webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 22: Can't Get Enough

A minute later.

Bumangon ako at uminom ng tubig. Di talaga ako makapaniwala. Totoo ba tong nangyayari o nananaginip lang ako?.. Imagine, sa loob ng Ilang taon gusto nya pa rin ako?. Suskupo!.. I can't!.. I can't think straight!. Shit!..

Sa dami nang nasa isip ko. Nagulat ako nang sobra dahil tumunog bigla ang cellphone ko. Pinatong ko sa lababo ang baso saka dinampot ang kanina pang maingay na cellphone. Caller ID is unknown. Ayoko sanang sagutin kaso something's pushed me. Kahit walang kasiguraduhan. Sinagot ko pa rin ito.

"Hello?.." I sighed heavily. Pinakawalan ang bumibigat na kaba sa taong di kilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello!.."

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig sa boses na yun. Nanigas at nanlamig ang buong katawan ko bigla. Even if he doesn't tell me his name. I knew who own this husky voice. It's him!. My boy!.

Dinig ko ang mabibigat nitong paghinga bago nagsalitang muli.

"Hello Bamby?.."

Oh Gosh!..

Natutop ko ang sariling bibig dahil sa kaba. Nanginig ang mga kamay ko dahil binalot na ng kaba ang aking dibdib. Kaba dahil sa tuwa. Natutuwa na sa wakas nagkaroon na ito ng lakas ng loob para saming dalawa. Whoa!!!...

"Yes?. Hello.. Who's this?..." tanong ko kahit alam na kung sino. Kagat ang dulo ng kuko para wag tuluyang mautal o di kaya tumili dito sa gilid. Damn it!. Yung kaba ko parang di ko na yata kaya. Lumalakas habang patuloy syang nagsasalita. Kulang nalang lumabas ito saking katawan.

"Si Jaden to.. Anong ginagawa mo?.."

Mariin kong pinagdikit ang mga labi para pigilan ang kilig na nadarama. Anong isasagot ko sa kanya?. Heto, nakatayo. Di makaupo dahil kausap ang taong gusto ko?.. My goodness Bamby?!!. You're insane!.. Relax okay. Kaya mo yan.. Humugot ako ng hininga at binuga din agad. Kailangan kong gawin iyon para atleast mabawasan ang sobrang kaba.

"Ah.. ikaw pala.. pasensya na, di ko alam new number kasi.." Hay naku Bamblebie?!.. Bakit iyon pa ang sinabi mo?. Tsk.. Umayos ka nga.. Pumikit ako at huminga ng napakalalim. Kailangan kong umayos para maging maayos rin ang future lovelife ko.. Whoa!. Nababaliw na ata ako.

"Ayos lang.. Kasalanan ko rin. Di ako nagtext sa'yo. Isave mo na number ko.."

"Oo naman. Gagawin ko.. bakit ka pala napatawag? .." sumandal ako sa gilid ng bintana. Pinapanood ang pagkislap ng mga tala sa malawak na kadiliman.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo.." gusto ko ng sumigaw sa tuwa. Goodness!.

O my God!!!...Di ko to inexpect. Seryoso pala sya.

"Narinig mo na boses ko. Patayin mo na.." kagat pa rin ang kuko ngayon.

"Teka lang. Bat ang aga naman?. Matutulog ka na ba?.." napangisi na ako ng tuluyan sa kanya. Jaden ko. Abot kamay na ba kita?.

I can't control my feelings anymore.

"Mamaya pa naman.. bakit?.." sinarado ko ang bintana bago umupo saking kama. Dinuyan ang magkakrus na mga paa. Habang ang isang kamay ay dinudutdot ang ilong ni Doraemon. I need some diversion to atleast calm my fucking self.

"Wala lang.." Anya sa kabilang linya. He's lying. Tell me something boy!.

"Weh?... bakit nga?..." humiga ako kahit ang mga paa ay nasa sahig pa. Kalahati lang ng katawan ko ang nakahiga.

"Namis ko kasing pakinggan boses mo.." I greeted my teeth to not to scream. My goodness!.. Di ako makakatulog nito panigurado.

"Boses ko talaga?. Hinde ako?.." may halo ng kilig ang boses ko. Damn it!!..

"Hehehe.. syempre ikaw mismo.. Kung pwede nga lang na pumunta dyan ngayon eh. Pupunta ako.."

"Gagawin mo yun?.."

"Oo naman.. para sa'yo.." Yung ngiti ko, abot langit na boy. Hay!.. Ang sarap namang pakinggan.

"Pano kung harangin ka nila kuya Lance sa labas?.." totoo to. Kilala nya naman siguro ang mga kapatid ko lalo na yung binanggit ko?. Mahigpit pagdating sakin.

"Magpapaalam ako ng matino.." paniniguro nito. Sumipol ako ng mahina. Kinikilig talaga ako. Amp!. Tuloy, dahil sa kilig. Napipi na ako. Di makapagsalita.

"Hmm.. e anong ginagawa mo ngayon?..." he asked.

Sa bawat kalabog ng dibdib ko. Pinagpawisan na ako.

"Nakahiga lang.. ikaw?.." sagot ko. Pero di ko na naman inaasahan ang isasagot nya.

"Iniisip ka.."

What the heck?!!..Boy naman!. Umayos ka nga. Baka di ko makayanan liparin kita dyan. I'm going crazy.

"Hindi ka mawala sa isip ko. Tuwing matutulog, ikaw ang lagi kong naiisip. Paggising ko naman, ikaw pa rin ang tumatakbo saking isip.. can't get enough of you Bamby.."

Hay!!... I'm so fluttered.

"Kahit taon na ang lumipas di pa rin ako nawala sa isip mo?. Imposible naman?.." out of kilig. Tinanong ko para malaman kung anong opinyon nya tungkol dito.

"Hmm. Kahit ilang taon pa yata, hindi na mawawala pa.. Tumatak ka na sa puso't isip ko kaya hindi na yun basta bastang mawawala Bamby.. maniwala ka man o hinde.." natahimik ako gurl. I'm damn speechless!..

"Hello?. Andyan ka pa ba?.." tanong nya ng di ako sumagot. Namental block ako.

"Yeah.."

"Speechless?.. hahaha..." tumawa sya. Yung tawa gosh?.. Doon ako unang nahulog e. Mukhang, lumalalim pa ang pagtingin ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi.. pabigla bigla...."

"Ahahahaha..." halakhak pa nya... Hay.. Pinakinggan ko lang sya. Di ko rin ikakaila. Namiss ko ang tawa nya.

"Tskk.. ikaw talaga.. matulog ka na nga. May pasok ka pa bukas. "

"Kausap pa kita e.." reklamo nya. Ngumuso ako.

"May bukas pa naman Jaden. Baka malate ka bukas nyan?.."

"Hindi ako malelate kung gigisingin mo ako.."

"Demanding neto.. hahaha.." di ko maiwasang humalakhak.

"Hahaha.... sige na nga boss.." mabuti nalang pumayag sya.

"Hmm.. goodnight Jaden.." ngiti ko kahit di nya makita. "Goodnight din Bamby..." sagot nya.

"Hmmm.. goodnight.." sabe ko pero di pa rin nya binababa. "Baba mo na.." utos ko.

"Ikaw na.. ayaw kong babaan ka ng tawag.." napailing na lamang ako sa kilig. Hay naku!!. "Sige na. baba ko na to. Matulog ka na. Goodnight.."

Para akong nakalutang sa ulap nang ibaba ang kanyang tawag. Can't get enough of him.