webnovel

UNIT ONE

Leslie Meghan Fortres

Nakataas ang kilay ko habang nagmamasid sa isang aktor na ilang beses ng magkamali sa eksena namin ngayong araw. Naiirita akong nakatingin dito.

Sana kasi kung may problema personal ay dapat iniiwan sa labas ng set. Hindi yung dinadala dito sa trabaho at pati ang iba nadadamay.

'Juicemother. Naha-highblood ako.'

"FOR THE LAST TIME CUT!" Eksahederang sigaw ko gamit ang aking mahiwaga at malaking wireless megaphone. Kaya umalingawngaw sa apat na sulok ng malaking silid ang aking magandang boses.

Nakita kong halos nakatakip sa mga tenga nila ang iba at ang mga sanay na ay napapangiwi na lang.

'Hindi naman pangit ang boses ko ah.'

Napanguso na lang ako sa naisip ko.

"Huy, huy! Ang oo-a niyo ha." Saway ko sa mga bagito o baguhan sa set. Napakamot lng sila ng ulo habang ngumingiwi pa rin.

"Kasi naman direk di kami masanay-sanay sa megaphone mo tapos full pa yung volume." Aba't... tong si Mark magaling magreklamo eh inaabot kami ng siyam-siyam sa pagpapa-memorize ng script sakanya.

"Oo nga Mommy D. Malakas na nga yung boses mo, malakas pa yung megaphone mo. Alam niyo nung una ko dito kala ko lumilindol. Hahahahahhaah" Sinamaan ko ng tingin si Jacob. Tong baklang toh, ang sarap pakinggan ng tawa niya. Tunog kambing.

"Tigil-tigilan niyo kong dalawa ha. Ikaw Mark hindi mo pa rin makuha-kuha yung nasa script mo, akala mo hindi ko napapansin ang madalas mong pag-iba ng mga linya mo sa script ha." Ngumisi lang ito kaya inakmaan ko siyang babatukan. Bumaling ako kay Jacob.

"At ikaw naman Jacob sa umaga na Joanna sa gabi, alam mo naman na yung character mo namatayan eh bakit panay yung ngisi mo ha? May nakakatawa? Babangon ba yung patay? Share mo naman samin ang nakakatawa para masaya din kami. At kayo..." Tinuro ko pa ang iba.

"Alam niyo din ang mali niyo... please lang dalawang buwan na lang at deadline na. Guys, kung saan malapit na tayo sa dulo saka kayo gumaganito. Let's help each other ok? Lahat naman tayo may benefit dito eh. And this is your job right? Ang iba sa inyo dalubhasa na sa larangan na toh diba. Asan na yung galing niyo? Sa una lang ganun, tinatamad na kayo ganun? Ayy ako din tinatamad na kakasigaw." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ok director!"

"Let's call this a day then, let's continue the shooting tomorrow... dismiss." Sabi ko sa tonong parang teacher.

Agad naman silang nagsialisan. Tinawag ko naman ang lalaking isa ding pang-gulo kanina.

"Ricus" Napatigil ito at parang nabigla pa na s'ya na lang mag-isa nakatayo sa platform.

Tsk. Halatang-hindi nakikinig oh.

"Yes, direk? May kailangan ka?" Sumimangot ako pero agad ko rin siyang tinitigan ng seryoso. Parang namutla naman ito.

"Alam mo ba ang ginagawa mo sa boung duration ng shooting?" Napayuko ito at napatango.

"Alam ko po. Sorry po may iniisip lang po ako." Nakatungong sagot nito.

"Napapansin ko nga. Mula last week ka pa nagkakaganyan. Dinadamay mo pa sa sad vibes mo yung boung cast. Don't get offended or what. Kasi hindi kita sinisisi, dahil talagang sinisisi kita. Yes man, sinisisi kita. Alam mo kung bakit? Kasi may pinermahan ka, may pinermahan kayo at ako. Ang trabaho, trabaho. 'Trabaho lang walang personalan' nga diba. I am a director. I do what I am asked to do. You are an actor. You must do what you are told to do."

Hindi ako magbabait-baitan kung gusto kong mamulat ang isang toh. Ganyan kasi kadalasan eh, kung hindi mo babarahin ng masasamang salita hindi mamumulat. Hindi malalaman kung saan at paano nagkamali. Hahayaan na lang bang maging bulag ang isang tao kung may tsansa pa itong makakita muli noh?

'Heh, kung ano-ano na naman ang naiisip ko.'

"Kasi alam mo Mr. Lereza, hindi lang ikaw may pinagdadaanan dito. Kakamatay nga lang ng anak kong si Potchie last month nakita niyo bang naging pabaya ako dito? Diba hindi. Ginagawa ko pa rin ang trabaho ko. Kasi nga, ito nga yung trabaho ko. Kung hindi ko gagawin ang mga responsibilidad ko sa tingin mo ba walang may maapektuhang iba? Aba'y sa trabaho ko mauuna kayong maapektuhan dito. Sino ba yung direktor dito?" Nakapameyang na ako at nakataas na naman ang kilay.

