webnovel

Chapter 12

Dahil Sabado, walang pasok si Lexi pero ginising siya ng tunog ng phone niya. Nung una ay hindi niya pinansin ito pero ng sunod-sunod na ang tunog nito at hindi niya natagalan.

"Hello..." tamad na sabi ni Lexi. "Ang aga-aga namang bedroom voice niyan." nakangiting sabi ng tumatawag sa dalaga. "Phil!?" gulat na sigaw ni Lexi at mula sa pagkakahiga at bumangon ito. "Yes, Lexi the sexy." nakangiting sagot ni Phil. "Kamusta ka na? Tagal na natin di nagkita ah." sabi ni Lexi. "Oo nga, miss na miss ko na ang bestfriend ko doon." sabi ni Phil. "Sinong bestfriend mo doon?" tanong ni Lexi. "Eh di si Lexy the Sexy." patol naman ni Phil at sabay silang tumawa.

"Mamaya ha, ikaw ang special guest ko." sabi ni Phil. "Oo ba, ako ba ang magcut ng ribbon?" tanong ni Lexi. "Hindi, ikaw ang magserve sa mga guest ko." sabi ni Phil sabay tawa. "Hahaha, nakakatawa. Sexy naman ng waiter mo. Mahal per hour ko ha?" sabi ni Lexi. "Sige, bigyan kita madaming hugs and kisses." sabi ni Phil. "Eeewww...wag na, thank you na lang." sagot ni Lexi. "Arte mo ha pero kung si Jake nagsabi noon tiyak na papayag ka." sabi ni Phil. "Selos ka naman." sabi ni Lexi. "Eh kung sabihin ko sa iyong "OO". hamon ni Phil. "Phil naman eh." sabi ni Lexi. "Opo na, alam ko na, busted na naman ako." sabi ni Phil. Ngumiti si Lexi.

Noong highschool sila, naging malapit ang dalawa matapos magsama sa isang project sa school. Crush ni Phil si Lexi at ilang beses na din siya umamin sa dalaga. Pero kung ilang beses siya umamin, ganoon ding beses siya nabusted dahil sa iisang dahilan, si Jake. Noong una ay nasasaktan pa si Phil hanggang sa natangggap na din niya na kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Lexi.

"Nga pala, sabi ni Tanya kasama mong pupunta si Jake, bakit, nagkikita ba kayo?" taking tanong ni Phil. "Boss ko siya ngayon." sabi ni Lexi na ikinagulat ni Phil. "What!?" sigaw ni Phil. "Aray naman! Nabasag yata eardrum ko." sabi ni Lexi. "Boss mo siya?" ulit ni Phil. "Opo!" sagot ni Lexi. "Paanong nangyari yun?" di makapaniwalang tanong ni Phil. "Ganito kasi iyon..." at sinimulan ni Lexi kung paano nangyari na siya ang Secretary ni Jake.

"What a small world talaga noh?" nakatawang sabi ni Phil. "Yeah." maikling sagot ni Lexi. "Baka you're destined to be together talaga?" tukso ni Phil. "Sira!" sagot ni Lexi. "Uuuyyy...wish niya lang." tukso ni Phil. "Ah, ganoon ha, sige, wala kang waitress mamaya." kunwaring galit si Lexi. "Eto naman, pikon ka pa din hanggang ngayon." nakatawang sabi ni Phil. "At ikaw mapang-asar pa din." sabi naman ni Lexi. "Sunduin ba kita?" tanong ni Phil. "Hindi na, kaya ko na po magdrive papunta diyan." sabi ni Lexi. "Wow! Sosyal, may na ride na siya." sabi ni Phil. "Ikaw ang sosyal, may bar ka na." sabi naman ni Lexi. "Oh, basta, mamaya ha, huwag kang late." bilin ni Phil. "Opo." sagot ng dalaga at pinindot na nag end call.

Hindi pa man nakakatayo si Lexi mula sa kama ay tumunog na naman ang kanyang phone.

