HINDI maitaas ni Clara ang kanyang mga mata para salubungin ang mga mata ng taong nasa harap niya ngayon. Tinatanong niya tuloy kung bakit nakatapat pa niya sa hapag-kainan ang pinsan na ito ni Cole. Mula ng dumating siya kanina ay wala ng ngiti sa labi ni Ashley. Wala din siyang nababasang emosyon sa mukha nito.
"Clara, I prepared that food for you," wika ni Tita Ivy na siyang ikinatingin niya dito.
Nahihiyang ngumiti siya sa matanda. Hanggang ngayon ay tinatanong niya pa rin ang sarili kung bakit hindi galit sa kanya ang ina ni Cole. Sa lahat ng pinagdaanan ng anak nito na may kinalaman siya ay dapat na magalit ito sa kanya pero kahit isang beses wala siyang narinig na masasakit na salita mula rito.
"You should eat more, Clara. Huling pagkikita natin hindi ka pa ganyang kapayat." Komento naman ni Anna.
Sa lahat ng taong nandoon ay si Anna lang ang hindi siya nakadama ng discomfort. Despite being an Attorney, Anna is very approachable. Sa mukha palang nito ay alam na agad nito na mabait ang babae. She wonders how she ends up with a guy like Alex, who is very playful.
"Okay." Tumungo siya sa babae.
Kukuha na sana ng ulam si Clara ng naunahan siya ni Cole sa paghawak ng serving spoon. Nilagyan ni Cole ng ulam ang kanyang plato. Napasunod na lang ang kanyang mga tingin sa ginagawa ng binata. Nagiging sweet na naman ang binata sa kanya at sa harap pa ng pamilya nito. Lalo tuloy na hindi siya makatingin sa mga taong nandoon. She really feels uncomfortable at that moment. Nararamdaman niya kasi ang mga mata ng mga tao sa paligid.
Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng magpipinsan.
"So, kailan talaga kayo matutuloy sa Spain?" Narinig niyang tanong ni Kuya Timothy sa dalawang lalaki na magkarelasyon.
"We don't know yet, Kuya Tim." Sagot ni Peter.
"Kailangan niyo ba ng tulong namin para makalabas ka ng bansa?" si Cole ang nagtanong na iyon.
"I can arrange something for the two of you. Hindi niyo kailangan dumaan sa butas ng karayom para matuloy ang plano niyo." Si Alex naman ang nagsalita.
Peter form a shy smile. "Thank you pero hindi namin pwedeng kalabanin si Daddy na gamit ang tulong niyo. Baka lalo lang iyon magalit sa pamilya niyo. Malalampasan din namin ito ni Alter."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Isang ngiti ang ibinigay ni Alter kay Peter. Clara started to adore this two-love bird. Peter's family wants them apart but they keep on fighting for their love. She admires them for being strong. They trust each other.
"Just give us a call. We are ready to help you two." Si Tita Ivy na ang nagsalita.
Ngumiti ang dalawa. "Thank you, Tita. You don't need to worry about me and Peter. I planning to handle Peter's father." Sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagsalita si Alter.
Napansin niyang tumaas ang isang kilay ni Ashley pero hindi naman nagsalita. At napansin din yata iyon ng asawa nito na katabi nito ng mga sandaling iyon.
"Hon, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Renzo.
"I'm fine. I just don't want to be here." Walang prenong sabi nito.
Tumingin si Tita Ivy kay Ashley. "Ashley, we talk about this."
Ashley look at Tita Ivy before her. Iniiwas din agad nito ang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ng tanghalian. Nakaramdam ng lungkot sa puso nito si Clara. Galit pa rin talaga sa kanya ang babae at hindi niya ito masisi doon. Bumaba siya ng tingin ngunit nagtaas din ulit siya ng tingin ng may humawak sa kamay niya na nakapatong sa mesa. Napatingin siya sa kamay na iyon at muling ibinalik ang tingin sa nakangiting mukha ni Cole. She smiles back to him. Cole won't leave her. He will keep his promise to her.