"Ikaw"

"Sino ang tumuturo ng mga gagawin niyo?"

"Ikaw"

"Sino ang nagsu-supervise sa inyo?"

"Ikaw"

"Sino ang reyna dito?"

"Ikaw"

"Sino ang maganda?"

"Ikaw teka lang--"

"Good" Ngumisi ako at napatawa ng makitang nakakamot na ito sa ulo niya.

'Ay yuck. May kuto?'

"Salamat po direk. Promise po di na mauulit." Tumango ako at tinapik siya sa balikat.

"Geh... una nako ha." Paalam ko saka nauna ng tumalikod.

'Hayyyy buhay parang life. Ang hard naman ng day ko. Tsk. Tsk.'

"Teka lang direk. May anak na po pala kayo? Potchie po pangalan?" Pahabol na tanong ni Ricus.

"Uh yes, si Potchie. Bakit gusto mo palitan ang pangalan?" Napa-iling ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayy condolence po." Tumango ako at tumingin sakanya ng seryoso.

"Wag kang mag-aalala naka-move on na nga ang nanay niyang si Gummybear ako pa kaya? Anyways si Potchie ang baby pitbull ko. Anak siya ng aso ni kuya kaya nakakalungkot na kinuha siya agad ni Lord. Hayyy" Naalala ko tuloy si Potchie ko. RIP bèbekyut.

Iniwan kong nakakanganga si Ricus na nakalukot ang mukha.

Tse. Ang ganda ko talaga. Sabay pilantik ng buhok.

Nakangiting aso naman akong sumalubong sa kapatid ko. Tiyak na kanina niya pa ako hinihintay sa parking lot. Tsk. Tsk.

"Antagal-tagal mo naman Les. Kanina pa nagsilabasan yung mga kasamahan mo ah." Tinaasan ko ng kilay ang gwapong mukha ng kapatid ko. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa magkapares na asul niyang mga mata na parehong sumasalamin din ng akin.

'He's the next good looking man I've ever seen next to our hunk lovable father.'

Messy blond hair, bushy eyebrows, hooded eyes that matches his gentle ocean like eyes, straight nose, red lips and of course... his godly aristocratic jaw which he inherited from our father.

Signor Carlo Berlusconi, our runaway father. Nito lang namin nalaman na siya pala yung tinatawag na 'the great bachelor of all time'.

Akalain niyo yun, yung duke ng Milan na ilap sa tao tatay ko pala. So we acquired the title of a lady and lord as his successors.

Gigil na gigil nga si màma ng malaman niya kaya tumakas si papà. Takusa eh (takot sa asawa).

Yung ginagamit pala naming apilyedo ay galing sa yumaong foster parent niya. Hindi pa malinaw samin yung dahilan ng pagtago ni pàpa sa katotohanan but I think may koneksyon iyon sa komplikadong relasyon nila ni màma noon.

Hindi naman nila inilabas sa publiko na pamilyado na ang duke pero alam ng side ng mga royal family na meron na siyang sariling pamilya. We don't know the exact details because we really don't care since we're already contented in our current life.

We don't want to involve ourselves with their sh*ts.

Magulo na nga ang buhay showbiz, dadagdagan ko pa ba ng pulitika? Same as my brother, he's kinda busy in his chosen career, a neuro-surgeon.

"Kuya Luke, have you forgotten that I am the director? I control the film's artistic and dramatic aspects and visualizes the screenplay while guiding the technical crew and actors in the fulfilment of that vision. I have the key role in choosing the cast members, production design and all the creative aspects of filmmaking." I proudly stated.

Kahit minsan ay nai-istress ako sa mga kasama ko. Mahal at gusto ko naman yung ginagawa ko. Eversince I'm young ito na yung gusto ko. And I admit that the challenges I've facen are hard but not enough to make me backdown. Luckily, I've reached this far.

"Anong konek nun sa huli mong paglabas sis?" Inirapan ko ang ungas kong kapatid. Ang slow eh.

"Like dzuhh... Inshort po kuya ako ang mahuhuling lalabas kasi nga marami pa akong gagawin pagkatapos ng shooting." Dapat nga nag-oovertime ako ngayon kasi wala si Secretary Kim. Yung seksetarya kong friend. Nagdate eh. Tsaka tong si kuya walang modo. Magpe-presintang susundo di naman makapag-antay.

'Kawawa yung jowa nito soon.'

"Pshhh... tara na nga. Kanina pa siguro nag-aantay si Mike sa resto." Iginaya ako ni Kuya papasok sa kotse.

