webnovel

Crisscross

Tired of her stressful life in States, Jeacelle decided to go back to her grandparent's hometown to start anew. Little did she know, going back there will turn her world upside down upon meeting a weird guy in the cafe who happens to be a link to the missing piece of her life.

Nekohime · Urban
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 6 - So This Is How It Feels?

My eyes keep glancing at the wall clock in our office every five minutes, a wide smile not leaving my face. I couldn't help but feel excited. Who wouldn't? This is my first Christmas here in Horencio. My first Christmas that I won't celebrate it alone. Finally! I look like a kid now, eagerly waiting for the holiday season.

Kailan nga ba yung huling beses na naging ganito ako kasaya sa tuwing sasapit ang kapaskuhan? Hindi ko na maalala. Ever since my dad left us, lahat na ata ng okasyon sa buhay ko ay naging normal na lang. Mas lalong naging busy si mommy sa trabaho, kulang na lang sa kompanya na lang siya tumira. At ako? Ayun, laging naiiwan mag-isa sa bahay.

I was pulled out from my reverie when I felt my phone vibrated. Pasimple ko itong dinampot mula sa ibabaw ng mesa ko. The smile that breaks on my face just grew wider when I read his name on the screen.

Axian:

Anong oras uwian niyo?

I glanced back at the clock once again, there's still 2 hours before 12. Konting oras na lang pala, makakauwi na ko. At konting oras na lang, pasko na. I am really looking forward to spend it with Axian and Axiel.

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa cellphone na hawak ko para mag-type ng message para sa kanya.

Jeacelle:

Half day lang kami.

Why?

Axian:

Sunduin kita?

Jeacelle:

Dude, I have a car. Remember?

Axian:

Oo nga pala.

Tapon mo na lang yan. Hahaha

Jeacelle:

Ikaw ang itapon ko? Gusto mo?

Axian:

Joke lang.

Sige na, work ka na. Huwag puro cellphone.

Binabayaran ka nang maayos diyan. Hahaha

Jeacelle:

Ay wow! May ambag ka dito? Hahaha

I am really glad that Axian and I can talk causally now. He sometimes joke around as well. Hindi na kami nakakaramdam ng pagkailang sa tuwing nag-uusap kami. Habang lumilipas ang araw, nagiging comfortable na kami sa company ng isa't isa. Masasabi kong magkaibigan na talaga kami.

"Uy, nangingiti! Sino 'yan ha? Boyfriend mo 'yan no?"

Mabilis kong naitago ang cellphone sa bulsa ko nang bigla na lang sumulpot si Stef sa likod ko. May nilapag siyang folder sa ibabaw ng desk ko. Nginitian ko na lang siya ng pilit.

"Boyfriend mo?" usisa niya pa.

"He's just my friend," I supplied hoping that she will stop bugging me.

"Really?" she asked as if she's not convinced. "Pero iba yang ngiti mo eh. Crush mo 'yan no?"

"Magtrabaho ka na nga lang," sambit ko na lang sa tono na nagbibiro.

"Ikaw talaga! Pa-mysterious. Magkakatrabaho tayo dito, okay lang mag-open up ka minsan," she said as she lightly pats my back. Napailing-iling na lang ako.

Sa ilang araw na nakakasama ko siya, hindi pa rin talaga ko nasasanay sa kanya. Masyado siyang nosy kung minsan. Open naman ako na tao, yung nga lang sa mga kaibigan ko lang talaga. I don't want other people to pried on my private life. I guess lahat naman di ba?

Privacy. I hope she learned to respect other people's privacy.

"Huwag mo na lang pansinin 'yon. Ganyan talaga 'yan. Gusto niya alam niya lahat," Marius whispered. Magkatabi lang kasi ang table namin kaya siguro narinig niya ang conversation namin ni Stef. As usual, there's a scowl on his face. He look so annoyed. I guess Stef's is getting on his nerves too.

"Ayos lang," I said. I don't want to make a big deal out of it. I just want to enjoy working with them with no conflicts. Isa pa, mahaba naman ang pasensya ko.

"Where will you celebrate your Christmas? Dito lang ba?" pag-iiba ni Marius ng usapan.

"Sa bahay lang. Wala naman akong ibang kamag-anak na pupuntahan."

"Oh. I see. I thought you have relatives somewhere or hindi ka uuwi sa U.S? I mean, don't you want to celebrate with your family? Ang haba pa naman ng bakasyon natin."

I suddenly froze, lost at words.

Family. That word doesn't exist in my vocabulary anymore. Sobrang tagal ko ng hindi naniniwala sa salitang 'yon. Matagal na itong nawala sa akin. Hindi na ko umaasa sa isang masaya at buong pamilya.