"Is the food okay, Clara?" ang tanong na iyon ang pumutol sa pagtitinginan nila ng binata.
Napatingin siya sa ina ng taong nilalaman ng kanyang puso. Tita Ivy is looking at her with a smile.
"I'm fine, Tita." Tanging nasagot niya.
"That's good to hear. If Jewel woke up, let's tour her in my flower farm. I'm sure she likes her."
"She will like it here. Gustong-gusto niya ang mga bulaklak, Tita. Noong nasa States kami ay madalas kaming pumupunta ng park. Iyon ang bonding time namin." She suddenly feels comfortable. Talking about her daughter makes her happy.
"That's good to hear. I teach her how to plant. Masayang magtanin lalo na sa greenhouse. Gusto mo rin bang subukan?" Tita Ivy makes her more comfortable.
"Of course, Tita. Mamaya po pagkagising ni Jewel."
"I let you rest after we eat. Maaga pa kayong nagising kanina ni Jewel para pumunta dito sa farm. You should take a nap first." Napatingin siya kay Cole ng magsalita ito.
Seryuso ang mukha nito pero hindi naman nababakasakan ng galit o inis ang boses. Ngumiti siya sa binata at hinawakan ang kamay nito.
"Opo. I will take a rest first." Pagsang-ayon niya.
Sumulyap sa kanya si Cole. Ngumiti ito at pinisil ang kamay niya. They seem not to mind the people around them. Para bang sa mga sandaling iyon ay pagmamay-ari nila ang mundo at oras. Cole's eyes shout with happiness and love. And Clara feels the same. She is very happy. Masaya siya kapag kasama niya ang binata.
"Ahm..." isang tikhim ang pumutol sa pagtitinginan nil ani Cole.
Sabay silang napatingin kay Alex na siyang tumikhim. "Cole, may mga kasama po kayo sa hapag-kainan at saka mahiya naman kayo sa isang single dito. Siguradong na iingit na si Kuya Tim sa inyo."
Lahat ay napatingin kay Kuya Timothy. Namula naman ang mukha ng nakakatandang kapatid ni Cole. Binato nito ng hawak na tinidor si Alex.
"Gago ka. Sinong na-iingit?" Singhal nito.
"Bakit? Totoo naman ah. Ikaw lang naman ang single sa atin dito." Alex tease Kuya Tim na lalo lang ikinapula ni Kuya Tim.
"Kahit single ako. Kuntento ako sa buhay ko ngayon. Umayos ka, Alex. Baka gusto mong ilabas ko lahat ng nalalaman ko sa iyo at ng hiwalayan ka ni Anna." Ganti ni Kuya.
Tinaasan lang ito ni Alex ng kilay. "Go on. I'm a free man. My wife knows everything. She wo---"
Hindi matapos ni Alex ang iba pa nitong sasabihin ng bigla na lang itong binatukan ni Anna. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawang iyon ng babae. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya iyon.
"Umayos ka nga. Nasa hapag-kainan tayo." Pangaral ni Anna.
"Pero bakit ako lang ang binatukan mo?" Nakasimangot na wika ni Alex.
"Bakit may reklamo ka?" Pinanlakihan ni Anna ng mata ang asawa.
Alex press his lips tight. Gusto niyang tumawa ng malakas pero pinigilan niya ang sarili. She just smiles. She finds this two cute. Hindi niya akalain na mapapasunod ni Anna ng ganoon si Alex. Kahit ilang beses lang niya nakasama si Alex ay alam niyang maluko ito. He is the fun type guy among them.
Napatingin siya kay Cole. May ngiti din sa labi nito. Mukhang may ibang tao na rin ang nagpapasaya kay Cole maliban sa kanya. She is happy for him. Masaya siya na may mga taong nariyan sa lalaking minamahal. She is thankful that Cole doesn't feel alone.
