13 Chapter 13: Hey stupid Momo!

Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami ni Billy at naglakad-lakad sa loob ng SM.

And guess what..   >.<  

Nandun na naman si Chester.

Nakita ko siyang kinakausap 'yung saleslady ng mga slippers.

Nagtataka na ako. Hindi ko alam kung paanong nagkakataon na nagkakatagpo kami sa iisang lugar. Parang hindi naman niya kami napapansin kaya binalewala ko na lang din ang presence niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na.

++++++++++++++

Nasundan pa nang nasundan ang pagbuntot samin ni Chester. Lagi na lang siyang ume-eksena sa mga lakad namin ni Billy. I mean, ano ba ang problema niya? I don't get it.

Minsan ay nagpunta naman kami ni Billy sa Music Warehouse, at hindi na ako nagulat nang makita ko si Chester na papababa ng hagdan at pumwesto ng upo sa isang sulok.

Enjoy na sana namin ni Billy ang pagpunta namin doon dahil sa magaling yung mga nagpeperform sa stage. Ang cool din ng DJ.

Kaya lang, panira na naman ang presence ni Chester. Wala naman siyang ginagawa to mess with us pero nakakadistract siya. Feeling ko nakatingin siya samin lagi. Pero pag tinitingnan ko siya, nakatutok lang ang tingin niya sa cellphone niya! I don't know why but it pisses me off even more. >.<  

Sa inis ko ay hindi ako napigilan ni Billy na magparinig.

"As usual, nandito na naman siya. Panira ng gabi." sabi ko. Halata ang inis sa boses.

As usual din, hindi na naman ako pinansin ni Chester. Lalong tumindi ang asar na nararamdaman ko.

Okay, bahala na! Tumayo ako at lumapit sa kinauupuang mesa ni Chester. Nakainom din kasi ako kaya medyo malakas ang loob ko mang-away.

Naupo ako sa upuang nakaharap sa kanya at ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa.

"Ano pa ba'ng gusto mo?" nagtaas ito ng tingin pero bumalik lang sa cellphone niya nang makita niya ako.

Goodness, this is ridiculous!

"Are you aware of what you made me feel?! Sinaktan mo ako, pinagmukang engot, binale-wala!"

Hindi ito sumasagot.

"It's all thanks to you, I feel so pathetic and miserable right now!"

Nakayuko lang siya. Nakakainis!

"Kung wala ka nang kailangan sakin, pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagsunod-sunod samin? Para kang aso!" galit na galit ako habang sinasabi ko iyan.

Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob, guguluhin pa rin niya ako?

Sinusubukan ko na nga siyang kalimutan pero ayaw pa rin niya akong tigilan.

Nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako pinapansin. Pikon na pikon na pikon na ako.

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin.

Nanatiling nakabukas ang bibig ko. What the fuck?! Nahinto ang balak kong pagsasalita.

Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

Si Chester? Iiyak?..

Ganun ko ba siya nasaktan sa mga sinabi ko?

Wait, teka lang. Bakit ganun? This can't be true. I would not ever want to hurt his feelings. Kahit sobrang cruel niya sakin noon.

Nakaramdam ako ng lungkot pagkakita ko sa mukha niya.

Ayaw ko ng ganito, hindi ko gusto na saktan siya. Ang gusto ko lang ay tigilan na niya ako. BECAUSE IT IS CONFUSING ME! Nagti-trip ba siya!? Or nang aasar? Gumaganti? What?! Mahal niya pa ba ako? Or namimiss? Putang ina.

Anong gagawin ko? Mag-sosorry? I can't come up with anything to say. I feel so lost.

Sa isang iglap, naalala ko na mahal na mahal ko pa rin pala siya.

Mahal na mahal.

Aktong hahawakan ko ang mukha niya nang bigla siyang tumayo.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya na agad naman niyang pinunasan.

Napansin ko sa kanyang braso na suot niya ang stainless bracelet na regalo ko sa kanya nung birthday niya.

Natulala ako. Fuck this! I feel so stupid.

Ang akala ko ay binalewala na niya ang regalo ko na iyon sa kanya.

"B-bakit s-suot mo yan?"

Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy na lumabas, umakyat sa hagdan papalabas ng warehouse.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam ang gagawin ko.

I was dumb, I was blind to let him down.

+++++++++++++

TO BE CONTINUED. 

Author's Note: Medjo busy ngayon. Sorry po. Babawi ako, I swear. Thank you for reading. More chapters coming. 😊

avataravatar
Next chapter