webnovel

Simula

"Crown Princess." She whispered while staring the Crown Prince from afar, playing chess with his friends. It's been Athena's dream to become His Highness favourite person but until now hindi parin siya napapansin kahit na anong mga parangal.

She even run for the Royal Student Queen position and yes she was selected for two years, pangalawang taon na niya pero ni minsan di man lang siya kinausap or even a simple congratulations. Nakakausap naman niya 'to pero tuwing working hours nila as a committee which is a bit sad for her. Isang dormitory ang kanilang paaralan which give her a lot of opportunity to be with His Highness more often but her dreams to be loved by him never happened at all.

"You're here Lady Helium." Umangat ang kaniyang ulo para tignan ang nagsalita and to her surprise, it's Celine, the Duke's Princess, first daughter, Celine Bartellion.

"Your Highness..."

"Ah no, wag ka na tumayo." Duke Gerald Bartellion, is one of the King's powerful ally dahil 100 years ago, their family help the kingdom to win the war against the Eastenian Kingdom so it will not surprise Athena if she'd be chosen as the Crown Princess. Kahit na si Athena ay hinahangaan si Celine kaya nga malakas ang loob niyang tumakbo dahil alam niyang hindi interisado si Celine sa posisyon na 'yun.

"Pinuntahan kita sa opisina niyo ngunit nabanggit nilang umalis ka raw."

"Do you need something from me, Your Highness." Ngumiti siya sa kaniya na para nakapagpatunay kung sino ba ang mas bagay na nasa tabi ng Crown Prince.

"I will go straight to the point,"

"Y-yes..." Nauutal niyang sabi dahil biglang nagbago ang emosyon ni Celine na tila nawala ang kaniyang mala anghel na awra.

"Step down from your position at layuan mo ang Prinsepe." Napatitig nalang siya sa mukha ng babaeng nasa harapan niya, nagtataka kung bakit 'yun ang sinabi niya. Totoong, malayo ang league ni Athena si Celine or rather she chose not to be in her league at all.

"If that's what you want Lady Bartellion." Saad nito bago tumayo sa kinauupuan.

"If that all you want from me then please excuse me My Lady." Hindi nakapagsalita sa gulat si Celine sa inasta ni Athena, nagtataka, naguguluhan kung bakit gano'n nalang kabilis niyang napapayag si Athena.

She agreed not because she's threaten by Lady Celine but rather she see it as an opportunity para ibaling sa iba ang kaniyang atensyon. Napapagod na rin siya sa mga tungkulin niya bilang Student Queen of their academy.

Naging mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pag-alis ni Athena sa posisyon niya at si Celine ang pumalit. May mga gustong magprotesta pero karamihan ay pabor sa Kay Celine dahil nga naman Hindi maikakaila ang kagalingan niya and the rumors tungkol sa kaniya na pagiging magkasintahan nila ng Prinsepe at isa siya napili bilang isang candidate to be chosen as Crown Princess which will happen in a year from now, after their graduation.

"Queen..."

"I'm not the queen anymore." Saad nito habang inaayos ang mga gamit upang ilagay sa isang karton para kunin ang mga 'to.

"Akala niyo naman mamatay ako. Mas matalino at magaling ang papalit sa kin." Hindi sila makatanggi sa sinabi niya dahil sa kahit na anong pangyayari ay totoo naman talaga ang nabanggit niya.

She's the top two dahil top one naman ang Crown Prince kaya they really matched each other. Samantalang siya ay nasa top three lamang, kung minsan ay top four pa kaya nga naglakas loob lang siyang sumali sa Royal Student besides, she's qualified because she is a noble. Mataas nag rank niya.

But that is not her solely reason why she quit the position as soon as possible without any objection but it is because something she needs to avoid that will bring despair to hee at magagawa niya 'yun kapag umalis siya sa pagiging Royal Student Queen.