AFTER LUNCH Clara went to the room she occupies at the villa. Silang dalawa ng anak ang magkasama sa kwartong iyon. Ayon kay Tita Ivy may sariling kwarto ang magpipinsan sa Villa kaya kapag nais nilang pumunta doon ay hindi nakailangan pangmagpalinis ni Tita Ivy dahil madalas iyon ipalinis ng matanda. Kahit sina Peter at Alter ay binigyan na rin ni Tita Ivy ng sariling kwarto sa mansion. Maraming kwarto ang Villa kaya hindi problema kung sakaling maraming bisitang pumunta.
Inaayos ni Clara ang gamit ng anak ng may kumatok sa pinto.
"Sandali lang." Agad siyang tumayo at pinagbuksan ang kung sinuman ang nasa pinto.
Natigilan si Clara ng makita ang ina ni Cole na nakatayo sa kabilang bahagi ng pinto. Tita Ivy is smiling standing in front of her.
"Matutulog ka ba, Clara. Pwede ba kitang maka-usap kahit saglit lang?"
"Oo naman po." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang matanda.
Pumasok naman si Tita Ivy. Agad nitong napansin ang natutulog niyang anak. Tumingin sa kanya ang matanda at ngumiti. "Sa teresa na tayo mag-usap para hindi natin magising si Jewel."
Tumungo siya sa matanda. Unang naglakad papunta sa sliding door si Tita Ivy. Sinulyapan niya muna ang anak bago sumunod dito. Naka-upo na sa mahabang sofa na naruruon ang matanda ng lumabas siya ng sliding door. Umupo siya sa tabi nito at tumingin sa malawak na taniman ng bulaklak. The air is fresh that makes her clam.
"Hija..." tawag sa kanya ni Tita Ivy,
Napatingin siya dito. Nagtagpo ang kanilang mga mata at agad niyang nabasa ang isang emosyon na ipinagtaka niya. Tita Ivy eyes are full of regret and she wonders what that emotion means. She reaches for her hands and holds them tight.
"I want to apologies to you for everything." She said those words with a sincere tone.
"Tita, why are you apologizing to me?"
"Noon ko pa talaga gusto sabihin sa iyo ang totoo ngunit sa tuwing susubukan ko ay may nangyayaring hindi inaasahan. I want to tell you the truth. Alam kong mali ang ginawa kong pekein ang DNA test ni Jewel noon pero iyon lang kasi ang nakikita kong daan para matapos ang paghihirap ng anak ko."
Nanlaki ang mga mata ni Clara. Alam na niyang peke ang unang DNA test na pinakita sa kanya pero hindi niya inaasahan na ang gumawa noon ay ang babaeng nasa harap niya ngayon.
"H-how?"
"I ask Jacob help. Ang totoo ay alam ko ang ginawa sa iyo ni Cole. Alam kong kinidnap ka niya at alam ko na wala siyang ginawang masama sa iyo. I help Jacob to find out the truth. And each day, I saw my son suffering because of what he did. Para kasi sa kanya ay siya ang gumawa ng masama sa iyo at hindi ko kayang makitang ganoon anak ko." Tita Ivy eyes started to spark.
Clara bit her lips. She wonders how much this woman suffer.
"I feel guilty for lying to you. To let you live in a lie. I want to tell you the truth but we don't know what the real culprit is. Natatakot kami sa sarili mong kaligtasan at lalo na ni Jewel. I know my son will be devastated if something bad happens to you and Jewel. That's why I intended to protect you and your daughter."
Hindi nakapag salita si Clara. Pinisil niya lang ang kamay ng matanda. She is grateful for her. Kahit na hindi siya nito ka-ano-ano ay pinuprotektahan pa rin siya nito. She protects her and her daughter for the shake and happiness of her son.
"I hope you understand my reason for doing such a thing, Clara?"
Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. "I understand, Tita. But..."
"But?"