"Bakit tumatawag to?" tanong ni Lexi sa sarili ng makitang si Jake ang caller. "Hello, Sir." sabi ni Lexi. Sinadya niya na tawagin talagang Sir si Jake dahil alam niyang hindi siya mahahalikan nito. "Sino bang kausap mo at kanina pa ko tawag ng tawag pero busy ang line mo?" inis na sabi ni Jake na kinataas ng kilay ni Lexi. "Si Phil po, Sir." sagot ni Lexi. "At ano naman ang pinag-usapan ninyo ng ganoon katagal?" inis pa din sabi ni Jake. Si Anthony na kasama ni Jake sa office ay natatawa sa itsura ng kaibigan.

"Yung tungkol po mamaya sa opening ng bar niya, remember, Sir?" sabi ni Lexi. Natahimik bigla si Jake. "I'll pick you at 7 pm. Di na pala makakasama si Rhian. Nagkaroon sila ng biglaang lakad ng mga college friends niya." sabi ni Jake. "Kahit wag mo na po akong sunduin, Sir. Kaya ko naman na po pumunta doon mag-isa, Sir. Dumiretso na po kayo doon after mo diyan sa hospital, Sir." sabi ni Lexi. "Ok, hindi na lang ako pupunta." sabi ni Jake. "Talaga naman! Fine! 6 pm dapat nandito ka na." sabi ni Lexi na ikinangisi ni Jake. "Nga pala, naka-anim ka ha?" sabi ni Jake at pinindot na ang end call.

"Naka-ilan daw? Ng ano?" takang tanong ni Lexi sa sarili. "Hmp, bahala ka nga sa buhay mo." sabi niya bago tuluyang tumayo mula sa kama.

Nakangiti pa din si Jake kahit tapos na ang pag-uusap nila ni Lexi. "Daig mo pa nanalo sa lotto, Dre." sabi ni Anthony. "Mga ngiti mo, winner!" dugtong na tukso nito. "Di ba kahit Saturday at Sunday madami paper works?" pag-iiba ng topic ni Jake. Kumunot ang noo ni Anthony pero sumagot siya ng, "Oo". Ngumisi si Jake ng nakakaloko. "Don't tell me papasukin mo si Lexi ng weekends?" tanong ni Anthony. Ngumiti lang si Jake. "You're unbelievable, Dre!" sabi ni Anthony na iiling-iling.

Alas-4 pa lang ng hapon ay umakyat na si Jake sa bahay niya. Nagulat si Nanay Marie dahil maaga si Jake samantalang inaabot ito sa opisina ng hatinggabi na. "Bakit ang aga mo?" takang tanong ni Nanay Marie. "May lakad po kami ni Lexi, Nay." sagot nito. Nang madinig ni Nanay Marie ang pangalang Lexi ay hindi na siya nagtanong pa.

Halos katatapos lang maligo ni Lexi ng dumating si Jake sa bahay ng dalaga. Nang makita siya ni Tessie ay hindi na ito nagulat sa kanya dahil nasabi na ni Lexi na susunduin siya ng binata at sabay silang pupunta sa bar ni Phil. Nabanggit na din ni Lexi sa ama't ina na pupunta ang mag-inang Mila at Rhian bukas. Naging excited naman ang ina niya sa kanyang binalita.

"Pasok ka na iho, nag-aayos na si Lexi." sabi ni Tessie matapos magbigay galang ni Jake. Nagpasalamat ang binata pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay.

"Nasaan na ba yun? Ang alam ko natiklop na ni nanay yun ah." kausap ni Lexi sa sarili habang hinahanap ang pantalon na isusuot ngayon. Nang hindi niya makita sa closet sa kwarto ay lumabas siya at tiningnan ang taaas ng bahay nila kung saan nakasabit ang mga damit na bagong laba. Para namang itinulos si Jake sa kinauupuan ng makita ang itsura ni Lexi. Naka bra at panty lang ang dalaga at nakatali ang towel sa basang buhok. Napalunok ng laway si Jake.

