webnovel

13

Maya maya pa ay dumami na ang tao sa loob ng restobar. Hindi pa man nagsisimula ang banda na mag-perform ay maingay na gawa ng mga taong nagsisimula nang magkasiyahan.

Unti-unti namang bumabangon ang excitement sa dibdib ni Eunice. Kung kanina bored siya dahil wala siyang maka-usap, ngayon ay curious na siya sa performance nina Ethan. Come to think of it, ni hindi sinabi ni Ethan sa kanya o ni Josh kung ano ang papel nito sa banda.

Nang lumabas ang miyembro ng banda kasama si Ethan ay naghiyawan ang mga tao particular na ang mga kababaihan sa paligid. Halatang hindi iyon ang unang beses na tumugtog ang mga ito sa restobar na iyon dahil mukhang kilala ang mga ito ng mga naroon.

Pumuwesto si Ethan sa gitna sa tapat ng mikropono. He was holding an acoustic guitar. Mukhang ito ang vocalist ng banda ng mga ito.

Lalo siyang na-excite. Aminado naman siyang napakaguwapo ng boses nito kapag nagsasalita but she never heard him sing before.

"Hi, We are 'Ablaze'." Simula ni Ehtan kasabay ng hiyawan ng mga tao. "We haven't performed for quite sometime now. Please be good to us." He said then he winked to no one in particular.

Kulang na lang tuloy ay magwala ang mga babaeng naroon. Hindi naman niya masisi ang mga ito dahil maging ang puso niya nag-tumbling pa yata sa loob ng rib cage niya.

Nagsimula itong tumugtog gamit ang gitarang hawak nito. Doon pa lang ay nadagdagagan na ang paghanga niya rito. He was strumming the guitar like he had been doing so all his life. Napakagaling nitong tumugtog.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ring tumugtog ang iba pang kasama ng mga ito gamit ang kani-kanyang instrumento kasabay niyon ay ang muling pag-iingay ng mga tao. Mukhang hindi lamang siya ang excited ng mga oras na iyon.

Said all I want from you is to see you tomorrow

And every tomorrow, maybe you'll let me borrow your heart

And is it too much to ask for every Sunday

And while we're at it, throw in every other day to start

Naiwang nakahang ang kamay niyang nakahawak sa straw ng inumin niya at literal siyang napanganga nang magsimulang kumanta si Ethan. At parang ganoon din ang nangyari sa iba pang tao sa paligid dahil nanahimik ang lahat habang pinapanood ang banda. Partida pa, first verse pa lamang iyon ng kanta.

I know people make promises all the time

Then they turn right around and break them

When someone cuts your heart open with a knife, now you're bleeding

But I could be that guy to heal it over time

And I won't stop until you believe it

'Cause baby you're worth it

That voice. Para bang direktang humahaplos ang magandang tinig nito sa puso niya. At imbis na pakalmahin niyon ang puso niya, lalo pang nagwala ang dibdib niya. What the hell was happening to her?

So don't act like it's a bad thing to fall in love with me

'Cause you might look around and find your dreams come true, with me

Spent all your time and your money just to find out that my love was free

So don't act like it's a bad thing to fall in love with me, me

It's not a bad thing to fall in love with me, me

Hindi na siya nakahuma nang humantong sa kanya ang tingin nito. He was not smiling anymore. Kumakanta ito habang matamang nakatingin sa kanya. And just like a while ago, she can't still read what he was thinking.

No I won't fill your mind

With broken promises and wasted time

And if you fall, you'll always land right in these arms

These arms of mine

Saglit itong tumigil sa pagkanta bagaman nakatingin pa rin sa kanya. Maya maya ay dahan dahan namang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito pagkatapos ay kumindat sa kanya. Nasapo niya ang dibdib sa takot na lumabas ang puso niya mula sa kinalalagyan niyon dahil sa paglala ng pagtibok niyon.

Don't act like it's a bad thing to fall in love with me

'Cause you might look around and find your dreams come true, with me

Spent all your time and your money just to find out that my love was free

So don't act like it's a bad thing to fall in love with me, me

It's not a bad thing to fall in love with me, me

Not such a bad thing to fall in love with me

Sa pagtatapos ng pagkanta nito ay luminaw sa kanya ang kakaibang damdamin niya para rito. She was aware that she was crushing on him, but she was not aware that her feelings had gone really deeper even just with the little time that they have been together.

Tuloy-tuloy ang naging pag-agos ng isipin sa utak niya. Kung noon ay kuntento na siya masilayan lamang ito minsan sa isang linggo, nitong mga nakaraang araw ay napu-frustrate na siya dahil hindi niya ito nakikita. Dahil ba iyon sa nabigyan siya ng pagkakataong mapalapit dito? It feels like because she was given more than what she wished for, she was now craving for more. Magandang balita ba iyon? At parang iisang bagay lamang ang isinisigaw ng mga pagbabagong iyon sa kanya.

Ibinaling niya ang tingin rito habang sige sa pagpalakpak ang mga tao. He was smiling to everybody and saying thank you but she does not seem to hear him. Ang tanging nakarehistro lamang sa sistema niya ay ang guwapong mukha nito, ang matamis na ngiti nito.

Anak ng patis! Tili ng isip niya. Kitang kita niya ang pagkaway ng pasaway na puso niya sa kanya. It was as if it was saying goodbye to her because it now belongs to someone else.

Muling dumako ang tingin ni Ethan sa kanya. Ngumiti ito sa kanya samantalang hindi naman niya masuklian ang ngiting 'yon.

Oh my God! I think I love him already!