webnovel

CHAPTER 3: THE BASEMENT

BAWAT parte ng bahay kung saan may mga bisita ay napuntahan na nina Rue at Alvin. Ngunit, hindi pa rin nila mahanap si Carl. Paulit-ulit na rin nilang tinatawagan ang cellphone nito ngunit, tanging voice mail lang ang sumasagot.

"Saan na ba kasi siya nagpunta? Nag-aalala na ako!" Pagod na napasandal si Rue sa may pader para sandaling magpahinga. Nararamdaman niyang umaakyat na sa binti niya ang sakit at pangangalay ng mga paa sa kalalakad.

"Rue, why don't we go back to the party and let Carl find us?" mayamaya'y suhistyon ni Alvin. Halatang pagod na rin ito sa paghahanap.

Nakataas ang kilay na napatingin si Rue sa kaibigan. Sa ganoong tingin pa lamang niya rito'y siguradong alam na ni Alvin na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"What I mean is... maybe he is looking for us too. At baka nagkakasalisihan tayo kaya hindi natin siya makita," paliwanag ng lalaki.

"I don't think so, Alvin. Hindi naman masyadong malaki ang lugar na 'to para hindi natin makita kaagad si Carl. Masama ang kutob ko rito. Baka may nangyari ng masama sa kanya."

Napakibit na lamang ng balikat si Alvin. Hindi na nito alam kung ano ang sasabihin para hindi na mag-alala pa si Rue.

Mayamaya pa'y napadako ang tingin ni Rue sa isang madilim na silid sa may gawing kaliwa nila. Wala itong pintuan at tila may hagdanan pababa roon.

"Is that a basement?" tanong niya kay Alvin at itinuro ang silid na iyon.

Kakaiba ang hatid na pakiramdam ng lugar na iyon para sa kanya, ngunit, hindi niya mawari kung bakit.

Her curiosity arises... Hanggang sa maramdaman niyang kusa nang humakbang ang kanyang mga paa patungo sa bahaging iyon ng pasilyo.

"Hey, Rue! Where are you going?" nagtatakang tanong ni Alvin. Mabilis itong sumunod sa kanya kahit alam niyang ayaw nito.

"Ahm... I feel something different in this place," aniya. Sandali siyang huminto sa tapat niyon at nakita nga ang mahabang hagdan pababa.

Halos wala siyang maaninag na kahit ano mula sa ibaba niyon dahil sa dilim. Gayunpaman, nagpasya pa rin siyang humakbang pababa. Mabibigat man ang kanyang bawat hakbang, pero hindi iyon naging dahilan para huminto siya. Sa halip, ay lalo pa siyang naglakas-loob na magpatuloy gamit lamang ang ilaw na nagmumula sa hawak na cellphone.

At ilang sandali lang ay narating na nga niya ang dulo nito.

Muli niyang iniikot ang paningin sa kabuoan ng lugar. Pansin niyang may maluwag at mahabang pasilyo pa rito't may ilang mga silid na nakasara. Napapa-isip tuloy siya kung gaano ba kalaki ang bahay na ito't gaano karami ang mga secret rooms?

Ngayon niya lubos na napagtanto ang kakaibang pakiramdam niya sa bahay na ito noong una pa lang niya itong makita. Oo. Isa itong luxurious house na mukhang rest house lamang ng pamilya ni Alicia. Moderno ang pagkakadesenyo't gawa sa makakapal na salamin ang mga pader sa kabuoan na tinernohan naman ng mga sementadong bato. Nagniningning ang bahay na ito sa gitna ng kapatagan na nalalatagan ng mga talahib. Ngunit, sa kabilang banda'y nakakapangilabot ito sa halip na kahangaan.

"Alvin, gaano mo kakilala si Alicia?" Basag niya sa pananahimik ng kaibigan nang tuluyan na rin itong makababa.

"Si Alicia? Well, I don't know her... at all! She's just a friend of Jessica came from nowhere and extended an invitation card for her birthday party. I find her cool one time we out to the bar. So, how can I say no? Besides, kakilala naman siya ni Jessica," paliwanag nito. "I'm just here to enjoy the party!"

"E, iyong Jessica... Paano mo siya nakilala? Hindi ko nabalitaang break na kayo ni Monica. So..."

Biglang natawa si Alvin at tinaasan siya ng kilay. "Wait. What? I don't know where your curiosity came from... But, kailan ka pa nagka-interes sa love life ko? I mean, why are you asking me such questions? Kung hindi lang dahil kay Carl, iisipin kong may gusto ka rin sa'kin. Lakas talaga ng magnetic charm ko pagdating sa mga babae! Makapit!"

"Mukha mo! Pinaglihi ka ba sa bagyo? Signal number 5 na kasi iyang kahanginan d'yan sa katawan mo, e!" Pagtataray niya. Kung may choice lang talaga siyang huwag itong kausapin buong gabi, ayus lang sa kanyang mapanisan ng laway.

"Ouch!" Pang-aasar pa rin nito sabay tawa ng malakas.

"Maghanap na nga tayo!" Naitirik niya ang mga mata't tinalikuran na ang kaibigan.