"I don't understand why you let Cole put in jail. Bakit niyo po hinayaan na makulong si Cole lalo na at alam niyong hindi naman siya ang gumahasa sa akin?" It runs to her mind since she said that she knows the truth.
Tita Ivy let go of her hand. "Because my son deserves to be in jail. Clara, balik-baliktarin man natin ang totoo. May ginawa pa rin masama sa iyo ang anak ko. He kidnaps you and it's not right and it will never be right. Kailangan pagbayaran ng anak ko ang ginawa niyang kasalanan sa iyo. At saka, ginawa ko iyon para mabawasan ang guilt na nasa puso niya. I let him be in jail for five years to make him realize his own mistake."
"But he suffers for the wrong reason." Hindi pa rin niya ma-intindihan.
Five years? Limang taon itong nagdusa sa kulungan at muntik pa itong mamatay doon. Kaya hindi niya ngayon ma-intindihan kung bakit hinayaan iyong mangyari ni Tita Ivy. Kilala niya ang ina ni Cole. Napaka-over protective nito sa binata mula pa noon.
"He suffers from the mistake he done to you. He pays the wrong deed he did to you."
She may not understand it but she let it go. Kagaya nga ng sinabi niya, kilala niya ang ina ng binata. Tita knows what the best for Cole. She always does her best for her only one. Humarap siya malawak na farm ni Tita. Abala ang mga tauhan ng farm.
"Clara, may I ask you something?"
Bumalik ang kanyang tingin sa ina ni Cole na tinuring na rin niyang parang totoong ina. Kagaya niya ay nakatingin din ito sa malawak na tatiman ng mga halaman. "Ano po iyon?"
Humarap sa kanya ang matanda at may pag-aasam sa mga mata nito. "Do you still love my son? May puwang pa rin ba ang anak ko sa puso mo?"
Natigilan si Clara. Nanigas ito mula sa kina-uupuan. Dapat na niyang sagutin ang tanong na iyon? Should she answer that question with all her heart? Ngumiti si Clara sa matanda. Tita Ivy deserves to know the truth and she will say to her the truth.
TUMUTULONG si Clara sa pagtatanin sa greenhouse ng may tumayo sa harap niya. Naka-robber shoes na kulay blue ang taong ngayon ay nakatayo sa hawak niya. Nagtaas ng tingin si Clara at sumalubong sa kanya ang walang ngiting mukha ni Ashley. Napatayo bigla siya at hinarap ang pinsan ni Cole. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha ng babae. Gusto niya itong ngitian ngunit natatakot siya na baka bigla na lang magtaray ang babae.
"Can I talk to you?" Walang emosyon ang boses na tanong ng babae.
Tumungo siya. "Oh!"
Tumalikod si Ashley. Mabilis na hinubad ni Clara ang suot na rubber gloves. Sumunod agad siya kay Ashley na lumabas ng greenhouse. Hindi na siya nagpaalam kay Cole na abala sa pakikipag-usap sa iilang tauhan ng farm. Sa may hammock di kalayuan sa greenhouse huminto si Ashley at hinarap siya. Wala pa ring ngiti ang mga labi nito. Huminto na rin siya sa paglalakad.
"I will be honest to you, Clara. I don't want you to be here pero wala akong magagawa kung si Tita ang nagsabing pumunta ka dito. I just want to give you a warning." Naglakad palapit sa kanya si Ashley. "Don't ever try to hurt my cousin again because this time, I will make sure that you will suffer more."
Nais mapalunok ng laway ni Clara. Ashley treated her if she hurt Cole again. Tumikhim siya.
"Ashley, hindi ko nobyo ang pinsan mo," wika niya.
"What?" salubong ang kilay na tanong ni Ashley.
"Hindi kami nagkabalikan ni Cole. We stay as friends. You don't need to threaten me."
Umatras si Ashley. "You mean, you two are friends." Tumawa ng patuya si Ashley. "Pinagluluko mo ba ako? Hindi ka dadalhin ni Cole sa farm kung wala kayong relasyon."
