teka, ano ba sa tingin mo ang gagawin natin?" tanong ko din tuloy.

Lumapit si Saichi at bumulong, "The coupling?"

"Nyaaa!" Ang muntikan ko ng pasigaw na reaction, bakit pati siya ito nadin ang iniisip?

Ang babata pa namin para mag-isip ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak at an early stage maski ang makipag-couple na yan.

Biglang napatawa si Saichi, "I'm sorry. Hindi ba iyon pag-uusapan natin? Sorry, na-excite ata ako masyado." paumanhin nitong bigla na pakamot-kamot pa ng patilya niya..

Nakakapika na talaga itong pangtritrip na ginagawa nila sa'kin, nakakaloka, akala ko hanggang sa pagpapacheezcurls na mabubulaklak na salita lang trip nila pero heto bakit parang unti-unti ko ng napapansin na parang may katotohanan ang mga ilan sa sinasabi nila?

Somehow kasi para talagang may connection ang sinasabi nila. Lalo na 'yong panaginip ko kagabi. I wonder of all dreams eh 'yon ang napaginipan ko which suddenly reminded me of the birthmark.

"Ah...Saichi, by any chance, meron ka bang birthmark na may kakaibang shape?"

Napakunot ang noo ni Saichi sa tanong ko. "Bakit?" tanong niyang bigla.

At gaya ng rason ko kanina kay Carlisle ay ginamit ko muli ito kay Saichi, "Eee...'yong horoscope ko kasi sabi 'yon daw taong may kakaibang birthmark ang taong magpapasaya sa'kin." Kuro-kuro kong imbento ulit.

Napangiti si Saichi sa sinabi ko, "Talaga? Why didn't you say so?" Sabi niya sabay tanggal ng polo at pakita ng birthmark niyang nasa may shoulders din na katulad ni Carlisle.

Isa lang napansin ko sa mga birthmark nila, parang tipong sinadya ang pagkakaroon nila ng ganito? Tipong parang iniukit dahil sa pagkakakeloid nito.

"Pareho din." Bulong ko.

"Huh?" laking pagtataka ni Saichi.

And then aalis na sana ako ng pinigilan niya ako, "Teka saan ka pupunta Anise? Hindi mo pa kinain niluto ko ah?!" paalala nito.

"Pwede bang ibalot mo nalang kasi may klase pa ako eh." Palusot ko at tinutuhanan naman ni Saichi ito. Nilagay niya sa isang pulang kahon na usualling boxing ng mga valentine cakes.

"Accept my heart!" Sabi nito pagkaabot ng box sa'kin habang pinagtitinginan na kami ng ibang studyante lalo na ng mga babaeng ang sasakit kung makatitig sa'kin.

Tinanggap ko lang ito at tsaka na umalis.

Kaso bago ako makarating sa class room namin para sa susunod kong klase ay nakasalubong ko ang isang battalion ng basketball varsity ng school na malamang ay patungong locker room nila para magshower based sa pawis na pawis nilang itsura and of course, nangunguna sa kanila si Axel, ang kanilang team captain na nakakalusaw at nakakatilapon ng braces ang titig.

Napalunok nanaman ako sa pantasya ko. Nag-slow motion ang buong corridor, habang si Axel papalapit ng papalit sa'kin. Maramahang pumipikit at dumidilat ang mga mata niyang diretso ang tingin sa akin, kung sa akin nga ba. Assumera na kung assumera, ayaw kong lumingon sa likuran ko baka mapahiya lang ako kung di akin.

"Anise!" ang tawag niya sa'kin.

Napangiti lang ako na parang timang sa harap ng captainball heartrob ng school nang bigla niyang ituro ang box na dala ko at sabihing, "Para ba sa akin yan?" tanong niya.

At gaya nga ng isang timang ay napatango-tango lang ako habang nakangiti sa kakaibang ngiting isinusukli sa akin ni Axel.

Matapos kunin ni Axel ang kahon ay nagpasalamat ito tsaka akmang umalis pasunod sa teammates niya.

Parang enchantment ang dumapo sa'kin at bigla ding nawala pagkatalikod ni Axel, naalala kong bigla na kailangan kong makita kung may birthmark siya. Pagkakataon ko pa naman na sana iyon na makita lalot nakajearsey uniform pa siya.

"Ah Axel." At muli ko siyang tinawag bago siya makahakbang papalayo.

Lumingon naman kaagad si Axel at napansin ko sa may shoulder niya ang birthmark na katulad din kela Carlisle at Saichi.

"Yes?" tanong nito sa'kin.

Dahil sa naubusan na ako ng idadahilan ay minabuti kong sabihing, "Eat well." Sabay goodbye hindi kay Axel kung hindi sa crème brulee na nawala mula sa mga kamay ko ng isang iglap dahil sa pagpapantasya ko.