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang box na hawak hawak nang makasalubong niya ang Prinsepe. Yumuko siya dito bilang pagbibigay galang bago tuluyang umalis, tuwing kasama niya ang Prinsepe sa iisang lugar ay may dalawang klase siyang nararamdaman, pighati at kasiyahan. Hindi niya alam kung totoo bang may gano'n.

"You never said you'd quit..." Sa salitang 'yun napatigil siya sa paghakbang para umalis ng kanilang opisina.

"It just happened, Your Highness." It's not as if you care at all. Dimo nga ako napansin o pinansin sa lahat ng pagkataon na magkasama tayo, she thought.

"Yea. Make sure to get everything para hindi ka na pabalik-balik." Napakuyom siya sa sinabi nito.

----

I'm stupid for believing I could work things out if I would work hard to get your attention and give my best pero hindi naging sapat 'yun para sa kanino man lalo na sa'yo.

I've endures those times na mas pinili mo siyang puntahan kesa sa akin kaya ibibigay ko nalang lahat, ipapaubaya ko sa inyo ang lahat. Hindi ko alam kung paano ba ako nakarating sa kwarto ko but as soon as I step into my room and locked my door, my knees surrender its strength, napaluhod ako.

Hindi ako makahinga, nahihirapan ako sa sakit na nararamdaman ko sa nangyari. Nanikip parin ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang lahat ng sakripisyo ko para sa'yo but everything was futile. Walang kwenta dahil iisa parin ang piliin mo kahit na ako ang fiancée mo or ako lang ang naniniwala na ako ang fiancée, bakit nga ba Celine is rumored to be one of the candidate kasi di ako.

"I'm tired." I'm tired of doing what I can for you to love me, para ako naman pero sabagay, ako ang sumira sa magandang love story niyo. Ako ang sumingit.

Isang kasunduan ang lahat ng 'to na nangyari matagal ng panahon, between the Emperor and my grandfather na kami ang nadamay. Nakilala ko ang prinsepe ng walong taong gulang ako, mabait siya sa akin, di siya nagpakita ng ano mang kakaibang ugali kaya nga mas nagustuhan ko siya.

Palagi na ako sa palasyo noon para puntahan siya at di nagbago pakikitungo niya, nagbago nalang ng pumasok siya sa academy, nang mag 13 siya at ako naman ay labing isang taong gulang. I need to wait two year para makapasok sa academy which excited me during that time pero hindi ko akalain na mag-iiba lahat ng meron kami.

He is not the same Prince I used to know, nang malaman nilang ako ang fiancée. May iba na nagpakita na masaya sila sa akin pero meron din syempreng hindi natuwa, masyado pa akong bata noon para malaman kaya naging clingy ako sa kaniya Gaya ng makasanayan ko but now that I realized all of that, nahihirapan akong tanggapin lahat.

Para akong mamamatay sa sakit.

Sa apat na taon kong nandito sa loob ng academy, narinig ko na ang lahat ng mga masasakit na salita na pwede nilang ibato sa akin. Hindi ako nakinig sa kanila kasi akala ko walang katotohanan lahat ng 'yun but when I become the Royal Student Queen, I've witnessed with my own eyes kung bakit nasabi nilang lahat ng 'yun.

"Higad!"

"Malandi!"

"Mang-aagaw!"

"Witch!"

I don't care about those rumors about me as long as I have Prince Blake beside me pero nang araw na narinig ko mula sa kaniyang bibig na pinapakisamahan niya lang ako at hindi niya naman talaga ako Mahal. That he's making fun of how I cling to him made me want to shout at him, slap him pero sobrang nanghihina na ang buo kong pagkatao na isa rin siya sa mga taong nag-iisip na easy to get na babae.

That he only wants my virginity hurts me.

I cried that night, yakap-yakap ang tuhod ko sa gilid, sa pinakamadilim na parte ng kwarto ko.

"Just let me for tonight...bukas..." Hindi na ako iiyak. Ibinuhos ko na ang lahat ng luha ko hanggang sa nakatulugan ko nalang sa malamig na sahig. I smile, atleast I can still feel something, hindi pa ko manhid.