Akala ko noon perpektong pamilya na ang meron ako, pero mali pala ako. Sa isang iglap, nasira ang inaakala kong perpekto. And before I knew it, I was abandoned by the people I cherished the most. Hindi lang si daddy, pati na rin si mommy. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit bigla na lang niya akong ipinatapon sa ibang bansa. Kung bakit ayaw na niyang bumalik pa ako dito. Isa itong malaking palaisipan na matagal ko nang hinahanapan ng sagot.

"Jeca! Hey!"

Marius snapped his fingers in front of me which made me blink. Kumunot ang noo niya dahil wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. I just shrugged my shoulder. I heard him sighed before he goes back to what he is doing.

This guy is really nice. He knows when I'm not comfortable with the topic. He knows when to stop and won't ask any more questions. He respects privacy and hopefully, Stef would learn from him.

*****

"Happy Holiday, guys! See you again after new year!" Stef shrieked so loud making us flinched in annoyance. Nakakabingi kasi. Hindi naman niya kailangan sumigaw.

"Malapit na bagong taon Stef, magbagong buhay ka na," pasaring naman ni Yhelle na katatapos lang magligpit ng mga gamit niya sa desk.

Uwian na rin namin sa wakas! Mahaba-habang bakasyon rin kami mula sa trabaho at sana ma-enjoy ko talaga ang holiday.

"Una na ko ha! Happy holiday!" paalam ko saka kinuha ang bag ko. May pagmamadali sa kilos ko na nagpunta sa parking lot. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil tumatakbo talaga ko. Daig ko pa ang hinahabol ng kabayo.

'Chill lang Jec. Huwag masyadong excited.' suway ko sa sarili ko.

"Ang saya natin ha?"

My eyes grew wide when I saw Axian in the parking lot. He was leaning on the bumper of my car. He looked so manly wearing a plain white fitted shirt and gray tailored short. His hands folded across his chest. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang pangangatawan niya.

"Buti hindi ka nadapa," he chuckled. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko para isintas ang sapatos ko. Natanggal pala ang pagkakasintas nito. Buti hindi ko natapakan.

"What are you doing here?" I asked when I recovered from my shock. He knows where I work. Minsan na kasi niya akong naihatid at sundo nang masiraan ako ng kotse.

"Sinusundo ka," sagot niya. Tumayo siyang muli at hinarap ako.

"And I told you I have a car, mister."

"I know that. Kaya nga nagcommute lang ako papunta dito. Ipagdadrive kita," he smiled. At walang hiyang ngiti yan, nahuhumaling na naman ako.

"Kailan ka pa naging chauffer?" Nakataas na kilay kong tanong. I was trying so hard to look unbothered at the effect of his smile. It always makes my heart flutters, to be honest.

"Ngayon lang. Pinag-iisipan ko pa nga kung gagawin ko na lang siyang sideline. What do you think?" he asked jokingly. Napairap na lang ako sa hangin.

"Ewan ko sayo. Tara na nga," aya ko. Pagbubuksan niya sana ko ng pinto ng kotse pero inunahan ko na siya. I know he's gentleman, but I can manage.

Nang makapasok kami sa loob ng kotse, napansin ko ang maya't mayang pagsulyap niya sa akin. Kahit nang paandarin na niya ang kotse ko, lumilingon pa rin siya sa akin. Mukhang natatawa siya but he was holding back his laughter.

"What's funny?" My eyes squinted at him as I fake my annoyance.

"Nothing. Maganda ka pa rin pala talaga kahit mukha kang bruha," saad niya saka bahagyang tumawa na.

I quickly checked myself at the rear view mirror. Doon ko lang napansin na gulo-gulo na pala ang mahaba kong buhok. Nagulo siguro dahil sa pagkaripas ko ng takbo kanina. Pasimple ko na lang na sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko bago kumuha ng tali sa bag. I fixed my hair in a bun.

I turned to Axian again, sending him a deadly glare.

"What?" patawa-tawang tanong niya.

"Pangit mo!"

"Fake news 'yan. Daming nagsasabi sa akin na gwapo ako," he retorted. He turned to me and wink. Nahampas ko pa siya sa balikat niya dahil kumanta pa siya nung kanta ni Janno Gibbs.

Ako na yata ang pinaka-magandang lalaki sa mundo~

Natawa na lang ako sa kanya. But then, I couldn't agree more. Gwapo naman talaga siya.

"Diretso muna tayo sa shop? Kunin natin yung cake for the noche buena."

"Hindi kayo magsasara?" I asked.

"Mamayang alas-tres pa. Pauwiin ko na sila ng maaga," tugon niya. Tumango na lang ako at tumingin na lang sa harap ng kalsada.

"Oo nga pala, pinapauwi kami ni Graciel sa Manila ng tito namin after Christmas. They want us to celebrate the New Year with them. Gusto mo bang sumama?"

"Tito?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Akala ko wala silang ibang kamag-anak.

"Althea's dad. Parang anak na kasi ang turing niya sa aming magkapatid. I can't turn down his invitation," paliwanag niya.