Nakuha na ni Lexi ang pantalon at pagtingin niya sa sopa ay nanlaki ang mata niya. Gusto niyang sumigaw pero madidinig siya ng nanay niya at tiyak ay papasok agad ito sa loob. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at saka akala mo modelong pumasok pabalik sa kwarto niya. Sa loob na siya nagwala dahil sa kagahan niya. Si Jake naman ay naiwang nakatulala. Ramdam niya nag pag-iinit ng katawan niya pati ng alaga niya. Pero para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng pumasok ang nanay ni Lexi.

"Di pa lumalabas si Lexi?" tanong nito sa kanya. Umiling si Jake na kala mo nalunok ang dila at di makapagsalita. "Nak, nandito na si Jake. Di ka pa ba tapos?" tawag ni Tessie sa anak. "Malapit na po Nay." sagot ni Lexi pero ang totoo ay hindi pa siya nagbibihis. Habang nag-iisip ay tumunog ang phone niya at si Phil ang caller.

"Nasaan ka na?" tanong ni Phil. "Nandito pa sa bahay." sagot ni Lexi." Sabi ko agahan mo." sabi ni Phil. "Bakit, maaga pa di ba?" tanong ni Lexi. "Miss, 6 pm na." sagot ni Phil. "Huh!?" gulat na tanong ni Lexi. "Sige, babye na." sabi ni Lexi at pinidot na ang end call. Nagmamadaling kumilos si ang dalaga.

Paglabas niya ay may iniinom ng juice si Jake. "Ano ka ba namang bata ka? Kay tagal-tagal mo. Nainip na tong si Jake sa iyo." Sabi ni Tessie. "Ok lang po, Tita." Sagot naman ni Jake. "Tara na, tara na." Sabi ni Lexi sabay hila kay Jake. "Nay, alis na kami." Sigaw ni Lexi habang nasa labas na sila. Iiling-iling naman naiwan si Tessie. "Mabilis naman kumilos tong batang to. Anong nangyari at napakatagal naman natapos ngayon." Tanong ni Tessie sa sarili.

Pagsakay ng kotse ay tahimik silang pareho. Nagtaka si Lexi dahil pinaandar ni Jake ang sasakyan nito pero hindi pa umaalis. "Tara na." Sabi ni Lexi. Humarap sa kanya si Jake at lumapit. Hindi huminga si Lexi dahil napakalapit ng mukha ni Jake sa mukha niya. "You're seatbelt." Sabi ni Jake pagkatapos ay kinabit sa kanya ang belt. Nakahinga lang siya ng bumalik na sa pwesto niya si Jake.

"Sorry pala kanina." Sabi ni Jake ng nasa daan na sila. Di sumagot si Lexi. "Di ko naman sinasadya. Pinapasok ako ni Tita, di ko naman alam na di ka pa pala nakabihis." Patuloy ni Jake. Huminga ng malalim si Lexi. "Ok lang. Kalimutan na natin yun." Sagot niya.

"Bakit di mo naisipan mag modelo?" Maya maya ay tanong ni Jake. Tiningnan naman siya ng masama ni Lexi. "Joke lang." Nakangiting sabi ni Jake. "Hehe, nakakatawa." Sabi ni Lexi. "Nga pala, may utang ka sa akin ha?" Sabi ni Jake. Kumunot naman ang noo ni Lexi. "Basta, 6 ang utang mo." Sabi ni Jake. "Kanina pa yan anim na yan. Ano ba yun?" Tanong ni Lexi. "Babayaran mo ba?" Tanong ni Jake. "Ha'ay nako, ewan ko sa iyo." Inis na sabi ni Lexi. "Basta saka na kita sisingilin. Iipunin ko muna para madami." Nakangising sabi ni Jake. Inirapan lang siya ni Lexi.