"Woah, hold on kuya. As in Mike na si Michael Erwin o Bryan Orion na naging sikat sa kanyang erotic film? Wews... na-close mo pala at last yung deal sakanya." Buti at pumayag yung italyanong yun ha.

Nakita ko ang pag-ngiwi ng kapatid ko nung binanggit ko ang pangalan ng pelikula na si Michael Erwin ang naging main actor. Nakadalo din kasi ako sa releasing ng film nila. Infact, si Barbara at Tomasz na mga sikat na direktor ay mga senior ko.

Kumunot ang noo ko ng makaramdam ng pagkabalisa. Parang may mangyayaring masama.

'I know I should trust my inner self. Coz my instincts are always accurate.'

"Kuya, parang sumama yung pakiramdam ko. Huwag na lang kaya tayo tumuloy sa res---AGHHHHHHH KUYAAA" Malakas akong napatili ng lumindol.

Tahimik lang ang kapatid ko habang pinagpapawisan na nakatingin sa harapan. Yung tulay! Gumuguho yung tulay!

Sobrang huli na para mag-U-turn dahil kahit ang kapatid ko ay nabato na rin sa kinauupuan niya.

Malakas na lang akong napamura ng maramdaman ang mabigat na pressure na humihila samin pababa.

Linamon ng takot at kaba ang sistema ko. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Naisip kong andami ko pa palang hindi nagawa sa buhay ko.

Hindi pa ako nakakaganti sa tabachoy kong kaklase na namb-bully sakin nung grade school. Yung mga froglets na naging pahirap sa buhay ko nung college.

Hindi na ko maka-kasupport sa friend ko this coming election. Sayang yung balota ko. Hindi pa ako nakakapunta sa hometown ng tatay ko.

Hindi ko pa nasasabi kay màma na hindi ko gusto ang mga luto niya sa takot na magutom kami. Hindi ko pa napipingot yung tatay kong duwag.

Hindi ko pa naipapasa yung korona ko bilang reyna sa opisina. Sana nakakain pa ako ng kimchi bago umalis. Wag naman sana akong kunin agad.

"Mamamatay akong birhen oh my gosh!!! If ever this will be my last day, hinihiling kong gold sana ang kabaong ko at ilibing din kasama ko ang aking mahiwagang wireless megaphone!!!"

~

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nakalutang sa kawalan. Saang lupalop ba ako ng mundo?

"A-asan ako?" Takang tanong ko.

'Deym.. Bakit ba sobrang dilim? Wala akong makita.. wag mong sabihin nabulag ko?'

[Welcome Ms.Fortres!]

Nagulat naman ako bigla. Ano yung tunog na yun? Parang robot.

Lumiwanag ang paligid at may box na may screen ang tumambad sa harapan ko. Kasinglaki nito ang isang TV pero may katawan na bakal.

"Who are you? Where are you from? A-ano ka?" Nauutal kong tanong.

Baka kasi nateleport ako sa future. Ito na ba yung latest invention nila? Bakit ang liit naman? Iba kasi yung naiimagine kong gagawin ng mga scientists. Pero teka lang...

Naalala ko, papunta na kami ni kuya sa restaurant nang biglang lumindol tapos gumuho ang tulay. Nalaglag ang sasakyan at bumagsak sa tubig. Imposibleng mabuhay pa ako kasi di naman ako marunong lumangoy. At kahit marunong pa akong lumangoy hindi pa din ako makakaligtas sa mga pabagsak ng semento ng tulay.

"Pa--patay na b--ba ako?" Ito na ba yung life after death situation? Eh... Asan si San Pedro at ang manok niya?

'Luhhh... di ako nainform na mas hightech pala sa langit. Madaya ha.'

[Hindi pa, pero on the way ka na dun pero may chance ka pa naman na makabalik at muling mabuhay gaya ng dati.] Nagfaflash sa maliit na screen yung reply nitong unknown thingy nato. May boses rin naman akong naririnig. Pangrobot nga.

Na-overwhelm naman ako sa sinabi nitong pagna'deds' daw ako ay mapupunta ako sa langit. Sabi ko na nga ba mabait at inosente ako eh hehe. Pero gosh... di pa kasi ako ready... pwede pa naman sigurong i-postponed yung trip to heaven ko diba?

"Paano?" Nanlaki naman yung mata ko. Yung parang tarsier ba. Baka kasi di niya sabihin hihi.

[Dapat magawa mo ang misyon na ibibigay ko.] Mission daw? Naexcite tuloy ako.

"Ano 'yun?" Hula ko mag-aala James Bond ako. Di kaya yung mala-Angelina Jolie yung galawan. Tapos mga Mafia at Terrorista ang babanggain ko.