"I see."

Nakakatuwa siya. He still keep in touch sa tatay ng namayapang girlfriend niya.

"Sama ka?"

"Hindi na. Kayo na lang," tipid kong sagot.

"Sigurado ka? Kaya mo ba mag-isa dito?" he asked. I could really feel that he's worried for me.

"Sanay naman akong mag-isa." I mumbled.

Tumigil saglit ang kotse niya dahil red light pa. Sinamantala niya ang pagkakataon na 'yon para kurutin ng mahina ang pisngi ko. "You're not alone anymore, baliw. Sumama ka na," pangungulit niya.

"You know I can't be there."

Nasabi ko na kasi sa magkapatid ang totoong rason kung bakit ako narito sa Horencio. Alam na nila ang lahat lahat. Ewan ko ba. Magaan kasi ang loob ko sa kanila kaya nasasabi ko sa kanila ang lahat ng problema ko.

"Sayang," he whispered. Nababakas ko ang panghihinayang sa boses niya.

"Enjoy kayo. Magiging okay lang naman ako dito," I said reassuringly.

*****

Dumiretso na kaming dalawa ni Axian sa bahay ko, pagkatapos naming tumambay saglit sa cafe niya. Gaya ng dati, nilibre na naman niya ako. Kung aaraw-arawin ko ang pagpunta sa cafe niya, baka malugi lang sila kakalibre niya sa akin.

Alas-dos palang ng tanghali at wala pa si Aciel. Alas-singko pa daw ang out niya sa trabaho. Panay ang pagrereklamo niya sa amin kanina nang tumawag siya saglit. Uwing-uwi na daw siya. Her excitement is overflowing, just like me.

"Okay na ba to?" Axian asked countless times. Abala siya sa pagdidikit ng Merry Christmas na banner sa dingding.

"Taas mo pa konti, medyo tabingi." I replied. Nakatayo lang ako sa likod niya.

I looked around to scan the living room. I couldn't help but smile at the festive flair vibes in my own home. Axian and Aciel was kind enough to help me decorate the whole house.

A big frosted Christmas tree, dressed in blue christmas lights was standing near the electric fireplace. Nakalagay din sa ilalim ng Christmas tree ang mga regalo na nakabalot sa silver at gold na gift wrapper. I also upgraded my living room in sultry accent to get into a holiday spirit. May malaking wreath at lush garland sa bintana. Even the classic plaid curtains are in color red. Pasko na nga talaga.

"Mapunit na labi mo kakangiti." sita sa akin ni Xian. Tumabi siya sa akin para pagmasdan din ang buong bahay.

"Thanks, a lot. Ang laki na ng nagawa kong abala sa inyo."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka abala sa amin?" tanong niya kasabay ng pagpitik niya sa noo ko.

"Bakit kailangan mamimitik?" pagtataray ko habang hinihimas ang noo ko.

"Para tumatak sa kokote. Hindi ka abala sa amin. You can count on us whenever you need our help."

Napatingala ako para titigan ang mukha niya. His eyes were telling me that he really meant what he said. All of a sudden I feel warm and tender.

"Thanks," I said once again.

So this is how it feels when someone genuinely cares for you? It was really a good feeling. I longed for this.

*****

"Merry Christmas!" Aciel and I shout out loud when the clock hits 12. We keep on giggling while hugging each other tightly. Sa maikling panahon, naging malapit na talaga kami sa isa't isa.

"Merry Christmas, ate Jec! Sana maraming pasko pa tayong magkasama," she said, grinning widely.

I was taken aback by her words. Hindi ko kasi alam kung masusundan pa ito. I really hope that this happiness I felt right now will last longer.

"Ate! Are you okay?" she asked. Ngumiti na lang ako at pilit na inalis sa utak ko ang pangambang nararamdaman ko. It's Christmas. I don't want to ruin the atmosphere.

"Merry Christmas." bati naman ni Axian. Walang kabuhay-buhay. Nakabusangot ito dahil pinilit namin siyang isuot yung costume ni Santa Claus para match sa amin ni Aciel. Nakasuot kasi kami ng santarina dress.

"Paskong pasko naman kuya, nakasimangot ka," sita sa kanya ng kapatid niya.

"Pwede na ba kong magpalit? Ang kati na," reklamo niya. Natawa na lang kami.

"Sige na. Magpalit ka na tapos noche buena na tayo," sambit ko. Biglang nagliwanag ang mukha niya. Nagtatatakbo siya patungo sa hagdanan. Bago siya umakyat, nilingon niya pa ako ulit.

"Thanks! And Merry Christmas, Jec! You really look beautiful in that dress," bulalas nito saka nagpamalas ng nakakabaliw na ngiti.

Napatitig na lamang ako sa kanya hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa paningin ko. Hindi ko na namalayan ang pagguhit ng masayang ngiti sa labi ko. At ang abang puso ko, tila nahulog na ata.