Kasagsagan ng klase ko pero hindi ko maiwasang mapaisip kung pati si Sky ay meron ding birthmark. Pilit ko kasing pinagcocompare ang panaginip ko sa nangyayari sa akin. May sort of relation kasi. Apat na lalaking parang may parehong katayuan sa apat na lalaking pumapalibot sa'kin ngayon na di ko alam kung totoo o hindi ang pinagsasabi.

Pagkatapos ng klase ay tino'ngo ko naman ang puno ng acasia kung saan ko madalas na makita si Sky. I wanted to know kung gaya nila Saichi, Carlisle at Axel ay meron ding birthmark na katulad nila si Sky.

Wala naman akong mapapala sa pag-alam nito bukod sa masasatisfy ang curiosity ko, nagbabakasakali lang naman ako na baka may malaman akong kahit ano mula sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga lalaking 'yon.

Di naman nila ako kilala, well si Carlisle kinda pero hindi naman 'yon grounds para maging aggressive siya o sila ng ganito tapos may sinasabi pa silang Arcana Princess, Arcana's Heiress na hindi ko alam kung saang fairytale book nila napulot.

Naabutan kong nakahiga sa ilalim ng Acasia si Sky habang natutulog at may suot na earplugs sa magkabilang tenga nito. Tamang-tama namang ginawa niyang unan ang polo niya kaya ang kailangan ko nalang gawin ay lumapit at iangat ang manggas ng tshirt niya para makita kung mayroon din siyang birthmark.

Hindi ako manggagahasa o mananantsing, may titignan lang ako. I don't need to feel agitated, hindi naman masama itong gagawin ko.

Ngunit dahan-dahan padin akong lumapit sa kanya na parang bang isang mandurugas na marahang isinasakatuparan ang masamang balakin.

Tamang-tama na malapit na ako sa kanya ay biglang nahulog mula sa kaliwang tenga niya ang isang earplug. Agad akong nagtago sa likod ng puno ng tila ba napagalaw siya ng konti sa pagkakahiga ng matagal sa isang position.

Nang muli itong nanahimik ay inisip kong magdahan-dahan muli ng lapit sa kanya. Kaso bigla naman siyang nagsalita,"Mnnn...sino ka?" sabi nito habang nakapikit padin.

Patay! Mukhang mabibisto na ata ako pero I still pushed my luck and imitated a cat's sound, "meow....meow...." ang paulit-ulit kong bigkas.

"Fuh. Pusa lang pala. Shoo..." ang sabi nito and just as I thought, Sky was sleep-talking. He looks really adorable while doing it. I wonder bakit siya nagmumukhang gangster sa paningin ng iba samantalang napakagentle ng aura na napapansin ko sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagmeow habang unti-unting inaangat ang manggas ng tshirt niya and no'ng nakita ko na ang birthmark nito na tulad no'ng tatlo at gaya ng hula ko ay nasa parehong pwesto din ng balikat niya. bahagya akong napa "YES" ng di kalakasan sa successful na plano ko without knowing na di pa pala ako nakakaalis sa pwesto ko.

Bigla namang nagmoan si Sky na tila nagigising sa nagawa kong maliit na ingay. Kaya naman pinagpatuloy ko ang pagcreate ng pusang sound. Hanggang sa may bigla akong narinig na ingay ng isang tunay na pusa mula sa itaas ng puno na parang nagagalit ata sa ginagawa kong panggagaya sa kanya, ayaw ata niya ng copycat.

"Shoo...shoo..." ang bulong kong pagpapaalis dito at baka mabuko pa ako. Ngunit mas lalo itong nagalit at tumalon habang kitang-kita ko na nagsipagtalim ang mga kuko nito. "AHHH!" ang takip ko nalang sa mukha ko ngunit bigla namang tumayo si Sky at inakap ako para ipahiga sa may kaliwang parte ng hinihigaan niya malayo sa kinabagsakan no'ng pusang ligaw.

Tumakbo naman na 'yong pusa agad-agad pagkababa nito sa puno, mukhang dismayado sa failed landing nito.

Naiwan kami ni Sky na tulala sa pagkakatitig sa isat-isa habang pumaibabaw siya sa akin mula sa pagliligtas sa'kin doon sa pusa. Bigla ding humangin ng malakas at nagsipaghulog ang mga light pink na bulaklak ng acasia na noo'y talaga namang nagkalat sa paligid. Talaga naman pag nagkakataon, mala cherry blossoms ang dating.

Namumula na ako at nanginginig at mas lalo pa itong dinagdagan ni Sky ng magsalita siya, "Pwede bang gawin natin ng di ako natutulog? It's not fair." Sabi nito.

Agad ko siyang itinulak upang tano'ngin sana kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niya ngunit nasense kong baka tungkol sa coupling nanaman iyon at isa pa'y biglang nanakit ang isang binti ko na malamang dahil sa impact ng biglaang paghiga sa'kin ni Sky.