"Pero iyon ang totoo. I came here as his friend. Hindi namin pinag-uusapan ni Cole ang tungkol sa estado ng relasyon namin pero isa lang ang sigurado ako, we are friends." She wanted Ashley to believe her. Iyon naman kasi talaga ang totoo.
"Clara, hindi nagdadala ng hindi nobyo o nobya kaming magpipinsan sa farm ni Tita. For us, ang may karapatan lang pumunta dito ay ang mga karelasyon namin o taong sigurado kami sa nararamdaman namin. At kung talagang magkaibigan lang kayo ni Cole, bakit nandito kayo ng anak mo? This is a family gathering."
"Pero si Tita Ivy talaga ang nagsabihing pumunta ako dito. Ashley, I do---"
"Hindi magsasabi si Tita kung alam niyang wala naman talaga kayong relayson dalawa. Ano ba talaga kayo ng pinsan ko? At wag mong sasabihin na magkaibigan lang kayo dahil nakita ko kung paano niyo tratuhin ni Cole ang isa'-isa kanina."
Umiling siya. "I told you the truth, Ashley. Kaibigan ko lang talaga si Cole."
She wanted to add that her cousin still owns her heart but she keeps it to herself. Hindi pwedeng ang lahat ng babae sa buhay ni Cole ang unang makaka-alam ng nararamdaman niya sa binata. Lalong tumalim ang mga mata ni Ashley. Umayos ito ng tayo at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Okay, fine. If you say so but mark my words. If I ever saw my cousin hurting again because of you. You will pay big time." Pagbabanta pa rin ni Ashley sa kanya.
Clara can't help but let her smile show. Something touches her heart because of Ashley's words. Lalong nandilim ang mukha ni Ashley.
"What are you smiling at?" mataray nitong tanong.
"I'm... I'm just happy for Cole. May mga pinsan siyang handa siyang protektahan. Dati ako lang ang taong nagpoprotekta sa kanya ngayon ay may isa ng babaeng handa siyang ipaglaban. Thank you, Ashley. Thank you for being a kind cousin to Cole. He deserves all the love you gave to him."
Biglang nagbago ang mukha ni Ashley. Lumambot ang mukha nito at napatingin sa kanya. Para itong hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ilang minuto din na ganoon si Ashley bago bumalik sa dati ang emosyon sa mukha nito.
"I will protect Cole because he is my cousin and he is so precious to me. Lahat sila ay poprotektahan ko sa mga taong mananakit sa kanila. You don't need to thank me."
"I know. Nakikita ko naman na gagawin mo lahat para sa kanya kahit hindi ko sabihin." Yumuko siya. Huminga siya ng malalim. "And I'm sorry if I hurt your cousin. I'm sorry kung nagdusa at nasaktan si Cole ng dahil sa akin. Kung ma-ibabalik ko lang ang anim na taon ay babaguhin ko iyon. Dahil anim na taon din ang nawala sa amin ni Cole. Anim na taon din siyang hindi naging parte ng buhay ko."
Hindi nakapagsalita si Ashley. Pinagtaasan lang siya nito ng kilay. As If, she doesn't care about what she said.
"I regret some of my decision before but I can't live with regrets. I can't turn back time, so I wanted to do better in the future. I know, I'm selfish for keeping Cole at my side after everything happens between us but I want him to be happy. Ashley, we are happy to be together. We may not have any label but we are totally fine with that. Because there's no complication. And we both know what our heart wants. We both understand each other and that's all matter for two of us."
Nawala ang pagkamataray na mukha ni Ashley pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon. Inalis nito ang mga braso sa pagkakakrus. Umayos ito ng tayo at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.
"Do you still love Cole?" Out of a sudden Ashley ask her the same question that Cole mother's asks.
At kagaya ng ginawa niya sa ina ni Cole, she smiles genuinely to his cousin. She is really to open her heart to this woman as long as she gets her approval.