Ako ba yung tipong magiging tagapagligtas ng mundo? Feeling ko nagsa-sparkle yung mga mata ko dahil sa excitement.

Naudlot lang yun sa mga lumabas sa screen na mga salita.

Mission 1.0

~Date w/ 5 guys

'So much for my expectation... tsss. Nakakamatay talaga ang maling akala.'

"D--date? Paano kung di ko gawin?" Luhhhh ang pangit kasi... kala ko naman kung mala-aksyon na.

FPJ Ang Probinsyano. Weyt tama ba yun? Sige, Darna na lang.

[You will die and you will not have a chance to reincarnate] Napalunok ako at nagsitaasan naman yung mga buhok ko sa kilikili.

Tapos dumilim na naman ang paligid.

"Hoyy, hoy teka lang maliit na square robot. Excited ka naman eh. Parang nagtatanong lang..." Pashnea nito ang seryoso, mananakot pa eh.

"Feel na feel mo naman. Gagawin ko na. Paki-lights on lang... ayoko sa dilim oh"

Lumiwanag naman yung paligid. Yung nakikita ko lang yung robot tapos nakapaligid samin yung kadiliman. Naisip ko tuloy na parang nasa shooting kami ng isang horror movie.

"Ano nga pala ang itatawag ko sayo? Tsaka asan ba'ko?" Nagtatakang tanong ko.

[Tawagin mo na lang akong Computer MIA. Nasa secret place ka ngayon.] Mala-robot na sagot nito.

"Wow ha.. sekret-sekret ka pa pero computer ka pala? Babae ka ba?" Ang arte kasi ng fonts ng mga words sa screen niya... pang girly.

[Computer nga ako kaya alam ko lahat ng tungkol sayo at wala akong kasarian. MIA stands for Micro Information Analysis] Aba taray ha!

"Micro Info. Analysis... weird... pero pamilyar siya. Teka nga, paano naman ako makikipagdate eh wala naman akong katawan?" Takang tanong ko. Pano ko nasabing wala akong katawan kasi hindi ko talaga ito maramdaman yung feeling ng isang galang kaluluwa. Eto yung nai-imagine ko.

*Snap*

Umiba ang paligid at namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa isang kwarto. Grabe, ba't sobrang kalat? Naramdaman kong nakahiga ako sa kama kaya naman napabangon ako. Sa hindi inaaasahang pagkakataon tumama ang paningin ko sa salamin.

"OH MY GOD?! Seriously Computer M makikipagdate ako sa ganitong anyo? Sinong papatol dito?" Hindi naman sa judgemental ako pero judgemental talaga ako.

Maganda nga ang katawan tapon naman ang ulo. Hello hipon isdatyu? Ayy is that me pala.

[Wag ka ng magreklamo pa Ms.Fortres. Pasalamat ka pa nga at may katawan ka] Aba't namimilosopo tong kompyuter na toh ha.

"Whatever.. pwede ba Leslie na lang Computer M. Masyadong formal ang Ms.Fortres eh. At siya nga pala, kaninong pangit este katawan pala toh?" Sinipat ko naman uli ang kabuuan ng katawan ng babaeng nakikita ko sa repleksyon ng salamin.

Hindi marunong mag-ayos, tamad maglinis pero maarte. Yan ang first impression ko sa dating nagmamay-ari ng katawan na ito.

[Nasa katawan ka ni Miss Willa Santiago. 26 years old. Nakatira sa isang sikat na condominium pero taga-Quezon. Ulila at nagtatrabaho sa isang Business firm sa Manila tap---weyttt mahina ang kalaban!] Pinigilan ko muna kakadakdak tong robot nato.

"Computer M, wala bang mas mabilis na paraan diyan kaysa sa story telling mo?" Naisip ko lang kasi na may magagawa siya ganern... living computer siya diba.

[Meron] Lumiwanag naman ang mata ko sa sagot niya.

"Yurn naman pala ehh... Edi go tayo dun"

[Ok. Pikit ka, i-absorb mo lahat ng data. Mga memorya ni Ms. Santiago ang ipapasok ko sayo" Ngumiti ako ng malapad.

"Mag-aala computer rin pala ako. Absorbing data.. loading.. processing hahaha... ganun ba?" Ginawa ko pang mala-robot yung boses ko habang sinasabi yun.

Hindi ako nagdalawang-isip na pumikit. Ilang sandali pa ang nakaramdam na ako ng matinding kirot habang may pumapasok na mga imahe sa ulo ko. Tiniis ko na lang ito at pilit ngang pinapa-absorb sa utak ko.

Absorbing done.

Hi there! This is Bia, an amateur aspiring writer. Please tell me what you think about this chapter or to be specific, what do you think about Leslie? I would love to read your comments. This will be edited after the completion of the story. Share happiness! Thank you! Lovelots!

Bia_Marie_creators' thoughts