"Wait, may masakit ba sayo?" tanong nito pagkapansin sa'kin na dumadaing.

At dahil sa hindi ako halos makalakad ay ipinilit ni Sky na ihatid ako sa bahay. Hindi naman na masyadong kinuwestyon ito ni Papa dahil halos wala din naman siyang pakialam sa'kin, palagi na kasing tulala si Papa matapos no'ng insidenteng may nanloob sa amin.

*****

"Anise..."

Here it goes again...

"Anise..."

The same voice from my last night dream then could it be?

Right, I'm inside the same dream again pero papano nangyari ito?

This is the first time that I entered the same dream I had.

"Anise... malapit na." Ang patuloy na sinasabi no'ng tinig pero hindi ko padin maaninag kung saan nanggagaling ito until a silhouette of a female body appeared from a distance, "Anise...ako'y ikaw...at ika'y magiging ako..." ang nakakalito nitong sinabi.

"Huh? Hindi ko naintindihan ano ba sinasabi mo?"

"bumalik ka...bumalik ka...

"bumalik? Saan?"

"kung saan nagsimula ang lahat..."

"Saan?!!"

"Kailangan mo bumalik kung saan nagsimula bago mahuli ang lahat." Ang huling sinabi nito bago ko nagbago ang lugar at ipinakita sa'kin ang paligid na tila aftermath ng isang madugong digmaan.

Mga labing nagkalat at higit sa lahat ang nagpakilabot sa'kin ay ang tila natutulog kong katawan na nakahiga sa mga puting rosa na nabahidan ng dugo habang binabantayan nila Carlisle, Saichi, Axel at Sky na nagluluksa sa palibot nito.

Bigla akong nagising sa kama ko na naliligo sa pawis.

Panaginip nanaman, mali, Bangungot. Isang kahindik-hindik na bangungot.

Two in the morning nang magising ako pero hindi ko na magawang makatulog pang muli.

Pinili kong di nalang pumasok ng umaga dahil sa panaginip ko. Isa pa'y wala nadin akong babaunin.

Habang nagkukulong ako sa may kwarto ko'y naisip ko na lamang lumabas at maghanap ng mga establishimentong nag-ooffer ng part-time job para sa mga studyanteng katulad ko kaso dahil underage pa ako masyado'y wala din ni isang tumanggap sa akin.

Habang naglalakad sa kahabaan ng downtown ay napansin ko ang isang appliance store na may mga nakadisplay na LCD TV na nagpapalabas ng balita sa isang museo sa ibang bansa na kung saan ay napagnakawan ng mamahaling painting.

And then biglang bumalik sa isip ko ang panaginip ko kagabi na pilit kong nililimot. Ang sinabi no'ng babae sa'kin kagabi, 'go back where it all started.'

Kung tutuusin nagsimula lang naman itong mga sudden action no'ng apat after humangin ng malakas sa isang antique shop sa Geo Farm pero nang makita ko itong balita, naalala ko 'yong misteryosong painting ng isang nakapagandang babae na may magagandang kulay sa kanyang kasuotan despite sa kalumaan nito and there was some letterings sa damit niya with which I happened to surprisingly read.

What was that again?

I tried dictating the lines that I could remember, "And so as the myth foretells of Arcana's offspring that will one day reawaken to fulfill her legend's aim in return of her will to be granted, four sentries shall rise up to protect her from death that was fated." And if I'm right, I did made a wish which was, "to experience happiness again." gaya ng nangyari sa antic shop humangin din ng pagkalakas-lakas sa downtown na nagpafreak out sa mga taong naglalakad.

Sobrang lakas ng hangin na para bang magkakaroon ng apat na ipo-ipo sa downtown na pinagtatakahan kong malaki since malayo sa open area o dalampasigan na pwedeng pagsimulan ng ipo-ipo.

And after a while huminto ito at naging normal ang lahat na tila ba walang pagfrefreakout na naganap.

"May kailangan ka ba Anise?" ang boses mula sa likuran ko na nagbigay sa'kin ng sobra-sobrang goosebumps.

Paglingon ko'y naroon sa likuran ko sina Carlisle, Axel, Sky at Saichi na nakangiting nakatingin sa'kin habang ako'y tulala padin sa lahat ng nasaksihan ko.

Wow! Was I really able to do that? Did I just summon the four of them?

Then that's it! I know now, I just had discovered where it all started! Kailangan kong mabalikan ang painting na 'yon. Sapagkat maaring nasa painting na 'yon ang buong kasagutan sa mga katano'ngan ko but for now, kailangan ko makahanap ng solution kung papano makakatakas sakanilang apat dahil panigurado kukulitin nanaman nila ako.

*****

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●