webnovel

Chapter 03

Georgia Point of View

    Pagpasok ko sa room ay mga nakatingin sila saakin. Inismiran ko nalang sila at nag hanap ng vacant seat. Dumiretso naman ako sa likod dahil may 5 chairs pa roon na available.

   I'm not comfortable here, siguro dahil bago palang ako at wala akong kilala at nag aadjust palang or di kaya hindi talaga ako para dito sa section na ito?

  Minutes later our professor entered the room. We all stand and greeted her in unison. "Good Morning Prof" she greeted us too and gave us a sign that we can now go back to our seats.

  Mukha naman siyang mabait siguro'y may katandaan narin. "Okay let me introduce myself first. I'm Mrs. Myra Talbañia, 30 years old" pagpapakilala niya. Tumango naman kami kaya sinimulan niya nang mag lesson. Maayos naman ang pagtuturo niya kaya wala akon reklamo. Well explained.

After 2 hours dinismiss niya na rin kami kaya kinuha ko na ang gamit ko at aalis na sana nang may lumapit saaking babae. "Hi, Can we be friends?" Napataas naman ang kilay ko pero binalik ko rin agad sa dati ang exposure ng mukha ko. Pasimple ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa at masasabi kong maganda nga sya. May mahaba siyang buhok, matangos na ilong at mala pinkish na lips.

Siguro hindi naman masamang makipag friends diba? Mukha naman siyang mabait "sige ba" sabi ko at ngumiti, ngumiti naman siya nang pagkalapad lapad at kumawit sa braso ko.

"Ako nga pala si Ligia Montemayor, the one and only heiress of Montemayor family." So she also came from a well known family.  Ang alam ko kasi Montemayor ay pangatlo sa mga matataas na businesses sa buong mundo.

First ay ang sa Terramycin, pangalawa ang Hollie tas pangatlo ang Montemayor, the rest hind ko na alam kasi hindi pa naman ako masyadong nangingilam sa business industry, tsaka sila Mom and Dad narin nag sabi na we should enjoy our teenage stage daw muna. Kasi they can still handle it panaman daw without me and kuyas help.

Nag lakad kami sa corridor at as usual may mga mata na namang mapanghusga pero mabuti nga't hindi naman iyon pinapansin ni Ligia. Panay lang ang kwento niya tungkol sa buhay niya at tungkol sa childhood niya.

"Alam mo ba matagal nakong gustong makipagkaibigan sayo, kaya lang masyado kang ilag sa mga tao, tingin ko nga may trust issues ka eh! Ilang beses ko nang tinangkang lumapit sayo kaya lang lalapitan palang kita lumalayo kana. Pero mabuti nga't nabigyan rin ako ng pagkakataon'' natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam eh.

"Doon tayo oh" turo niya samay malapit sa gitna. Tumango naman ako at sumunod na sakanya. "Ako naa ang mag oorder, my treat" ngumiti nama ako at binigay na sakanya ang order ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong pabalik na siya kaya tumayo ako at tinulungan siyang dalhin ang iba pang pagkain. "Bat hindi ka nagpatulong sa kanila? Eh alam mo namang marami rami to eh." Satsat ko, ngumiwi naman siya at huminga muna ng malalim.

"Ano kaba, kaya ko naman ang mga yan eh. Nakarating nga ako ritong walang natatapon" sagot niya.

"Aba hoy sinasabihan lang kita dahil baka sa susunod may makabunggo ka dyan at matapunan mo sa damit, diba gulo pa yan?" Sabi ko naman nanatili parin siyang nakangiwi at bahagyang kumamot ng ulo.

"Oo na nanay magpapatulong na" nanay ba hahaha, natawa naman kami pareho at sinimulan nang kumain. Maayos rin naman palang may kaibigan eh no? Na kapag kumakain ka may ka kwentuhan ka at may ka chikahan.

Maya maya'y pumasok na ang mga varsity players kaya mas lalong umingay sa cafeteria. Sari saring mga salita ang sinasabi like "notice me po" "kyaah ang gwapo mo" "kyah let me be your muse" jusmiyo perdon mga lalaki lang naman iyan pero kung pagtilian ng mga kababaihan daig pa ipis.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko pero napansin kong hindi ata gumagalaw si Ligia at nakatingin lang sa likod ko. Ikinaway ko ang kamay ko sakanya pero hindi parin siya natitinag. Aba anong nangyari sa babaeng to?

Dahil curios ako ay tinignan ko rin kung ano ang tintignan niya salikod, at laking gulat ko ng tumama ang mukha ko sa dibdib ng isang siraulo. Naka patong kasi yung tuhod niya sa upuan so it turns out na para syang nakadapa.

Tinulak ko sya at tinaasan ng kilay. Sino ba to!? Kanina tinamaan ako ng bola ngayon naman pinatama naman ako sa dibdib niya, nako! Bet na bet niya ba akong patamaan?

"Hoy ako nakakahalata na ha, kanina mo pa ako natatamaan. Alam mo bang nakakainis na?!" Singal ko rito pero ngumisi lamang ito kaya mas lalo akong nainis. "Atsaka sino kaba ha? Pwede bang ako'y tigil tigilan mo at hindi na nakakatuwa" sabi ko at tatalikod na sana ng hawakan niya ang braso ko.

Tinabig ko naman ang kamay niya kaya bahagya siyang napabitaw. "Remember my name, my face, I'm Zyan Klein Terramycin the Son of the owner of this school, and the heir of Terramycin family" so ang yaman niya pala? So anong pake ko diba?

"So what? Anong pinapalabas ng butsyi mo? Tsaka pake ko kung sino kaman, tabi nga harang harang sa daan" iniwan ko sila roon ng bahagyang laglag ang mga panga at para bang sinisigurado kung sinabi ko nga iyon. Dinaanan ko siya at bahagyang tinamaan sa braso. Huwag niyang ipagmalaki saakin kung sino siya dahil kapag nainis ako sakanya ng sobra tatamaan talaga siya ng kamao ko kahit sobrang taas niya.

Sumunod naman saakin sa Ligia at kumapit ulit sa braso ko. "Georgia ang galing mo, hindi ka ba natatakot na baka paalisin ka niya sa paaralang ito?" Tanong nito.

"No" bat naman ako matatakot, kaya ko namang maghanap ng bagong mapapasukan kung sakali man. Doon sa paaralang mabait ang tagapag mana. Sa ibang paaralan kung saan maayos maki tungo sayo ang mga studyante. Hindi sa paaralang kayabangan ang pinapairal at daig pa mga low class na walang pinag aralan.

Natapos ang araw na iyon ng hindi maalis ang pagkakasalubong ng kilay ko. Pati pag uwi ko sa bahay ay nagtaka ang mga maids dahil bibihira lamang nila akong makita ng ganon.

Nako mukhang araw araw niyo na ako makikitang nakakunot ang noo at salubong ang kilay dahil sa pesteng Zyan na iyon.