Mayamaya pa'y napansin niyang may isang pintuang nakabukas sa bandang dulo ng pasilyo. Patay-sindi ang ilaw sa loob niyon.

"Okay! Alright!" Muli nitong itinutok sa daan ang flashlight ng cellphone. Ngunit, bago iyon ay may napansin siyang kakaiba sa pader ng pasilyo. "Holy cow! This place is so weird!" bulalas ni Alvin.

Titig na titig ito sa mga nakasabit na paintings sa dingding ng pasilyo. Iniilawan nito ang bawat larawang madaraanan upang lubos iyong mapagmasdan.

Pulos patayan at brutal na pagkamatay ang mga nakapintang larawan sa lahat ng paintings na naroroon. Ang iba pa ay mukhang sariwang dugo ang ginamit na pangpinta sa halip na pintura.

"What? Why?" Mabilis na pumihit paharap si Rue at lumapit sa tabi ni Alvin. Sinipat din niya ang mga paintings na naroon.

Bigla siyang kinilabutan sa mga nakita. "This is not normal! May psycho kaya sa pamilya ni Alicia?"

"The hell I know? Kung mayro'n man... I bet, trespassing would cause us trouble. We should go back to the party now!"

"No!" mariin niyang pagtutol. "Nandito na tayo, e! Tsaka, wala naman tayong ibang gagawin. Hahanapin lang natin si Carl at kung wala... edi aalis din tayo kaagad."

Iiling-iling na lang na napakibit ng balikat si Alvin. Hindi naman ito mananalo kung makikipagtalo kay Rue kaya nanahimik na lang ito.

SA BAWAT paghakbang nila papalayo sa hagdan ay lalong tumitindi ang kabang nararamdaman ni Alvin. Ramdam na rin nito ang pagtatayuan ng kanyang mga balahibo. Tila nagyi-yelo ang pagtama ng hangin sa hubad nitong katawan. Tanging summer short lang kasi ang suot nito ng mga oras na iyon. Hindi na nito nagawa pang magsuot ng damit dahil sa gulong ginawa ni Jack kanina.

"I think, someone's out there!" Itinuro ni Rue ang isang silid sa may dulo ng pasilyo kung saan may patay-sinding ilaw.

Hindi na rin siya naghintay pa sa sagot ni Alvin at nagpatiuna ng pumasok doon.

Malawak ang loob niyon. Isa nga itong basement dahil sa dami ng lumang mga gamit na nakatambak dito. Bahagya rin silang nangangapa sa paglalakad dahil hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa patay-sinding ilaw. Masakit na rin iyon sa mga mata.

"Rue, ano bang gagawin natin dito? Let's go! There's no one here," pangungulit ni Alvin. Hindi na maitago ang takot na nararamdaman nito sa lugar na iyon. "Can't you see? Wala dito si Carl. Walang ibang tao rito!"

"Pero kas—" Hindi na natapos pa ni Rue ang sinasabi nang halos sabay silang napalingon ni Alvin nang may bigla silang marining na kaluskos. Ang simpleng kaluskos na iyon ay sobrang nakapagpakaba na sa kanila.

"Hello! May tao ba riyan? Sumagot kayo! Carl?" ani Rue. Bahagya silang tumigil upang pakiramdaman ang paligid. Ngunit, katahimikan muli ang namayani sa lugar.

"Rue!" Mayamaya lang ay binulaga siya ng malakas na sigaw ni Alvin mula sa kanyang likuran.

"Ahhhhhh!" Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapatili na lamang ng malakas sa pagkagulat nang biglang may umatakeng lalaki sa kaibigan niyang si Alvin.

Hindi niya makita ang mukha ng estranghero dahil sa madalas na pagpatay-sindi ng ilaw. Ang tanging napansin lang niya ay ang malaking katawan nito na nababalot ng makapal na itim na  jacket.

"Alvin! No!" Lalo pa siyang naalarma nang makitang napahandusay sa sahig ang kaibigan at mawalan ito ng malay dahil sa paghampas ng lalaki sa ulo nito ng isang baseball bat.

Nanginginig na napaatras si Rue nang mapansing sa kanya na ngayon nakatuon ang atensyon ng estranghero. Makailang ulit na rin siyang bumagsak sa sahig dahil sa pagbanga niya sa ilang mga gamit na naroroon. Ngunit, pilit pa rin siyang bumabangon.

Dahan-dahan lamang ang paglapit sa kanya ng estranghero—bagay na tila intensyon talaga nito para takutin siya ng husto. 

Hindi na niya magawang mag-isip pa ng diretso sa labis na takot. Tanging ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ang malinaw niyang naririnig ng mga sandaling iyon. Nanlalambot na siya sa takot lalo pa't ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Pilit niyang inaaninag ang gawi ng pinto ngunit hindi niya iyon makita.

Ilang sandali lang ay isang malakas na hiyaw ang biglang bumalot sa buong lugar. Ang hiyaw ni Rue sa dilim.

Tanging ang malaking lumang larawan na nakasabit sa dingding na lang ng isang lalaking nakasuot ng makapal na salamin sa mata ang huling nahagip ng kanyang paningin, bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Tila nakangiti ito sa kanya't may nais na ipahiwatig.

...to be continued